Share

Four

The class has already started and I am not expecting to be late today. Hindi naman sa hindi ayos sa akin na maging late sa first day ngunit gusto kong maka-una ako sa classroom dahil gusto kong makaunang pumili ng pwesto. Gusto ko sana sa unahang parte na upuan para makapag-aral ng maayos at iwas chika.


Kung papipiliin lang siguro ako, gusto ko na kami na lang ulit ng mga kaklase ko ang magkakaklase ngayong taon. Para hindi na ako mahirapan pang pakisamahan ulit ang mga tao makakasalamuha. Kaya ayun, nakaupo ako ngayon sa harapang bahagi ng silid, kinakabahan baka may gagawin pa kaming pagpapakilala sa aming sarili dahil nasa ikalabing-isang antas na kami ng highschool. 


Kahit kinakabahan ay hindi ko maiwasang makipag usap sa katabi na siyang kaklase ko rin noong Grade 10 na si Ailyn. Buti na lang at marami-rami kami rito na magkakaklase kaya hindi na ako masyadong nahirapan pang maghanap ng kaibigan kahit hindi ko talaga ugaling magkaroon ng maraming kaibigan. But I needed it. Lalo na dahil wala rito si Lau na palaging handang makipagbangayan sa kung sino-sino lang.


“Bakit wala pang teacher?” tanong ko sa katabi ko. 


Nagkibit-balikat naman ito at inayos ang suot na hood. Halos kalahati sa amin ay hindi pa nagsusuot ng aming mga uniporme dahil binigyan pa kami ng isang buwan ng paaralan upang matapos ang pagpapatahi ng aming mga susuoting uniporme. Kahit may uniporme na rin ako ay hindi pa ako nag-abalang nagsuot rito dahil alam ko namang ganito rin ang mangyayari. 


Just like before, I wore a peach sweater and a jeans with a pair of my maroon converse shoes and my mint green bag pack. Dahil halos pastel colors na rin naman ang mga gamit ko, ito na lang ang mga ginamit ko. Thank God! I bought different colors of my sweater online. Mostly black or white and stripes.


“Ewan ko sa kanila, mabuti na rin.” sabi pa nito at tumawa bago ipinatong ang kamay at ulo sa lamesa niya at matutulog siguro. 


Mag aalas-nwebe na ng umaga ng mapagdesisyonan kong lumabas sa saming silid-aralan dahil nakaramdam na ako ng gutom, nang dahil sa pagmamadali ko kasi kanina ay hindi na ako nakakain pa. Paano ba naman kasi, nakalimutan kong mag alarm kaya, ayun, late. Muntik ko pang makalimutan na tapos na ang summer!


There are actually five canteens in this school but mostl of them are near on the junior high schools building. Buti na lang rin at napag-isipan na lang maglagay ng isang canteen dito malapit sa building namin at hindi na bumaba galing sa bundukin namin na building.


Nakakasira ng sapatos eh!


Nakapwesto kasi ang aming building sa likurang bahagi ng skwelahan kaya tinatawag na ring bundok. Swerte lang siguro iyong may mga sasakyan na dala nila sa kanilang pagpasok. 


Dahil gusto ko pang patunayan na tahimik ako sa araw na ito ay hindi na ako nagpasama ng kung sino man sa mga kaibigan ko. Mainit na sa labas kaya kinuha ko iyong cap na dala ko at sinuot ito. Naglakad na ako mag-isa hanggang sa makarating ako sa canteen. Marami ng tao roon at wala ng bakante na lamesa kaya napag-isip-isipan kong sa classroom na lang namin kumain. 


Pumila sa ako sa pila kung saan ako makakabili ng mga fingerfoods kaya nakasunod ako sa isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na hoodie. Nakatingin ito sa cellphone niya na sa tingin ko ay naglalaro dahil rinig ko pa ang sound effects ng laro. Halatang ML. 


“Excuse me, usog ka na po.” sabi ko ng hindi na umuusog ang linya namin kahit marami na ang nakabili ng pagkain. 


I actually felt a little annoyed since kanina pa ako rito at gutom na talaga ako. Sinabihab ko ito ulit at tila narinig naman nito ang sinabi ko kaya umusog na ulit ito hanggang sa malapit na kami nang bigla itong napalingon sa akin ng nasamid ako sa sariling laway ko. Nakatingin ito sa akin na nakataas ang isang kilay at inilagay sa panyo sa kaniyang bibig na tila nandidiri sa akin. 


“Ang arte. Sus.” bulong ko pa at kinuha ang cap na suot dahil sa init. 


“W-what?”


“What the heck?”


“Hi, Miracle.” bati niya nang pareho naming nakilala ang isa't isa. O baka siya lang,


“H-hello.”


“Ikaw pala 'yan, pasensya, mauna ka na.” he told me so I grab the chance. I thanked him and said my order on the canteen vendor. 


