LOGIN“AND THE WINNER IS......”
Kanina pa ako kinakabahan nakangiti akong nakatingin sa mga taong nakatingin din sa amin. Tapos na ang mga nag perform at talagang kinabahan ako.
Dagdag pa iyong tugtug na mas lalong nagpapakaba talaga sa akin, hawak nang mahigpit ni Kioxi ang kamay ko habang sa kabila naman ay si Bianca.
“THE RHYTHM FUSION..... CONGRATULATIONS.”
Halos mawala na ang puso ko sa loob nito sa labis na tuwa, niyakap ako ni Kioxi na siyang kina yakap ko pabalik sa kanya. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin na mas kinagulat ko talaga.
“OHH MYYYYYYY GHODDDD TALAGAAA BEEEE.” sigaw ni Bianca.
Nasa fitting room kami ngayon, hindi parin talaga ako makapaniwala na nanalo kami sa contest na iyon.
“I didn't imagine na mananalo tayo.” dagdag niya.
“Pero tumatak din naman kase ang galing at ang chemistry nang Lunoxi, huy ang lakas maka kilig nang chemistry ninyo dai.” sambit ni julliana.
“Hindi lang naman kami ang humatak doon, parehas naman tayong may pakinabang. Ang gagaling naten kanina walang kupas,” ngiting sambit ko.
Nagbibihis ako ngayon sa banyo, kakatapos lang nilang mag bihis at halos silang lahat ay pauwi na.
Atat na atat talaga silang mag bonding eh, mamaya ay hahanapin ko pa si ate para sabay na kaming umuwi. Talagang napakasaya ko na dumating si ate at nakita ang performance ko.
Nakakahiya kaya ang ganon pero para sa trabaho ko lang din naman iyon. Nasanay narin kase si ate na ganon ang mga sayaw na nakikita niya sa akin.
Matapos akong mag bihis ay lumabas na ako at nakita ko si Kioxi sa pwesto ko kanina. Napangiti ako inaantay niya ba ako? Tumingin siya sa akin at ngumiti pa nang bahagya.
“Bakit?” tanong ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang may hawak na bulaklak, kinabahan ako. Para sa akin ba ‘yan, kase kong uuwi talagang uuwi akong nakangiti.
“For you,” anya na kina tigil ko.
Shit! Sa akin nga.
“Hala! Seryoso?” pagak pa akong tumawa.
“Ano ba ‘yan parang ayaw mo nakakahiya tuloy,” saad nito kaya ngumisi ako.
“Ah hehe, wala naman akong sinabing ganon akin na salamat ah ang ganda niya,” puri ko.
Ang ganda nang bulaklak na binigay niya, nakakatuwa naman talaga eh first time kong maka tanggap nang bulaklak sa maka partner ko.
Kase naman dati iyong iba pa ang partner ko ay hindi talaga ako nabibigyan nang bulaklak, not like Kioxi he was so sweet to me. Siguro kong crush ko lang siya kagaya nang iba ay talagang tumatalon na ako sa kilig ngayon.
“Ang ganda nga,”
Umangat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay pinagmamasdan ako, napa lunok nalang talaga ako grabe dai! Ganon pala ang feeling.
“Di ka paba uuwi?” pag-iiba ko nang usapan.
“Uuwi na inaantay lang talaga kita para sabay na tayong umuwi.” wika niya.
“Ah talaga? Kaya ko naman mag commute,” wika ko.
“Gabi na at di ko hahayaan na umuwi ka mag-isa sabay nalang tayo, ihahatid kita,” anya.
“Per- no more but ihahatid kita final decision,” putol niya sa sasabihin ko kay naman napatango na lamang ako.
Sabay kaming lumabas sa silid na iyon at sabay ding naglakad pa labas. Tahimik na ang buong lugar humawak pa ako sa braso ni Kioxi.
Wala lang! Parang gusto ko lang, sanay kase ako na kapag may kasama humahawak talaga ako sa mga braso na feel kolang na safe ako.
“Wala tayong work bukas noh?” tanong nito.
“Wala siguro, tapos narin naman ang huling project naten kaya maghihintay nalang siguro tayo nang new project,” saad ko.
“Gala tayo bukas?” tanong niya.
