“Mauna na kami, Mr. Abraham. Thank you for the warm welcome," nakangiting sabi ni Charity sa lalaki. “I hope you won’t mind me ‘coming’ again,” dagdag nito at humagikhik. “Ang sarap kasi... ng mga luto mo.” Kumagat pa ito sa labi at tumitig nang diretso sa kanyang mga mata.“You’re welcome, Charity,” kaswal na tugon ni Abraham at hindi pinansin ang panglalandi nito.“Thank you, sir,” paalam din ni Brent. “And thank you rin po sa pagpayag na bisitahin ko si Yvonne sa bahay n’yo,” magalang nitong dagdag.Hilaw na ngumiti si Abraham. Liban sa hindi niya gusto si Brent at labag sa loob niyang bumisita ito, hindi niya rin mapigilang mainis sa kung paano ito makipag-usap sa kanya... napakapormal at galang nito na para bang kay tanda na niya; na para bang ang laki ng agwat ng edad nila.“No worries, Brent,” sabi na lang niya. “Feel free to come again next time,” dagdag niya pa kahit na ayaw na niya itong bumalik. Kung pwede nga ay hindi na ito magpakita.“Hatid ko lang po sila sa labas, Nino
Last Updated : 2025-05-06 Read more