Papalapit na ako sa classroom namin ng maalala ko na dapat pala ay nagpasalamat ako sa load na ibinigay niya sa akin noon. Nagdadalawang isip akong balikan siya kaya tumingin ako sa likurang bahagi ko at nakitang nakasunod ito sa akin. Binawi ko naman ulit ang tingin ko at nagpanggap na hindi siya nakita. 


Ipinagpatuloy ko naman iyong lakad ko hanggang sa makarinig ako ng mga sigawan at bangayan kaya napatakip sa tenga. Tila ba isa akong guro kaya napatahimik sila ng makarating ako na para bang walang nangyari hanggang sa makarating ako sa upuan ko at nagsimula nang kumain. 


“What happened?” I asked my another seatmate, Whyne, since Ailyn is still taking her nap. Pinuyat na naman siguro ng boyfriend niya kagabi. 


Late night talks pa more!


“Himala at hindi ka inaantok” Baka katulad ka rin ni Ailyn na matagal natulog dahil kausap mo pa ang Edwardo mo?" dagdag ko pa. 


Instead of saying things to me, she smirked and changed the topic. This is new, huh? What's happening? LDR things? 


“Did you see that guy with the braces? Playing on his IPhone? That man admitted that you look pretty so they basically teased him, 'til our classmates joined to tease him too.” mabilisan niyang sabi pero alam kung hindi iyon totoo dahil parte ito ng kanyang inis sa akin. Her little revenge.


Kilala ko na itong babaeng ito, malamang sa malamang, gumagawa na ulit ng kwento. Buti nga hindi ito nagsulat ng sariling libro, sa galing niyang lumikha ng storya.


Tiningnan ko ang sinasabi nilang lalaki na tumatawa naman kasama ang kaniyang mga kaibigan. Klarong klaro ang suot nitong braces na suot niya sa bawat tawa at salita niya. 


Your typical rich boy. Paniguradong may sundo 'to mamaya.


Hindi na ulit kami nag-usap pa at nang kumuha siya ng pagkain ko at mabilis kong tinampal ang kamay niya kaya nahulog rin iyon. I stucked out ny tongue at her and grin. 


I remained silent, enjoying my food when their voices became louder. Nakakairita, 


“Tamila!” rinig kong sigaw ng isang kaklase kong lalaki. 


Hindi ko ito kilala kaya bigla na lang napataas ang isa kong kilay at iritado itong tiningnan. Nakatuon sa kanya ang halos atensyon ng lahat naming mga kaklase kaya napakamot ito sa kaniyang ulo bago pa nagsalita. 


“Ashwin likes you!” sigaw nito kaya napasigaw na rin ay iba kong kaklase at nagsimula ng manukso sa aming dalawa. 


Since hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila, nanatili akong tahimik. Naiinis man ay bahagya ko itong pinigilan at hinintay na lang na mag-alas onse na ng umaga. When it clock hitted that time, I picked up my bag and walked through the exit. I'm done with too much annoying pricks today, I should relax at home and get some sleep. 


While walking for home, I was wishing that the gate will be open so I don't need to lie to the guards just to be at home. Or maybe, a heavily tinted car, para hindi ako makitang uuwi ng maaga. Tila ba may nakarinig agad sa aking panalangin nang makitang may humintong sasakyan sa harapan ko nang hindi pa ako masyadong nakalayo-layo pa mula sa building namin. 


The car is familiar.


Binuksan nito ang bintana niya at hindi na ako nagulat pa ng makitang siya ang sakay nito. “Sakay.”


Hindi naman ako nagdalawang-isip na sumakay sa sasakyan niya at napangiti ng hindi na pinabuksan ng guard ang bintana kaya diretso na kaming nakalabas. Nang hindi ko na maaninag ang skwelahan ay pinahinto ko na agad siya ngunit hindi niya ako inihinto at sinabing ihahatid niya ako sa amin. I insisted that he should drop me while we are still far from my house but he's hardheaded so, I let him. Kahit nakaramdam akong marami na akong pagkaka-utang sa kanya. 


“By the way, was it you who gave the 1k load wallet?” tanong ko at tumango naman ito.


Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang aking wallet upang bayaran siya sa ipinaload niya sa akin. But he seemed like he's really like a hardheaded man. Hindi nito tinanggap ang ibinigay kong pera kaya inipit ko ito malapit sa upuan niya. I felt a ten percent proud of myself when he didn't argue with me anymore.


“Bakit nakabusangot ang mukha mo kanina?” tanong niya nang tumahimik na ulit kami sa loob ng sasakyan niya. 


“Nothing.” I gave him a small reply. 


I'm literally not in the mood to talk a lot. 


“Ano nga?” pangungulit pa nito sa akin. 

“Annoyed.” I answered and gave him a sarcastic laugh. Tumingin ito sa akin na itinaas ang dalawa niyang kilay, naghihintay na isagot ko sa kanya kung bakit ako naiinis at dahil mataas ang pride ko, hinintay ko pang tanungin niya ako. 

“Hm. Why?” he asked. 

“They teased me with someone I don't even know who.” I replied.

“Oh, you got the right feeling, you should be.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status