Share

23. Nathaniel Gomez

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-10-12 05:33:37

“Anak… mahal kong anak! Ano ba ang ginagawa mo?”

Nanginginig ang tinig ng kanyang ina habang nakatitig kay April—may luha, takot, at pighati sa mga mata.

“’Yan ang ama mo! Bakit mo siya tinatrato ng ganyan?”

“Mama! Please, pakawalan niyo na si Papa! Wala siyang kwen—”

Pakkk!

Isang mahinang sampal mula sa kanyang ina, ngunit para kay April, parang sumabog ang buong mundo.

Tulala siya.

Hindi siya makapaniwala.

Ang kamay na dati’y humahaplos sa kanyang pisngi, ngayo’y nag-iwan ng hapdi.

“Mama…” mahina niyang sambit, halos maputol ang tinig.

“Ako ang laging nasa tabi niyo… ako lang! Ako ang anak niyo, ako ang nagmahal, ako ang nagsakripisyo! Bakit siya pa rin?”

Tumulo ang luha ng ina ngunit hindi siya tumugon.

Sa paligid, malamig ang hangin—tila pati ang gabi’y natigilan sa bigat ng katotohanan.

Ayoko nang makipagtalo, anak ko…” Malapit na akong mawala. Natatakot akong iwan ka magisa sa mundong ito..

Mahinang saad ng ina, habang nanginginig ang tinig at unti-unting bumabagsa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   26. Charmine,Vanelle Dela Cruz

    Sa Bahay ng mga Dela Cruz Elite “Nasaan na ba ang papa mo?! Nakakainis! Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?!” sigaw ni Charmine Dela Cruz Elite, habang paikot-ikot sa loob ng malawak nilang silid na punô ng mamahaling kagamitan pero kulang sa init ng pagmamahal. Sa kanyang mga braso, buhat-buhat niya ang umiiyak na sanggol—ang batang babae na walang kamalay-malay sa dilim ng mundong kanyang pinagmulan. “Shhh! Tumigil ka nga!” iritadong bulalas ni Charmine, subalit lalo lang lumakas ang iyak ng bata. “Ano ba! Iyak ka nang iyak, para kang inaabuso ng tadhana! Alam mo bang wala kang silbi kung wala rito ang ama mo?!” Mapait siyang tumawa, isang tawang may halong kabaliwan at galit. “Hahaha! Hindi ka naman niya tunay na anak! Ginawa ko lang ‘yon—ang lahat ng ‘yon—para mabawi ko ang ama mo... sa anak ng lalaking umagaw sa asawa ng Papa ko!” Nanginginig ang kamay ni Charmine habang tinititigan ang inosenteng mukha ng bata. Sa bawat paghinga niya, nararamdaman niya ang apoy ng po

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   25.

    “Naroon ang sasakyan niya!” sigaw ni Dom, halos mabasag ang boses sa gitna ng buhos ng ulan. Agad niyang inihinto ang sasakyan, halos umusok ang gulong sa biglaan niyang preno. Sa tindi ng kaba at galit na naghahalo sa kanyang dibdib, halos hindi niya mapansin na basa na ang kanyang mukha hindi lang ng ulan kundi ng sariling pawis at luha. Walang inaksayang segundo—mabilis siyang bumaba, hinampas ang pinto, at tumakbo patungo sa kotse ni April. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang pintig ng puso niyang parang sasabog. “Open the door, April!” malakas na sigaw ni Dom, kasabay ng paulit-ulit na kalabog ng kamao niya sa bintana ng kotse. “Please, April, kausapin mo lang ako!” Sa loob, napapitlag si April. Nabaling ang tingin niya sa anino ng lalaking nasa labas ng kotse—basang-basa, nanginginig, pero matigas ang paninindigan. “Diyos ko, sino ba ‘tong lalaking to at nakakainis talaga!” bulong niya, nanginginig din sa halo ng inis at emosyon. Mabilis niyang binuksan ang pinto, at kasabay n

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   24.

