Share

CHAPTER 3 MEET AGAIN

Aly, okay ka na ba? Pwede na ba tayong sa labas kumain para makasagap ng sariwang hangin? Sa open cottage tayo kakain." Tanong ni Reem na kaliligo lang at nagbo-blower sa mahaba at basang buhok.

"Oo, okay na ako! Nakapagpahinga naman na ako kahapon. Masakit na din ang likod ko sa kakahiga!" nakangiting sagot niya.

"Mag-ingat ka na kasi next time. Hanggang ngayon lampa ka pa rin talaga!" Sabi ni Reem na napairap sa kanya.

Napahalakhak naman siya habang naglalagay ng lip gloss sa labi.

"Makalampa ito wagas! Nagsalita na naman ang amasona!" Ganting asar sa nakasimangot na pinsan.

"Tsk! Whatever!" Singhal nito sa kanya saka in-off na ang blower at ipinatong sa table na nasa harap.

"Pupunta ba dito ang boyfriend mo?" Tanong niya sa pinsan habang nakaharap sa malaking salamin at inaayos ang belt sa maxi dress niya.

"Sabi niya maybe tomorrow! Alam mo naman iyon, busy sa trabaho. May tinatapos lang daw na mga papeles na dapat mapirmahan.” Sagot nito na sumilay ang ngiti sa mga mata.

"So, chaperon ako bukas!?" Sumimangot na humarap siya dito.

"Humanap ka na kasi ng jowa! Ang dami mo naman manliligaw at mga gwapo pa. Tsaka, babaan mo nga ang standard mo sa lalaki!" Sabi nito, na napalabi sa kanya.

"Eh, sa ayaw ko nga sa kanila! Gusto ko katulad ni Daddy ang unang maging boyfriend ko," ngiting sagot niya, sumagi sa isip niya ang gwapong suplado na lalaki sa may batuhan.

Napa-isip siya.

“Bakit kaya ang cold ng lalaking iyon? Sayang! Mala-adones pa naman ang katawan.” Na sabi na lang niya sa isip.

"Hoy! Para kang tanga na nakatunganga diyan! Sabi ko umalis na tayo! Ang creepy mo na! Nabagok ba sa bato ang ulo mo kahapon?" Sigaw ni Reem sa harapan niya at pinitik nito ang noo niya.

Napapitlag siya at natauhan kaya sinimangutan niya ito.

"Tara na nga!" Sabi niya at nagpatiuna na sa paglalakad.

Papasok na sila sa restaurant para makabili ng pagkain na dadalhin sa open cottage.

Umupo sila sa pandalawahan na mesa na malapit sa entrance dahil magkakape muna sila habang naghihintay na maluto ang breakfast nila.

Tinawag ni Reem ang waiter at sinabi ang order nila. Pagkatapos makapag-order tiningnan niya ang pinsan.

"Hoy, bakla! May something sayo. Kahapon ka pa, parang tangang nakatulala. Nakakita ka ba ng shokoy ng malunod ka? Gwapong shokoy ba?" Nakataas ang kilay nito.

Napatawa si Aliyah sa sinabi nito.

"Masyado ka lang mapagmatiyag! Saka ang advance mo talaga mag-isip,” mahinang halakhak niya.

"Baliw ka e! Paano kong hindi na ikaw si Aliyah at shokoy ka na pala!” Napangiwi na sabi nito. Mahilig kasi magbasa at manood ng horror movies ang pinsan kaya creepy minsan mag-isip.

Hindi napigilan na mapalakas ang tawa ni Aliyah, sa itinatakbo ng utak ng pinsan.

Huli na nang ma-realize na nasa restaurant pala sila at napalingon na sa kanila ang ibang customer na kumakain. Nag-peace sign at nagpa-cute na lang siya sa mga ito saka nahihiyang napayuko.

Napahalakhak na din si Reem, dahil sa pamumula ng mukha niya. Nagtawanan na lang sila. Pati ang mga waiter ay natatawa na din sa kanila kahit hindi alam kong ano ang pinagtatawanan nila. Ganyan kababaw ang kaligayahan nilang dalawa. Nakakahawa ang kabaliwan ni Reem.

"Hi! Beautiful Ate's! Can I join you here?"

Isang magandang teenager ang lumapit sa kanila. Parang angel na bumaba sa langit sa ganda at ka cute-tan dahil sa pag-beautiful eyes nito.

"Sure! Upo ka! Anong pangalan mo?" Tanong ni Aliyah habang nakangiti dito.

"I'm Darlene Lopez, You can call me Darling. " Sagot nito na nakangiti at umupo na din sa katapat nila.

"I'm Ate Aliyah! Siya naman ang pinsan ko si Reem," pakilala niya.

"Hello! Darling, you're so puti! Nahiya naman ako sa balat ko!" Bati ni Reem at maarteng pina-ikot ang mata. Ngunit ngumiti ito at pinisil ang pisngi ni Darlene dahil sa gigil nito.

Napabungisngis naman si Darlene sa ginawa ni Reem.

"Ate,tama na! Pinaglilihian mo ba ako?" bulalas nito.

Napasinghap naman sina Aliyah at Reem sa sinabi nito. At nagkatitigan.

"Excuse me Ma'am, coffee n’yo po."

Sulpot ng waiter sa harapan nila.

Nginitian nila ang waiter at nagpasalamat ng malapag na ang coffee nila.

"Ate Reem, buntis ka po ba?” Tanong ulit ni Darlene na tumingin kay Reem habang iniinom ang coffee nito.

Napaubo naman si Reem.

"Are you okay Baklah!?" Tanong ni Aliyah at hinaplos-haplos ang likuran nito.

"I'm okay! Nasubrahan lang ng higop!” Sabay tawa nito. Saka humarap kay Darlene.

"Hindi ako buntis! Nanggigil lang ako sa mamula-mula mong pisngi. Ang ganda mo talaga walang halong eklabush!" Sincere na sabi nito.

Napahagikhik naman si Darlene sa sinagot ni Reem.

"Akala ko po buntis ka, dahil pwede mo naman akong hiramin. At gawing toy mo!" Nakatawang sabi nito.

Nagtawanan sila sa kadaldalan ni Darlene.

Sumama si Darlene sa kanila sa open cottage at sumabay sa kanilang kumain.

Isang bilao na pancit canton na may mga seafoods ang nilantakan nilang tatlo.

"Bakit mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?" Tanong ni Aliyah kay Darlene bago sumubo ng hipon.

"Si Kuya po ang kasama ko, kaya lang may tumawag sa kanya. Emergency yata tungkol sa negosyo." Sagot niya habang pinapa-ikot ang pansit sa tinidor niya.

"Gwapo ba ang Kuya mo? Wala bang asawa?" Tanong ni Reem na napatingin kay Aliyah.

"Walang girlfriend pero maraming babaeng humahabol," napapatawang sagot niya.

Nagliwanag ang mukha ni Reem. Napataas naman ang kilay ni Aliyah sa reaksiyon ng pinsan.

"Playboy ang Kuya mo? Baka gwapo? Maganda ka eh! Kaya for sure!"

"Handsome po talaga ang Kuya ko, kaya lang suplado." Nakangiting sagot niya saka sinubo ang pansit.

"Gusto mo bang maging Ate si Aliyah? Wala rin ‘yan boyfriend.” Tanong ni Reem kay Darlene na nakangisi.

Lumaki naman ang bilugang mata ni Darlene.

"Talaga ate?! Wala ka pang boyfriend? Ipakilala kita sa Kuya ko." Kinikilig na napabaling si Darlene kay Aliyah.

"Wala nga. Ayaw ko magka-boyfriend eh! Sakit lang sa ulo. Sinabi mo nga babaero ang kuya mo. Baka problema lang abutin ko diyan!" Sagot naman na pagsakay sa kabaliwan ng mga ito.

"Naku! Hindi ‘yan ate! Mabait naman si Kuya. Saka promise wala siyang girlfriend. Ang ganda siguro ng magiging anak niyo! Parehas kayo maganda at gwapo!" nakangiting kinikilig si Darlene.

"Anak agad!?" napahalakhak na napatawa si Aliyah, gano'n na din ang dalawa.

Napahinto lang sila sa kadaldalan ng mag-ring ang phone ni Darlene. Nagkatingin sila.

"Si Kuya tumatawag." Sabi nito sabay sagot. Pina- loud speaker pa nito ang phone at nilagay sa mesa .

" Where the hell are you, young lady!?" Boses galit sa kabilang linya.

Napangiti lang si Darlene sa asta ng Kuya niya.

"Kuya! Nandito ako sa open cottage! Puntahan mo ako dito, I'm with my new friend," sagot nito, at hindi pinansin ang kasungitan ng Kuya nito at pinatay na ang tawag.

"Luh ka! Galit ang kuya mo!" Wika ni Reem na natatawa.

Napahagikhik naman si Darlene.

"Sanay na ako sa kuya ko, Ate!"

" Sungit pala ng Kuya mo! Hindi ba siya nakakatakot?" Tanong niya at napangiwi.

"Hindi po. Subrang gwapo niya Ate para katakutan!" Natatawang sagot nito.

Napahinto ang daldalan nila nang may tumikhim, hindi nila namamalayan na may nakalapit na palang tao sa cottage nila. Nasa likuran ni Aliyah.

"Kuya! C'mon! Meet my new friend!" Masiglang tawag ni Darlene sa kapatid.

Nakanganga naman si Reem na nakatingin sa lalaki. Kaya napalingon na rin si Aliyah sa tinitingnan nito.

Napasinghap siya ng mapagsino ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata.

Halos huminto siya sa paghinga at nagreregudon ang puso niya.

"Kuya, meet ate Reem at Ate Aliyah." Pakilala niya sa dalawang dalaga.

Natauhan naman si Reem at ngumiti ng matamis saka nilahad ang kamay.

"I'm Reed." Maikling pakilala nito at tinanggap ang pakikipagkamay ni Reem. Saka bumaling kay Aliyah.

" Si Aliyah my cousin,” ulit na pakilala ni Reem kay Aliyah na hindi pa rin nakahuma.

"Nice to meet you Aliyah.” Seryusong nilahad nito ang kamay sa dalaga.

Tumikhim si Aliyah at tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya.

" Nice to meet you, Reed." Sagot niya sa mababang boses.

Nanlalamig ang kamay niya. Ngunit ng magdaop ang palad nila ay nakaramdam siya ng init at kinilabutan siya.

Bigla ay nabitawan niya ang kamay ng binata. At pilit pinormalan ang mukha.

" Kuya, tapos na akong kumain, nakikain na ako sa pagkain nila, Ate. Ang tagal mo kasi eh!"

"Hindi ka na nahiya.” Sabi niya sa kapatid at napasimangot. Saka hinarap ang dalawang dalaga.

"Ladies, I'm sorry for my sister’s behavior. I guess, feeling close na ito sa inyo."

"Nevermind Reed. Masayahin ang kapatid mo at nakakatuwa.” Sagot naman ni Reem na nginitian si Darlene saka kinindatan.

"Kuya, sila naman e-treat natin mamayang dinner huh! Papuntahin natin sila sa Villa mo. Makabawi man lang sa kanila." Masiglang wika ni Darlene at pinagsalikop na niya ang kamay sa braso ng kapatid.

" Naku! Nevermind Darlene! Maliit na bagay lang naman. Saka, napasaya mo naman kami. Kaya nakabawi ka na!" Sabi ni Aliyah at nginitian si Darlene.

"Hindi kami tatanggi sa offer na dinner! I'm in! Makatipid man lang!" Napahagikhik na sagbat ni Reem.

Pinanlakihan naman siya ng mata ni Aliyah! Ngunit hindi siya nito pinansin.

"Okay then. Dinner to my Villa at exactly 7pm. Ipapahatid ko na lang kayo mamaya sa driver ng resort." Seryusong sagot ni Reed at napatingin sa gawi niya.

Umiwas naman siya ng tingin sa binata.

"Yehey!" Napatalon sa tuwa si Darlene.

" Sige mga Ate! Kita-kits nalang po mamaya sa villa." Paalam nito.

Nang makalayo na ang magkapatid ay tinitigan ni Aliyah ng matalim ang pinsan na kampanti nang nakaupo.

"Baliw ka talaga! Umiral na naman ang kabaliwan mong bakla ka! Anong nakain mo at pumayag kang mag-dinner sa Villa?" Nakasimangot na sita ni Aliyah.

"Ano bang masama? Teka nga!? Magkakilala ba kayo ni Reed?" Taas kilay na tanong ni Reem.

"Hindi ah! Paano ko naman iyon makikilala?" Sagot niya na iniwas ang tingin kay Reem at dinampot ang tubig sa harapan saka uminom.

"Sure ka? Baka naglilihim ka na sa akin? " Tanong ulit nito na may pagdududa.

"Kulit! Sinabi ng hindi ko kilala ang supladong iyon!" Singhal niya.

"Pero aminin mo! Na star struck ka sa kagwapuhan niya kanina, ano?" May kilig na tudyo ni Reem.

Namula naman siya sa sinabi nito.

"Ikaw nga diyan ang nakanganga at tulo laway! Isumbong kaya kita kay Grey!" Irap niya sa pinsan.

Napahalakhak ng malakas si Reem.

“Pero, hindi nga! Bagay kayo ni Reed. Ayeeh!” Asar niya ulit kay Aliyah.

“Iwan ko sayo! Pumunta ka sa Villa, mag-isa!” Inis na sabi niya saka tumayo na at naglakad paalis.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow kilig din kahit hindi pa sila
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status