LOGINHe was cold, ruthless and untouchable. Everyone is scared of him, to his power. Ahashi Silvein is the man who controlled everything…his empire, his emotions,his future and did not let anyone dictate his life. Until one mistake shattered everything Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang masakit na salita at nagbago ang lahat. A marriage neither of them wanted And a cruel sentence that shattered her last hope and love in her heart. After years of loving the man who cannot see her worth and could never love her back, Ashryuin decided to leave him silently and rebuild herself Carrying with her is the secret heir he never knew existed.
View MoreNagising ako sa amoy ng disinfectant, unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit agad rin akong napapikit nang masilaw ako mula sa matinding liwanag
Nasaan ako?
Nang muli kong buksan ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at ang mahihinang tunog ng mga makina sa paligid.
“Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sambit ng isang babaeng nakasuot ng isang puting coat.
“Nasaan ako?” tanong ko at dahan-dahang umupo.
Nakakabit pa sa aking kamay ang isang swero, kumikirot-kirot pa ito nang umupo ako.
Lumapit siya sa akin at inalalayan, “Nandito ka sa hospital. May babaeng nagdala sayo dito matapos mong mawalan ng malay.”
Napakunot naman ang noo ko at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.
Maya-maya pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Sa tantya ko ay nasa mid-50s na ang kaniyang edad.
“Mabuti naman gising kana? Kumusta pakiramdam mo, ihja?” tanong niya.
Napangiti naman ako,”Okay na po.”
Muling lumapit sa akin ang doctor at may iniabot na papel, “Congratulations, ma’am.” Natigilan ako sa sinabi niya.
“Ha?” wala sa sarili kong tanong
“You are 8 weeks pregnant,” nakangiti niyang wika na nagpahinto sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa aking narinig.
‘Buntis ako’
“Okay ka lang ba?” tanong ng matandang babae at hinaplos ang likod ko, “Bakit parang hindi ka masaya?” tanong pa niya.
“N-Nagulat lang po ako,” sagot ko habang nangingilid ang aking mga luha.
“Sigurado po ba kayo?” naninigurado kong tanong. “Baka nagkakamali po kayo?” dagdag ko pa
“We already confirmed it, ma’am.” Napalunok ako sa aking narinig.
‘Buntis ako, magkaka-anak na kami ni Ahashi.’
Agad kong hinawakan ang tiyan kong wala pang umbok at wala sa sariling napangiti.
Parang lahat ng sakit na dala-dala ko ay unting nawala dahil sa aking nalaman.
Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba.
Paano kung hindi niya tanggapin ang dinadala ko?
Paano kung ito ang maging dahilan para iwanan niya ako.
“Ihja?” Napabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ng matandang babae.
Pilit akong ngumiti at hinawakan ang mga kamay niya, “Salamat po sa pagtulong niyo sa akin.”
“Ano ka ba ihja, wala yun.” Nakangiti niyang sagot. “Inayos ko na lahat ng papel mo, pwede ka na rin makalabas ngayon.”
Umuwi?
Oo nga pala, ngayon ang anibersaryo ng kasal namin ni Ahashi. Lumabas lang ako para sana mamili ng mga lulutuin.
“Ma’am, nasaan po ang asawa niyo? Susunduin po ba kayo dito?” Napatigil naman ako sa tanong ng doctor.
“A-Ahh nasa trabaho po siya ngayon, pupuntahan ko nalang po siya.” Nahihiya kong sagot.
Kahit siguro maaksidente ako ay trabaho pa rin ang uunahin ng taong iyon.
Napangiti nalang ako ng mapait sa naisip ko. Kinuha ko ang mga damit ko at agad na nagpalit.
Nagpasalamat ulit ako sa babaeng tumulong sa akin bago pumara ng taxi papunta sa kompanya ni Ahashi.
Kailangan ko siyang puntahan
Habang nakasakay ako sa taxi hindi ko maiwasang kabahan.
Paano kung hindi pa siya handa?
Paano kung isipin niyang hindi sa kaniya ang dinadala ko?
I bit my lower lip and looked down at my belly.
“Okay ka lang ba ihja? Parang namumutla ka?” tanong ng driver sa akin at tumingin sa salamin.
Pilit akong ngumiti at tumango, “Okay lang po, kinakabahan lang po ako,” sagot ko.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare kapag nalaman na niyang buntis ako.