Nakalabas na kami nang sabihin niya saken iyon, ngumiti ako sa kanya. Wala rin naman akong gagawin bukas kaya sasamahan ko siya.
“Sge ba,” anya.
“Ayan sundui-Anoooooo baaaa.....”
Napa sigaw ako nang may mabilis na humablot sa kamay ko, nayakap ko ang bulaklak na hawak ko hindi ko nakita si Kioxi. Inis akong napatingin sa taong humablot sa akin.
Maraming taong nagsisigawan may nagkuha sa amin nang mga litrato, kaya todo takip ako sa hawak kong bulaklak, tàngínà dinamay pa talaga ako nang hayop na lalaking ito.
Nakarating kami sa sasakyan at agad naman umandar nang maka pasok kami. Magulo ang buhok ko at ang bulaklak na hawak ko ay nasira, naiiyak tuloy akong tumingin doon.
This is my first flower na natanggap ko sa buong buhay ko tapos sisirain lang, napatingin ako sa kasama ko naka mask siya at naka cap pa talaga.
Hindi ko napansin na mabilis pala ang pagpapatakbo nito sa kotse, wala akong suot na seatbelt kaya kapag nag prino na susubsub talaga ako.
“Pútàngìnà naman eh, umayos nga kayo! Bakit niyo ako sinama sa pútàngína niyong kotse. Ihinto mo nga ang sasakyan,” sigaw ko.
Kanina pa ako na subsub at walang pumapansin sa akin, halos himatayin na ako dahil sa ginagawa nila tapos ayaw pa akong kausapin.
“Gágó ba kayo?” inis kong tanong.
Dahil doon muling nag prino ang walang hiya nilang driver kaya ang noo ko nasubsub na naman. Magsasalita pa sana ako pero bumukas ang pintoan.
Kumunot ang noo ko nang may humawak sa kamay ko, tàngínà talaga! Bakit pa nangyare sa akin ang mga ito nanggigil talaga ako.
“Boss they're here.”
Nakapasok kami sa isang mansion at talagang binitawan ako at napasubsub ako sa sahig. Naiinis na ako kanina pa ako nasusubsub at talagang wala silang planong tigilan ako.
Inis akong napatingin sa lalaking nakatalikod sa akin umuusok pa talaga ang sigarilyo na hawak niya. Ang sakit tuloy nang ilong ko, napatingin ako sa bulaklak na bigay ni Kioxi sobrang sama na.
Pumilit akong tumayo may sugat na ang paa ko pero di ako umiyak kahit masakit. Hinubad ko ang sandals ko at binato ito sa lalaking nakatalikod sa akin.
Narinig ko pa ang mura nang mga lalaking kasama namin, napayuko ang lalaking binato ko. Sana ulo nalang ang natamaan at nahimatay siya naiinis ako sa kanya.
“Your in danger Ms,”
Hindi ko pinansin ang sinabi nang isa sa mga lalaki at pilit akong humarap sa lalaking ngayon ay nakatalikod parin sa akin.
“Yàwà ka ba? Ano ba ang balak mo sa akin at pinapunta mo ako lìtchèng lugar na ito, at kong idadamay mo pa ako sa problema mo huyyy huwag ako dahil di ako interesado sa pútàngínàng katulad mo,” sigaw ko.
Wala akong pake-alam sa mangyayare sa akin at lalo na hindi ako natatakot sa kanya kong ano man siya.
Pinulot ko ang bulaklak na nasa sahig, halos kumawala na sa lalagyan nito. Talagang grabe ang ginawa nila sa akin pati ang bulaklak na damay pa talaga.
“Ano!!!”
“Binga ka ba o pipi? Ni ayaw mo akong harapan at kausapin, napaka duwag mo naman na simpleng tulad ko di mo kayang harapan. Gàgó ka.”
“Leave us,” malamig niyang usal.
“Noted boss.”
Halos silang lahat na andito ay nagsalita noon, alam ko naman sa sarili ko na walang may galit sa akin dahil wala naman akong kaaway. Nanatili akong nakatingin sa lalaking dahan-dahan nang umikot para humarap sa akin.
Nang maka harap siya ay hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil madilim sa parte nang kina uupuan niya. Ramdam ko naman ang galit sa kanya ngayon, but I'm not scared.
