Share

Two

Today's another day of summer, as usual bored in the house. Had nothing to do except on scrolling on my social media account, painting, playing with our cute havanese dog, listening to different kinds of old music and learning how to play instruments, iyan ang palagi kong ginagawa kapag nasa bahay lang ako. 

I was almost done with my sketchpad, konti nalang talaga at mapupuno ko na iyon. Buti at may iba akong pinagkaaabalahan at hindi lahat sa paggawa ng arts nakatuon ang atensyon ko. I sort of like doing letterings or it is called calligraphy? 

Thinking how it might be if I will be visiting the rice field this time. I kinda miss the fresh air in the place while eating a green unriped mango. Magdadala na talaga ako ng bagoong at sili.

While scrolling through my spotify, I noticed a new song entitled: Beautiful Scars, it's a new release song and it kind of catch my attention due to its title. Napatango na ako simula pa lamang na tumugtog ang mga instrumento nito ngunit hindi ko inaasahang maganda rin pala iyong mga salitang ginamit ng kanta kabilang na ang tono nito. Nakakaengganyo. 

I was still lying in my bed until I heard a knock on my door. Bago pa man ako lumabas sa kuwarto at tinignan ko muna ang aking repleksyon sa salamin upang makita ang aking kabuuan. I saw Dad again on the door waiting for me to open it. As usual, I gave him a smile and asked him with manners. Hindi pa naman ako handang mapalayas sa bahay na ito.

“Po?” 

“Pakidalhan ulit sila ng pagkain sa palayan dahil magtatanim na ulit sila ng palay.” sabi niya at sumang-ayon na ako agad at nagtungo na sa banyo at naligo. 

This time, nakasuot lang ako ng pambahay dahil wala rin namang ibang tao roon kung hindi ang mga trabahante at ibang kakaunting tao lamang. Dinala ko na rin ang aking ukelele upang may mapagkaabalahan ako roon lalo na't mukhang matatagalan muli kami tulad ng dati. Kumain muna ako at naghintay saglit bago kami tumulak kasama ang mga pagkain at ang aking tinatagong bagoong at sili sa isang plastic cup.

“Oh iha, napasyal ka?” sabi nung may isang katandaang lalaki na nakausap ko noong isang araw. 

Nakaupo na ito sa isang mono block na upuan at tumayo mula sa kaniyang inuupuan at akmang ibibigay ito sa akin ngunit naunahan ko na itong tanggihan. Itinuro ko na lang ang malaking puno ng mangga kung saan may maraming bunga na hindi kalayuan sa amin habang dala-dala ang instrumento kong ukelele. 

“Napag-utusan lang po.” mahina kong sagot bago ako nagpaalam upang pumunta na para mamitas ng hilaw na mangga.

Nang nakakita ako nang hindi masyadong kataasan na puno ay naghanap na rin agad ako ng stick para gamiting pangkuha ng mangga. Sinungkit ko iyong bunga at pilit na ina-abot gamit ang kaliwang kamay. Muntukan pa akong napasigaw sa saya ng tuluyan na akong nakasungkit ng mangga at mabilis itong kinuha mula sa pagkahulog. 

Nang makahanap ako ng magandang puwesto ay inilagay ko ang aking gamit at akmang kakagatin na ang mangga para kumain nang may biglaang tumawag sa aking pangalan kaya napalingon ako rito. 

“Hugasan mo muna ‘yan.” sabi niya at inilahad sa akin ang isang tabo na may lamang tubig. 

May ngiti na sa kanyang mga labi kaya binigyang ganti ko na rin siya. Nagpasalamat ako sa kanya habang inilagay iyong mga nakuhang  mangga sa may tabo.

“Kain tayong mangga.” pag-anyaya ko sa kanya ngunit umiling siya ngunit ininguso niya ang ukelele na nasa tabi ko. 

“Pwedeng manghiram?”

Agad naman akong tumango at nagtanong. “Marunong ka nyan?”

“‘di masyado.” sagot niya kaya napatango tango ako. 

Bago pa siya tumugtog ay sinubukan niyang pakinggan ang bawat kuwerdas nito at ikinalikot ng marinig niyang may mali sa tono. Then, he expertly played my ukelele. Sabi pa niya kanina na hindi siya masyadong marunong ngunit mabilis at kabisado na niya ang mga chords nito. Sus, pa-humble! 

“Hindi pala marunong ah?”

“Hindi naman masyado.”

“Masyado ka namang humble.” sabi ko sa kanya at tumawa. “Buti ka pa at marami kang alam sa mga instrumento, siguro tinuruan ka noon pa no?” dagdag ko. 

“Dad.” maikli niyang sagot kaya tumahimik na ako at kumain ng mangga. 

Nakinig na lamang ako sa kanyang tumugtog at hindi nagtagal ay kumanta na siya. Kadalasan naman sa kanta niya ang mga lumang kanta kaya hindi ko napipigilang mapakanta na rin kasama siya. After playing for more than five songs, he gave me back my uke and asked me if I can play it while singing. Bigla akong nakaramdam ng kaba ay hiya kaya agad akong napailing kaso at dahil makulit siya napilitan akong tumugtog. 

“You're good but you need to learn more so you'll master some of the difficult chords.” sabi pa niya kaya tumango na lamang ako at napaisip.  

“Naghahanap pa ako ng pwedeng tumuro sa akin.”

“I can teach you. During weekends, papalapit na rin naman ang klase.”

