Share

Book IV: Kabanata 9

Ashton

Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone at napabuntong-hininga nang makitang alas-tres palang naman ng umaga, mahimbing pa ring natutulog si Zuck sa kama at humihilik pa ito, bagay na ipinagpasalamat ko, ayoko kasing isama ito sa pupuntahan ko ngayon. Napaka-importante sa akin ang araw na ito at hindi dapat ako ma-distract at magakamali sa mga plano ko.

Isinukbit ko sa aking balikat ang aking Dior pouch na naglalaman ng baril habang dahan-dahan naman akong naglalakad palabas sa aking kwarto, ayokong makalikha ng kahit na ano pang ingay dahil baka magising si Zuck.

Nang makalabas na ako sa bahay nina Mason ay agad akong nag-abang ng taxi. Halos kalahating oras na rin akong nakatayo lang sa labas ng bahay nina Mason hanggang sa may dumating na taxi, agad akong pumasok sa loob.

"Nima Local House Hotel, please." Sambit ko sa driver at tumango lang ito pagkatapos ay pinatakbo na ang sasakyan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na inisip

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status