I looked at the window watching the buildings we passed by. Parang ito na yata ang pinakamatagal na byaheng naranasan ko.
Pagkababa ko ng taxi ay tiningala ko ang mataas na building ng company ni Ahashi.
Ilang beses palang akong nakapunta dito. Ayaw rin kasi niyang dinadalahan ko siya ng pagkain o magpakita ako sa office niya.
I took a deep breath bago tuluyang pumasok sa loob. Luckily kilala ako ng guard kaya hindi na ako nahirapang makapasok.
Ilang taon na kaming kasal pero iilan lang ang nakakakilala sa akin dito sa kompanya niya.. Isa na doon ang secretary at guard ng building.
Agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang opisina niya.
‘Kaya mo ‘yan.’ wika ko sa aking sarili.
‘Paano kung gusto niyang ipalaglag ang batang dala ko?’ Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa ideyang iyon.
Hindi naman siguro…
Inipon ko lahat ng tapang ko sa katawan at lumabas ng elevator. Agad naman akong nakita ng secretary ni Ahashi, akmang tatawag siya sa office ni Ahashi ng sensyasan ko siyang huwag tumawag.
Gusto ko siyang sorpresahin.
Habang papalapit ako sa office ni Ahashi ay bumibigat ang mga hakbang ko.
Napahawak ako sa aking dibdib ng gumapang ang kakaibang kaba sa aking dibdib, para akong sinasakal at hindi makahinga ng maayos dahil sa nerbyos.
Parang may hindi magandang mangyayare.
Napalunok ako ng ilang beses at parang ayaw nang tumuloy maglakad ng paa ko.
Wag na kaya akong tumuloy? Hintayin ko nalang siya sa bahay.
Huminga ako ng malalim at pilit hinila ang katawan ko palapit sa office ni Ahashi.
Napahinto ako ng makitang naka-awang ang pintuan ng office niya.
Nanginginig kong inabot ang doorknob, akmang itutulak ko na ito nang marinig ko ang boses niya na may kausap.
“Don’t tell me hindi ka nahulog sa kaniya?” Napahinto ako at sandaling nakinig.
‘Ako ba ang pinag-uusapan nila?’
Parang may mga dagang nagtatakbuhan sa aking dibdib habang hinihintay ang sagot ni Ahashi.
“Tss, kung hindi sa force marriage na iyon ay hindi ko tatapunan ng tingin ang babaeng iyon.” Malamig na turan ni Ahashi.
Para akong tinakasan ng kaluluwa sa narinig ko.
“So? Si Kiara pa rin ang mahal mo?” Nanuyo ang aking lalamunan sa aking narinig
‘Si Kiara pa rin ang mahal mo?’
Umalingawngaw sa aking pandinig ang mga salitang iyon. Parang may libo-libong karayom na tumutusok sa aking dibdib.
‘Siya pa rin pala ang gusto niya’ tumingala ako upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang mahulog mula sa aking mata.
“Hindi naman nagbago iyon.” mapait akong napangiti sa aking narinig.
Ano nga naman ang panama ko sa first love niya.
“Sooner or later, papakasalan ko siya…no matter what happens.” Tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa aking narinig.
Hindi…
‘Hindi yun ang ibig niyang sabihin’ sinubukan kong ihinto ang nanginginig kong mga kamay.
Namali lang siguro ako ng narinig’ napatawa nalang ako ng mapait'
All this time ako lang pala ang nagmamahal.
“Gago ka pre, paano naman si Ryuin.” Hinawakan ko ang aking bibig upang pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking bibig.
“I don’t care about her, she’s the one who ruined my life.” Malamig na turan niya.
Tila huminto ang oras sa aking paligid nang marinig ang mga salitang iyon. Napayakap nalang ako sa aking tuhod at napaiyak ng mahina.
‘Kung alam ko lang, sana hindi na ako umasa.’
“Kung hindi dahil sa kaniya ay baka mayroon na kaming masayang pamilya ni Kiara.”
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Wala akong marinig na ingay mula sa paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga katagang sinabi niya.
Pinunasan ko ng madiin ang luha ko at muling sumulyap sa kaniyang opisina.
‘Bakit parang kasalanan ko ang lahat?’
Napailing nalang ako ng mapait at humawak sa tyan ko.
