Share

Kabanata 2

Kabanata 2

SINIMANGUTAN kaagad ni Francia si Hover nang makita itong nakatayo sa may pinto ng kanilang bahay. Seryoso itong nakatitig sa kanila ni Germania habang bumababa ng kotse ni Eiron.

Francia bid her goodbyes to Eiron and Keis while Germania worriedly stared back at Hover. Nang magtama ang kanilang mga mata, napalunok si Germania nang makitang umigting ang panga ni Hover kasabay ng pagsingkit ng mga mata nito.

Her heart suddenly pounded hard inside her chest. Iniwas niya ang tingin at sumilip sa loob ng sasakyan upang magpaalam sa dalawa.

"Bye Eiron. Bye Keis. Next time na lang tayo magmall."

Keison smiled at her and stretched his arm out to reach for her hand that's holding her pouch bag. Napababa siya ng tingin sa kanilang kamay nang masuyong piniga ni Keison ang kamay niya.

"Thanks for today, Germania. I enjoyed it kahit saglit lang." Bumitaw ito at umayos na ng upo sa kotse bago kumindat sa kanya. Kapag talaga natititigan niya si Keison, pakiramdam niya ay nakatingin siya sa younger version ng tatay nitong si Keios Ducani.

Keison has this natural bad boy aura but he is a very disciplined guy. Sobrang dedicated sa paglalaro ng soccer gaya ng ama nitong kilalang football star. His jet-black hair has a clean cut that defined more his prominent jaw line. Masungit ang mga kilay at ang ilong ay matangos.

"I'll see you at school, Germania but we can FaceTime tonight if you're free."

She smiled and nodded. "Sure. I'll tell you when I'm already free." Hinawakan niya ang braso ng kanyang kakambal saka kumaway sa dalawa habang umaatras sila.

Eiron started the engine. Pinanood nilang umalis ang kotse bago sila nagtinginan ni Francia. Now they have to face Hover. Parang kinabahan na naman si Ania. Laging ganito kapag pakiramdam niya ay nababadtrip ito sa kanya, ang tindi ng kabog ng dibdib niya.

Sumulyap si Francia kay Hover bago siya hinatak upang bulungan. "'Yang lolo mo sabihin mo huwag kalimutan ang pag-inom ng maintenance niya. Baka mamaya bigla na lang maatake 'yan ng highblood."

Natatawang umayos ng tayo si Germania. "Ikaw talaga puro ka kalokohan."

Francia hissed and pouted. "Gusto ko pang magmall. Ang epal talaga ng kuya mo." Umirap ito saka nagmartsa papasok ng bahay. Tumigil pa ito sa harap ni Hover at pinandilatan ito ng mga mata.

Napailing na lamang si Ania saka bumuntong hininga. Pinanood niya si Hover na sundan ng tingin ang kakambal niya. Nang ibalik nito ang tingin sa kanya, nakasimangot na itong tiniklop ang mga braso sa tapat ng dibdib bago siya tinaasan ng isang kilay.

Ania pursed her lips together and held her pouch bag. Naglakad siya patungo rito saka pilit na ngumiti. "A—Are you mad?"

Hover sighed. Gumalaw ang panga nito ngunit ang mga mata ay unti-unti na ring lumambot ang ekspresyon. "Huwag ka na ulit sasama kay Eiron. I don't trust him. Kaibigan ko si Zak at hindi ko gusto ang karakas ng magpinsang 'yon."

"Hindi naman siya nagpakita ng kahit anong masama. Keison made sure he won't do anything. Kilala mo naman si Keis eh."

Umiwas ito ng tingin. Ang adam's apple nito ay gumalaw senyales na lumunok ito. His brows furrowed as if he got annoyed again. "Basta next time huwag na. Bawal pa ang dates, Ania."

Uminit ang kanyang pisngi. "Hindi date iyon ah!" Depensa niya.

Hover gazed back at her in a cold way. "It sounded like a date to me. Tara na sa loob."

Tumalikod ito at akmang papasok na nang hawakan niya ang manggas ng hoodie nito. She bought that hoodie last Christmas. Iyon ang regalo niya rito dahil ang hilig nito sa ganoong damit.

Hover stopped and looked at her again. Nilunok niya ang kanyang laway at sinalubong ang tingin nito.

"It's not a date."

Hover's expression soften. Bumuntong hininga ito bago matipid na ngumiti at ginulo ang kanyang buhok. "Sabihin mo kay France kapag natalo niya ko sa chess magso-sorry ako sa kanya."

She laughed. Umakbay ito sa kanya at sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Now her heart is pounding hard again. Hindi niya alam kung bakit pero kapag ganito si Hover, pakiramdam niya may naglalarong mga paruparo sa sikmura niya.

She's too young to recognize the feeling, and she doesn't think she's ready to put it into words. Maybe this is just because among them all, Hover and her are the closest.

BUMUKAS ang mga mata ni Hover nang madama niyang may humila ng silya sa kanyang tabi. Nasa library sila ng school ng mga kapatid niya nang dumating si Harmony at Serene. Harmony sat next to him while Ania is on his other side.

Ngumiti siya at inalis ang kanyang airpods. "Nadala mo?"

Harmony nodded as she ran her fingers onto her thick brown hair. Napunta sa isang side ang buhok nito at na-expose ang maputi at may nunal na leeg matapos nitong ikabit ang trlang headband na may disenyong sunflower print.

