Ang tumayo sa harap ng maraming tao ay siguradong nakapagbibigay nang kakaibang pakiramdam. Minsa'y takot o kaya nama'y galak. Pero ang pinakamadalas, ay ang kaba. Dahil sa isang mali mo lang, marami ang makakakita. Marami anh makakaalam. Marami ang manghuhusga.
Magdadalawang Linggo na simula noong kantahan ko si Arila. Noong bumalik ako pagkatapos ng araw na iyon, masasabi kong may nagbago. Hindi tulad nang iniisip ko na iiwasan o lalayuan niya ako. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag nang hindi iyon nangyari. Ang totoo ay mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang kakaiba nga, e.
Narinig kong nagpalakpakan ang ilan sa mga tao rito sa loob ng coffee shop nang matapos sabihin ni Arila ang huling mga salita sa kaniyang tula.
Nalaman kong isa pala siyang spoken word artist. May grupo sila na nagtatanghal sa California. Iba-iba raw sila ng schedule depende kung sino ang pwede. Naitanong ko kasi kaniya kung nasubukan na niya dahil gusto kong masubukan.
"O, ikaw na." Hinampas niya ako ng mahina sa balikat.
"Ayoko na pala. Kakanta na lang ako," sabi ko sabay tumawa.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Ilang araw kitang pinagkabisa tapos aayaw ka lang?! Naman, e! Dali na!" Pilit niya na parang kapag hindi ako pumayag ay magpapapadyak na siya na parang bata.
"Ayaw. Sa susunod na lang. Saka kakanta na lang ako. Mas madali pala 'yon."
Inirapan niya ako sabay sabing, "whatever," pagkasabi niya noon ay padabog na umupo siya.
"Ano nga palang balak mo buong summer? Wala ba kayong outing o anuman?" Uminom siya sa tasang hawak niya na may lamang kape.
"Wala. Nasa ibang bansa sila mama. Pero baka sila Zach, meron."
Napahinto siya sa sinabi ko kaya naman tinanong ko siya kung bakit.
"Um si... nah, never mind. Gusto mo bang sumama? May pupuntahan kasi akong beach somewhere in Aurora. Baka gusto mong sumama? Wala rin kasi akong kasama. Pero kung gusto mo lang naman."
Napaisip ako sa alok niya. Wala naman akong masyadong ginagawa at pwede naman akong magpaalam sa office. Isa pa, matagal-tagal na rin simula noong huli akong makaputa sa beach.
"Okay."
"Okay? Anong okay?" Tumingin siya sa akin na parang may contest at ako ang emcee na magsasabi ng winner. Titig na titig, e.
"Okay. Sasama ako."
"Talaga?!" hindi makapaniwalang sabi niya.
Tumango lang ako. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo sa kinauupuan niya sabay hatak sa akin patayo.
"Tara na!"
"Eh?"
"Maghanda ka na ng damit mo. Aalis na tayo!"
"Agad, agad?"
"Oo. Sayang ang oras 'no! Tara na!"
Hindi niya na ako hinayaang makapagreklamo dahil muli niya na akong hinatak palabas sa coffee shop at lumapit sa motor ko. Kinuha niya agad 'yung helmet na binili ko nung nakaraang Linggo saka isinuot.
Binilan ko na siya kasi gusto niya raw sumama sa pagde-deliver ko. Sabi ko baka umitim siya. Ayaw pa naman ng mga babae sa araw. Kala mo 'yung iba masusunog pag nasikatan ng araw e. Hindi naman daw lahat, depensa niya. Siya kasi gusto magpa-tan.
Ano pa nga ba? Syempre galing siyang western country, natural na sa kanila ang maputi.
Iniabot niya sa akin 'yung helmet ko. "O, dali na!"
Napailing na lang ako sa inakto niya. Ang kulit din minsan.
Gan'to ba siya ka-excited?
Wala na akong nagawa kaya sinuot ko na rin ang aking helmet at sumakay na lang sa motor saka ito pinaandar nang makasakay siya.
