Nagising ako na nakadantay pa din si Grey sakin at nakasiksik ako sa kaniya. Napangiti ako ng malaki at impit na tili ang pinakawalan ko.
Ito na ata ang pinakamagandang gising na nangyari sa'kin sa loob ng anim na buwan naming pagsasama.Ganito pala ang pakiramdam kapag magkatabi kami matulog.I forced myself up to level our face. I stared at him while caressing his face. A smile appeared on my lips while watching him sleeping. Ito 'yong hobby ko. Ang tingnan siya sa umaga habang natutulog. Dito ko kasi siya napagmamasdan. Dito ko siya nahahawakan ng hindi siya magagalit.Napatingin ako sa kaniyang labi. The red wet lips of him was salivating. Para itong isang pagkain na gusto kong tikman. Napalunok ako habang tutok na tutok ang mata ko sa kaniyang labi.What If I take advantage of him while sleeping? It's just a simple kiss. 'Di naman siya siguro magigising.Natatakot ako pero kailangan ko subukan. Baka kasi hindi na ako makasubok sa susunod.Dahan-dahan kong nilapit ang aking labi sa kaniya hanggang maglapat ang aming mga labi. Kaagad akong lumayo pagkatapos. Isa lang 'yong napakabilis na halik pero napakabilis na ng tibok ng puso ko. Grabe, ang lambot ng labi niya.Hindi ko masiyadong nafeel kaya susubukan ko ulitI was about to kiss him again when I heard him hummed."Hm.." Mabilis na kumabog ang puso ko 'di dahil sa halik kundi dahil sa kaba nang maramdaman ko ang paggalaw niya.Nanigas ako ng matindi at hindi huminga para lang hindi siya magising ng tuluyan.I close my eyes tightly wishing that he won't wake up yet because I'm REALLY DEAD.Did I wake him up because of my kiss? OH NO!Nanigas ako sa takot kaya hindi ako makabangon. Patuloy akong inoobserbahan ang kaniyang paggalaw. Naramdaman ko ang paggaan ng aking katawan dahil nawala ang mga nakadantay sa akin. Mas lalo akong nanginig sa takot.Omygod!I'm so close of jumping of the bed when I heard him snoring. I sighed in relief.That was so close phew!Bago ko pa ulit siya magising ay dali- dali ngunit tahimik akong lumabas ng kaniyang kwarto.Doon ko lang naramdaman ang mabigat kong pakiramdam at pananakit ng buo kong katawan lalo sa bandang likod. Mukhang napasama ang tama ng likod ko kagabi. Siguradong may pasa ako doon. Icocold compress ko na lang mamaya. Nagtungo ako sa aking kwarto upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako ng kusina at nagluto ng almusal ng asawa ko. Tinawagan ko din ang secretary niya at sinabing malalate siya. Pagkatapos kong iprepare ang kaniyang almusal ay sinunod ko ang susuotin niya sa pagpasok."Cathy!" He's already awake. Gusto ko mang mabilis na makapunta sa kaniya kaso naguumpisa ng bumigat ng pakiramdam ko."Cathy! What the hell?! Faster!" Hinigpitan ko ang kapit sa tray na may lamang pain killer para sa hangover, isang chicken soup at isang basong tubig. Kahit na ako ay kinakabahan, nanatili pa rin ako sa mabagal kong paggalaw. I can't even run because of a heavy feeling."Ang bagal mo!" Umalingawngaw ang sigaw niya at bahagyang sumikdo ang takot sa aking katawan nang makita ko ang kaniyang mukha na galit na galit na nakatingin sakin."Ano na namang pabebe 'yan ha?! 'Di talaga pumapasok sa kokote mo ang mga sinasabi ko?" Yumuko na lang ako at ayaw kong magsalita pa. Nanghihina ako eh. Ngumiti na lang ako ng pilit."Uminom ka ng gamot para sa hangover----" Ang kaniyang malaking braso ay hinawi ang hawak kong tray at mabilis na tumilapon 'yon. Basag ang baso sa sahig, natalsikan din ako ng mainit na sabaw ngunit nagpapasalamat ako na hindi sa akin tumama iyon."Ang aga pero nag-iinit ulo ko sayo! Linisin mo yan!" Dinampot niya ang gamot at umalis na sa harapan ko. I sighed and start cleaning the mess. Tahimik akong naglinis. Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo ako sa aking kwarto, sa maid's quarter.Humiga ako doon at pinikit ang mga mata upang ipahinga. Pero hindi pa ako tumatagal ay nakarinig na naman ako ng sigaw mula sa kaniya. Dahil sa takot na masaktan, tumungo ako ng mabilis kahit masama na ng pakiramdam ko."Ayusin mo ang necktie ko" tumango na lang ako at mabilis na inayos ang necktie niya. Ito rin 'yong mga time na may halaga ako sa kaniya. Ako 'yong nagnenecktie sa kaniya dahil 'di siya gaanong marunong mag-ayos at masiyadong magulo kapag siya ang gumagawa. Pero gustuhin ko mang sulitin ang moment na ito wala ako sa mood. Masama ang pakiramdam ko."Ano? Matagal pa ba yan?" Naiinip niyang tanong."Okay na" kaunting hila pa pataas ng necktie bago ko iyon binitawan. Napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang titig niya sakin. "Bakit?" Tanong ko."Namumutla ka" mahina niyang pagkakasaad at umiwas ng tingin."Ah?" Napatingin ako sa salamin at oo nga, namumutla nga ako."Tsk" Napatingin ako sa asawa ko ulit. He was glaring at me that's why I avoided his stare."Halika nga dito!" Pasigaw iyon.Lumapit ulit ako sa kaniya at nilisan ang pagkakatingin ko sa salamin."Bakit? M-may kailangan ka pa?" Actually gusto ko na talagang humiga dahil nahihilo na ako at feeling ko babagsak na ako kahit anong oras. Itinaas niya ang kamay niya kaya napaatras ako bago napapikit. Baka susuntukin na naman niya akoBut something weird happened at this moment. Instead of punching me, he put his hand on my forehead."Fuck! You're so hot!" he cursed. Para iyong isang magic word na nagpahina ng tuhod ko dahilan para matumba ako. Swerte ko lang talaga at nasalo ako ng asawa ko."Grey...." Nanginginig na ang labi ko at mas lalong naramdaman ang lamig sa buo kong katawan pero ramdam ko rin na pinagpapawisan ako."Oh fuck! fuck!" Umangat ang mga paa ko mula sa lupa at alam kong binubuhat na ako ng asawa ko. Bawat hakbang ay rinig na rinig ko ang matatalas niyang mura bago ako mawalan ng malay._________Nagising ako sa isang puting silid at amoy panghospital.Teka bakit nga ba ako naandito? Ano bang nangyari?Inisip ko muli ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Nag-aayos ako ng neck tie ni Grey tapos hinawakan niya ako at bigla akong natumba pagkatapos ay binuhat ako ng asawa ko bago ako nawalan ng malay."Buti naman gising ka na bitch"Tumingin ako sa bagong pasok na si Hannah. Hannah is my bestfriend and the only person who knew my secret about being a battered wife."Hannah, anong ginagawa mo dito?" Ibinangon ko ang kalahating katawan at agad naman siyang dumalo sa akin para ako'y tulungan.Umikot pa paningin ko habang bumabangon.Shit! I feel weak today."Your husband called me. He asked me to stay with you here in the hospital because your stupid husband can't" May kinuha siyang folding bedside table at inilagay iyon sa aking harapan. Pagkaset-up niya ng table tsaka niya nilagay ang tray ng pagkain, tubig at gamot."May fatigue ka." Bumuntong hininga siya bago padabog na kinuha ang isang upuan upang umupo sa aking tabi. Yumuko ako lalo na nang maramdaman ko ang inis niya. I feel it."Masama ang pakiramdam mo dahil sa sobrang bugbog at pagod ng katawan mo. Really Cath? Are you for real? Bakit ka nananatili sa gago mong--" pinikit niya ang mata