"Here." She said as she pulled out the flashdrive from her bag's pocket. "Nandiyan ang complete season."

"Ayos." He smiled and pinched Harmony's cheek like what he always does. "The best ka talaga."

"Libre mo kong milk tea hindi free 'yan." Nakangisi nitong sabi.

Hover smirked. "Ang hina mo manggantso."

She giggled softly and opened her workbook. "Tsaka turuan mo ko sa assignment. Hindi ko masyadong naintindihan si Mrs. Lazaro."

"Hindi naman kasi naiintindihan si Mrs. Lazaro kahit kailan."

Sinipat ni Harmony ang kanyang braso saka ito nagpalinga-linga. "Ikaw talaga walang preno 'yang bibig mo baka mamaya isumbong ka kay Mrs. Lazaro."

Ngumisi siya at inagaw ang workbook ni Harmony. Nagpangalumbaba siya at ang kanyang siko, tumama sa siko ni Germania. Agad nitong inurong palayo sa kanya ang siko nito kaya napalingon siya rito.

Ania is bowing her head while she's listening loudly to her newly discovered song. Sinilip niya ang mukha nito at napansing nakasimangot kaya inagaw niya ang isang earphone nito at kinabit sa tainga niya.

Napaangat ng tingin si Ania sa kanya, halatang nagulat ngunit ngumisi lamang siya saka niya sinandal ang gilid ng ulo niya sa kanyang kamay na konektado sa braso niyang nakasangkal sa mesa.

He started telling Harmony what to do with the equation. Nang magsimula itong mag-solve, pinagmasdan niya ang kilay nitong bahagyang nagsasalubong na halatang nagfo-focus na naman. Her lips are even pressing against each other.

Maganda talaga si Harmony. She has this cool chic vibe despite her prim composure. Mahilig din ito sa soccer dahil sa impluwensya ng ama kaya pawisan man o babaeng-babae, kaya nitong dalhin ang sarili.

Men are lining up just to get noticed by Harmony. He's lucky they've been best friends since they first met. Naging magaan ang loob nila sa isa't-isa mula noong una silang magkita at isa si Harmony sa mga tuwang-tuwa nang maiuwi na siya ng Mom at Dad niya.

He finds her cute whenever her eyes quench. May ugali itong kinakamot ang ballpen sa patilya saka bahagyang sisimangot kapag may pinagtutuunan ng pansin.

Hindi naiwasang mapangiti ni Hover habang nakatitig kay Harmony. She's blooming into a fine lady and he considers himself lucky that he's not working so hard like others to get even the slightest of her attention.

"Tama ba?" She lifted her gaze and met his eyes. Nang mapansing nakatitig siya ay uminit ang pisngi nito. "Ayan ka na naman."

Hover suppressed his smile and cleared his throat. "Kapag natutunan mo 'to, sasamahan mo kong panoorin 'yong series."

"Eh napanood ko na 'yon."

Inagaw niya ang pen saka ito tinaasan ng kilay. "Then watch it with me again. Ganun kasimple."

Harmony sighed. Matipid itong ngumiti saka tinapik ang kanyang pisngi. "Fine. As if I can say no to you."

"Sweet naman."

Napalingon silang pareho kay Francia at Brit na nakapangalumbaba sa kanilang harap habang makahulugan ang mga tingin.

Harmony seemed caught off guard. Umayos ito ng upo saka tumikhim. "We're bestfriends."

"Ah." Brit grinned at Francia. "Bessy kasi ikaw talaga."

Francia popped her gum and raised a brow. "Bawal kami makipag-date pero kayo pwede magmovie marathon together?" Umirap ito at dinampot ang kanyang shoulder bag. "Hindi ako galit sayo ate Harmony. Naaasar lang ako kay kuya. Panira ng lovelife 'yan."

Kumunot ang noo ni Hover. "Lovelife lovelife ka diyan, Francia. Umayos ka ang bata mo pa."

Umirap lamang ito saka umikot upang hatakin si Germania. "Tara na, Ania. Huwag nating istorbohin 'yang mga 'yan. Serene, sama ka sa amin. Manood na lang tayo ng practice game nila Keis."

Hover's expression darkened when he noticed Germania followed Francia's order. Sinilid nito pabalik sa bag ang mga gamit saka nito inagaw sa kanya ang earphone nito bago tumayo.

"Sa field lang kami." Malamig nitong paalam bago tumalikod.

Hover sighed. Hindi niya gusto ang lamig ng boses nito, at lalong hindi niya gusto na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ania, you can stay. Hindi mo kailangang sumunod diyan kila Francia at Brit."

Huminto ito at tila nag-isip, ngunit mayamaya'y nagtaas-baba ang mga balikat nito bago nagsalita habang nananatiling nakatalikod sa kanya.

"I want to watch, too. Gusto kong panoorin si Keison maglaro."

Hindi alam ni Hover pero parang tinadyakan ang dibdib niya. Naikuyom niya ang kanyang kamao at sumiklab na naman ang inis niya nang manguna pa itong naglakad palabas ng library nang hindi man lang siya ulit tinitignan.

Ano bang ginawa niya at parang badtrip ito sa kanya? Minsan talaga ang hirap ispelengin ng mga kapatid niyang babae, lalong-lalo na si Ania.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status