LOGINHindi mapupunta kay Shanna Cole ang lahat ng mana na iniwan ng kanyang mga magulang bago sila mamatay at mana ng kanyang lolo at lola kundi mapupunta lang ito sa kanyang step mother o charity kung hindi siya magpapakasal. Hindi man makatarungan na dahilan kaya walang magawa si Shanna Cole kundi ang maghanap ng lalaking magpapakasal sa kanya. Sa sobrang crush niya kay Xyvielle Mornett, kaya niligawan niya ito pero walang epekto sa kanya ang lalaki kaya sa sobrang despirada na makuha ang mana, kaya isa lang ang tamang paraan ang naisip niya. Ito ay kidnapin ang crush n'yang si Mornett para siya ay pakasalan. Magtagumpay kaya si Shanna Cole kung 60 days lang ang palugit ng kanyang lola para mahanap ang mapapangasawa niya? Paano kung pumayag ang lalaki na magpakasal sa kanya pero natuklasan ni Shanna na maling tao pala ang kinidnap niya. Handa na ba siyang mawalan ng mana o ipagpatuloy niya ang plano kahit ikakasal na sa iba ang taong natutunan na niyang mahalin?
View MoreTHE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER (SPECIAL CHAPTER )“Kumusta Shanna?” napangiti ako na makita ang kaibigan ko na si Nathalia.“I'm good and happily married, my dear,” bungad ko sa kanya. “Oh di ba? Appear tayo diyan," natawa kami pareho.Nasa restaurant kami ngayon sa Makati, dumaan lang ako sa office saglit bago pumunta rito. Noong isinilang namin ang bunso namin na anak ni Zane ay huminto na ako sa pagiging modelo at architect pero nagpatayo ako ng modeling agency at pinangalanan ko ito sa anak namin ni Zane na maagang kinuha sa amin.“Where are the other girls?” "Hmm, baka mamaya ay narito na rin sila." Tukoy ko sa mga asawa ng mga kaibigan namin ng asawa ko. “Order na ba tayo ng food?" Tanong ko.“Water lang sa akin, hindi ko kaya ang-" “Hello-" “Hi!" “Nandito na pala sila!" Tukoy namin sa mga bagong dating na naglalakad patungo sa gawi namin. At dahil marami kami kaya binook namin ang restaurant na kinuha, para exclusive lang sa amin. Lalo at sobrang maiingay ang iba. Hindi ko
Epilogue Part 3The Billionaire's Kidnapper I can't take my eyes off of her, hindi niya alam pero lagi akong nagmamasid sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang rason niya at kung bakit niya ito ginawa na pagkidnap. Isa ba ito sa natutunan niya noong panahon na…nevermind. Laman lang siya ng isip ko ay ngayon ay biglang nasa harapan ko na talaga siya. But still, if this is only a dream, mas mabuti pang panaginip na lang talaga ito. Nagmamatigas pa ako sa kanya dahil ayoko na pag bumait ako ay bigla na lang siya naglaho sa paningin ko. Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko na hindi ko na siya nakita paglabas ko ng banyo. Hinanap ko siya, akala ko iniwan niya na ako pero sa pagkakaalam ko na nasa Isla kami. Walang kabahayan at sasakyan kundi tanging chopper lamang.Kung hindi ko nakita ang towel na nakalagay sa lounger chair near the seashore at hindi ko napansin ang kanyang tsinelas na ginamit ay hindi ko alam kung nasaan siya. Kung naliligo siya, bakit hindi pa siya nakaahon? I w
The Billionaire's KidnapperEPILOGUE part 2“How is she?” Ganito agad ang bungad ko sa kamukha ko na si Xyvielle. Ang isa pa namin na kamukha ay kung saan-saan na naman na bansa nakakarating, depende kung saang banda may natipuhan na babae ay doon siya. “She's fine, and let me tell you bro huwag ka sanang magalit.” ani ng triplet ko na nakadestino ngayon sa Pilipinas while me, I'm here in Norway with my grandma and grandpa. Minsan pumupunta rin ako sa Italy dahil may bahay doon ang father ko."What is it?" Kinabahan naman ako. I hate bad news. I hate it so much.“She knows my name rather than your name, I tried to mention your name pero walang reaction ang mukha niya. Though hindi ko naman sinabi na tao ang tinutukoy ko, baka akala niya na isang brand collection natin ang pangalan mo na Zane.” halakhak niya sa kabilang linya."Gago-” inis ko na sabi sa kanya. Masasapak ko talaga ito kapag nasa harapan ko na, mahilig mang-asar pero kung siya naman ang pa aasarin, nauna pa ang batok
EPILOGUE part 1The Billionaire's Kidnapper“Who's that girl?"“Shanna Cole!"“How sure are you about that?" Tanong ko sa katabi ko. Nasa bench kami nakaupo ng kaibigan ko na si Drake para tumambay na muna, kakatapos lang namin mag-practice ng football, isa iyan sa nahiligan ko na sport ngayon. Pinagmasdan ko ang third year highschool na mag-isang nakaupo sa kabilang bench habang may binabasa na libro. Nasisinagan ng panghapon na araw ang kanyang pisngi, kaya hindi ko maiwasan na tumingin sa maamo niya na mukha. Sobrang lambot ng balat at alam ko na natural ang kulay pink ng kanyang mga straight na buhok. Inangat niya ang kanyang ulo at agad akong umiwas ng tingin at baka akala niya nakatingin ako sa kanya. Minsan, iba pa naman mag-isip ang mga babae, baka akala nila kapag tinititigan ay may gusto na sa kanila.Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabait, may mga ka fling din naman ako na babae, kunwari liligawan ko, mga ilang araw iba na naman. Pero hindi ako yung tipo na nagbibigay






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore