"ISABELLE! Please, mag-usap tayo!" sigaw ni Franco habang kinakalampag ang gate ng mansyon. "Magpapaliwanag ako, please pakinggan mo ako!" patuloy niyang sigaw sa harap ng mansyon.Napasandal si Isabelle sa pintuan at napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Gusto niyang marinig ang paliwanag ni Franco, pero nagtatalo ang isip niya kung pakikinggan niya ito o susundin ang mga kapatid niya na tuluyan nang kalimutan ang binata.Napakislot siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Olivia."Isabelle, huwag mo siyang pakinggan. He's just saying lies, and don't you see, he's just wasting your time," mariing sabi ni Olivia mula sa itaas ng hagdan. Kasunod niya si Sabrina na nakasimangot din."Olivia is right, ginagamit ka lang niya para gumanti," hirit ni Sabrina."And the worst...ilalayo niya ang kambal sa 'yo," dagdag pa ni Olivia.Napayuko si Isabelle. Tumulo ang mga luha niya. Hindi niya alam kung dapat pa bang pagkatiwalaan si Franco. Ang sabi ng isip niya ay
Tahimik ang paligid sa loob ng mansyon ng mga Osorio. Ang malalaking bintana ay nagbibigay-daan sa malamlam na sinag ng araw na nagpapasok ng liwanag sa malawak na sala. Ang hardin, na dating punong-puno ng iba't ibang uri ng bulaklak, ay natabunan ng mga lantang dahon na nalalaglag mula sa mga puno. Basag-basag ang mga paso at nagkalat, isang tanawin na nagpapakita ng pagkapabayaan ng mansyon.Malungkot ang buong paligid, sumasalamin sa nararamdaman ni Isabelle. Nakaupo siya sa isang sulok, pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng mga kambal. Hindi man niya aminin, naalala niya si Franco sa tuwing tinitingnan ang mga anak.Bumabalik sa kanyang alaala ang mga plano nila noong nasa sinapupunan pa lamang niya ang kambal, ang mga panahong nagsimula ang kanyang pagtingin sa binata. Ngunit nagkamali siya; isa lamang palang laro ang lahat kay Franco. Sinagip siya nito, ngunit may masamang balak. Nagpapasalamat siya na hindi natuloy ang kasal at hindi siya tuluyang nahulog sa bitag nito. N
“ANG kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon!” gigil na saad ni Olivia. Halos ibalibag na niya ang pinto dahil sa inis na nararamdaman kay Franco.“Olivia, could you please lower your voice?” saway ni Sabrina, sabay tingin kay Isabelle na tahimik na nakahiga sa kama.Napaismid lamang si Olivia at umupo sa couch. Isinandal niya ang katawan, humugot ng malalim na hininga, at sabay buga ng hangin. “What do you want me to do? Manahimik at hayaan ang lalaking iyon?”“Olivia!” Tumaas na rin ang boses ni Sabrina at sinamaan ng tingin ang kapatid.Nakuha naman agad ni Olivia ang gustong sabihin ni Sabrina. Tumayo siya at lumapit kay Isabelle, ginagap ang kamay ng kapatid at mahigpit na hinawakan.“Isabelle, you don’t need Franco in your life. Narinig mo naman ang lahat, di ba? He doesn’t deserve you,” mariing saad ni Olivia.Hindi umimik si Isabelle. Umiwas siya ng tingin kay Olivia. Tinitigan niya ang mga rosas sa bedside table, at sa tuwing tinitingnan niya ito, ay parang may kumukurot sa pu
IMINULAT ni Isabelle ang mga mata at nilibot ng tingin ang maliit na silid. Puting kisame ang bumungad sa kanya, at ang makapal na kurtina ay bahagyang nakausli, sapat na para makapasok ang sinag ng araw. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at hinawakan ang kanyang tiyan. Patag ito. Wala na ang umbok. Isang matinding kirot ang dumampi sa kanyang puso, at ang mga luha ay pumatak sa kanyang pisngi. “My angels,” bulong niya habang hinihimas ang kanyang tiyan. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa halo-halong emosyon. Nararamdaman niya ang bigat ng kanyang mga talukap at ang pagod ng kanyang katawan. Unti-unti, nanghina ang kanyang mga mata, at lumabo ang kanyang paligid. Huminga siya nang malalim bago tuluyang pumikit. *** Nagmamadaling bumaba si Franco ng kotse at pumasok sa pribadong ospital. Kahit pagod at walang tulog, hindi siya tumigil sa paghahanap kay Isabelle. Mabuti na lamang at napilit niya si Clint na sabihin kung saan dinala ni Olivia si Isabelle. Pagpasok sa lob
NANGINGINIG ang mga kalamnan ni Isabelle habang pinanonood ang video record na natanggap galing kay Sabrina. Hindi sana niya iyon bubuksan but it was Sabrina who send it. Their youngest sister is annoying most of the time, pero hindi kasi ito ang tipo nang nakikialam sa buhay nang may buhay. Ni hindi nga siya nito tinatawagan simula nang umalis siya sa poder ng mga magulang. Kaya hindi niya alam kung pagsisisihan ba niyang binuksan at pinanood ang video na ipinadala nito. Napangiwi siya nang maramdaman ang paninigas ng may kalakihan na niyang tiyan. Kaya ibinaba niya ang cellphone sa gilid at hinimas-himas ang umbok ng tiyan saka malalim na humigit ng hangin at marahang huminga sa bibig. Umayos siya sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama. Umusod pa siya sa gilid at maingat na ibinaba ang mga binti habang panay pa rin ang himas sa tiyan. Naririnig pa rin niya ang boses ni Franco sa video. And he couldn't believe what she just heard since she watched it. How come that Franco Almario and Fra
THE SAINT MARY ACADEMY '07 and '08 Alumni Homecoming. The glittering Grand Ballroom of the City Garden Grand Hotel buzzed with excitement. The crystal chandeliers, cascading waterfalls of light, amplified the joyous atmosphere. Isang Porsche 911 ang huminto sa likod ng hotel kung nasaan ang entrance ng function hall na paggaganapan ng alumni homecoming. Bumaba si Olivia, wearing an elegant floor-length, one-shoulder long sleeve chocolate brown evening gown paired with set of swarovzki crystal necklace, earrings, and bracelet. Her long hair was set in a bun style at ang tali niyon? Kumikislap dahil sa maliliit ding swarovzki crystal. At nasa mga kamay nitong nasa harapan ng tiyan ang expensive purse nitong halos katerno ng mga alahas na suot. Kasunod nitong lumabas ng sasakyan ang bunsong kapatid na si Sabrina, showing her chic vibe on her baby pink sweetheart neckline dress na ang laylayan sa likod ay humahanggan hanggang sa likod ng tuhod, habang ang harapan ay nagpapakita ng magag