Share

Nine

The whole week was more stressful. Finals is coming so I needed to study more. I have to ace my grades so I could have something to be proud of. Kahit para sa sarili ko na lang. Hindi na muna ako masyadong nag-abala pa sa kung ano anong mga bagay. I deactivated all my social media accounts at tinago na rin ang ukelele ko para hindi na ako matukso pa. 

Mas kailangan kong mag-aral ng mabuti. 

Sabado na ngayon at sa lunes na magsisimula ang aming eksaminasyon. Nagpapahinga lamang ako saglit at bumalik na ulit sa pag-aaral. Malapit na akong mag-college kaya kailangan ko ng magandang grado para makapasok ako sa magandang University. 

Pababa na ako sa hagdanan namin upang kumuha ng makakain ng may narinig akong tawanan sa aming sala. Siguro mga kaibigan ito ng kambal. Paminsan-minsan ko na silang nakikitang pumupunta rito sa bahay upang maglaro ng basketball dahil may half court naman kami sa labas. Minsan rin ay nakikita ko silang tumutugtog kaya patago ako kung minsan para makinig sa kanila. 

Hindi ko hinaayan ang sarili ng makalikhi ng ingay habang pababa sa hanggang pero tila ay matatalas ang mata nila at nakita rin ako. 

“Oh, nandito na pala prinsesa niyo.” rinig kong sabi ni East habang ina-ayos ang kaniyang  pilak na hikaw. Mas lalo itong bumagay sa guwapo niyang mukha. 

Sikat ito dahil isa rin itong Dela Paz. Apat silang magkakapatid na kumpas. South, North, West at siya na si East. Ewan ko ba kung bakit ganyan iyong mga pangalan nila. Anak sila ng isa sa pinakamayang angkan sa aming probinsiya. Sila ang nagmamay-ari kadalasan sa mga resort dito kabilang na ang pinakasikt at malaking resort na ang Dela Paz Beach Resort. 

“East! Hayaan mo na 'yan!” sigaw ng kapatid ko na si Rawl. Siya ang mas matanda ng dalawang minuto kay Namiel. Pareho na silang nasa kolehiyo ngayon at pareho rin ang kinuhang kurso. 

Ewan ko rin sa kanila kung bakit nila sinunod iyon gusto ng Papa na maging isang seaman. Rinig ko pa naman na gusto ni Rawl na maging isang business man. Kung si Namiel naman ang usapan, parang wala iyong patutunguhan.

“Off limits ba talaga 'to? Sayang naman ang ganda.” sabi pa niya at ngumuso kaya pinaulanan ito ng mga mura ng kambal na nasundan naman ng maraming tawa galing sa kanilang magkakaibigan.

Tinalikuran ko na sila dahil sa takot kong mapagalitan mamaya kung bakit pa ako lumabas ng kuwarto ko kung gayong may mga lalaki silang bisita. Masyado silang protective sa akin sa mga lalaki kahit ang totoo ay hindi rin naman ako masyadong nakikipaghalubilo sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. 

Tiningnan ko ang kabinet namin para maghanap ng ibang makakain dahil ayaw ko na ng kahit anong tinapay, nau-umay rin ako minsan kaya mas gusto ko na lang magluto ng instant foods minsan o 'di kaya ay ibang process foods. 

“Oh. Do you know how to cook?” it was East again. Hindi ko namalayang nasundan niya pala ako. 

“Sino bang hindi marunong magluto ng hotdog?” 

Tulad ng sabi ng kambal na dapat ako umastang maging maldita sa harapan ng kanyang mga kaibigang lalaki. Kung sa natural na araw man 'to, iyong hindi ako pagod ay malamang sa malamang ay hindi ko iyon susundin. Ibang usapan itong ngayon at hindi ko rin gustong makipag-usap sa kanya dahil sa mga naririnig ko tungkol dito.

“Uh-huh. I like you already.” sabi niya kaya nagulat ako. 

“Dahil marunong akong magluto?”

“Yes and you're beautiful.”