“Who the hell are you to shouted at me? You're just a gold digger dancer,” anya na kina gulat ko.
What the fúck?
A Gold Digger? Tàngínà niya naman.
“Ako ang papatay sayo, sino kaba para tawagin akong gold digger? Huy kahit gaano ka pa kayaman di ako maaakit sa pera mo,” sigaw ko.
Sobrang kaba na nang nararamdaman ko pero wala akong pake-alam, sino ba siya sa tingin niya? Kapag talaga lumapit iyan sa akin talagang sisipain ko ‘yan.
“Really? How about I tell you I can gave you a billion dollars,” pansin ko ang pag smirk niya.
Ha?
“Ede akin-Huyyyyy..... Kahit trillion pa ibigay mo sa akin hindi ako masisilaw, sino kaba sa tingin mo?” inis akong napa tanong sa kanya.
“Your Future,” anya.
“HAHAHAHAHAHAHA, Bóbó ka ba? Pano ka naging future ko? Ni wala ka ngang respito! Pwede ba kong wala ka namang kailangan sa akin pwede bang pauwiin mo nalang ako?”
Wika ko, pero tumayo siya may kinuha siya sa mamahalin niyang glass table na kapag binato ko nang matigas mababasag naman. Umirap ako at nag-aantay nang isasagot niya, humarap siya sa akin hanggang ngayon diko parin makita ang mukha niya.
“Look at this young lady!”
Kumunot ang noo ko nang ilahad niya sa akin ang tablet na hawak niya, pagka tingin ko doon nakita ko ang sarili ko ito ‘yung nangyare kanina sa isang room hayss. Iba na talaga ngayon lahat nalang binibigyan nang issues.
“Ano naman gagawin ko jan?” tanong ko.
“Do you know who am I?” pabalik nitong tanong sa akin.
“Malamang hindi, sino kaba sa tingin mo?”
Napairap ako sa sinabi niya, grabe pala nag viral agad ganon na ba ka sikat ang lalaking kanina lamang nakasama ko? Pwes wala akong pake-alam doon.
Nag-aalala na ako baka hinahanap na ako ni Ate ang alam lang non pauwi na ako, ano naman kase ang kailangan nang lalaking ito sa akin.
“Paalala ko lang po sana Kuya in English let me remind you, kase nga Englishero ka pilipinas naman ‘to akala mo naman di marunong mag Tagalog eh.”
Umupo siya ulit sa upuan niya at umikot ikot pa talaga siya, I can't se his face clearly talaga na para pang napaka misteryoso niya sa ayos niya ngayon.
“Wala ho akong pera wala karing ma hut-hut sa akin dahil wala naman akong pera, kaya pwede ba pauwiin mo na lamang ako.”
“My brother need to fix something,” anya.
“Oh ano ngayon? Kapatid mo naman pala ang may problema bakit dinamay mo pa ako?” tanong ko.
“Because you're involved.”
**
Naka-upo ako ngayon sa aming maliit na sofa ang ate ko ay wala sa bahay, andon parin siya sa trabaho niya at nag text siya sa akin na di daw mo na siya makaka-uwi.
Hinatid ako kanina nang lalaking kausap ko, kapatid pala siya nang lalaking naka encounter ko sa room kanina lamang. Talagang gumawa pa ako nang statement para malaman nang lahat na walang kami nang idol daw kuno nila.
Hindi ko nakita ang mukha nang lalaking iyon dahil madilim naman, malay ko din bang sikat siya. Tshaka madaming sikat naman hindi lang naman siya.
Pero ang importante tapos na iyon at wala na akong dapat alalahanin pa, napabuntong hininga na lamang ako at pumasok sa kwarto ko.
Naisipan ko namang buksan ang I*******m ko at ang boring non, hanggang sa may biglang mag message nalang sa akin. Pinindot ko ang nag notify sa akin at ang chat nang coach namin.
“Nasa news ka, Luna.”
Nag send siya sa akin nang link, dahil curious ako agad kong pinindot ang link kinabahan pa ako nang mag loading. Napanganga nga lang ako nang makita ko ang picture ko doon.
Grabe.
It's another issue?
