Share

Book II: Kabanata 4

Ashton

Nang imulat ko ang aking mata ay kadiliman ang agad na bumungad sa akin, pero hindi ito ang dahilan kung bakit ako napabangon sa aking kama. Kahit saan ako magpalinga-linga ay wala talaga akong maaninag.

"Nasaan ba ako? Tangina! Bakit sobrang init dito?" Tanong ko sa aking sarili habang dahan-dahang bumaba sa kama, sinubukan kong hanapin ang pintuan, kung saan-saan ko na ikinapa ang aking kamay, nagkandatalisod na ako pero hindi pa rin ako sumuko sa paghahanap sa may pintuan.

Sobrang init talaga sa loob ng kwarto, para akong ipinasok sa oven, hindi ko man makita ang sarili ko ay alam kong para na akong naliligo sa sobrang tagaktak ng pawis ko.

Halos limang minuto na siguro akong patuloy na naghahanap sa pintuan ng may makapa akong isang bagay na nakaumbok, parang ito na yata ang doorknob kaya naman sinubukan ko iyong pihitin. Napakunot-noo ako nang mapansing pumintig-pintig iyong bagay na hinawakan ko at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang i

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status