at bahagyang minasahe ang kanyang sentido. "How could you let him destroy you bitch?"Ramdam ko ang galit ni Hannah. Alam kong pinipigilan niya lang dahil nirerespeto niya ako as her friend and I really appreciate that.I reached her hand, holding it tightly. "Sorry bitch but you know I can't..." Umiling ako sa kanya."Paano mo natitiis huh? Gago 'yang asawa mo. Tingnan mo ang itsura mo. Ang dami mong pasa at napakaputla mo. Ang taas ng lagnat mo nang dinala ka dito ng asawa mo. Paano kung may malalang mangyari pa sa'yo ah? Hindi ka ba natatakot?""I am.." gumaralgal ang boses ko. "I'm scared. Yes I am, bitch. I don't know what Grey are capable of but I'm more afraid to lose him. I can't let him go. You know t--""You are pathetic" Hannah cut me off as she left out a heavy sigh.Mapait akong ngumiti. "I'm not gonna deny that"Tumahimik ang paligid. Walang nag-usap sa amin ng ilang segundo. Ako ay nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri habang si Hannah na nagpapalipas ng galit niya ngunit hindi iyon nagtagumpay."Arrgh! Inis na inis talaga ako sa asawa mo bitch. Can I atleast beat him up a bit? He deserve it! Or maybe I'll kill him. Darn it! He's getting into my nerves.""Alam ko Hannah pero 'di ko gugustuhing saktan mo ang asawa ko"Sinamaan niya ako ng tingin. "Ayan! Sige magpakatanga ka pa. Talagang pinagtatanggol mo pa 'yang asawa mong walang modo.""Hey, hindi siya walang mod--""Just shut up. Wag mo ipagtanggol ang gago mong asawa" Tinakpan niya ang kanyang magkabilang tainga. "I don't want to hear your stupidness and obssession about that fucking man--""He is not just a man, he has a name. His name was Gr--""Jusko! Malala ka na bitch"Ngumuso lang ako bago ginalaw ang pagkaing hinain niya sa akin. Alam kong gago ang asawa ko pero ayaw ko paring naririnig sa iba na sinisiraan siya o pinagsasalitaan ng masama. That's my husband, it's my duty to defend him kahit sa bestfriend ko pa."Bitch" tawag ko ulit sa kanya."Hmm?" She is now busy on her phone but still respond."Where is my husband?"Kita ko ang paglingon niya sa akin pero agad ding bumalik sa phone ang tingin niya. Hindi siya sumagot pero may ipinakita siya sa akin. Isang I* story. Story ni Andrew, isa sa mga kaibigan ni Grey.Nasa isang exclusive bar sila at nagsasaya doon. Nahirapan akong lumunok at agad na iniwas ang tingin doon."See? 'Wag mo ng hanapin ang asawa mo. He's busy having fun. He's not worried of you"Mukhang tuluyan ng nainis si Hannah kaya nagpaalam muna itong lumabas.Natira ako sa loob at pinagpatuloy ang pagkain ngunit nahihirapan ako itong lunukin. Parang may kung anong bagay na nakaharang sa aking lalamunan."Dapat hindi ka na nag-expect Cathy" usal ko sa sarili habang nararamdaman ang pagbigat ng pakiramdam. "Dinala ka lang niya sa hospital. That's it"Kinalma ko ang sarili bago tinapos ang pagkain at tumitig na lang sa kisame habang dahan-dahang lumalabas ang tinatagong luha sa aking mata."Are you sure you're going home now?" Tanong ni Hannah na matiyagang nagbantay sa akin sa hospital. Tatlong araw rin akong nananatili dito. Bumaba na rin ang lagnat ko kaya sinisiguro kong magiging okay na ako pagdating sa bahay. Hindi ako komportable dito sa hospital at 'di ako makakapagpahinga dito. Mas mabuti ng nasa bahay ako. Kamusta na kaya si Grey? Nakakain kaya siya ng maayos? Ano kayang ginagawa niya?Grey didn't give an effort to visit me here for three days so I'm worried. "Oo, hindi ako komportable dito" sagot ko. Hinipo muli ni Hannah ang aking noo. "Pero 'di pa rin natatanggal ang lagnat mo" tumingin siya sa akin na may halong pag-aalala."Bitch you don't need to worry. I will be fine. Sa dami ng sakit nararanasan ko, ito pa kayang lagnat 'di ko kayang lagpasan? Ayoko dito sa hospital" Ang kaniyang mata ay tanggi pa rin sa gusto ko pero dahil nagpupumilit ako, napabuntong hininga na lang siya at sumuko. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Isa pa muling buntong hininga an
