Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat