Share

CHAPTER 2 SHE'S MINE

Nakabalik na si Reed sa kanyang Villa. Sa likod na bahagi ng resort. Siya ang may-ari ng resort at isa lang ito sa maraming business niya.

Si Reed Sebastian- 24 year old. He has intense dark eyes, curve lips, prominent cheekbones, pointed nose and thick dark hair. He is athletic, tall and hunks. He’s rugged, sexy and very well- made. He has a strong and powerful personality. A secret billionaire. He owns a lot of resort and hotel all over the country.

Tinaguriang masungit at suplado, ngunit lapitin pa rin siya ng mga babae. Para sa kanya ang mga babae ay basahan at hindi karespe-respito.

Habang nakaupo siya sa may terrace at bumubuga ng usok galing sa mamahaling sigarilyo niya, biglang sumagi sa isip niya ang babaeng mapangahas na pumasok sa kanyang teritoryo. At dahil sa katangahan nito muntikan pa itong malunod.

Hindi niya makalimutan ang maamong mukha nito. Paakyat pa lang ang dalaga nakita na niya ito, ngunit hinayaan niya lang at kumubli siya sa isang malapad na bato. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ng dalaga at ang kabuoan nito.

Parang anghel na bumaba sa lupa and she is very innocent, angelic face and lovely.

Naipilig niya ang ulo at biglang nagdilim ang mukha niya. Hindi siya magpapalinlang sa mga babaeng pa- inosente dahil panlabas lang ang mga iyon.

"Pare-pareho lahat ng mga babae, hindi makontento kung anong meron sila.

Mga mapaghanap!" Inis na bulong niya sa isip.

Sunod-sunod na nagsalin siya ng alak sa baso at lahat ay nilagok na parang tubig.

Gusto niyang makalimutan sa isip ang babae na bumabagabag sa kanyang isipan. At maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha nito sa kanyang utak.

Ang mga galaw niya, habang tuwang-tuwa na nakatingin at nakatunghay sa taas ng batuhan. Ang maamo niyang mukha na tila isang diwata sa ganda.

"She's one of a kind! A gorgeous and innocent but daring without effort." Kausap niya ang sarili niya.

Para na siyang baliw na nakikipagtalo sa sarili. At ngayon lang ito nangyari sa kanya.

Utak vs puso.

Ang sabi ng utak niya, "Huwag kang magpadala sa ka-inosentihan ng babae, dahil nililinlang ka lang ng paningin mo. Hindi lahat ng nakikita mo, makakabuti sayo. At hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo, totoo."

Ang sabi naman ng puso niya, " Hindi lahat ng babae, pare-pareho, may mga babae parin na matino. Dapat huwag mong pigilan kong ano ang sinasabi at sinisigaw ng puso mo. You deserve to be loved and to be happy. Kung sa babae ka nadapa! Sa babae ka rin babangon!"

Napapailing na lang si Reed sa pagtatalo ng isip at puso niya.

Pero isa lang ang sinisiguro niya.

"She will be mine and only mine... Mark my word!"

Nagpakalunod siya sa alak ng gabing iyon. Wala naman siyang gagawin sa Villa. Mag-isa lang siya doon at kahit anong gawin niya walang didisturbo sa kanya.

Hanggang sa dalawin siya ng antok at ang babae sa batuhan pa rin ang nasa utak niya bago nakatulog.

----❤️---

KINABUKASAN, nagising siya sa malakas at sunod-sunod na doorbell. Inis na bumangon siya at naglakad papuntang gate.

Sisigawan na sana niya ang disturbong gumising sa kanya nang makita niya ang nakangiting kapatid.

"Good morning my handsome, Kuya!" Masiglang bati nito sa kanya sabay beso.

"What are you doing here? Bakit mo alam na nandito ako?" Nakakunot ang noo niya habang nakapamaywang.

"Syempre ako pa ba Kuya? Don't under estimate me, My Dear Brother," tinulak siya papasok nito at nakangiting pinulupot ang kamay nito sa braso niya.

"I want to sleep Darling, so please, go somewhere and don't disturb me." Bumalik siya sa kwarto niya at humiga ng padapa.

Sumunod naman si Darlene at tumalon-talon sa kama niya, " Kuya, I'm hungry! Please come with me to your restaurant. I don't want to eat alone."

"Hey stop! Please, please! I need to take a nap! I have a hangover. So, go to the restaurant and eat." Tinabunan niya ang mukha ng unan.

"Ganyan ka naman e, you don't love me. You always like that! I don't want to eat. I have no appetite." Bumaba ito sa kama at nakasimangot na naupo sa sofa na katapat ng kama niya at humalukipkip.

Sinulyapan niya ang kapatid at binato ng unan, "Nguso mo, pwede na sabitan ng kaldero," napahalakhak siya saka tumayo. Hindi niya talaga matiis ang kapatid.

"Whatever! I hate you to the moon and back! You always drunk. Why are you like that? Sisirain mo ba talaga ang buhay mo dahil sa walang kwentang Ex mo?" Tumayo ito at pinamaywangan siya.

"Hey, you brat! Remember, I'm your elder brother. Don't act me that way!" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"I don't care If you're my Kuya! Hindi na tama ang ginagawa mong pagpapabaya sa sarili mo. I need you, Kuya. I miss my Kuya Reed, who is caring and sweet." Malungkot ang mukha at lumabas ng silid.

"Hey! Ginagamitan mo na naman ako ng drama style mo, tampo ka na naman diyan!" Sumunod siya sa kapatid niya at tinusok ang tagiliran nito.

"Matulog ka na nga do'n. Babalik na lang ako sa Manila. Sayang lang naman ang effort ko dito. Useless lang naman, dahil hindi naman ako na miss ng isa diyan!" Patuloy ito sa paglalakad palabas ng Villa.

"Halika na nga, punta na tayo sa resort. Gutom na rin ako kaya huwag ka ng mag-inarte diyan!" Hinila niya ang kapatid pasakay sa kotse niya.

"Ang lapit lang naman ng resort, Kuya. Saka maaga pa naman, masarap maglakad papunta doon." Nakangiting humarap ito sa kanya at hinila siya.

"OK fine! Pasalamat ka, mahal kita. Kapag ako napikon sa kaartehan mo, ipapakain kita sa pating sa dagat!" Nakangising ginulo niya ang buhok nito.

"Kuya, stop that! Masisira ang buhok ko. Baka pagdating ko sa resort para na akong bruha." Nakasimangot ito habang na inayos ang buhok nito.

"Sus! Arte mo. Bilisan mo na nga diyan. Bakit pa kasi maglalakad pa kung may sasakyan naman. Anong silbi ng sasakyan kung hindi gagamitin. Tsk!" Nakasimangot siya na sumasabay sa paglalakad sa kapatid.

"Kuya, anong silbi ng paa mo kung hindi mo rin gagamitin?" Pabalang na sagot nito sa kanya habang nakatawa.

"Crazy!" Wala talaga siyang kawala sa kapatid niya.

Darlene is her only family kaya masyadong spoiled ito sa kanya. Mahal niya ang kapatid niya at hindi niya ito kayang tiisin.

"Pero seryuso Kuya, thank you so much. Pinagbigyan mo ako ngayon." Masayang pinulupot nito ang kamay nito sa braso niya.

"Bakit ngayon lang ba kita pinagbigyan? Lagi naman ah." Nagsalubong ang kilay niya.

Napatawa si Darlene, "Slight lang kasi ang kasungitan mo ngayon. Parang may bago sa kilos mo,"

"What? Tumahimik ka na nga! Ang dami mong alam. Ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong niya dito.

"I want heavy breakfast. Kasi mag-swimming ako mamaya sa villa."

"Hmmm. Isang bilao ng pancit canton, you like it? With toppings."

"Anong toppings? Sea foods?" Masiglang tanong nito.

"Yap! Crabs, shrimp and octupos." Sagot niya. At nilibot ang paningin sa restaurant ng makarating na sila.

Nasa lobby na sila ng restaurant nang biglang mag-ring ang phone niya.

"Mag-order ka na, sasagutin ko lang ang phone." Tumalikod na siya at iniwan si Darlene.

"Tsk! Business again. Whatever!" Narinig pa niya na sabi nito at padabog na naglakad papunta sa table.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
exciting ang story na to
goodnovel comment avatar
GreedyWild25
kaabang-abang gusto ko tu ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status