Share

Kabanata 1

Kabanata 1

MATAMIS ang ngiti ni Harmony nang makita si Hover sakay ng long board nito. His brown hair is hiding under his gray beanie while he's wearing his golden yellow pull over. Nakabulsa ang mga palad ni Hover sa kanyang itim na jeans na pinaresan niya ng kanyang paboritong sneakers.

Harmony is sitting between her cousin, Khallisa, and their friend Zak. Nakipag-apir si Hover sa tropang si Zak pagkatapos niyang bumaba ng long board. It's Saturday and they decided to hangout in their usual spot. Sa open field ng village kung saan pwede silang maglaro ng baseball o soccer.

Hover removed his airpods and was about to turn the music off nang mapansin niyang tinignan ito ni Harmony. May kalakasan ang tugtog at nang mapansin niyang tila gusto itong pakinggan ni Harmony, umismid siya at tumayo sa tapat nito.

Hover pushed the strands of her long brown hair towards the back of her ears so he can properly put his airpods in her ears. He's listening to his newest favorite song by Slander called Love Is Gone. 

Nirekumenda ito ng kapatid niyang si Germania. Of course, knowing Ania, they vibe on a lot of things, especially music. Nagustuhan niya kaagad ito gaya ng halos lahat ng nairekumenda sa kanya ng kapatid niya.

He watched Harmony listen to the song. Her light brown eyes seemed so focus on his chest as she purses her thin lips together. May matipid na kurba sa sulok ng mga labi nitong natural ang pagiging mamula-mula.

Harmony looked up and smiled at him. "I like it. Magandang kanta. I just find the lyrics a little depressing."

He chuckled softly. Tinanggap niya ang airpods na ibinabalik ni Harmony saka ito sinilid sa kanyang bulsa bago siya naupo sa binakanteng pwesto nito para sa kanya.

"It is. Si Ania ang hilig sa emo na kanta." Kwento niya.

Harmony laughed softly and cocked a brow at him. "Gusto mo naman lagi ka kayang humihingi ng song recommendations sa kapatid mo."

"Hey, I just like the beat. I'm sure Ania isn't focusing on the lyrics as well. Ang bata pa niya para iinterpret at irelate sa sarili niya ang mga pang-brokenhearted na lyrics ng bawat kantang nagugustuhan niya."

Niyakap ni Harmony ang mga tuhod nito saka pinatong ang baba rito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Pero maganda ang nairecommend niya noong nakaraan. Anong title na nga no'n? Eric something ang singer."

Sandaling nag-isip si Hover. "Ah! Yeah I know that song." Nilabas niya ang kanyang phone at binuksan ang kanyang music library. He accessed the playlist he created for all of Ania's recommendations na pinangalanan niyang Ania's playlist nang madali niyang makita.

"This one, I think? If You Met Me First by Eric Ethridge? Yeah I like it but it's too depressing." He laughed.

"Nasaan nga pala sila?" Sabat ni Zak sa kanyang gilid.

Sabay silang napalingon ni Harmony rito. "Mga kapatid ko? Kasama nila Dad si Brit at Cookie. Ania and France went somewhere. Hindi ko na natanong kung saan nagpunta dahil nakaalis na bago ako bumaba ng kwarto."

Umismid si Zak saka ngumisi. Kaedad niya lamang ito ngunit ang kilay, may peklat dahil madalas mapasabak sa rambulan sa school. Naka-clean cut ang itim nitong buhok pero ang gilid ay may disenyong parang kidlat.

Zak is a typical bad boy, but he's cool with him. Hindi naman ito nagtatarantado kung hindi unang kinakanti kaya hindi nila iniiwasan.

"Sigurado kasama ng utol ni Harmony."

Tumaas ang kilay ni Hover. "Sino? Si France at Ania? Bakit?"

"Ah, alam mo na." Nahiga si Zak sa telang nilatag sa damuhan saka nito inunanan ang dalawang kamay. "Double date kasama tropa ni Keis."