‘Hindi ko na alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya…mukhang wala na rin namang saysay.’
“Hindi naman niya kasalanan na,” hindi ko na tinapos pakinggan ang pinag-uusapan nila.
“Everyday I spent with her is like a torture!” Narinig kong sigaw niya na mas lalong nagpabigat sa aking dibdib.
Mabigat ang mga paa kong umalis sa lugar na iyon.
Napatawa ako ng mapait.
Para akong sinasaksak ng maliliit na karayom.
Torture...
Ganito pala niya ilarawan ang dalawang taon naming pagsasama.
“Ma’am?” Hindi ko na pinansin ang sekretarya niya at patuloy na naglakad.
Wala ako sa sariling lumabas ng building, hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga taong nakakasalubong ko.
“Miss magpapakamatay ka ba? Kung oo, wag mo akong idamay!” Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang galit na sigaw ng driver.
Tsaka ko lang napansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada.
“S-Sorry po,” nauutal kong wika at agad na tumabi.
‘Paano na ang anak ko?’
‘Hindi ko kayang marinig mula sa kaniya na ayaw rin niya sa batang ‘to’
Namalayan ko nalang ang aking sarili na nakatayo sa isang lumang parke. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa isang swing.
‘She ruined my life’
Muli akong napaluha ng marinig ang mga katagang iyon.
Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari.
Kung alam ko lang na gano’n ang mangyayari ay sana hindi na ako pumunta sa lugar na iyon.
Pero bakit ako ang sinisisi niya? Biktima lang din naman ako.
Baka hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin. Baka kaya lang ako nagkakaganito kasi buntis ako.
Diba sensitive ang mga buntis?
Tama
Baka hindi ko lang naintindihan ang mga sinabi niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit pinakalma ang sarili ko. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay.
Mahal niya ako, kasi kung hindi. Hindi kami aabot sa ikalawang anibersaryo ng kasal namin.
Malamig man ang pakikitungo niya sa akin, ay palagi naman siyang umuuwi. Sa kabila ng lahat ay nagtatabi rin kami sa aming kama.
Kaya imposibleng hindi niya ako mahal.
'Torture' napalunok ako ng maalala ang mga salitang iyon.
Baka nasabi lang niya ang salitang iyon dahil sa inis.
Naalala ko nang minsan atakihin ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko inaasahang uuwi siya ng malamang nahihirapan akong huminga.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang dumating at nagmamadali akong binuhat papunta sa hospital.
"Ryuin! Hold on," bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang hawak niya ang isang kamay ko at ang isa naman ay nasa manubela.
Pagdating namin ng hospital ay nagmamadali siyang ipinatawag lahat ng doctor.
"Do something if you don't want to lose your job!" Huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako kinabukasan sa amoy ng disinfectant, akmang uupo ako ng mapansin kong may nakahawak sa aking kamay.
Nang lingunin ko iyon ay napangiti na lamang ako ng makita si Ahashi na nakatulog sa aking tabi habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
Marahan kong idinuyan ang aking sarili habang nakatingin sa malayo. Dumadampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin ngunit hindi ko ito inalintana.
Paano ako maniniwalang hindi niya ako mahal kung gano'n ako kahalaga sa kaniya?
Sa halip na gumaan ang aking paramdan ay mas lalo pa itong bumibigat. Para akong nakatali sa hindi ko maintindihang paraan.
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang binitiwan niya.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan at pilit na ngumiti.
Hindi ko gustong lumaki ang anak ko at isiping bunga lang siya ng isang pagkakamali.
Hindi ko iyon kaya.
Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga naiisip.
Pinikit ko ang aking mga mata at ngumiti.
Hindi maaring tama ang mga narinig ko, siguro mali lang ang pagkakaintindi ko.
Dahil kung totoo man ang narinig ko, paniguradong madudurog ang puso ko.