Nakita ko kase ang picture ko at sa kabila may Isang litrato din kaso may question mark ang mukha niya. Ano na naman ito? Hindi naman ako sikat para magkaroon nang ganitong issues.
Marami akong nabasang comment puro masasakit na salita talaga, tama din naman sila isa lang akong simple na babae sino din naman magkaka gusto sa akin na sikat noh.
Napasimangot na lamang ako, nag ring ang cellphone ko at nabasa ko ang pangalan ni Kioxi. Agad korin namang sinagot iyon, naka video call pala kami.
“Did you saw the news?” tanong niya.
Tiningnan kolang siya parang na pressure na ako sa fake news na iyon, pero pinipilit kong tatagan ang loob ko.
“Ewan ko doon Kioxi I didn't do anything,” sabi ko.
“I know but na apektohan ang management naten Luna,” anya.
“Ano?”
“Sirang sira na tayo sa lahat and coach said mukhang we can't make it na talaga, hindi na tayo makakakuha nang ibang project I know wala kang ginawang mali but Luna it's all on news.”
“Sh*t.”
Agad kong pinatay ang tawag kinuha ko ang susi sa motor kong hindi naman kamahalan. Lalabas na sana ako nang makita ko si Ate doon, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin.
May kasama siyang lalaki, kumunot ang noo ko.
Matangkad siya at seryoso ang expression niya sa mukha, pero si ate ang mas seryoso ngayon parang may nagawa akong mali sa kanya.
Pumasok kami sa loob, hindi na tuloy ako makaka punta sa lugar kong nasaan sila coach ngayon.
Kinakabahan akong nakatingin sa kanya ngayon bukod sa may kailangan pa akong lutasin andito pa ang ate ko. Hindi ko na tuloy alam kong ano ang uunahin ko.
Kakatapos ko lang magbihis at napatingin ako kay Rafael na mahimbing nang natutulog sa kama habang yakap ang maliit niyang kumot. Dahan-dahan akong lumapit at inayos ang buhok niya na tumatakip sa noo niya bago ko hinaplos ang pisngi niya nang marahan.Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang peaceful ng itsura niya na parang walang iniisip na kahit ano sa mundo. Napabuntong hininga ako bago ako tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng kwarto habang pinipilit huwag siyang magising.Kailangan kung puntahan sina kioxi dahil nais kung makita kung tama nga ba ang sinasabi niya. Ibinilan ko naman siya kay manang kaya wala na akong problema pa. Pababa ako ng hagdan at napansin ko ang ilang katulong na may kanya-kanyang ginagawa habang tahimik ang buong mansion. Hindi ko pa nasasabi kay Lucien na aalis ako at wala rin akong plano sabihin sa ngayon dahil hindi pa nga siya umuuwi galing sa shoot niya. Parang ang hirap ding ipaalam sa kanya ang mga ganitong bagay dahil hindi ko alam kung ma
Nagising ako dahil sa mahinang iyak na nanggagaling sa tabi ko, napalingon ako agad at nakita ko ang anak ni Lucien na umiiyak habang gumagalaw sa kama.Inaantok pa ako pero pinilit kong bumangon kahit mabigat ang katawan ko.Hindi ko na inisip kung paano siya napunta dito dahil malinaw naman ang bilin sa’kin kagabi. Dahan-dahan ko siyang kinarga at inilapit sa dibdib ko.Tinitigan ko siya habang umiiyak pa rin siya at napangiti ako ng konti. Hindi ko alam pero parang ang dali niyang lambingin kahit pagod na pagod ako. Napatingin siya sa’kin habang humihikbi kaya lalo akong naawa.“Hey… baby, shhh… okay lang, nandito lang ako…”Hinimas ko ang likod niya habang dahan-dahan ko siyang inaalog, ngunit hindi pa rin siya tumitigil kaya napaisip ako kung anong gagawin ko.Bigla kong naalala yung mga lullaby na naririnig ko dati. Kahit nahihiya ako, sinubukan kong kantahan siya ng mahina.“Twinkle twinkle little star…”Unti-unti siyang tumahimik habang nakatingin sa’kin napansin ko na humihi
