“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Lihat lebih banyak“Pitttt—”
“Pitttt—”
“What the hell?! Haist anong ginawa mo Xyrille?” matinding kumakalabog ang puso ni Xyrille ng marinig niya ang sunod sunod na busina mula sa sasakyan na nasa kaniyang likuran. Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang mukha ng titigan niya ang sasakyan na nabangga niya sa kaniyang harapan.
“Ano ba Miss?, marunong ka bang mag-maneho?! Paano ka nakakuha ng lisensya kung simpleng sign hindi ka marunong sumunod? Naka signal na ako oh?! Liliko na ako sa kanan. ” malakas na sigaw ng lalaking nabangga niya.
Hindi naman sana big deal sa kaniya kung may hindi mang magandang nangyari , sa totoo lang sanay na siya sa ganitong eksena mula pa noong nag-aaral pa lang siyang mag drive pero ang problema bakit sa kinadami-dami ng araw bakit ngayong araw? Ngayon pa talaga siya naka-disgrasya kung kailan malapit na ang oras para sa employers interview ng in-applyan niya para sa pinapangarap niyang trabaho sa isang cruise ship?
“Itabi mo dito sa gilid yung sasakyan mo!” istrikto sigaw ng lalaki habang ikinakaway niya ang kaniyang kamay para mapunta sila sa gilid at hindi na makaabala pa ng ibang mga sasakyan. Hindi siya makatingin ng diretso sa lalaking ito kahit pa sabihing tinted ang kaniyang sasakyan dahil masyado siyang guilty.
“Pakshit… hindi pwede to…ang lakas naman ni Tim kay Bro! Kakasabi niya lang na sana ma-late ako para hindi matuloy ang pag-alis ko, ito na kagad.. haist”
Sinadya ni Xyrille na hindi agad bumaba sa sasakyan dahil hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.
Ilang minutong nanahimik siya hanggang sa sumigaw siya ng malakas.“HOY, hambog! Bakit akala mo matatakot ako sa pagsigaw-sigaw mo. Walanghiya ka! Akala mo naman nakapatay na ako ng tao sa nagawa ko. Hoy lalake! Sasakyan lang yan?! Hindi ka mamatay kung may gasgas yan. Halika dito, bumaba ka ng sasakyan mo hindi yung yayabangan mo ako dahil lang sa naka sports car ka! Bumaba ka bilisan mo para makita mo hinahanap mo.” dahil sa abalang dinulot nito sa kaniya hindi na niya napigilan ang sarili niya sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa kaniyang manibela.
Pero kahit anong lakas ng sigaw niya ay hindi siya sinasagot ng lalaking ito.
Muli siyang bumaling ng tingin sa screen ng kaniyang cellphone at muling nagreklamo sa kaniyang kaibigang si Gladys na ng mga oras na iyon ay panay ang pagtawa kay Xyrille. Halos maluha-luha na ito sa sobrang tuwa at nakakapit na sa kaniyang tiyan.
“ Gladys anong gagawin ko?! Bwisit.. Napaka-malas ko naman ngayong araw! Ito kasing si Tim magmula nalaman niyang nag-a-apply ako naka-kontra na kaagad sa pag-a-apply ko. Ayoko lang naman kasi talaga na matahin ako ng Mommy niya. Tapos samahan pa ng family ni Daddy na palagi na lang akong pinag-didiskitahan. Tapos ngayon…. Hee— naiinis talaga ako! Alam mo bang napaka-bastos at ang yabang pa naman ng nakabanggan ko! Anong oras na hindi na ata ako aabot sa employers interview, last day pa naman ngayon.”
Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa manibela pero malakas pa rin siyang sumisigaw sa harapan ng kaniyang cellphone habang patuloy niyang kinakausap ang kaniyang matalik na kaibigan. Saka siya bumaling ng tingin sa sasakyan ng lalaking ito.