“O baka sadyang pakboi ka lang?” hindi ko mapigilang hindi mainis sa mga sinasabi niya. 

“Ouch. I'm not like other boys naman. I always treat woman like a queen kaya. You hurt my feeling, ah?” mas lalo pa akong naiinis sa kanya nang dahil sa mga sinasabi niya.

“Oh, just shut the fuck up, Kuya.” naiirita kong sabi sa kaniya at tinalikuran na. 

I have an ace card, so why not use it?

Bumalik na lamang ako sa kuwarto ko pagkatapos akong nairita kay East. Matagal ko na itong napapansin na nagpapapansin sa sa sino mang babae na nakikita kaya mas lalo itong ipinapalayo ng kambal sa akin. 

Bakit pa kasi nila dinala iyong makating lalaki na iyon dito?

Nagtanong na lamang ako kay Rawl kung nakauwi na ba ang bisita nila upang makababa na ako pagkatapos kong mag-aral. Nang sinabi nitong 'oo' ay bumaba na agad ako. Naabutan ko silang dalawa ni Namiel na nagliligpit ng mga kalat na iniwan ng kanilang mga kaibigan kaya tinulungan ko na sila. 

Isang beses sa isang linggo lamang silang umu-uwi kapag may pareho silang klase kaya kadalasan ay wala akong kausap kapag nasa bahay ako. Kaya kung umu-uwi man sila tuwing linggo ay inilalabas sa bahay. Namamasyal kaming tatlo sa bayan na masaya at kami lang. Masaya naman ako dahil kahit hindi kami madalas magkita sa bahay ay nai-isip pa rin nila ako. Pero iba siguro kapag may babae talaga akong kapatid iyong tipong may napagsasabihan ako sa mga problema ko. 

“By the way sis, it's your exam this coming Monday and Tuesday right?” tanong sa akin ni Namiel. Tumango ako ng isang beses sa kaniya na dapat hindi ko na lang ginawa. 

“Okay, hindi mo tayo pupunta ng bayan, magpapadeliver na lang tayo ng pagkain rito para makapag-aral ka ng mabuti. May pupuntahan rin kami ni Rawl.” 

I was dissapointed. Halos isang araw akong nag-aral ngayon upang makalabas ako bukas pero may plano na pala sila. Kaya bumalik na lang ako sa kuwarto ko na malungkot. Hindi na pinansin ang gutom na nararamdaman hanggang sa makatulog na ako. 

It was a sunday morning when I woke up early so I decided to go to church. Wala kaming kasambahay at driver tuwing sabado at linggo kaya naisip ko nang sumakay na lang ng tricycle patungong simbahan.

I wore a simple violet off-shoulders dress with a tiny details and a nude pump that fits perfectly on my feet. Hinayaan ko ng nakalugay ang kulot kong buhok at kumuha ng litrato na kita ang repleksyon sa harap ng salamin. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inilagay ito sa likod ng cellphone ko at inilagay na ang cellphone cover ko. Para hindi na ako mahirapang magdala pa ng wallet.

Bago pa ako maka-alis ng bahay ay nakatanggap ako ng mensahe sa kanya na magkita kami pagkatapos misa. Siguro akala niya at hindi ako pupuntang simbahan kaya makikipagkita na lang siya sa akin pagkatapos. Lau and I have the same religion at the same church. Kaya mas lalo rin kaming napalapit sa isa't isa ay dahil magkasama kami noon pa sa simbahan. 

Hindi na rin ako nag-abala pang magreply na sa text niya at sumakay na ng tricycle. Nang makarating ako roon ay halos puno na ang simbahan. Kaya sa likurang bahagi na lamang ako umupo. I can see Lau from here, with her family. Nasa iisa lamang silang upuan ng pamilya niya. I can also see that on her left side, Czesar is there.  

It's been nearly a month since the last time we talked. Bago pa iyong birthday celebration ng mayor. 

