LOGIN“Fuck!" Naihilamos na lang ni Abraham ang kanyang palad nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. Sinundan niya ng tingin ang inaanak at dire-diretso lang itong umakyat hanggang sa makapasok sa sariling kwarto.
Hindi niya mapigilang mainis sa sarili dahil nawalan siya ng kontrol. Nainis kasi siya sa sinabi nito na kumakandong na ito sa boyfriend nitong si Brent. He felt a little pang of jealousy. Kaya gusto niya ring iparamdam kay Yvonne na mas komportableng kumandong sa kanya kaysa sa hita ng boyfriend nito. Pero mukhang iba ang naging reaksyon nito kaysa inaasahan.
Uminom na lang siya ulit ng alak saka tinitigan ang pumipintíg na bukol sa sentro niya. Nagwawala sa tigas ang kanyang alaga. At siguradong naramdaman ito ng dalaga kanina dahil pansin niyang napatingin ito rito. Napailing na lang siya nang maisip na baka mailang na ng tuluyan ang inaanak sa kanya, at baka iniisip na nito na pinagnanasaán niya ito... na totoo naman.
Pero kahit na totoong may pagnanàsa siya rito ay ayaw niya pa ring mahalata ito dahil baka ma-weirdo-han lang sa kanya ang inaanak.
“Ang tanga mo naman, Abraham!” gigil niyang sambit sa sarili saka siya tumayo at iniligpit ang bucket ng yelo at bote ng alak. Hindi dahil para matulog na, kundi dahil gusto niyang pumunta ng bar at uminom ng mas matapang na inumin.
Nang mailigpit niya ang mga ito ay umakyat na siya sa kwarto niya para kumuha ng jacket. Napahinto pa siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Yvonne. Kakatukin niya sana ito para makausap, pero naisip niya rin ang posibilidad na baka hindi naman ito nailang sa kanya.
“Bukas na lang,” aniya saka siya bumaba at dumiretso sa garage.
Balak niya sanang pumunta sa paboritong bar niya, pero dahil naalala niyang nag-text pala si Joseph, ay nagdesisyon siyang mag-iba ng pupuntahan. Baka kasi magtagpo ang landas nila ni Joseph, at ayaw niya munang mangyari ‘yon dahil gusto niya munang mapag-isa.
Naghanap siya ng magandang bar na malapit sa kinaroroonan niya at may nakita siyang kakabukas lang na bar. Agad siyang nagtungo rito, pero natigilan siya nang makita niyang halos lahat ng mga pumupunta ay higit na mas bata sa kanya. Tingin niya’y hindi para sa kanya ang bar.
Aalis na sana siya nang may makita siyang pamilyar na mukha. Naningkit pa ang mga mata niya para masigurong hindi siya nagkakamali.
It was Brent.
Inilapit pa niya ang sasakyan para kumpirmahin.
At si Brent nga, at may kausap itong isang babae na tingin niya’y ka-edad lang din ni Yvonne.
“Must be his friend…” aniya, dahil ayaw niyang pagdudahan ang lalaki. Kahit na naiinis siya rito ay hindi rin naman niya maitatanggi na magalang at mabait ito nang makausap niya. Disenteng binata.
Hahayaan na lang sana niya ito pero natigilan siya nang makitang inakbayan ni Brent ang kausap nitong babae at nakipagtitigan dito. At hindi lang doon natapos ang lahat dahil nagsimulang maghalikan ang dalawa.
Umawang ang bibig niya sa labis na galit.
Lalabas na sana siya sa kotse niya para komprontahin ang binata, pero naisip niya na wala siya sa posisyon para gawin ‘yon. At isa pa, baka baliktarin lang siya nito kung sakaling isumbong niya ito kay Yvonne. Kaya ang ginawa niya ay kinunan niya ng video ang kagagúhang ginagawa ng lalaki.
“Ang kapal ng mukha mong paglaruan si Yvonne…” gigil niyang sabi habang titig na titig sa nire-record niyang video. “Don’t expect that you can get away with this. Akala ko pa naman disenteng tao ka.”
