Mag-log inChapter 29Mag-aalas tres na nang magising si Brielle dahil sa init na naramdaman niya sa kaniyang bisig. Bahagya s'yang gumalaw ngunit natigilan din nang maramdaman ang bigat sa parteng iyon. Iminulat niya ang mga mata, at nakitang ang babae kanina ay nasa kabilang gilid lang ng kama ay nakahiga na sa bisig niya. Kapansin-pansin at nakasisilaw ang kanyang mga katangian kapag gising siya. Ngayon, natutulog, at nakayakap sa kanya, ang kanyang mahahaba at parang pamaypay na mga pilikmata ay nakalaylay, na nagbibigay sa kanya ng isang inosente na parang batang walang muwang.Parang bata na kailangan pa ng yakap at init ng ina kaya nakasuksok ito sa bisig niya.Sa init ng panahon, kapag ang dalawang katawan ay magkadikit, ang init ay medyo tumitindi. Sanay ang kaniyang katawan sa lamig, ngunit ang init na nanggagaling sa balat ng katabi ay may kakaibang epekto sa kaniya. Tiningnan niya ang babaeng mahimbing na natutulog, at ang kanyang pag-tap ay napalitan ng pagyakap at paghawak sa k
Chapter 28Patay ang ilaw at tanging liwanag lang na nagmumula sa sinag ng buwan ang nagsilbing liwanag sa loob ng silid ni Janella. Hindi nakasara ang pinto ng kwarto patungo sa balkonahe, at ang simoy ng hangin ng gabi ay mainit na pumapasok sa silid na nagbibigay ng maginhawang pakiramdam kay Janella. Nasanay na siya sa ganoong klima kaya kumportable siya. Walang aircon sa kaniyang kwarto, at tanging ceiling fan lang ang umiihip roon.Napalingon siya sa lalaki. Alam niyang hindi sanay ang lalaking nakahiga sa kabilang side ng kama, at naaawa siya dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Halos mahulog na rin ito sa kama. May harang na hotdog pillow sa pagitan nila, kaya sapat lang sa katawan nila ang espasyong hinihigaan.Kanina pa ito nakapikit magmula nang magdesisyon silang magpahinga, gayunpaman, panay ang balikwas nito tanda na hindi ito kumportable.Humarap siya sa lalaki at tinitigan ito, “Mr. Sebastian, okay ka lang po ba?” Humarap din ang lalaki, bago sumagot. “Ang init.”
Chapter 27Nahihilo man, pakiramdam ni Janella ay kulang pa ang nainom niya. Napakalinaw ng mga sensasyon; ang balat na hinalikan ng kanyang mga labi ay parang nag-iinit sa kaniyang pakiramdam na parang kuryenteng unti-unting dumadaloy sa kaniyang sistema.Hindi naman mapigilan ni Brielle ang sarili, hindi pa siya lasing pero pakiramdam niya'y sinisilaban siya lalo na nang idikit ng asawa ang labi nito sa dibdib niya. Nagsitayuan ang balahibo niya lalo na ang kaibigan sa ibaba. “Damnit! Babae, alam mo ba ang ginagawa mo?” Parang wala itong naririnig, patuloy lang ito sa ginagawa, bagay na hindi mapigilan ni Brielle ang sarili. Inilagay na njya ang palad sa likod nito at malakas itong ikinabig paharap.Hinawakan ang ulo at pinatingala ito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.Dahil sa posisyong ito, mas madali sa kanilang dalawang halikan ang isa't isa. Mapang-akit na tumingin si Janella, saka inilapat ang labi sa labi nito na agad namang ginantihan ng banayad ngunit kalaunan
NANG matapos magbihis ni Brielle, lumabas na siya ng banyo. Nakita niyang nakahiga na ang babae, sinuyod niya ito nang tingin bago sinulyapan ang alak na nakapatong sa lamesang nasa gilid ng pader, naroon din ang baso, at halatang hindi pa iyon nasasalinan. Naglakad siya palapit at naupo sa kama. Naramdaman naman ni Janella ang palubog ng kutson kaya dahan-dahan siyang tumingala at nakita niyang nakaupo na ang lalaki sa tabi niya. Hindi nito suot ang binigay niyang pantulog, sa halip, suot nito ang maroon na roba niya na nakasabit sa likod ng pinto. Maikli iyon para sa lalaki, bagay na kita niya ang mapuputing braso at binti nito. Sa sandaling ito, bumaba ang kwelyo nito, na nagpapakita ng kalahati ng kaniyang maputi at makinis na balikat. “Bakit hindi ka pa nagtagay para sa sarili mo?” Inilagay ni Brielle ang palad sa balikat niya. “‘Wag kang kabahan. Wala naman akong gagawin sa ‘yo. Baka kasi kaya ka kinakabahan dahil akala mo gagalawin kita—but no, I just want to drink with
Chapter 25Pakiramdam ni Janella, may mga kunehong nagtatakbuhan at gustong lumabas sa dibdib niya sa mga oras na iyon.Upang itago ang kaba, nagtungo siya sa kabinet kung saan nakapatong ang telebisyon at yumuko, ang kaniyang katawan ay maayos na nakakurba. Binuksan niya ang drawer, at hinalungkay iyon. “Sige, maligo ka na lang muna. Hanapin ko lang ang shot glass na nakuha ko as give-away sa binyag na napuntahan ko last month. May sabon naman sa banyo, pagtyagaan mo na lang muna, hanapan na lang din kita extra shirt sa cabinet ko.” Patuloy na binubuksan ni Brielle ang butones ng kanyang damit, na nagpapakita ng malaking bahagi ng kanyang maskuladong dibdib, makinis at pino na parang labanos.“Sige. Ang init kasi.”Nang sandaling mawala ang matangkad at guwapo nitong pigura, napahawak si Janella sa kanyang dibdib at nagpakawala ng mahabang buntong-hininga.Tahimik niyang isinumpa ang sarili sa pagiging assuming hindi pa nga niya nahuhubad ang kanyang damit, ay nagsisimula na siyang
Chapter 24 ………… Sa ibaba, sa loob ng Rolls-Royce. Patuloy na nakatingin ang assistant sa madilim na hagdanan, “Anong oras na, bakit hindi pa bumababa si boss?” “Naku, asa ka pang baba iyon.” “Ang sabi niya kakain lang daw siya, tas baba na.” “Naku, parang may naamoy na talaga ako d'yan sa amo natin. Pakiramdam ko kakainin niya rin mga sinabi niya sa huli.” Napalingon ang assistant sa katabi, “Impossible, walay may buang mo baliktad sa ilang kuan nga walay hinungdan ui!” “Ako.” Naalala ng driver noon bago sila magtalik ng kanyang asawa, sinasabi niya rito na isang beses lang niya ito gagawin. Hindi nagtagal pagkatapos ng unang beses, muli siyang nasa ibabaw ng asawa at sasabihing uulitin niya ito, dahil masarap at kakaiba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hanggang matapos ang pangalawa, nasundan uli hanggang sa nakalimang putok siya sa loob ng asawa. “Hindi mo pa kasi alam ang pakiramdam na iyon dahil wala ka pang jowa at walang experience, pero try mong maghanap ng