"Cathy!" Nagising ako sa sigaw ni Grey.Siya na yata ang alarm clock ko sa umaga. Hindi ko agad naimulat ang aking mata sa sobrang hapdi. As usual, umiyak na naman ako.Ang sakit naman kasi ng sinabi niya. Lagi niyang pinamumukha sa akin na wala akong halaga sa kaniya. Pinamumukha niya sa akin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. Ni hindi ko nga memention ang pangalan dahil nasasaktan ako. Lagi namang gano'n. Pero kung iniisip niya na ile-let go ko siya, parang ang hirap gawin. Hindi ko kaya. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Inayos ko rin ang mukha ko at nilagyan ng concealar ang mga pasa.Muntikan pa akong ma-heart attack dahil lumuwa ang pinakamamahal kong asawa sa aking harapan at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sakin pagbukas ko ng pinto. "Bakit ang tagal mo?" Naiinis nyang tanong. Humakbang ako paatras. Natatakot na naman ako sa kanya at mukhang napansin niya 'yon kaya kaagad naging kalmado ang mukha niya. "S-sorry kagigising ko lang" nauutal kong ani. "E
Pagkatapos ng pagbisita nina mama at papa balik na ulit kami sa dati. Balik na naman sa mga sigaw at pangbabalewala niya sa akin. Tutok na tutok ako sa animated movie na pinapanood ko nang marinig ko ang yapak ni Grey pababa. Agad akong lumingon sa kaniya. He's on his phone, taking a call. Nakasuot siya ng gray dress shirt at itim na slacks. "Any updates of her? Have you seen...." Agad napawi ang ngiti niya nang mapadapo ang tingin niya sa akin. "What are you looking at?" masungit niyang saad. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang nanonood. "'Wag mo na ko hintayin, may pupuntahan ako" napabaling ulit ako sa kanya. Inaayos niya ang kaniyang suot. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa panonood. "Hoy! Nakikinig ka ba?" napatig-ad ako sa gulat nang makitang nasa harap ko na siya. "O-oo" nauutal kong sambit. Ang kaninang galit niyang mata ay biglang naging blanko. Tsaka ko lang napansin na may luha pa lang tumutulo sa mata ko. "'Yong movie kasi... Nakakai
Paggising ko ng umaga namamaga ang mata ko. Hindi parin ako makamove on sa nalaman ko kahapon. Sana hindi na lang binanggit ni Andrew. He planned it all along. He's making an action na. Naiisip ko na naman tuloy kaya nararamdaman ko na naman ang bigat sa pakiramdam.Nagtungo ako sa banyo para maligo. Maggogrocery ako ngayong araw tutal kailangan ko ng distractions. Paubos na rin kasi ang stock sa bahay. Plano ko ring magbake at bibisitahin ko ang mga magulang ko tutal kailangan ko sila ngayon. Gusto ko ng comfort ng magulang ngayon. Nakasuot ako ng red sundress na pinaresan ko ng strap sandals. May dala akong maliit na white sling bag para lagayan ng wallet at cellphone ko. Niladlad ko lang ang aking buhok at nagsuot ng puting headband. Tinago ko ang lahat ng dapat itagong pasa gamit ang concealar at nagshade para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata. Hindi umuwi si Grey kagabi kaya naman 'di rin ako busy ngayon. Hindi na rin ako nag-abalang itext kung nasaan siya.