"Huh? Sino dun? Sorry ah Mr. Congeniality kasi 'yang magaling mong kapatid, ate Harmony." Ani Khallisa na ngayon lang nagpaistorbo mula sa pagbabasa ng makapal na libro.

Nagkibit-balikat si Harmony. "I have no idea. Pili lang naman ang nakikilala ko sa mga friends ni Keis. Si Serene ang mas nakakakilala sa mga kaibigan ng kapatid namin." Humarap ito muli sa kanya. "Anyway, gusto mo ba tawagan ko? I'll ask Keis if your sisters are with him."

Gumalaw ang panga ni Hover at ang kanyang dila ay bahagyang binasa ang kanyang ibabang labi bago siya tumango. "Sige nga, please. Baka mamaya hindi alam nila Dad 'yan. Panigurado si Francia na naman ang may pakana kung sakali."

"Oh, mainit na naman ang ulo mo." Agad nitong sita sa kanya.

He sighed and removed his beanie. Sinuklay niya ang kanyang buhok patungo sa likod habang bahagyang nakatikwas ang kanyang mga labi. "Hindi."

"You are." Natatawang umirap si Harmony saka nito nilabas ang phone para tawagan ang kapatid. "Saka mo lang tinatawag si Francia sa pangalan niya kapag badtrip ka na. They're fifteen. Of course they'll be a little stubborn already."

"Si Francia lang." His brows furrowed. "Si Ania hindi naman magkakainteres 'yon na sumubok ng mga bagay-bagay kung hindi iniimpluwensyahan."

Harmony sighed, pigil ang tawa habang nakataas ang isang kilay. "Ewan ko sayo, Hover. You must stop being too possessive with your sisters especially towards Germania. Ang daming nagkakagusto sa kanya na okay naman ah?"

Lalong nalukot ang noo ni Hover. Humigpit din ang hawak niya sa kanyang beanie habang ang kanyang panga, hindi niya namalayang umigting na pala.

"Bata pa mga kapatid ko. It's too early to explore. Isa pa, ayoko magback up kay Daddy kapag may sinugod siyang manliligaw ng mga 'yon. Kita niyo naman sa tattoo pa lang ni Dad. Suntok pa lang no'n kakalas na ang kaluluwa ng tao sa katawan."

Natawa ang kanyang mga kasama. Si Zak ay sumipol pa pagtapos. "Lagot pala si Keis at Eiron."

Natigilan si Hover. "Eiron? Gago 'yong pinsan mo?"

Ngumisi si Zak. "Ay pinsan ko ba 'yon? Sorry na-a-amnesia ako minsan."

"Tarantado!" Asik ni Hover saka ito hinampas ng beanie sa dibdib.

Humalakhak si Zak. "Chill ka lang. Sigurado naman ligtas mga 'yon kasama naman si Keis."

Lalong dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Hover. "Kahit na. Kilalang matinik sa babae 'yang pinsan mo kaya tantanan mo ko. Noong isang buwan nagpaiyak na naman 'yon ng seventh grade. Ang hilig-hilig sa bata! Pagsabihan mo nga 'yon tsaka layuan niya mga kapatid ko kung hindi sasamain siya sa akin kahit tropa kita."

"Shh! Wait ito na nagri-ring na phone ni Keis." 

Napalingon muli si Hover kay Harmony, inaabangan na sagutin na ng kapatid nito ang tawag nang mapauwi na niya ang mga kapatid niya. Malilintikan talaga sa kanya si Francia oras na malaman niya kung saan na naman nito kinaladkad si Ania. 

Not that he thinks France is the black sheep of the family, pero kilala niya ang mga kapatid niya lalo si Ania. Hindi iyon basta sasama sa mga lalake. Ania knows her limits. Ito ang pinaka-mature mag-isip sa mga kapatid niya kaya nga ito ang pinakakasundo niya sa lahat.

Ania was a huge factor of his recovery. Nagtyaga itong maging kaibigan niya. Madalas ito ang kausap niya kahit kapag dumadalaw lamang sa ampunan noon. While Brit and France play with the other kids, Ania would rather stay with him inside and draw with him. Hindi nagtagal, dahil sa pakikipgkwentuhan ni Ania, nasanay siyang makipag-usap muli sa ibang tao.

His therapy got more progressive especially when he was finally adopted. Since then, things got better and better until he had finally recovered.

Kaya alam niya ang ugali ng mga kapatid niya especially Ania. She won't think about boys and dates at this age. Ni wala nga siyang alam na crush nito hindi gaya ni Brit at France. Not that he's asking his siblings. Sadyang napapansin lamang niya.

"Hello, Keis? Kasama mo ba sina Francia at Germania? Kasama mo? Sino pang kasam mo? Si Eiron?" 

Hover's gaze went sharper. Wala siyang tiwala sa pinsang iyon ni Zak. Uminit lalo ang ulo niya kaya sinenyasan niya si Harmony na ipasa sa kanya ang cellphone nito.

Harmony sighed. Hindi ito tumutol pero winarningan siyang huwag makipag-away sa pinsan ni Zak.

He jerked his head up and placed the phone against his ear. "Nasaan mga kapatid ko?"

"Oh, kuya Hover. Nandito lang kami sa bagong Korean Cafe malapit sa village. Gusto ni Ania na masubukan—"

"Hindi kumakain ng maanghang si Ania at huwag mo siyang tawaging Ania."

Sinipat ni Harmony ang kanyang braso. "Huy sira kapatid ko 'yang kausap mo hindi si Eiron."

Lalo lang dumilim ang ekspresyon ni Hover. Naiinis siya dahil hindi niya rin magawang iayos ang mood niya. Knowing that the girls are with Eiron? Talagang puputok ang pisi niya.

He sighed and rubbed his palm on his face. "Pakibigay kay Francia ang phone, Keison."

"Okay, kuya Hover. Teka ito na."

"Kuya? Bakit na naman?" Bungad ng suplada niyang kapatid.

Kumuyom ang isang kamao ni Hover. "Bakit sumasam kayo diyan kay Eiron hindi mo ba alam na kilalang playboy 'yan?"

"Judgerist. Nanlibre lang hindi naman nanliligaw!"

Naningkit ang kanyang mga mata. At talagang iyon ang isasagot sa kanya nito? Muntik niya nang malimutang hindi niya cellphone ang hawak niya.

"Bakit, mukha ba tayong naghihirap para magpalibre kayo?"

"Hindi gano'n. Ang komplikado mo na naman. Ewan ko sayo, kuya."

He breathed out heavily. Umigting ang kanyang panga at ang kanyang kamao ay humigpit ang pagkakakuyom. "Bigay mo kay Ania cellphone bago kita sugurin diyan."

"Arte parang babae! Oh, Ania! 'Yang lolo mo may regla na naman!"

Hover heard a familiar sigh. Mayamaya'y tuluyan niyang nadinig ang tinig ng isa niya pang kapatid.

"Uuwi kami agad. Huwag ka nang magalit."

His heart suddenly calmed down. May kakaiba talaga kay Ania. Kaya nitong hupain ang bagyo sa dibdib niya kahit sa simpleng mga salita lamang.

He cleared his throat and kept his facade. "B—Ba't sumama ka diyan?"

"Nabanggit ko kasi no'ng nakaraan na gusto kong magtry ng Korean food. Nagprisinta sila na sasamahan ako and they insist to pay for it."

Sumimangot si Hover. "Bakit di mo sakin sinabi? Alam ko rin naman diyan at kaya ko rin namang manlibre."

Germania laughed. "Ayaw mo rin ng maanghang paano kita yayayain?"

Napairap siya sa kawalan habang umiiling. "We should've tried it together." He said, almost a whisper.

"Sorry na."

Lumunok si Hover. Humupa na naman agad ang galit niya, kaya lang ay nang madinig si Francia na nagyayaya mag-mall tapos ay nadinig niya si Eiron na tinatanong si Ania kung gusto nitong manood sila ng sine o kaya ay maglaro sa arcade, lumiyab na naman siya sa galit.

He clenched his jaw and balled his fist. 

"Uwi, Germania."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status