***
Nang makarating kami sa bahay nila Tito Dan, nakita namin sila sa may sala at nanood ng TV. Narinig ata nila 'yung pinto na tumunog kaya napatingin sila sa direksyon ko—namin. Lalong-lalo na kay Arila. Humarap sa akin si tito na may pagtataka sa mukha at may tinging nagtatanong kung sino 'yung kasama ko. Tumayo siya at ganoon na rin si tita dahil sa bisita.
"Tito, tita, si Arila po pala. Arila si Tito Dan at Tita Lyn."
"Hello po!" ngumiti sila tita at lumapit kay arila at nakipag-kamay.
Sinabi ko kila tito na aalis nga kami. Medyo alangan pa nga ata sila at medyo kakaiba kung tumingin sa akin. Sa huli, pumayag naman sila. Sabi pa nila ay malaki na raw ako at alam ko na ang ginagawa ko. Pero hindi pa rin maalis iyong tingin nila na parang nagsasabing 'Magtino ka. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo. Malaki ka na'.
Pagkatapos kausapin sila tito ay umakyat na kami sa kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay mas nauna pa siyang pumasok. Napahinto siya nang makitang magulo ang buong kwarto ko. Napapilatak na lang ako.
"Puchi!"
Pagkatawag ko ay agad naman siyang lumabas mula sa ilalim ng kama ko. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya.
"Hey, baby girl. Ginulo mo na naman ang kwarto ko." Nakatingin lang siya sa akin habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo. Ilang saglit pa ay nagpumiglas na siya para bumaba. Pagkalapag ko ay dali-dali siyang lumapit kay Arila, na tumakbo naman at umakyat sa kama ko. Muntik pang madapa dahil sa mga damit na ikinalat ni Puchi.
Kumunot naman ang ulo ko. "Takot ka sa aso?"
"Oo."
"Bakit?"
"E, baka mangagat sila. Ang dami kayang injection no'n!"
"Hindi 'yan. Tara upo ka."
"E. Hawakan mo muna 'yang aso mo."
"Hindi nga 'yan," sabi ko pero binuhat pa rin si Puchi. Nang umupo siya sa gilid ng kama ko ay naupo ako sa sahig sa tapat niya.
"O, hawakan mo."
"Baka kagatin ako."
"Hindi nga yan." Tiningnan niya ako na parang nagsasabi ng 'really?'.
Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa ulo ni Puchi. Nang makalipas ang ilang minuto, hinahagod pa rin niya ang ulo nito.
Inilapag ko sa hita niya si Puchi. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa akin. Hindi malaman ang gagawin dahol nasa hita siya si Puchi. Parang gusto noyang sumigaw pero kapag ginawa niya ay baka makagat siya kaya tumahimik na siya
"'Wag ka mag-alala, 'di naman 'yan nangangagat. Saka mag-aayos pa ko ng gamit 'di ba?"
Hindi niya malaman kung tatango ba siya o iiling. Sa huli tumango na lang siya at ipinagpatuloy ang paghagod sa ulo ng aso na nananahimik naman sa lap niya.
Si Puchi ay isang shih tzu na ibinigay bilang regalo ng kapatid ko. Para raw kahit papaano ay may kasama ako sa bahay at para rin may bantay ang bahay kapag wala ako.
Niligpit ko lang sandali ang mga gamit na kinalat ni Puchi sa kwarto ko at saka kumuha ng damit sa closet.
Pagkatapos kong kumuha ng damit ay napatingin ako sa kanila. Nakatulog na si Puchi sa hita ni Arila at si Arila naman ay nakangiting nakatingin sa aso ko habang hinahaplos ang likod nito.
Napangiti ako at saka kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Binuksan ko ito at binuksan ang camera. Kinuhaan ko sila ng mga litrato bago ko muling ibalik ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Gusto mo bang isama natin si Puchi?" tanong ko sa kaniya.
