Napabuntong hininga ako. Nagbago ang timpla ko ng mabanggit iyon ni Marcel kaya naman tahimik akong sumandal sa upuan. “Hindi ko na nga din alam ang gagawin ko kay Elliot, gusto ko ng space, gusto kong huminga at makapag isip pero parang ayaw niyang ibigay yun sakin.Sa totoo lang ang gulo ng utak ko ngayon”“Teka?Hindi ba simpleng away lang nangyari sa inyo?” tanong ni MArcel, nawala sa isip ko na hindi nga pala niya alam ang tungkol sa pagpupustahan nitong si Elliot. Nanlaki ang mata ni Karla at nag iba ng tingin. Duon ko na lang napagtanto na si Karla nga lang pala ang may alam ng totoong nangyari. Ayokong mag share ng ganuong sitwasyon lalo pa at kaharap ko sila Luke ngayon isama pa si John na panay ang sulyap sa akin. “Ewan, hindi ko din alam na. Basta lahat ng nangyari. Gusto ko lang makahanap ng maayos na apartment. Hindi naman simpleng problema kasi ang namagitan sa amin ni Elliot, ang gulo din ng sitwasyon. Basta hindi okay ang lahat. AT hindi na ito maayos ng simpleng sor
Pagkalabas ni John ay agad na din akong nag ayos ng aking mga gamit na kakailanganin sa aming trip ng biglang mag ring ang aking cellphone. “Hellloo Zia, kamusta na ang maganda kong anak?” bungad ni Mommy Xyrille na malawak ang pagkakangiti, sa likuran niya ay nakikita kong abala na naman si Daddy David sa kaniyang laptop. Sigurado akong may mga kaso na naman siyang sinusuri. “Oh si Daddy, akala ko ba ay ayaw na niyang kumapit ng mga kaso? Kaya nga siya nag retiro na?” tugon ko naman kay Mommy sabay turo kay Daddy.“Naku alam mo naman yang Daddy mo, ang hirap pigilan pagdating sa pagbibigay ng advice sa mga abogadong humihingi sa kaniya ng payo.Teka ikaw kamusta ka na? Ang tagal na naming walang balita sayo?Kung hindi lang kami busy ay lilipad sana kami dyan. Pero ang hirap din iwan ng farm. Season na ng pagharvest.” sabi pa ni Mommy.Pinilit kong maging matatag, ayokong mahalata ako ni Mommy. “Okay naman ako Mommy, nag-iimpake ako ng mga gamit ko, bukas kasi ay may lakad kami pa
“Naisip mo ba ang naging epekto sa akin ng mga nalaman ko? Na sa isang iglap malalaman ko na ang lalaking pinaglaanan ko ng aking unang pagkapunit ay naibigay ko lang sa isang lalaking hindi kayang manindigan?Sa tingin mo ba lahat ng pagmamahal at pag-aasikaso na ginagawa ko para sayo ay laro lang?Sa tingin mo ba maibabalik mo pa ang nawala sa akin? Ang dangal ko? Ang dignidad ko?Sige sabihin mo sakin. Sa laro mong ito sino ang kawawa? Sino ang naging katawa tawa?”Lumapit ako sa kanya, ang mga kamay ko galit na kumikilos.“Tandaan mo Elliot, pinili kita noon above all. Kahit pa awayin ako ng mga kaibigan ko. Kahit pa kamuhian ako ng best friend ko. Pinagtanggol kita sa lahat. Paulit-ulit kong pinapaliwanag sa kanila na lahat ng tao ay kayang magbago. Na ang lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin.Elliot, gusto ko ng mag move on sayo. Ilang ulit na kitang tinaboy, kaya naman sana tumigil ka na ng kakasunod sakin.Ang daming paghihirap kong naranasan ng dahil sayo speci
"Please mahal, bumalik ka na sa apartment natin. Ayokong mahirapan ka sa paghahalot ng mga gamit mo” pagsusumamo ni Elliot.Napatawa ako ng may pait. “Hmm..Kahit ako, naiinis na ako sa kakahakot ko ng gamit.napaoagod at naiinis na ako.” Sagot ko sa kaniya.“Mas magiging kampante ako Zia kung sa apartment ka titira. Ako ng bahala sa sarili ko, kahit ako ang maghanap ng bagong matitirahan, kahit makiusap pa ako kay Dad gagawin ko.”"Ang galing talaga Elliot. Alam mo kung ano ang nakakatawa?Talagang pakiramdam mo ay sigurado kang sasama ako sayo sa simpleng panunuyo mo lang?!Hindi. Ayoko na at hindi na ako magpapauto pa sayo.Tama na okay?!""please Zia, alam kong nagkamali ako. Sampalin mo ko!Gusto mo kong suntukin sige lng!Gusto mo kong sagasaan dito? Sige go ahead!Lahat tatanggapin ko please huwag mo na akong pahirapan. Bumalik ka na satin.” Malungkot niyang sabi. Humakbang siya ng dalawa pasulong sa akin pero umatras din ako ng dalawang hakbang.“Hahahha ngayon sinasabi mong pi
Napapaisip na tuloy akong umuwi na ng Pilipinas. Kakausapin ko na lang ang parents ko at magtatayo ng sarili kong business ng sa gayun ay makalimot ako sa pait ng nangyari sa akin. Panay din ang message ni Karla at Levie tungkol sa bahay na inaalok nila sa akin. Well mas okay na din yun. Kung makukuha ko ang bahay na yun magkakaruon na ako ng dahilan kay Kuya Xavier para tumanggi pag inimbitahan nila ako sa nalalapit na kaarawan ng kanilang ama. Nahihiya na talaga akong humarap sa kanilang lahat lalo na at alam na nila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Elliot. Malamang na maging sentro na lang ako ng asaran pag nagkataon. Ayokong sirain ang mahalagang araw na yun para sa pamilya nila at lalong ayokong ipahiya ang pamilya nila. “Karla, let me think about it.” maiksi kong reply. Sa totoo lang napapagod na din ako sa araw-araw na paglilipat ng mga gamit ko mula sa trabaho papunta sa kung saang apartelle ako mag-i-stay.Makalaipas ang isang araw na nakakapagod sa opisina, nawala sa i
“Kamusta naman ang unang gabi sa apartelle na to?Naging komportable ka naman ba?” tanong niya habang papaakyat siya sa kaniyang napaka gandang LEXUS car. “OMG , ang mga lalaki talaga sobrang adik sa mga sasakyan. Ito yung latest model ng LEXUS hindi ba?” namamangha kong tanong sa kaniya. Pero mas nagulat siya sa kaysa sa akin.“Well, you impress me. Para sa isang babae bilang lang ang may alam ng mga ganitong bagay. Hindi lahat ay may interes sa sasakyan, hehe pero hindi na ako nagulat. Para sa mga mayayamang tao , madali nilang malaman ang mga top of the line na sasakyan.” sabi niya sabay kindat na may pang asar na ngiti.“Ewan ko sayo John” sagot ko ng nakangiti din. “Pero seryoso, ang ganda ng sasakyan mo!, isa sa gusto kong brand ng sasakyan ang LEXUS pero para kasing hindi worth it kung bibili ako” sabi ko pa.“Hmp.. actually, praktikal thinking , maganda ang LEXUS. Low maintenance kasi dito isa yan sa mga brands na pinopromote nila. At hindi ako masyadong nagpapagawa. Hindi k