Nagising ako dahil sa ingay sa tabi ko na parang may gumagalaw sa kama pagdilat ko ay may maliit na baby na nakahiga sa tabi ko at kinakagat ang laruan niya.Nag-iisa siyang tumatawa kaya natigilan ako dahil kanina lang naman ako natulog mag-isa. Parang hindi ko alam kung panaginip ba ‘to o totoo dahil bigla na lang may bata.Tinitigan ko siya at bigla siyang tumingin din sa’kin na parang curious, dahan-dahan siyang bumangon at lumapit sa’kin kaya napaatras ako agad sa kaba.Hindi ko alam kung babae ba o lalaki pero ang weird ng aura niya. Sa sobrang atras ko ay nahulog ako sa kama at napasigaw sa sakit.Ang malas ko naman sa buhay, wala namang akong kasalanan bakit parang nanganak ako ng natutulog? May ganoon ba? Narinig ko yung tawa niya habang nakatingin sa’kin na parang natuwa pa siya. Bumangon ako at naupo sa sahig habang hinihimas yung likod ko. Imbis na mainis ako, napangiti ako kasi sobrang cute niya talaga.Parang hindi ko maintindihan sarili ko bakit bigla akong naging sof
Tahimik ang buong sala habang nakatingin si Ate kay Mr. Rousseau, Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon habang hinihintay namin ang sasabihin niya.Napahawak ako sa palda ko dahil sa kaba hindi ko alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit kay Ate tinanggal niya ang hood niya at tumingin ng diretso dito.“I understand why you're confused… and honestly, you have every right to be.”Napatigil si Ate sa pagsasalita at napatingin sa kanya. Tahimik lang akong nakikinig sa tabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero sana naman maayos para di kami ma halata ni ate. “But what Luna said is true. I love your sister.”Parang biglang tumahimik ang paligid kahit ako ay napatingin sa kanya. Parang totoo ang mga sinasabi niya magaling na actor talaga siya lahat mapapaniwala sa mga acting niya. “She didn’t ask for any of this. In fact, she tried to stay away from me at first.”Napalunok ako at bahagyang napayuko hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Par
Tahimik lamang akong nakikinig ngayon sa mga tanong ng mga tanong mga reporter. Kanina pa nagsasalita si Mr. Rousseau pero tahimik lamang ako hindi naman kase ako sanay sa ganito. “It's our wedding anniversary and my wife doesn't know na naka live ako. You misinterpreted the video, it's not what you think. Her hair just got stuck, you're reading too much into it. Hindi ko sisirain ang image ko and don't think about that video, you got it all wrong.” “So Mr. Rousseau matagal na pala kayong mag-asawa ni Ms. Luna?”“Bakit hindi ninyo na public ang mga ito?”Napatingin ako kay Mr. Rousseau na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Grabe din pala ang mga reporter na ito need palang maging public lahat? Parang sila pa ang may hawak sa buhay ni Lucien eh. “Hindi naman po kailangan lahat ng nagaganap sa buhay ng Asawa ko dapat updated po kayo,” wika ko. “We chose not to announce our marriage because, as his wife, I support him and I won't let our marriage ruin his career.” “Pero paano na
“Are you mute?” “Hey stupid.” “Am I too handsome for you to stare at me like that, calm down, you'll get a taste of this.” “Huyyyyyyy.” Napabalik ako sa reyalidad ng pitikin niya ang noo ko halos mahimatay ako sa lapit ng mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko gusto ko na lang talagang mag laho. “Yes?”“Your so weird and stupid tsk! Follow me if you're interested of the offer na ibibigay ko sa ‘yo,” saad nito. Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya huminga muna ako ng malalim bago siya sinundan. Sa loob ng silid ay nakita ko ang mga mamahalin na mga gamit. Mga frame, mga trophy, at iba't ibang gamit na hindi ko man lang alam kung ano ito. Napahinto ako sa ng ma untog ang noo ko sa malaking likod ng lalaki. “Look where you're going, good thing that wasn't a wall, you'd probably faint if it was. Napaka t"nga mo naman masyado,” anya. “Grabe ka naman Sir, hindi naman po siguro,” sabat ko. Kasalanan ko ba na pa harang-harang siya sa dadaanan ko? Hindi siya sumagot at