"Okay lang. Pwede ba?"
"Oo naman, tara na?" binuhat ko ang aking bag at sinukbit sa aking likod.
"E, paano 'to?" tanong niya sabay turo kay Puchi na natutulog sa mga hita niya.
"Buhatin mo."
"Baka mapirat s'ya."
"Hindi 'yan. Isipin mo lang na baby siya. Baby natin, ganoon." Tumaas ang isang kilay niya.
Napatawa ako nang irapan niya ako.
"Tara na kasi, kaya mo ‘yan."
Sinimulan niyang hawakan sa katawan ito. Inayos ko ang pagkakahawaw niya kaya naman nagising si Puchi.
Kumuha lang ako ng ilang gamit ni Puchi at saka pagkain niya at saka bumaba. Nagpaalam kami ulit kila tito at dumiretso naman sa bahay niya para makakuha rin siya ng kaniyang gamit.
Pagkarating ay ibinaba muna niya sandali si Puchi, kaso sumunod ito sa kaniya. Habang nag-aantay ako sa labas, tumawag na ako sa post office at sinabing magbabakasyon lang ako. Agad namang pumayag ang boss ko tutal medyo kaunti na lang ang dini-deliver nitong mga nakaraang araw.
Pinasok ko na rin ang motor ko sa grahe ng bahay ni Arila. Inihanda ko na rin ang kotse niya na gagamitin namin. Tiningnan kung nasa maayos ba itong kundisyon at saka pumasok sa loob ng bahay ni Arila para tulungan siyang magbuhat ng mga gamit niya.
Inilagay ko ang mga gamit sa likod ng kotse. Pinauna kong pumasok si Arila sa passenger seat para maayos ko si Puchi sa lap niya.
"You're good?" tanong ko kung komportable na ba siya sa pwesto niya. Nag-thumbs up lang siya saka ngumiti. Umikot ako sa kabila sa driver's seat. Nang maayos na ang lahat ay pinaandar ko na ang kotse.
At last.To all the readers, thank you for reading and spending coins for this. It was short like how Arila and Zyle's time was, but I give my best and I really hope you appreciate it.I hope if you're afraid to do something now, face that fear. We don't know how short our life could be so do it. Don't be afraid so that you don't have to live with regrets and what ifs later.
“Zyle!” Napangiti ako ng makita siyang nakaupo sa kama ng nakangiti. Nakakumot siyang puti at mayroong sidetable na may iilang prutas at gamot sa gilid.Inilahad niya ang kaniyang mga lamay, parang nanghihingi ng yakap. Napapailing na lumapit ako sa kaniya.“Welcome back.”Hinampas niya ang likod ko kaya napatawa ako. “Kamusta naman ang sleeping beauty namin?”“Gago!” natawa ako ng batuhin niya ako ng unan.“Pero hindi nga, ayos ka lang?”“Oo naman. Sabi ng doctor dito muna ako para sa mga test. Saka para rin mamonitor muna ako. Takte, apat na taon rin akong tulog, ano. Para ngang hindi ko na alam maglakad.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya.Kakagising niya lang from coma last week pero mukhang okat naman siya.Naupo ako sa upuan malapit sa kaniya.“Zyle, kamusta ka na?”“I guess I’m okay.” Napatango-tango siya.Pareho kaming natahimik. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya. Pero pagkalipas ng ilang sandal ay tumikhim siya.“Balita ko ikakasal ka na?”Tuma
Maingay ang paligid ngunit hinayaan ko lang ito. May kaniya-kaniyang usapan ang ilan habang ang iba naman ay tahimik lang na nag-iintay sa pila."Pwede pong magpa-picture?" kinikilig na sabi ng dalagita sa aking harap.Ngumiti ako saka tumayo mula sa aking kinauupuan. "Sure."Lumapit sa aking ang dalaga hawak ang ilang libro na pinapirmahan niya lang kani-kanina. Iniabot niya ang kaniyang phone sa isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Humarap kami roon saka sabay na ngumiti."Thank you po!" masiglang sabi niya."Salamat rin sa pagtangkilik ng libro ko."Nang umalis siya ay naupo na ako sa upuan ko kanina at ngumiti sa nasa harapan ko na may dala ulit na libro."Hi, Kuya Z!""Hello!" bati ko habang pinipirmahan ang librong dala niya."Paborito ko po talaga 'yang Summer Escape! Grabe, hindi ko ine-expect 'yung ending! Pero I'm happy po. At least April and Kyle had their own happy ending po..."Ngumiti lang ako sa kaniya.Hindi ko na mabilang ang libro na napirmahan ko. Nakakap