Sinigurado niya talagang kita ang mukha ng binata at ng kahalikan nito para solid ang ebidensyang maipapakita niya sa inaanak.
“How dare you toy with Yvonne's heart?!” inis niyang sabi saka itinigil ang pagkuha ng video.
Hindi siya lubos na makapaniwalang may tinatagong kati rin pala ang binata. Mas lalo lang tuloy kumulo ang dugo niya nang maalala kung paano ito makipaglambingan kay Yvonne na para bang wala itong ginagawang kasalanan.
Sinayang nito si Yvonne!
Bago pa man tuluyang magdilim ang paningin niya ay nagdesisyon siyang umuwi na lang. At sa kalagitnaan ng galit niya ay bigla siyang natigilan nang may napagtanto.
Sumilay ang isang matagumpay na ngisi sa kanyang mga labi dahil nabuhayan siya ng pag-asa. Sa oras na malaman ni Yvonne na niloloko lang ito ng nobyo nito, malamang sa malamang ay iiwan nito si Brent. Mawawala ang sagabal sa kanilang dalawa.
He knows it was evil to destroy a relationship, pero hindi niya rin kayang sikmurain ang ginagawang panloloko ni Brent. He has to teach him a lesson. Dahil kung nagkataon na siya ang naging nobyo ni Yvonne, hinding-hindi niya ito lolokohin.
Mukhang gumagawa talaga ng paraan ang tadhana upang mapasakamay niya ang inaanak.
Dapat ba niyang kunin ang pagkakataong iyon?
Kabado man sa nakaraang komprontasyon ay natuloy pa rin ang plano nila Yvonne at Abraham na sabay na pumunta sa outing ng mga executive.“Are you sure she won’t find out?” tanong ng dalaga. Makailang beses na niyang inulit ang tanong na ‘yon sa Ninong niya, dahil hindi mawala-wala sa isipan niya ang reaksyon ni Astrid habang nakatingin sa kanya. That woman looked like she would choke her to death any moment.“There’s no way she would find out,” kumpiyansang tugon ng lalaki at hinawakan pa ang kamay niya para bigyan siya ng kasiguraduhan. “So don’t worry, and just enjoy this little break we have,” dagdag nito at matamis na ngumiti sa kanya.Marahan siyang tumango at sumandal sa upuan sabay tingin sa labas ng bintana. Maybe she’s just worrying too much and overthinking about last time. Baka masyado lang niyang iniisip si Astrid na umabot na sa puntong kung ano-ano na lang ang naiisip niya.“You won’t enjoy our trip if you keep on thinking about Astrid,” muling sambit ni Abraham sa kanya
“You’re going on a trip?” reaksyon ni Astrid matapos marining ang sinabi ni Abraham. “That’s perfect! I was actually planning to go on a trip with you. I’ll book a ticket right away so I could—”“You’re not going with me, Astrid,” matigas na putol nito sa sinasabi ng babae. “That’s an exclusive trip solely for the company executives,” dagdag pa nito saka diretsong tiningnan sa mata ang babae. “An exclusive trip. Naiintindihan mo ba?”Tahimik lang na nakikinig si Yvonne sa usapan ng dalawa. Nasa hapag sila at naghahapunan. Mabuti na lang at si Abraham na ang nagluto, dahil baka mabiktima na talaga siya ng food poisoning kung sakaling si Astrid ulit ang nagpresintang magluto.“Hindi ba pwedeng sumabay ako?” pagbabakasakali ng babae. “I’ll book my own ticket, hotel, I’ll shoulder my own expenses.”Hindi niya mapigilang mapangiwi sa pagiging desperada ng babae. Nakaramdam siya nang bahagyang awa rito lalo na’t gaya nito ay desperada rin siya sa atensyon ni Abraham. Ang pinagkaiba lang nil