“HOY!… lumabas ka diyan… pag ako talaga na late ng dahil sayo… isusumpa talaga kita…””Calm down Xyrille, ngayon lang kita nakitang nag-wala ng ganyan. Alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung maawa ako sayo o matatawa. Sa unang pagkakataon para kang tanga. Hahaha.” hindi na niya napigilang humalakhak ng malakas “e paano ka naman kasi niya sasagutin nung tao, kahit na maputol ang litid mo sa leeg wala ding mangyayari. Haha . Subukan mo kayang ibaba ang bintana mo! Kahit anong lakas ng boses mo, ako lang makakarinig sayo. Yung tutuli ko parang tatalsik na, nakakarindi ang boses mo. Labasin mo na kasi. Teka lang, gwapo ba?”
“Gladys naman e… kala ko ba best friend kita. Ngayon na nga lang ako nakasigaw ng ganito? Saka natatakot kasi ako baka ma late na ako. “
“So gwapo nga?” pangungulit niya kay Xyrille
“Ewan ko hindi ko naman nakita naman malapitan. Saka hindi ko siya tinitignan sa mata niya kanina. Magkakasala lang ako kay Tim.”
“Oh come on Xyrille hindi mo naman dyo-dyowain. Bakit kapag may fiance na hindi na ba talaga pwedeng maka-appreciate ng kagwapuhan ng ibang tao?!”
“Oo na.. gwapo naman ata ay naku wala akong pakielam sa itsura niya. Mas inaalala ko ang employers interview schedule ko. Hindi ako pwedeng malate. Hindi naman mag-aantay yung mga boss sa akin.”
“Well tama ka nga diyan! Girl push mo na yan para naman magkasama na tayo! Ang gaganda kaya ng benefits na binibigay nila.”
Hindi na pinatapos ni Xyrille ang kaniyang kaibigan sa kaniyang sasabihin at pinutol na niya ito kaagad.
“Sige na Gladys. Mamaya na lang. Nandito na siya.. tatawagan na lang kita ulit mamaya. Okay?!”
Maririnig mula sa kabilang linya ang malakas na mapang-asar na tawa ng kaniyang kaibigan ng mataranta ito dahil papalapit na sa kotse si Atty. David Loyola, ang lalaking nakabanggaan niya.
“Ayan ang sinasabi ko sayo Xyrille. You are still the Xyrille i know. Haha sakin ka lang talaga matapang girl. Pagdating sa ibang tao kahit pa sa pamilya mo palagi kang tiklop. Well wag kang pa-a-argabyado. “ nakatawa niyang sabi na may halong pang aasar.
“Oo sige na, tatawagan kita kaagad! Hayst wish me luck!” dali-daling ibinaba ni Xyrille ang tawag at inayos ang kaniyang damit , nilagyan niya ng kaunting lip gloss ang kaniyang labi saka niya binaba ang kaniyang tinted window.
Magalang at malaking ngiti ang binigay ni Xyrille ng bumaba ang kaniyang bintana kay Atty. David, pinaamo niya na mukhang kaawa-awa ang kaniyang mukha dahil siguradong siyang mayayari siya dahil dito. Sinadya ni Xyrille na liitan at babaan ang boses niya para hindi ma-mis-interpret ni at umaasang sa gayun ay pakawalan siya kaagad nito. Kailangang-kailangan niya talagang makaalis ngayon dahil ito na ang last chance niya para sa posisyong nais niyang applyan.
Ngunit isang mapang-inis na ngiti lang ang tinugon ni Atty. David sa kaniya. Ni hindi man lang nga siya nito tinignan, dahil ang buong atensyon niya ay abala sa sasakyan niyang na damage.
“Hello Sir! Bakit po?” tanong ni Xyrille na animo ay hindi niya alam ang nangyaring pagkakamali.“Aba Miss, tignan mo ang damage na ginawa mo sa sasakyan ko. Baka naman pwede kang bumaba saglit at harapin ako?” naiinis na singhal ni Atty. David “Tumawag na din ako ng pulis. Kaya lang nagmamadali na din ako kaya baka hindi ko na mahintay.”