Cathy's POV..."All done!" Kakatapos ko lang magbake. Satisfied naman ako sa itsura kaso hindi nga lang ganoong ka-perfect. Good thing is hindi siya sunog. Kumuha ako ng isang piraso para tikman at buti na lang hindi maalat at hindi rin gaanong matamis. Pwede na sa mga katulad kong beginners. Iniisip ko rin kung magjo-join ako sa baking class. Iyon naman kasi ang napagiinteresan ko. I also want to purchase more baking equipments. I told Andrew na hindi ko siya maipagbabake ngayon. Okay lang naman daw sa kaniya. Wala na kasi akong time para gumawa ng mas maraming cookies. My parents are waiting for me now. Maghahapon na din kasi. After kong mailagay sa isang malinis na container ang lahat ng cookies, tsaka lang ako nagprepare ng pag-alis. I'm wearing a brown jumper dress with white shirt underneat. Inilugay ko ang buhok at naglagay lang ng isang maliit na clip sa sides.Nilagyan ko ng concealer ang ibang hindi pa naghilom na pasa sa aking mukha bago ako nagmake-up ng light. Para la
Kinabukasan ay nagising ako na nasa kama na ako. Binuhat ba ako ni Grey dito? Uminit ang aking pisngi dahil doon. Talaga bang ginawa niya iyon? Nawala ang antok ko dahil do'n! Kahit alam ko namang ginawa niya lang 'yon para siguro hindi ako makita ni mama na nasa sahig. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo bago bumaba. Hindi ko na naabutan si mama at papa. Nasa work na daw sila sabi ng katulong dito.Hindi na rin ako nagtagal, umuwi rin ako pagkatapos kong mag almusal at maligo. Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad akong naglinis. Actually, gusto ni mama na may katulong sa bahay pero mas pinili kong tanggihan iyon. Gusto kong maging hands on house wife. Kapag maraming lilinisin tsaka lang ako nagpapadala ng housekeeper na maglilinis. Pinuyod ko ang buhok into bun bago ako nagtungo sa laundry room. Maglalaba ako ngayong araw. May automatic washing machine naman ako kaya hindi na ako mahihirapan maglaba. May pangbanlaw na rin kaya naman ang aasikasuhin ko lang ay pagtiti
Cathy's POV...Gumising ako na maganda ang mood. Simula kasi no'ng hindi na ako sinasaktan ni Grey ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi naman siya mabait sa akin pero mas kalmado na siya ngayon kaya kahit papaano 'yong takot ko sa kaniya ay bumaba na din. Bago ako bumangon, naghilamos muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin. May mga pasa pa din ako sa braso, binti at meron sa likod. Medyo malaki kaya hindi agad gumagaling. Sa mukha ko naman ay mabuti at wala na. Plano ko gumawa ng cake ngayong araw dahil iyon ang magiging gift ko para kay lola. Birthday na niya bukas eh. I've watched many tutorial videos so I hope my cake doesn't look miserable. Naligo muna ako para maging presko ang aking pakiramdam. Nagsuot ako ng terno cotton shirt and short na kulay pink na may watermelon design. Inipit ko ang buhok into high pony tail. Naghairband din ako ng plain na kulay itim para sa mga baby hair ko. Umakyat muna ako sa taas para tingnan kung umuwi ba ang aking asawa. Hindi ko
Grey's POV...Halos hindi ko maimulat ang mata sa sobrang bigat ng aking pakiramdam. Napakalamig, nanginginig ang aking katawan. Lanta na lanta ang aking katawan. Ni mismong pag-angat ng kamay ay hindi ko magawa. Did I tire myself too much? "Grey gising ka na ba?" I heard Cathy's worried voice. I groaned in response. "Buti na lang gising ka na. Sobrang taas ng lagnat mo. Anong ginawa mo at nagkalagnat ka? Kaya mo bang bumangon saglit? Kumain at uminom ka muna ng gamot bago ka ulit magpahinga." Gusto ko ding gumaling kaya pinilit ko ang sarili na bumangon. Dahil hindi ko kaya ng sarili ko lang, kinailangan ko pang kumapit sa braso ni Cathy para lang makaupo. Mabilis namang umalalay si Cathy. Inayos niya ang sinasandalan ko. Pinatungan niya iyon ng maraming unan bago ako tuluyang isinandal. Nahihilo pa ako dahil sa biglaan kong pagbangon. Minulat ko ang mata at tumambad sa akin ang mukha ni Cathy na hinihipan ang soup na nasa kutsara. "Kumain ka ng marami. Kailangan mo 'yan pa