Matapos ang hapunan, umalis sina Alex at Dorothy sa Maple Villa dahil kinailangan ni Alex na tulungan si Brittany para makakuha ng isang hundred-year-old na ginseng.Habang nasa biyahe, kumilos si Dorothy na parang isang mausisang sanggol.“Paano mo nakilala si Charles?”“Paanong nakatira ka sa Maple Villa?”“Pareho kayong sobra malapit sa isa’t isa!”"At, anong meron sa kotseng ito..."Nakangiting tanong ni Alex, "Sa totoo lang ay wala akong ideya kung paano kita sasagutin at binato mo ako ang maraming tanong sa isang bagsak. Sa katunayan, dahil ito kay Zoey. Nang kumakain si Zoey ng mountain hawthorn at bumara ito sa kanyang lalamunan, nandoon ako para tumulong at ilabas iyon."Nakasimangot na tanong ni Dorothy, "Iyon lang ba? At binigyan ka niya ng napakalaking villa bilang kapalit?"Sinabi ni Alex, “Uhmm... pansamantala lamang kaming naninirahan doon. Alam niyang wala kaming tirahan noong pinalayas ako ng iyong ina, kaya't hiniling niya sa amin na lumipat na doon."Walang
Ngumiti si Alex at sinabi, "Magtiyaga ka, siguradong na tutulungan kitang mabawi ang 10% share ng kumpanya at ang posisyon ng general manager."Sinabi ni Dorothy habang nagningning ang mga mata niya, "Hindi ko kailangan ang mga bagay na iyon. Kailangan ko lang makuha ang subsidiary company sa City South.""Sige!"Nang makita si Alex na nagtataglay ng talino at kumpiyansa sa paghawak ng mga bagay, unti-unting nawala ang kadilimang tumagal sa loob ni Dorothy nang halos kalahating taon.Naisip niyang dahil sa wakas ay nagising na si Brittany sa coma.Mabilis silang nakarating sa Assex Manor.Gayunpaman, tila mali ang kanilang paghusga.Hindi pumunta sina Anderson at Emma para humingi humingi ng tawad nang buong puso. Pagdating nina Dorothy at Alex sa entrance, naririnig nila ang mayabang na tinig ni Anderson. "Hoy Claire, dapat alam mong mula nang mamatay si Henry, komportable ang buhay ninyong mag-iina sa ganitong villa kasama ang isang katulong dahil sa kabutihang loob ng mga Ass
Sa sandaling marinig ni Madame Joanne ang panunuya niya, naisip niyang magmadalli pra pumunta doon at patayin si Alex gamit ang kanyang tungkod.Subalit, nakataya dito ang kabuhayan ng pamilya Assex. Kung kaya, agad niyang sinama ang kanyang panganay na anak na si Benny para pumunta kina Claire.Sa wakas ay nakarating sila sa manor pagkalipas ng dalawampung minuto.Pagpasok pa lang ni Madame Joanne sa bahay, umiyak si Emma at nagreklamo, “Lola, pinapahirapan kami ni Dorothy at ng kanyang basurang asawa! Naiinggit sila sa kaunlaran ng ating pamilya at gusto itong sirain! Hindi lang ako sinampal ng bastardong iyon pati si Dad din! Napakabagsik niya!"Nang matapos magreklamo si Emma, sinampal siya ulit ni Alex sa kanyang magandang mukha bago pa magbigay ng anumang opinyon si Madame Joanne."Emma Assex, walang karapatan ang isang babaeng kagaya mo na insultuhin ako, si Alex Rockefeller," walang pakialam na sinabi ni Alex matapos na sampalin si Emma. "Pwede akong sermunan ng ina at a
"Ano? Gusto mo ng 100% shares? No way, 70% ang maximum.”"Deal.""Ikaw…?"Nakangiting sinabi ni Alex, “Lola, ipapakita sa iyo ang kontrata sa Waylon Realty bukas ng tanghali. Pakiihanda rin ang equity contract ng subsidiary company sa City South din. Deal ito. Paalam, Lola. Hindi kita ihahatid."Pagkaalis sa villa, malakas na humagulgol si Madame Joanne habang hinahampas ang dibdib niya at pumapadyak. “Walang hiya! Napaka walang hiya niya! Anong nagawa ng mga Assex para maranasan ito!"Samantala, sa loob ng villa, nakakunot na tanong ni Madame Claire, “Nababaliw ka ba, Dorothy? Paano mo maikukumpara ang 70% shares ng subsidiary company sa City South at ang 10% share sa Assex Constructions? Ang laki ng pagkakaiba. At saka, mas mahalaga ang posisyon ng general manager sa headquarters. Nawawala sa iyo ang grand prize habang kinukuha mo ang maliit na bagay.”Umiling si Dorothy at sinabi, "Mom, hindi madaling maging general manager sa headquarter. May CEO at deputy CEO, puppet lang a