“R-really?” masaya kong tanong sa kaniya. Tumango naman siya kaya mas lalo akong nasayahan. 

“We should set a date then,” sabi ko sa kanya bago pa man siya nagpaalam sa akin upang makabalik na sa trabaho niya. 

Masaya naman akong tumugtog at nagpalipas ng oras. Naghihintay na rin kung kailan bababa ang araw upang makakuha ng magandang litrato. Sana pala ay nagdala nalang ako ng sketchpad upang makakapag guhit nang magandang senaryo lalo na’t hindi pa ako nakapagguhit ng ganito. Ngunit nakakahiya naman kung papabalikan ko pa ang driver namin para lang sa sketchpad ko.

I was already home before three kaya hindi ko nakita ang pagbaba ng araw dahil tinawagan ako ng isang kaibigan na makipagkita sa isang Tea Shop kaya napagpasyanahan na agad naming umuwi ng maaga para makapagbihis at makapaghanda para sa aming pagkikita. Mabuti na lang at hindi karamihan ang mga kustomer kaya madali ko lang ito nakita ng dahil na rin sa mataas nitong buhok na kulay itim at bagsak hanggang sa balikat niya na buhok. Base na rin sa ganda ng katawan niya. She always looked chic, malaman ito ngunit hindin nawawalaang kurba sa katawan. 

“Hey Lau.” I greeted my friend, iyong nag-ayang pumunta rito. 

“Oh my God! Tamila Miracle Marcil, tumaba ka!” gigil niyang tugon at pinisil ang aking magk abilang pinsgi. Kaya napa-aray ako at niyakap siya lalo na't matagal-tagal ko na itong hindi nakita.

“Ang ganda pa rin ng katawan, sana lahat diba?” sabi ko sa kanya matapos siyang pinasadahan ng tingin. 

“Ako pa?” medyo mahangin nitong saad at malakas na tumawa kaya nahawa na rin ako. 

“Ghorl, kung alam mo lang sana.” tugon ko sa kanya bago napagpasyahang pumili na ng makakain at maiinom. 

Matapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami sa may kalakihang plaza at umupo saglit sa may boulevard upang panoorin ang paglubog ng araw na hindi ko nakita noon sa palayan. When I thought that it would be good if I will see it there, I would be wrong, because now, the sunset is different, it is beautiful in a different way. Kaya pareho kami ni Lau na naipalabas ang mga cellphone upang kunan ang magandang tanawin at ipinost sa aming Instagram account. Natawa pa kami pareho dahil magkasunod lang ang paglabas ng among mga story dito, kompermadong kaming dalawa ang magkakasama. 

Mabuti na lang rin naman na kaming dalawa lang talaga ang  malapit sa isa't isa kung hindi ay magtatampo iyong iba kung bakit kami lang dalawa ang magkasama. 

At least, we could trust each other.

“Nga pala, sabay nalang tayong umuwi. ‘wag ka nang magpakuha sa driver niyo dahil susundiin rin naman ako ng pinsan ko dahil nandito lang din maman ‘yon sa mga oras na ito.” sabi niya pagkalabas namin sa isang merchandise store bitbit ang aming mga pinamili na nakalagay sa malaking paperbag. 

Wala rin namang problema ang Papa sa mga gastos ko dahil iipon ko naman ang perang pinagbibili ko. 

 

“Hm, I'll just call them.” I just answered. 

But instead of calling Dad or my brothers, I texted our driver and tell him that it's fine if he will not be here later. Para na rin makapagpahinga na sila sa bahay. Hindi porket anak ako ng amo niya ay magiging amo na niya rin ako. Hindi naman ako iyong nagpapasweldo sa kanila para alilain ko sila. The fact the I  have limbs and I am healthy, I am fine.

Pumunta naman kami pagkatapos sa isang bookstore para bumili ng mga gamit sa malapit ng pasukan. Hindi rin naman nakaiwas sa paningin ko ang mga art materials kaya hindi ko na rin napigilang mapabili. Napadpad rin ako matapos ko nang mabili ang kailangan sa linya ng mga pocketbooks kaya napabili na rin ako ng dalawa.

“Tammi, are you done?” tanong ni Lau nagmagtagpo ang landas namin. I nodded then the both of us walked ‘til on the counter. 

“It's heavy.” sabay naming sabi kaya sabay rin kaming napatawa.

May kinalikot siya sandali sa kaniyang cellphone nang huminto kami para makapagpahinga na rin dahil may kalayuan palang nagpark ang kaniyang pinsan.

“Tammi, my cousin is coming. Siya na daw magdalala nito, bibilhan ko nalang muna siya ng pagkain, dito ka na lang maghintay. Don't worry, kilala ka non.”

So, she left, iniwan ako na parang tanga sa tabi ng entrance ng mall, binabantayan ang mga pinamili naming gamit. I was holding the paperbag handles with my left hand while sending my father a message on my other hand. Baka mapagalitan pa ako kung hindi ako magsabi sa kanya kung sino ang kasabay kong umuwi. 

“Hey, where's Laureen?” 

Napatingin ako sa lalaking nagsalita na nakatayo sa harapan ng mga pinamili namin. He is tall and moreno but I can't see his bare face because it was covered by mask and a ball cap. 

“Who are you?” paninigurado kong tanong na may bahid nang takot. 

“Czesar, Lau’s cousin. It's nice to see you again.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status