Sa mga sandaling iyon ay nasusuklam si Xyrille sa sarili niya. Paanong hindi? Sa kinadami dami naman ng araw na dadapuan siya ng matinding kamalasan bakit naman ngayon pa? Kung kailan may interview siya. Napapaiyak na siya sa pagka-inis at kahihiyan dahil sa mga taong agad na naki-usyoso sa nangyayaring komosyon sa kanila.
[Sa isip niya: Ilang minuto pa lang akong nagmamaneho ay nakabangga na ako. Ang masaklap pa nito, kakakuha ko lang ng lisensya ko at ngayon mukhang ma-i-impound pa ang sasakyan ko. Pakshit na buhay ‘to! Ano’ng magagawa ko. Masyadong tahimik ang sasakyang ito. Kahit na napapabilis na pala ako ay hindi ko namamalayan ang bilis ng takbo ko. Yari pa ako nito kay Daddy dahil may nasira din ang sasakyan niya.Haist….
Abot kamay ko na sana yung building oh… Ayun na ee… natatanaw ko na. Ilang minuto na lang para sa schedule kong interview para makuha ko ang posisyon bilang trainor ng mga cleaner sa Elle Cruise Ship Company.]
“Okay lang naman pero medyo stress napaka daming problema sabagong account na hinahandle ko.”“Hmmm ganuon ba?! Gusto mo bang masahihin kita?”Tinignan ko siya ng may pagbabanta pero bigla din akong ngumiti. “Wag na love, alam ko na ang kasunod niyan. Pero alam mo love grabe.Sobrang maSherry issue ang problema sa account na yan.Alam mo bang mismong ang team leader ang late. Hindi updated ang coaching logs? May weekly review na kami. Bagsak ang quality score? Pero atleast ngayon unti-unti na kaming umaangat. Walang sales conversion? Hindi pa perfect, pero lumalaban na kami.”“Edi good din, kausapin mo na lang yung team leader kasi siya ang ginagayahan ng mga staff.”“Kaya nga. Ayun nga ang plano ko. Kung hindi siya makikinig sakin mapipilitan akong tanggalin siya at palitan ng ibang mas deserving sa posisyon at sahod na ibinibigay sa kaniya.”Napangiti sa akin si David sabay halik sa aking noo. Kinabukasan ay pumasok na ako sa office kagaya ng nakagawian isang hamon na naman ang
XYRILLE POVMas lalo akong naging determinado. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumilinaw sa akin ang mga problemang matagal nang binabalewala ng iba kaya naman pala ganito ang account na ito na tila hindi umuusad. Binuksan ko ang notebook ko at sinulat ito isa-isa:– Late ang team leader. – Hindi updated ang coaching logs. – Bagsak sa quality scores. – Halos walang sales conversion.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang listahan. Ang dami palang issue sa account na ito. Mga major issue na dapat pagtutuunan ng pansin. Lalo na ang mga staff na wala sa focus.Kinabukasan, nag-set ako ng alarm ng alas-sais ng umaga. Maaga akong naligo, nagkape, at lumabas ng bahay. Pagdating ko sa opisina, 8:00 AM pa lang. Tahimik pa ang floor, maliban sa ingay ng aircon at scanner. Kinuha ko ang performance reports, inayos ko ang daily goals, at nag-print ng motivational quotes na ididikit ko sa paligid.Pagdating ng 9:30 AM, unti-unti nang pumasok ang mga agents.“Uy, ang aga mo, Ms.Xyrill
THIRD PERSON POVNagulat na lang si Xyrille ng pagpasok niya sa opisina ay bigla siyang pinatawag ng kanilang HR.Tahimik lang si Xyrille habang nakaupo sa conference room, habang isa-isa ang pagpasok ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Ang mga mata nila ay hindi maipinta, mahahalatang may halong galit, pagtataka, at pag-aalinlangan. Sa likod ng kanyang mahinahong ngiti ay ang kumakabog niyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang unang araw niya bilang bagong head ng department.Si Xyrille ay nagsimula bilang isang junior agent ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Tahimik lang siya, walang ka-close, bihirang sumama sa mga inuman o kainan. Pero pagdating sa trabaho isa siyang seryoso, mabilis matuto, at consistent sa performance. Isa siya sa mga palaging may mataas na CSAT scores at laging lampas sa target KPI. Kaya’t hindi na kataka-taka nang i-announce ng management na siya ang bagong department head. Kahit pa walang tulong mula sa impluwensya ni Atty. David.Ngunit sa l
