เข้าสู่ระบบSa sala ng villa, nakikipagnegosasyon si Jake sa apat na lalaking binayaran para bantayan sila ni Blythe.Sa madaling salita, sinusubukan niyang suhulan ang mga ito.Buong kumpiyansa niyang itinaas ang kaniyang baba. “Magkano ang ibinayad sa inyo ng bayaw ko para bantayan kami ng munting prinsesa? Dodoblehin ko! Basta huwag ninyo kaming isumbong sa kaniya.”Walang emosyong sumagot ang isa sa mga lalaki. “sampong libong piso.”Napatigil si Jake.Sa sampung pisong laman ng bulsa niya, biglang nawala ang yabang niya.“Ah… ganoon ba?”Napatingin sa kaniya si Blythe. “Ano pang hinihintay mo? Ilabas mo ang dalawang daang libo!”Dahan-dahang nilingon ni Jake ang apat na lalaki.“Puwede bang perang pang-abuloy na lang sa patay?”Kumunot ang noo ng isa sa mga lalaki. “Kung may pera ka para sa yumao naming lola sa tuhod, tatanggapin namin. Sampung taon na siyang patay.”“Ah… ganoon ba?” Napalunok si Jake.“Baliw ka ba?” singhal ni Blythe.“Makinig ka, basta pera ang kailangan, may paraan akong
Hindi naglaun, unti unti nang lumulubog ang araw sa kanluran, natanglawan ng ginintuang liwanag ang harding ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos walang laman.Ngayon, napalilibutan na ito ng mga bulaklak na kanina lamang ay inilipat roon. Maayos na nakahanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng daanan, habang ang ilan ay nakatanim sa malalaking paso sa ilalim ng mga punong nagbibigay-lilim sa hardin.Sa gitna ng lahat, nakatayo si Brielle habang hawak ang isang maliit na pandilig. May mga mantsa ng lupa ang kaniyang puting polo, at bahagyang nagulo ang buhok dahil sa maghapong pagtatanim. Halata rin sa mukha niya ang pagod, ngunit hindi iyon naging hadlang upang mapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sarili niyang itinanim.Lumingon siya kay Janella, na tahimik na nakatayo ilang hakbang ang layo.“Mrs. Sebastian, ano'ng masasabi mo sa mga itinanim ko?”Muling sinuri ng babae ang hardin bago ibinalik ang tingin sa asawa.“Mga bulaklak.”Natigilan si Brielle, un
---Sa hardin, patuloy na naghuhukay si Brielle sa ilalim ng tirik na araw.Samantala, nakatayo si Janella sa lilim ng puno habang pinagmamasdan ang asawa.Ilang minuto na niyang pinapanood ang lalaki. Sa tuwing yumuyuko ito upang maghukay, nakikita niya ang mga ugat ng braso nito sa ilalim ng nakatiklop na manggas. Kapag inaayos naman nito ang mga punla, maingat ang bawat kilos, na para bang may hawak itong isang bagay na napakahalaga.Hindi niya namalayang napapangiti na siya.Maya-maya, humingi siya ng payong sa katulong at lumapit kay Brielle.Nang tumapat ang anino niya sa ulo ng lalaki, tumingala ito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa lilim?"Inangat ni Janella ang payong."Sinusuri ko lang kung ginto ba ang pala mo."Napatingin si Brielle sa hawak niyang kagamitan."Gusto mo bang tingnan?"Iniangat niya ang pala na para bang isa itong mamahaling bagay na ipinagmamalaki sa isang eksibisyon.Natawa si Janella."Oo naman. Baka sakaling may nakatagong
Pagkatapos ng tanghalian, dumating sa mansiyon ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga imported red lilies at hydrange na espesyal na ipinabili ni Brielle mula sa ibang bansa.Maingat na ibinaba ng mga tauhan ang mga kahon mula sa sasakyan. Sa loob ng mga iyon ay nakabalot ang mga punla at tangkay ng hydrangea, na sadyang pinili ni Brielle para sa hardin ng mansiyon.Hindi naman kailangang personal niyang asikasuhin ang pagtatanim. May mga hardinero silang nakatalaga sa pag-aalaga ng buong bakuran, at sapat na ang isang utos niya upang matapos ang lahat.Pero sa pagkakataong ito, may sarili siyang plano. Gusto niyang siya mismo ang magtanim ng mga bulaklak.Ang mga red lillies ay madalas iugnay sa matinding pag-ibig, paghanga, at pagnanasa. Sa ilang pagkakataon, sumasagisag din ang mga ito sa kagandahan at marubdob na damdamin.At iyon mismo ang nais ipahiwatig ni Brielle, kahit hindi pa niya kayang sabihin nang direkta sa asawa.Nang marinig ni Janella na pumunta ang lalaki sa
