"BAKIT magkaaway kayo ni ate?" ani Justin nang makaalis na ang kanyang kapatid.
"Uhm... wala 'yon. May hindi lang kami pagkakaintindihan ng ate mo. For sure, magiging okay din kami bukas." Pagdadahilan ko para lang huwag na siyang magtanong pang muli sa'kin.
"Sana nga kuya. Ayon kasi sa mga narinig ko kanina ay mukhang galit na galit sa'yo si ate." Dagdag pa niya.
Nagkibit balikat lamang ako sa huli niyang sinabi. Dinampot ko ang isang mansanas at kaagad kong binalatan para ipakain kay Justin.
"Thanks kuya. By the way, may naisip akong paraan upang maging okay na kayo ni ate." Nakangiti niyang sambit bago kinagatan ang mansanas.
"Huh? What is it?" Bigla ay naging interesado ako sa kanyang sinabi.
"Uhm... bakit kaya hindi mo siya puntahan ngayon? Sunduin mo siya. Suyuin mo ngayong gabi, nang
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Balak ko sana'ng ignorahin na lamang ito subalit ng masulyapan ko ang pangalan ni Thana sa screen, ito'y kaagad kong dinampot at sinagot."Thana, what's wrong?" kinakabahan kong tanong sa kanya."S-simoune." Walang kabuhay-buhay na pagtawag niya sa pangalan ko."Hey, what happen?" muling tanong ko sa kanya, ngunit hindi niya na ako sinagot pa. Nagmamadaling dinampot ko ang susi ng guest room at patakbong lumabas ako ng silid.Nang tuluyan ko ng mabuksan ang kuwarto, gayo'n na lamang ang aking takot ng malaman kong ang taas pala ng lagnat nito habang nagtatagis ang mga bagang dahil sa sobrang panginginig ng buo niyang katawan.Hindi ko maintindihan kung ano ba ang uunahin ko, kung yayakapin ko na lang siya upang maibsan ang kanyang pangangatog, kung pupunasan ko na siya ng maligamgam na tu
PAGDATING ko sa aking condo ay kaagad akong dumiretso sa guest room upang ibalita kay Thana ang tungkol sa bone marrow donor ni Justin."Really?" hindi makapaniwalang sambit niya matapos kong ikuwento ang naging pag-uusap namin ni Doctor Smith."Yeah. Konti na lang at magiging okay na rin ang lahat Thana.""Sana nga Simoune." Bigla ay naging malungkot na naman ang kanyang tinig. "Sana lang pagkatapos ng operasyon ni Justin ay maging tahimik na ang aming buhay. Sana wala ng-""Sus, magsisimula ka na naman ng drama." Natatawang dugtong ko sa iba pa niyang sasabihin. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo, kaya't wala kang dapat na ipag-alala." Dahan-dahan ko siyang niyakap at kapagkuwa'y ramdam kong gumanti rin siya."Habang buhay kong tatanawin'g utang na loob ang lahat ng 'to Simoune." Aniya na ngayon ay kasalukuyan ng nakatitig sa aking mga mata habang mariin pa
NANG sumapit ang huwebes ay muli akong tinawagan ni Tiffany upang siguraduhin na sasama nga ako mamaya sa kanya.Tinatamad na nagligpit ako ng aking mga gamit. Balak ko sana'ng puntahan muna si Thana upang makapagpaalam, subalit nagulat ako ng bigla na lang itong sumulpot sa aking opisina."Hey, good morning honey!" Aniya na kaagad akong ginawaran ng halik sa labi."Oh, ba't ang aga mo naman yata ngayon?""Bakit, bawal ba'ng bisitahin ng maaga ang boyfriend kong guwapo?" Dagdag pa niya na may halong pang-aasar."Syempre hindi! Balak nga sana kitang puntahan kaya lang naunahan mo na ako." Kunwari ay nagmamaktol kong saad."Sus, pumunta lang talaga ako rito para i-remind ka sa lakad niyo ni Tiffany."Kunot-noong tinapunan ko ng isang nagtatanong na tingin si Thana."Anong oras ba kayo aalis ni Tiffany?" muli niyang usisa habang prente itong
NAGING mainit ang pagtanggap sa'min sa wedding party ni Mr. Saison kaya naman hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras. Lasing na rin ako dahil sa sangkatutak na scotch whisky na inilatag sa'min kanina matapos ng wedding ceremony.Dahan-dahan akong tumayo para sana mag banyo subalit bigla na lang umikot ang paningin ko. Mabuti na lang at agad akong naalalayan ng mga naroon sa table kabilang na rin si Tiffany.Dulot ng aking kalasingan ay hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na rin nagawa pang idilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay antok na antok na ako. Basta ang huling natandaan ko ay inakay ako ni Tiffany at ni Mr. Suarez patungo sa room na pag-aari ng groom. Isa rin si Mr. Suarez sa may mabangong pangalan sa business industry kaya naman ay hindi ko maitatangging humanga rin ako dati sa angking galing niya sa pagpapatakbo ng negosyo.