    “Dom!” sambit ni April, napalingon nang makita niyang nagtatagisan sina Dom at Nathaniel sa gitna ng daan. Naglalabasan ang mga suntok, nag-aagawan ng salita — magulo, mapanganib, at puno ng galit. “Si Dom! ‘Yung lalaking nangiwan sa akin sa gitna ng dilim!” sigaw niya, nangungusap nang puro pait. “At si Nathaniel — anak ng kabit ng ama ko!” Tumindig siya, nangingilid ang mga mata. “Nakakainis kayo! Bahala na kayo sa buhay ninyo — magpatayan kayo kung gusto ninyo, pero wala akong pakialam!” wika niya na parang sinisigaw ang lahat ng pait na matagal nang tinatago. Hindi na naghintay pa. Humakbang siya papunta sa kotse, sumilip na lamang habang kitang-kita ang mga braso ni Dom at mga kamao ni Nathaniel na naglalaban. Sa loob ng ilang saglit, may malakas na tunog—isang pumulupot na sigaw, isang suntok na tumama sa katawan, at ang mundo ni April ay muling nagkagulatan. Agad siyang sumakay sa kotse. Pinahimas niya ang pinto, pinalapit ang susi, at pinatayag ang malamig niyang tinig hab

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   23. Nathaniel Gomez

    “Anak… mahal kong anak! Ano ba ang ginagawa mo?” Nanginginig ang tinig ng kanyang ina habang nakatitig kay April—may luha, takot, at pighati sa mga mata. “’Yan ang ama mo! Bakit mo siya tinatrato ng ganyan?” “Mama! Please, pakawalan niyo na si Papa! Wala siyang kwen—” Pakkk! Isang mahinang sampal mula sa kanyang ina, ngunit para kay April, parang sumabog ang buong mundo. Tulala siya. Hindi siya makapaniwala. Ang kamay na dati’y humahaplos sa kanyang pisngi, ngayo’y nag-iwan ng hapdi. “Mama…” mahina niyang sambit, halos maputol ang tinig. “Ako ang laging nasa tabi niyo… ako lang! Ako ang anak niyo, ako ang nagmahal, ako ang nagsakripisyo! Bakit siya pa rin?” Tumulo ang luha ng ina ngunit hindi siya tumugon. Sa paligid, malamig ang hangin—tila pati ang gabi’y natigilan sa bigat ng katotohanan. Ayoko nang makipagtalo, anak ko…” Malapit na akong mawala. Natatakot akong iwan ka magisa sa mundong ito.. Mahinang saad ng ina, habang nanginginig ang tinig at unti-unting bumabagsa

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   22. Pagpupumilit

    Pagkatapos ng kaguluhan sa bahay ng mga magulang niya, mabilis na nagmaneho si April pauwi. Hindi niya alintana ang ulan o ang mga matang nagmamasid mula sa mga bintana ng mansyon. Ang tanging nasa isip niya ay makabalik sa lugar kung saan siya humihinga ng totoo — ang malaking bahay na tinatawag niyang kanlungan ng kasalanan. Tahimik ang gabi. Tanging tunog ng ulan at ugong ng makina ang pumupunit sa katahimikan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela, halos maputol ang mga ugat sa kanyang kamay. “Mama, patawarin mo ako…” bulong niya, habang unti-unting pumapatak ang luha sa kanyang pisngi. “Pero hindi ko kayang makita kang masaktan ulit dahil sa kanya.” Pagsapit niya sa bahay, sinalubong siya ng amoy ng gatas, banayad na musika mula sa crib, at ang tinig ng isang matandang babae. “Ma’am April, gising pa po si baby…” wika ng yaya, nakangiti ngunit may halong pag-aalala. “Namimiss na yata kayo. Kanina pa po siya gising, parang naghihintay.” Hindi nakasagot si April. Sa

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   21. Katotohanang Nilamon ng Pagmamahal

    “Hindi ako pwedeng makita ni Mama! Alam kong ikakagalit niya ang pagsisinungaling ko sa kanya!” bulong ni April habang mabilis na sumiksik sa gilid ng pinto. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso, tila sasabog sa kaba. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang pagpatak ng luha. Mula sa kabila ng pinto, maririnig niya ang mahihinang hikbi ng kanyang ina. “Honey… saan ka ba nanggaling?” nanginginig ang tinig ni Mrs. Lozano habang hawak ang kanyang dibdib. “At bakit sinabi ng anak nating patay ka na?” Dumaloy ang luha sa kanyang pisngi, nangingilid ang mga mata sa sakit at pagkalito. “Alam kong mahal na mahal ka ni April, kaya alam kong may dahilan kung bakit niya inilihim na buhay ka pa… Ano ang dahilan, Honey?! Sumagot ka naman!” halos pasigaw na wika niya, sabay hagulgol. Si Mr. Lozano, tahimik lamang na nakatayo sa tapat ng kanyang asawang nakaupo sa wheelchair. Maputla ang kanyang mukha, tila pinilas ng panahon at lungkot. “Uhmm… sinabi ko na sa’yo noon,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status