Share

THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER 10

CHAPTER 10

THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER

"Don't worry, Mr. Mornett! She's fine."

"Thanks Doc."

Narinig kong may nagsasalita pero hindi ko alam kung nasaan. Gusto ko man idilat ang mga mata pero sobrang bigat ng mga talukap ko. Manhid ang mga katawan. Hindi ko alam kung bakit.

Galing ba ako sa bugbugan at ganito ako kahina ngayon? Dahil sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko kaya mas mabuti na lang na ipahinga ang sarili ko. Baka mamaya maging okay rin ako. Sayang lang at hindi ko masasabayan si Lola Alma sa almusal kung anong oras na ngayon.

Kung pupunta siya sa kwarto ko ay for sure diyan niya pa lang malalaman na may sakit ako. Maya-maya maramdaman ko na lang na nasa ospital o pinapunta na ni lola ang mga nurse sa bahay para tingnan ako, hindi titigil si Lola Alma na kulitin ang mga doctor para lang ako ay gumaling.

Pero ngayon na hindi niya alam na ganito ako kahina kaya hihintayin ko na lang siya. Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko para makatulog ulit ako.

Babawi ako sa'yo Lola.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status