Napangiti si Jake."Opo! Kaya nga masakit na masakit—""Kung ganoon, bakit may pulang tinta sa puwitan mo?"Nawala ang ngiti ni Jake.Saglit siyang hindi kumurap.Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili.May malaking pulang mantsa sa likod ng pantalon niya.Eksaktong kung saan niya ipinahid ang tinta kanina.“Patay.”Subalit huli na. Sa sobrang taranta, bigla niyang pinagkrus ang mga binti at umusog sa upuan. Ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Brielle ang lahat, pati ang pekeng dugong ipinagmamalaki nila kanina."Kung hindi mo sinabi na sugatan ang tuhod mo," dagdag ni Brielle, "iisipin kong may regla ka. Wala naman sigurong lalaking nireregla ‘di ba?"Napahawak si Janella sa bibig upang pigilan ang tawa.Namula naman ang mukha ni Jake hanggang leeg."Kuya! Hindi mo naman kailangang ipagsigawan ‘yon.” "Kung ayaw mong mapahiya, huwag kang gumawa ng kalokohan."Napakagat-labi si Jake. Gusto niyang sumagot, pero nang makita niya ang ekspresyon ni Brielle, nilun
Saglit na natigilan ang lalaki.Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad patungo sa hapag-kainan na para bang wala siyang narinig."Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Baka lumamig ang pagkain. Masama pa namang paghintayin ang grasya."Napakurap si Janella."Hoy! Huwag ka ngang change topic!"Hindi lumingon si Brielle."Halina kayo. Mainit pa ang sabaw. Sayang naman kung hindi natin makakain."Napatitig si Janella sa likod ng asawa.Bigla niyang naalala ang usapan nila nong isang gabi.“Bakit parang ang husay mo nang humalik ngayon?” “Natuto lang ako nang mag-isa.” naging sagot nito sa tanong niya.Dahan-dahang napunta ang tingin ni Janella sa labi ng lalaki.Pagkatapos ay napakagat siya. “Talaga bang nag-aral lang siya nang mag-isa?” tanong ng kaniyang isipan. Sa hapag-kainan, magkatapat na nakaupo sina Janella at Brielle. Habang kumukuha ng ulam ang lalaki, hindi maiwasang sumulyap ng babae sa labi nito.Namumula pa rin ang mga iyon.Napakurap siya at mabilis na ibinaba ang tingi
CHAPTER 7: SAMANTALA, humugot ng isang malalim na buntonghininga si Diane, kinakabahan siya ngunit pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Hinalukay niya ang kaniyang bag at kinuha ang isang makeup mirror para ayusin ang kaniyang makeup at buhok. Nandito siya ngayon para sa labas ng coffee shop par
CHAPTER 6:SAMANTALA, nakaabang na ang drayber at assistant ni Brielle sa kaniyang paglabas sa naturang coffee shop. Atat na atat na ang dalawang malaman ang resulta ng blind date ng amo—at syempre, sa kung sino ang mananalo.Mataas ang kumpyansa ng assistant ng makitang bumukas ang pinto at lumaba
Chapter 5SAMANTALA, marahang itinulak ni Janella pabukas ang pinto ng naturang coffee shop. Hindi agad siya nakapasok kanina dahil may tinawagan siya.Kasabay niyon ay pagpasok ng simoy ng hangin sa loob, kinakalaskas nito ang mga pahina ng mga libro sa mesa, na lumikha ng malakas at malinaw na tu
Chapter 4KASALUKUYAN ngayong nakaupo si Brielle sa table 6. Pumapasok mula sa bintana ang sikat ng araw at tumamatama iyon sa kaniyang mukha na lalong nagbigay liwanag sa guwapo at matingkad niyang mukha. Suot niya ang puting kamiseta at itim na suit, tuwid siyang nakaupo habang nakasandal ang lik







