Si Ricky, na matagal nang nakikibaka sa presensya ng boss, ay halos hindi na nata-takot—sanay na sanay siya sa galit at suklam ni Madam April Ivy Lozano. “Yes, Madam A… ako na ang bahala sa kanya!” sabi niya, habang mabilis na naglalakad sa tabi ng boss. “Tara na po, Madam, sa opisina niyo bago pa kayo ma-stroke dito!” Biro niyang idinagdag, halos sabay halakhak sa sarili sa loob ng kanyang utak. Sa paligid, nanatiling frozen ang mga empleyado, halos hindi makapaniwala na nagbiro si Ricky sa harap ng Reyna ng Katarayan. Ngunit sa halip na galit, si Madam A. ay nagpakita ng konting kilay na itinaas lang—ang pinaka-subtle pero nakaka-intimidate na reaksyon. Si Ricky, kahit na natataranta sa intensity ng boss, ay patuloy na naglalakad at nagbiro sa kanyang sarili sa isip: “Kung kaya kong mabuhay sa mga araw na ito, aba’y makakaya ko rin kahit isang maliit na joke sa harap niya!” “KUMILOS NA KAYO NG MAAYOS KUNG AYAW NIYONG MASISANTING LAHAT!” singhal ni Madam A. , at halos pumutok ang
Last Updated : 2025-09-17 Read more