Share

Chapter 20

Magsisimula na ang laban, tinawag na ng referee sina Yatco at Zerudo sa gitna para mag-jump ball. Sa paghagis nito ng bola, sabay itong tinalon ng dalawang manlalaro. Mas mataas ang talon ni Yatco kaya siya ang nakatapik ng bola at nakuha naman ito ng team niya.

Dali-dali iyong diniribol ni Mr. #7 patungo sa kampo ng kalaban. Agad naman siyang hinarangan ni Zerudo kaya agad niya iyong ipinasa sa kasama niyang naghihintay sa may kaliwa. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng CBA team para hindi maka-score ang CoA.

Ilang sandali lang, biglang sumugod papasok sa loob 'yung ka-team ni Yatco at inihagis ito sa ring nang walang pag-aalinlangan. Medyo alanganin ang puwesto niya ng pinag-shoot-an kaya ang lahat ay naghihintay kung papaspk ba 'to or hindi. Sa kasamaang palad, dumaplis lang ito sa may ring.

Nagulat ako nang biglang may tumalon nang mataas at kinuha 'yung bola sa ere. Iba talaga si Yatco, mataas talaga siyang tumalon kaya hindi siya nahirapang kuhanin 'yung bola.

"Wahhh! Yat
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status