ILANG araw din akong nanibago sa mga salita at kilos ni Thana. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ang lahat o sadyang nagbago lang siya. Sa bawat araw kasi na lumilipas ay mas lalo siyang nagiging malambing at maasikaso sa'kin. Subalit sa kabila ng kabutihang ipinapakita niya ay hindi ko pa rin magawang makampante lalo pa't may hindi kanais-nais na naganap sa wedding party ni Mr. Saison. Madalas ko rin'g mahuling umiiyak si Thana ngunit sa tuwing tatanungin ko siya, madalas ay napuwing lamang kanyang sagot saakin."Dadalaw ka ba kay Justin mamaya?" Ani Thana matapos kong isara ang aking laptop."Yeah, after office hour.""Daanan mo na lang ako mamaya huh! Sabay na lang tayo'ng pumunta ro'n." Bilin niya bago lumabas ng opisina ko.Hindi ko na kailangan pa'ng magpa-order kay Beberly ng tanghalian namin dahil si Thana na mismo ang naghatid. Madalas rin na sabay kaming na
NAKAKABINGI ang katahimikan sa condo ko. Simula pa kasi kahapon ay hindi na ako kinikibo ni Thana. Sinubukan ko siyang kausapin'g muli kagabi pero hindi niya ako pinagbuksan ng pinto kaya't hinayaan ko na lang muna na humupa ang kanyang galit. Maging si Molly ay hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. Marahil ay galit na galit rin ito saakin.Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ko napagdesisyunan na dalhan ng almusal si Thana. Kailangan ko siyang paulit-ulit na suyuin para lang mabawasan ang galit niya saakin.Ilang beses rin akong kumatok bago niya ako pinagbuksan."Can I come in?" malumanay kong tanong sa kanya."Yeah." Sa wakas ay nagawa niya rin'g sumagot."Thank you." Dahan-dahan kong inilapag ang dala kong tray na puno ng pagkain. "Here's your breakfast." Naiilang kong alok sa kanya.
MATAPOS ang asaran namin ni Beberly, kaagad akong dumiretso sa hospital upang dalawin si Justin at para na rin makausap ko ito tungkol sa nangyayari sa'min ng ate niya.Sa totoo lang ay kinakabahan rin ako sa magiging resulta ng pag-uusap namin ngayon ni Justin. Kaya naman huminga muna ako ng malalim, kinumbinsi ko rin ang aking sarili na maiintindihan ako nito at kapagkuwa'y pikit mata kong binuksan ang pintuan ng ward.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata subalit gayo'n na lamang ang aking pagkamangha sa aking nasaksihan, because Thana and Aston are kissing inside the hospital room.Kaagad akong natulos sa aking kinatatayuan. Maging ang door knob ay hindi ko na nagawang bitawan pa."Simoune!" Bumalik lang ako sa tamang huwisyo ng kapwa nila tawagin ang aking pangalan.Akmang tatalikur
ILANG beses akong kumatok subalit hindi man lang ako pinagbuksan ni Thana. Kaya naman kinuha ko na lang ang duplicate key na nasa aking bulsa at kaagad kong binuksan 'yon.''Thana!" sigaw ko nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan.Nakatalukbong ito ng kumot. Hindi ko alam kung tulog na nga ba ito o nagtutulog-tulugan lang. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit at unti-unti kong ibinaba ang nakabalot sa may parteng mukha niya."Ano ba?" biglang reklamo niya, dahilan upang magulat ako."Hon, kausapin mo naman ako oh!""Ang kapal ng mukha mo! Kanina, hindi mo ako pinapansin tapos ngayon heto ka at para kang pusang lampong na nakabantay sa'kin.""I'm sorry." I said while pouting my lips."Sorry? Tsk... diyan ka naman magaling eh, sa paghingi ng sorry.""Thana, I know that-"