“Tam!” rinig kong tawag sa akin ni Lau pagkatapos ng misa. Nauna akong lumabas dahil na sa malapit lamang ako sa pintuan. “I miss you!” dagdag pa niya at niyakap ako. 

Napatingin sa akin ang mga magulang niya kaya lumapit ako sa kanila at nagmano. Nagkausap kami dito saglit at nagpaalam na rin sa amin. Nagpaalam na pala siya Lau sa kanilang may lakad kami ngayon. 

“Lau.” nagulat ako ng may tumawag pa sa pangalan ni Lau nang naglalakad na kami palayo sa simabahan. 

“Oh? Bakit? Ihahatid mo kami?” tanong niya kaagad at nilapit ang mukha niya sa bintana ng sasakyan ni Czesar. 

Umiling pa ito sa kawalan bago ito tumango kay Lau. “Naku Lau! May dadaan pa tayo rito. Kaya maglakad na lang muna tayo.” pigil ko kay Lau at sinabi siya ng kasinungalingan. 

Nakita kong napaawang ang labi ni Czesar kaya imbes na magsasalita pa ito ay kinaladkad ko na si Lau. 

“Anong dadaanan natin?” inosente niyang tanong pero hindi ko na ito sinagot at naglakad na lang. 

“Hoy ano nga? Pinapalakad mo lang ba talaga ako? Kakatapos ko lang mag hiking kahapon tapos ibang hiking session na naman ba ngayon?” hindi ko na nasundan pa ang iba niyang sinasabi dahil sa ingay ng bunganga niya at pumara na lamang ako ng tricycle upang makalayo na kaming dalawa sa pinsan niya. 

“Juice ko naman po.” bulong ko nang makitang nakasunod sa amin ang sasakyan ni Czesar. 

Tila narinig naman ako ni Lau at tiningnan niya rin sa side mirror ng tricycle ang nakasunod sa aming sasakyan. 

“Teka! Iniiwasan mo ba si Czesar?” tanong niya sabay tawa. 

Hindi ko siya sinagot sa kaniyang tanong at maya maya lamang ay kinuha nito ang kaniyang cellphone at nag compose ng message sa kaniyang pinsan kung saan kami pupunta. 

“Lau! Anong ginagawa mo?!” gulat kong tanong sa kaniya.

Binigyan niya lang naman ako ng nakakalokang ngiti. I rolled my eyes at her at hindi na siya kinausap hanggang sa makarating kami sa coffee shop. 

Hindi rin naman nagtagal ng makarating kami ni Lau ay nakasunod sa amin sa Czesar na nakasuot ng polo shirt. 

“Lau. Order ka muna.” sabi niya sa kaniyang pinsan at kumuha ng pera sa kaniyang wallet. May umbok ang wallet niya kaya halatang maraming lamang. Ibinigay niya ito sa pinsan niya at pinaalis kaagad. 

“Bakit mo ako iniiwasan?” mariin niyang tanong sa akin. 

Inilapit niya ang kaniyang upuan sa akin nang malayo ito sa kinuupuan ko. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa lamesa at inilagay ang palad sa kaniyang mukha. Nakakdistract,

“H-hindi kita iniiwasan.” nauutal kong sabi sa kaniya kaya ngumisi ito at suminghap. 

“Talaga lang.”

“Talagang t-talaga.” I tried to convince him but it sound unconvincing. 

Tanga lang, Tam?

“Isang iwas mo pa sa akin talagang iisipin ko na nagseselos ka lang dahil naging busy ako.” may ngiti pa ito sa labi ng siyang ikinainis ko. 

“Edi isipin mo kung anong gusto mong isipin.” 

“Sorry na, bossing. Kinailangan ko lang talagang mag-aral para sa entrance exam ko sa college.” 

“Nag-aaral din naman ako ah? Pero bakit naiisip rin naman kita.” bahagya akong napatigil sa pagsasalita nang rumehistro sa utak ko ang pinagsasasabi ng bibig ko. 

Nanlalaki pa ang mga mata ko habang naglalakad ako papuntang banyo at isinarado ang pintuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status