Binaba ni Alex ang makinis at malambot na mga paa ni Claire at sinabi, “May kailangan akong sagutin na tawag.”Sumigaw si Claire, “Bakit nagmamadali ka? Tawag lang naman ‘yan! Hindi pa tapos ‘yong isang paa! At saka, ang galing-galing mong magmasahe.”Tumalikod si Alex nang may naiinis na itsura. “Maghuhugas muna ako ng paa.”Sa sandaling sagutin niya ang tawag, nagtanong si Cheryl, “Alex, nakuha mo na ba ang hundred-year-old ginseng?”Napabuntong-hininga si Alex at sumagot, “Isa talaga ‘yong pambihirang bagay. Hindi ako makakita no’n kahit na maghanap ako sa maraming lugar.”Nakangiting sinabi ni Cheryl, “Sabi na, eh. May nakuha akong isa para sa ‘yo.”“Oh! Seryoso ba?”“Oo, nagkataon na nakita ko ‘to at agad na binili.”“Nasaan ka na ngayon? Pupunta ako.”“Sige, ipapadala ko sa ‘yo ‘yong address.”Pagkatapos ng tawag ni Alex, nakita niya si Claire na may isang paa na nakapatong sa mesa, pinapahiwatig na gusto siya nitong magpatuloy sa masahe. Agad na sinabi ni Alex, “Dorothy, nay, ka
“Ahhh--”Dahil sa gulat, napasigaw si Cheryl at nakalimutan pang iwasan ang pamalo.Agad na niyakap ni Alex si Cheryl at tiniis ang atake gamit ang kaniyang likuran. Halos sa isang iglap ay naramdaman niya ang malakas na hampas sa likod niya.Bang! Bang! Bang!Tatlong magkakasunod na hampas ang tumama.Hindi lang isang lalaki ang sumubok na atakihin sila ngunit pati na rin ang dalawang lalaki, nang buong lakas.Nang walang pag-aatubili, nagpatuloy silang hampasin siya gamit ang mga kahoy na pamalo.Sa wakas ay nagising na si Cheryl at napagtanto na pinoprotektahan siya ni Alex, habang siya naman ang magtitiis sa mga atake. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at bumubuhos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata noong marinig niya ang malalakas na tunog ng paghampas ng mga pamalo sa likod ni Alex. Gayunpaman, noong tumingala siya, nakita niya ang kalmado at determinadong itsura sa mga mata ni Alex.Sa sandaling ‘yon, ang imahe ng mukha ni Alex ay tumatak sa kaniyang isipan.Snap!Ang isa s
Ang pinuno ay may matigas na ulo.Tumingin siya nang masama kay Alex at tumangging magsalita.Pinitik ni Alex ang kaniyang daliri. “Sige. Tingnan natin kung gaano katigas ang ulo mo. Kung kaya mong magtagal ng isang minuto, pakakawalan ko na kayo.”Nang mapuno ng pagtataka ang mga mata ng pinuno, tinulak ni Alex ang kaniyang daliri sa kilay nito.Ito ay mayroong isang kakaibang aura.Sa sumunod na segundo, ang pinuno ay napangiwi sa takot at pinagpawisan nang matindi.Isang nakasisindak na sigaw ang lumabas mula sa kaniyang lalamunan, na para bang nakatapat na niya ang pinakamalalang paghihirap at dalamhati ng kaniyang buhay.Noong masaksihan ni Cheryl ang ganoong eksena, siya ay natuliro at hindi nagawang maintindihan ang sitwasyon.Hindi man lang sa isang minuto—tatlong segundo lang—ang pinuno ay napabagsak sa lupa at sumuko. “Magsasalita na ako! Ahhh! Sasabihin ko ang kahit ano! Nagmamakaawa ako sa ‘yo, itigil mo na! Pakiusap ‘wag mo akong patayin!”Nanlaki ang mga mata ni Cheryl sa
“Alex, sa tingin mo ba ay makukuha natin ang shares ng subsidiary company sa City South nang walang sagabal?” Ang puso ni Dorothy ay puno ng nakakatakot na pananabik.Habang tinatapik ang briefcase, na dala-dala niya, sinabi ni Alex, “‘Wag kang mag-alala, nangangako ako.”Ang kontrata na pinirmahan ni Waylon Realty kanina ay nakalagay sa loob ng briefcase.Ngumisi hanggang tainga si Dorothy habang ang maganda niyang mga mata ay nakabukas nang bahagya.Sa sandaling ‘yon, si Alex ay bahagyang natuliro.Dahil, matagal na simula noong maglabas si Dorothy ng ganoong masayang pagtawa sa harap niya.Bigla siyang lumapit. Pagkatapos umabot upang hawakan ang kamay ni Dorothy, sinabi niya, “Dorothy, salamat sa lahat ng suporta mo nitong mga nakaraan. Mula sa araw na ‘to, hinding-hindi na kita bibigyan ng mabigat na responsibilidad nang mag-isa. Tutulungan kitang buhatin ‘to para hindi ka na maghirap pa.”Noong maramdaman ni Dorothy ang katapatan sa hawak ni Alex, napuno siya ng lungkot at ninais