Hindi ko alam paano ko haharapin ang mga bagay. Humihinga pa naman ako pero pakiramdam ko ay wala na ang kaluluwa ko sa katawan ko.Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto ko. Naisip ko rin na tumakas nalang pero hindi ko alam paano ako lalabas sa sitwasyon ko ngayon.Sana binabangungot na lang ko, yung tipong pag gising ko ay okay na lahat.“Miss Ashryuin hinihintay na po kayo sa baba.” Napaigtad ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.Tumango nalang ako at muling humarap sa bintana ko.Akala ko ay bibigyan muna ako ng pagkakataong makahinga matapos ang mga nangyari.Pero mukhang hindi iyon mangyayari.Dahil ilang araw na lang… ikakasal na ako sa taong hindi ko naman mahal.“Hello ma’am, ang ganda niyo naman po.” Pilit akong napangiti ng batiin ako ng mga magsusukat ng gown na gagamitin ko.“Start na po tayo ma’am ah.” Tumango nalang ako at hinayaan silang gawin ang mga kailangan nila.“Waist…23…” Hindi ko alam kung sadyang mabagal ba o mabil
Hindi na ako sumagot, tahimik akong tumalikod at lumabas ng kwarto. Nakita ko nalang ang sarili kong nakasakay sa kotse ko pero hindi pa rin pinapapandar ito.Hinampas ko ng malakas ang manubela para makapaglabas ng inis. Tumunog ang busina nito, ngunit sadyang wala akong pakialam.I really hate how he controls my life. I have my own life and decisions but it’s as if my own choices never mattered . Why does he need to interfere?Pinaandar ko ang kotse ko at nagdrive pauwi ng mansyon ko. Pagdating ko sa sala ay naalala kong nagmessage nga pala si Kiara.Naaawa na ako sa girlfriend ko, naiipit at nahihirapan na siya sa sitwasyon ko. Kung hindi lang sana nangingialam si lolo ay matagal ko na siyang napakasalan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit lagi nalang niyang tinututulan ang gusto ko.Kung bakit ayaw niyang makasal kami ni Kiara.“Babe are you busy?”“Babe, why are you not answering your phone?”“Pinapahirapan ka nanaman ba ng lolo mo?”“I told you magpakasal na agad tayo para hi
Hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng silid ni Ashryuin. Mahigpit kong hinawakan ang doorknob bago dahan-dahang itinulak ang pinto. Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng sunod-sunod na tunog ng mga medical equipment.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa tumama ang paningin ko sa kanya.She’s sleeping peacefullyWalang luhang tumututulo mula sa kaniyang mga mataWalang nanginginig na bosesWalang pagsusumamoAt walang pagpapaliwanag.Pero kahit natutulog lang siya ay lumilitaw ang pagkamaamo ng kanyang mukhaSubalit kahit tahimik lang siyang natutulog ay bakas pa rin ang pagod sa kaniyang mukha.Tahimik akong naglakad papunta sa tabi ng kama niya at umupo sa isang upuan na nasa tabi nitoKapag tulog siya, para lang siyang isang maamong tupa, sadyang hindi makabasag pingganPero kapag gising ay iba ang makikita… parang isang taong pasan ang buong mundo“Ashryuin…” mahina akong tawag sa kanya kahit hindi naman niya ako maririnigHindi ko rin al
Kanina pa ako dito sa opisina, ilang beses ko na sinubukang basahin ang mga papeles na nasa mesa ko pero wala kong maintindihan kahit isa.Hindi ko alam kung bakit biglang pumapasok sa isip ko ang larawan ni AshryuinThat girl“Haisst.” Napahilot nalang ako sa aking sintindo at pumikit ngunit muling pumasok ang larawan ni Ash ng gabing iyonTila naririnig ko pa rin ang nanginginig niyang boses at kung paano niya pasimple hawakan ang leeg niya.Hindi na ako nakatiis at umalis ng opisina.Namalayan ko nalang ang sarili kong binabaybay ang daan pauwi ng mansyon ni lolo Ernesto.Habang palapit ako nang palapit sa mansyon ay unti-unti akong nakaramdam ng kaba.“Where’s Ashryuin?” agad na tanong ko pagkarating ko sa pintuan ng mansyon.Napakunot naman ang noo ko ng mapansin kong parang natataranta at nag-aalangan silang magsalita, “What?” naiirita kong tanong.“S-Sir kasi p-po…” nag-aalangan niyang nilingon ang kasama niya.“Did the cat steal your tongue?” naiirita kong tanongSasabihin lan
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest Ta
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang
Ang sabi niya ay busy siyaHindi pwedeng siya ang nagsabi noonNapatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.Hindi ko matanggapParang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.Bakit?Ano bang nagawa kong mali para maranasan
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park. Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasalAt higit sa lahatAng pagdating ng aming munting ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.