“How was she?” nakangiting tanong ng ina ni Axel nang ikwento niya rito na nakilala na niya ang anak ng Tito Jude niya.Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. “She’s a little unpredictable, mom, but I like her unpredictability. She’s so real, so genuine,” paglalarawan niya sa babae saka napasandal na lang sa couch at inalala ang mala-anghel na mukha ng dalaga.“I can see that,” tugon naman ng kanyang ina saka ipinatong ang palad sa balikat niya. “So, what’s your next move? Are you gonna introduce yourself and tell her you’re her future husband?” sabik nitong dagdag.Umiling siya sa ina. “No, mom. I won’t do that. Not yet,” pagtanggi niya saka huminga nang malalim. “You know she hates that man she was arranged to marry, right? And I don’t want to be that hated man. I want her to know me more, us, to know each other more and deeper. I want to build a genuine close relationship with her, so when the time comes that I introduce myself to her, hindi na siya magagalit dahil kilala na
Nakatitig si Axel sa dalaga habang binabasa ang menu ng Italian restaurant kung saan niya ito dinala. Hindi niya mapigilang mapatitig at humanga sa gandang taglay nito. She’s like a goddess who descended the land to spread nothing but beauty and grace. Hindi niya mapigilang mapatitig sa maliit at maamo nitong mukha.“Is there something on my face?”Napaayos siya ng upo nang magsalita ito habang nakatingin pa rin sa menu. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi niya saka siya umiling. “So you’ve noticed, huh?” aniya at tumingin na rin sa menu kahit na kabisado na niya ang nakalista roon. Ilang beses na kasi siya sa restaurant, and it’s actually his favorite place in town.“You were staring intently, Axel. There’s no way I wouldn’t notice,” kaswal nitong sabi saka isinara ang menu at tumingin sa kanya.Hindi niya mapigilang makaramdam ng kiliti sa kanyang tiyan nang banggitin ng dalaga ang pangalan niya.Ibang-iba talaga ang dating kapag sa bibig mismo nito nanggaling ang pagbigkas n
Nitong mga nagdaang araw ay pansin ni Yvonne ang kakaibang kinikilos ni Astrid. Pakiramdam niya’y palagi itong nagmamasid sa kanya, and it’s creeping her out already. Hindi rin siya makahanap ng tiyempo upang masolo si Abraham dahil palagi itong nakabuntot sa lalaki. Nagsisimula na siyang mainis dito, pero hindi niya lang pinapahalata dahil ayaw niya ng gulo.“I feel like she’s watching us all the time,” sumbong niya sa lalaki habang papunta sila sa opisina. “It’s creeping me out already, Ninong. I don’t feel comfortable anymore,” dagdag niya pa at hinilot ang sintido dahil sa kirot na nararamdaman. Ilang araw na siyang hindi nakakatulog nang maayos dahil sa pagkapraning.“You’re probably overthinking, Yvonne. You’re paying her too much attention,” tugon ng lalaki sa kanya habang nakatuon ang mga mata sa daan. “You’re probably observing her way too much,” dagdag pa nito saka saglit na ipinatong ang palad sa hita niya. “Calm down, okay?”Tumango na lang siya kahit na hindi niya magawan
Si Yvonne naman ngayon ang nainis.“Okay, that's a favor actually,” nakangiting tugon niya saka siya tumayo at tiningnan si Abraham. “Ninong, I'll wait in the car. Eat well,” pahabol niya saka dali-daling umalis ng kusina.Nahagip pa ng mga mata niya ang masamang tingin ni Astrid sa kanya pero wala siyang pakialam.Lalabas na sana siya nang tawagin siya ni Abraham.“Let's go. Let's just grab something to eat on our way to the office,” saad nito sa kanya saka sabay na silang lumabas.“Bakit hindi mo kinain ang niluto ng fiancée mo?” tanong ni Yvonne nang makasakay sila sa kotse. May halong pait at inis sa boses niya, dahil hindi niya nagustuhan ang tunog ng salitang fiancée sa tainga niya.“There's no way I'd eat those,” mabilis nitong sagot. “I don't even think those are edible.”“But at least she tried,” aniya.“She didn't have to. Kaya ko namang gawin ’yon nang ako lang,” anito at binuksan na ang pinto ng sasakyan at inalalayan siyang makapasok. “Hindi ka tuloy nakakain.”“Kaya nga.