Mga bags, shoes, clothes at kahit na anong gamit na maari niyang magamit sa pang-araw-araw.Isa-isa kong sinuri ang bawat brand, at pumili ako ng mga gamit na babagay kay Xyrille, partikular ang mga damit na akma sa kanyang panlasa. Matapos ma-order ang lahat ng iyon, inutusan kong ipahatid ang mga damit bukas. Pagkatapos kong ayusin ang tungkol sa mga gamit. Pagkatapos ay pinanuod ko ang CCTV sa aming bahay nung mga sandaling nagkatapuhan kami, at duon ko napag-alamang malapit na palang kumatok si Xyrille sa pintuan ng aking office room noong kaya naman nakaramdam ako ng tuwa sa isip ko.Makalipas ang ilang oras, "Naipadala mo na ba ang mga gamit sa bahay namin?""Yes boss, okay na po lahat. Naipadala ko na po, at kagaya nga po ng pinag-utos mo ay tinanggal ko na yung mga presyo sa lahat ng gamit na pinabili niyo.Personal ko po itong ginawa Sir para makasigurado kayong maayos ang lahat. ""Okay good." natuwa ako dahil ito ang sandaling pinakahihintay ko. Ang maibigay ko ang lahat
Tahimik lang siyang nakinig, pinisil niya ang kamay ko.“David... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo noon. Kasi natatakot akong isipin mo na kasalanan ko. O baka isipin mong mahina ako. O baka... baka mawalan ka ng gana sa akin kasi hindi ko na maibibigay ang pangarap nating pamilya.”Hinanap ko ang mga mata niya at hinawakan ko ang mukha niya.“Xyrille, bakit ka nag-iisip ng ganyan. Ito ang tandaan mo Love, Walang kahit anong pangyayari ang magpapabago ng pagmamahal ko sa’yo. OO masakit ang nangyari kasi anak natin yun, Xy. Pero huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari. At kung may isang bagay akong pinagsisisihan, yun yung hindi ko naisalba ang sarili mo sa sakit na mag-isa mong tiniis.Dahil hindi ko kaagad nalaman ito”Napayuko siya, pero nilapit ko siya sa dibdib ko. Doon siya tuluyang umiyak ng tahimik. Wala akong sinabi, kasi minsan, hindi naman kailangan ng maraming paliwanag. Kailangan lang niya ng isang yakap mula sa akin.
Ang sakit marinig nun. Yung takot niyang mawalan, samantalang ako, sa bawat araw na lumilipas, natatakot ding mawala siya. Pero pareho pala kaming tahimik sa takot namin, imbes na harapin iyon nang magkasama.Hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit..“Xyrille,” mahina kong simula, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit ramdam kong basag na basag na ang loob ko, “hindi ako galit sa’yo. Hindi ko kailanman kinagalit ang mga nangyari sa atin. Hindi naman big deal sakin ang pagtawag mo sa profession ko. Lasing ka at naiintindihan ko naman yun. Ang mayroon kayo ni Tim noon ay tapos na yun at alam kong hindi pa din iyon ganun kabilis kalimutan.”Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy “Kaya ako lumayo nun, kasi natakot akong mahawaan kita. Hindi ko alam kung may virus ako o wala, ayoko lang isugal yung kaligtasan mo. Pero mali ko, kasi sa ginagawa ko, iniwan kitang mag-isa sa laban mo. Hindi ko namalayan, sa pag-iingat ko, lalo pala kitang nasaktan.”Kita ko sa mata niya yung konting pagg
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen