Share

Three

“Oh, hi.” I replied and waved my hand at him in an awkward way. Doon ko pa narealize na nakakahiya ang ginawa dahil pwede namang hindi na kasali iyong pag wagayway ng kamay sa pagbati ko sa kanya. Tsaka hindi naman kami close.


Sa halip na tumunganga sa harap niya ay inilahad ko ang mga napamili ni Lau upang dalhin sa sasakyan nila. Ngunit, isinama niya pa iyong iba kong mga gamit kaya nakaramdam ako ng hiya dahil may kabigatan rin iyon. 


“Ako na.” 


“Salamat,” nauutal kong sabi sa kanya at bahagyang ngumiti. 


Nauna siyang maglakad sa akin at sinabi pa niyang susunod na lang daw si Lau sa amin dahil matatagalan pa raw ito ng kaunti. He lead our way on his car which is a silver 2019 Toyota Yaris L Sedan kaya napatunganga ako rito. This car is a freaky expensive, this cost in a near million. 


He opened the compartment and place our things in there. Nang buksan ko na ang pintuan sa likod ay inunahan na niya ako. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at hindi na umimik pa sa likod. His car has a odoriferous smell so I pull off my face mask and sniffed the scent. 


“So, you're friends with Laureen, huh?” 


“Yeah, since first year highschool, classmates and seat mates not until senior high school.” I answered. 


Kinalikot ko na ang cellphone ko hanggang sa kung saan ako umabot para lang hindi na ako mapatingin sa kaniya. We knew each other but I felt the awkwardness since I am not socialable unlike Lau, I guess she knew everybody in this town. Bakit ba naman ako magkakaroon ng maraming kaibigan kung halos bahay at skwela lang ako? But I have friends but not just like Lau. I have Sachi when we're kids, kaya lang hindi na kami madalas nagkikita dahil magka-iba na kami ng pinapasukang paaralan. 


Hinatid na agad nila ako sa oras na makabalik si Lau sa sasakyan. Bumili pa ito ng pagkain kaya natagalan na kinain rin naman namin sa loob ng sasakyan. 


“Wow, hang in there Couz! Kailan ka pa pumayag na may kakain rito sa loob ng sasakyan mo?” gulat na tanong ni Laureen habang halatang pinipikon ang kaniyang pinsan. Kahit kailan talaga itong babae na 'to, hahanap talaga ng gulo.


“Shut up, this is not mine. Pinahiram lang ito, baka maniwala pa kaibigan mo sa sinasabi mo Lau.” sabi niya at lumiko na hanggang papunta sa street namin. 


“Asus.” bulong pa nito sa pinsan niya at kinurot ang gilid ng tyan.


Hindi na siya nagsalita pa kaya kami nalang ang nag-uusap at minsan nagtatawanan habang siya ay seryosong nagmamaneho. Tumigil ito sa harap ng bahay namin kaya agad naputol ang usapan namin ng pinsan niya at nagpaalam sa kanilang dalawa. Good thing that my father is in his own room so I don't have to tell him or explain on why did I came home late. 


Binuksan ko ang pintuan at hindi na nagulat kung ang kadiliman na ang bumungad sa akin, hindi ko kasi talaga gusto kong may ibang taong pumapasok sa kuwarto ko habang wala ako. Hindi naman sa takot ako na manakawan o ano basta hindi lang talaga ako komportable sa ganoon. I put my newly bought things on my table. I am not in the mood to unwrap them either, maybe tomorrow or the next day, I will arrange my things for this school year. 


I washed my body before laying on my bed and thanked Lau and his cousin on the ride home thru texting her my phone, buti nalang at may balance pa akong natitira. Kung hindi ako nagkakamali hindi pa sila nakauwi sa mga oras na ito dahil may kalayuan ang bahay nila. It just like two towns away from our town. Or maybe if they are already home, baka kakarating palang or what. 


You:


Thanks for the ride, tell your cousin too. 


Lau:


Welcome daw, ship ko na ba kayo? haha jk. 


Btw, magkakilala na daw kayo? 


Hinge daw siya # mo? 


Kebs lang ba daw? 


Para daw sa guitar session niyo?


Ba't di ko knows ito? 


Ge lang, sabihin mo sa kanya na magpakilala siya dahil baka di ko alam kung siya na yon. Oki? 


K. Thanks for todaaay. 

 ✔ seen at 8:49 PM


Nang hindi pa ako makaramdam ng antok ay bumaba sa kama at napag-isipan na magvideo para sa isang cover ng kanta na bago ko pa napag-aralan. This is like my life documentary since I am oblivious sometimes and will transfer it on my laptop later after editing. Maybe, try uploading it on YouTube since I will be playing Ukelele and I already have my account there and posted a video weeks ago about my Arts stuff. 


I opened my instagram to look if someone message me, wanting to buy my works since I already started posting my paintings on my IG last month. Masaya rin naman ako kasi may mga bumibili rin at may mga nagm-message sa akin upang magpagawa ng kanilang mga gustong larawan. Kadalasan mga painting ng mga mukha nila. 


Since I wanted to earn more money without letting my dad know about it because I think that he will just scold me for earning the money when I can just asked him for money. Na ayaw ko talagang gawin, natatakot na may hihingiin siyang kapalit sa akin. Gumagawa na rin ako ng paraan na makapag-ipon habang hindi pa ako nagcocollege dahil sigurado akong siya ang pipili ng kurso ko sa mga panahong iyon, like he did to my brothers. 


Inilabas ko ang luma kong iPad upang doon ko titingnan ang lyrics ng kanta dahil kakanta na rin ako sa video kahit hindi ganoon ka kaganda ang boses ko. Binuksan ko muna ang isang application ng cellphone ko upang masigurado na nasa tamang tono ang gagamitin ko Ukelele. After tuning it, I placed my phone on the table where I used my books to let my phone stand because I still don't have a tripod. 


I was in the middle of playing the song while recording it when my phone rang. Nakakunot ng noo ko itong tiningnan dahil wala hindi ito nakarehisto. Hindi ko ito sinagot at hinayaan lang bago binalik sa pinaglalagyan upang mag video ulit. But before 

I started playing the song, it rang again and a message pop out on the notifications. 


Unknown:


This is Czesar, did I disturb you? 


Please answer the call. 


So like what he told me, I answered the call but I didn't bother to talk nor tried to speak a word to him. I am still annoyed because I am close to the end with the song but he called so I have to record again. Nang hindi ko siya narinig na nagsasalita ay at agaran ko itong pinatay. But he texted again so I had no choice but to read it. 


Unknown:


Sorry, I don't know what to say. I kinda feel shy.


Napataas ang kilay sa ko sa nabasa ko at hindi na nag-abalang sumagot pa sa mensahe niya. Instead of recording another video again, I watched the video and felt relief that I am close to the end. Guess I'll end up editing the last part. As if I had a choice.

I transferred the file to my laptop para doon ko nalang i-edit at para mas convenient kung doon ko nalang rin i-upload. I was about to check the time when I noticed that another message popped out on the notifications and was wondering if who did send me the load. I was more shock when I saw the amount of load that was transferred on my sim. 


Unknown:


Hey, did you receive the load?Please reply, para maconfirm ko. This is me, Czesar, Lau’s cousin, the one will teach on how to play guitar and uke. 



You:


Omg, sorry. 


Ipapasaload ko sa'yo itong ibinigay mo, may load naman ako, sadyang may ginagawa lang kaya hindi ako nakapagreply.


Unknown:


It's okay. Sayo na yan param makapagreplyka sa akin. 


Pwede mo yang i-unli para hindi ka masyadong magaaksaya ng load mo. 



You:


I don't know how hehe.


Unknown:


Really? HAHAHA. 


You:


Why are u laughing? Funny ba?


Unknown:


Sorry, just answer my call so we can talk abt the day and time. 


You:


No, you can't. My voice is weird thru phone calls. Nakakahiya. 


Pero dahil hindi siya nakinig, tumawag nga siya sa akin hanggang sa mapagdesisyonan na namin kung saan niya ako tuturuan. He even insisted to teach me how to play keyboard too since I told him that we have a keyboard here. I was even amazed when he told me that he knows how to play violin and drums too. Shocks, this guy is giving me goosebumps. He can a person knew how to play more than 5 instruments? Like someone can't even play a certain instrument. Pero siya parang sinalo lahat ng grasya ng talento sa pagtugtog ng instrumento.


“Hala, juice ko, sana lahat maraming alam sa pagtugtog. Sana lahat talaga. Swerte ng magiging anak mo, hindi ka na maghahanap pa ng tuturo sa kanya kung paano tumugtog.” hindi ko na mapigilang humanga sa kanya. 


Hindi ko rin inaasahan ang bunganga ko sa dami ng sinasabi. This is not me!


“Siguro, pero tuturuan ko muna mommy nila habang wala pa sila.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status