"Terrence?" Tumingin ito sa akin ng kunot ang noo."Zyle, remember? Kaibigan ni C. Nagkita na tayo noon sa resort ng kaibigan namin." Saka lang bumakas sa mukha niyang naaalala niya ako."Yeah. I remember."That was our first conversation after not seeing each other for a year. But who would have thought we will be friends after?Naabutan ko siya sa harap ng kaniyang locker. Binuksan ko ang katabing locker nito saka inilagay ang mga librong sa awa ng Diyos ay hindi ko na gagamitin."You too still have art app next sem?"Tumango lang ako. "Let's get the same sched.""Sure," then he smiled playfully. Napailing na naman ako."Are you setting me up again with Cassie?" I asked him as we both close our lockers.As if on cue, I heard the familiar voice making us turn to our left. "Hi, Rencey!"Lumapit ito kay Terrence at kumapit sa baraso niya. Kung hindi ko alam na magkapatid ang turingan nila, iisipin ko talagang childhood sweetheart sila, e."Morning, Cassie. Won't you greet my friend?" I
I was holding a bouquet again. I just wanted to apologize to Arila for pushing here to something I am well aware that she’s afraid of. I shouldn’t leave her. I should’ve stayed.Nang makapasok ay hinanap ko siya sa sala pero wala siya. Dumiresto ako sa kusina kasi magtatanghali na. Baka nagluluto lang siya. But still, the kitchen looked untouched.Baka busy na naman siya sa manuscript niya. Umakyat ako sa kwarto ng dahan-dahan, para surpresahin sana siya pero wala akong nakita ni anino niya. Wala akong ingay na marinig. Tahimik lang ang paligid. Hanggang sa marinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. It suddenly felt wrong.“Arila?” tawag ko. Baka kasi nagtatago na naman siya. One time kasi tinaguan niya ako. Hindi ko rin talaga maisip ‘yung trip niya pero kahit ganoon, mahal ko ‘yon.Naglakad ako patungo sa CR sa kwarto niya. Wala ring tao. Napalunok ako saka tiningnan ang ilalim ng kama.“Arila, it’s not funny anymore. Come here I have something for you.” Pero walang Aril ana lumaba
Nakangiti ako habang dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak. The summer sun still shines brightly. Summer was about to end but I couldn’t think of anything that might go wrong. Everything just happened smoothly.But I was so dumb that time to even assume that everything’s fine. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at saka binuksan ang pinto. Nakahanda na ang ngiti ko at itinago pa ang bulaklak sa likod ko. I hope she’ll like it. Perong parang tinakasan ako ng pagkatao ko nang makita ko si Arila na nakahandusay sa sahig malapit sa hagdan, habang hinahampas ang kaniyang ulo.Tangina! Nahulog ba siya sa hagdan?!“Stupid! Stupid! You’re so stupid!” sabi niya saka patuloy pa rin sa pananakit sa sarili.“Arila!” Agad kong nabitawan ang hawak na bulaklak saka dumiretso sa kaniya. Hinawi ko ang buhok niya at nabasag ang puso ko ng makita siyang umiiyak. Puno ng luha at pawis ang kaniyang mukha. Dumidikit tuloy ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa mukha niya. Nanlambot ako sa itsura niya.Kinul