The Chairman's Heir Mother

The Chairman's Heir Mother

last updateÚltima atualização : 2025-12-23
Por:  ANNALIZZAEm andamento
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
3Capítulos
3visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Hindi nag-uulit ng babae si Luigi Donovan. Kapag naikama na niya ang babae, hindi na niya ulit hinahawakan pa. Pero nang makilala niya si Lavender Salvacion sa isang nightclub at nagkaroon sila ng one-night stand, nasira ni Luigi ang sarili niyang panuntunan. Hindi niya mapigilang isipin kung paano siya nito ginawang maghangad pa ng higit. At sa gabing iyon din, nasa desperadong sitwasyon si Lavender kaya nauwi siya sa pagnanakaw ng pera kay Luigi. Si Luigi ang tipo ng taong hindi hinahayaan na makaligtas nang walang parusa ang mga gumawa sa kanya ng mali. Hiningi niya ang kapalit ng ninakaw sa paraang hindi kailanman inakala ni Lavender, ang magbuntis para sa tagapagmana ni Luigi.

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

"Nakikita mo ba yang kano na yan?" Mas lumapit si Mama Melly sa akin saka itinuro ang daliri nito sa isang direksyon.

Sinundan ko ang daliri ng babae at tumama ang aking paningin sa isang lalaki na nakaupo sa harap ng counter. Kahit blurry ang aking paningin dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumisilaw sa aking mata, pinilit kong aninawin ang tinutukoy nito.

Nakatalikod ito sa amin, pero alam kong may edad na rin ito. Malaking lalaki ito at sa tansya ko'y nasa 6'0 feet o mas higit pa ang height nito.

"Virgin ang hanap nya. Fit na fit sa requirements nya ang katawan, kutis at mukha mo."

Pumunta si Mama Melly sa aking likuran at minasahe ang magkabila kong balikat habang nakatingin sa kano na mag-isang umiinom sa counter ng nightclub na aming kinaroroonan.

"Don't worry, Lav. Mayaman yan. Loyal customer ko yan dito. Hindi ka malulugi riyan."

Hindi na ako nakapalag nang itulak niya ako. Unti-unting umuusbong ang takot at kaba sa dibdib ko habang papalapit sa tinutukoy niyang lalaki. Parang gusto kong mag back out at maging pulubi na lang sa kalsada. Parang mas madali pang maging pulubi kaysa magbenta ng katawan. Pero hindi na puwede. Matagal ko ring pinag-isipan ang bagay na ito at saka isa pa, ayaw kong magalit sa akin si Mama Melly gayong ako mismo ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong.

"Hi, Peterson!" Magiliw na bati ni Mama Melly sa lalaki nang makalapit kami sa kinaroroonan nito.

Pumihit ito paharap sa amin.

Mas lalong nagwala ang puso ko nang mapagmasdan ko siya ng malapitan. Namumuti na ang ilan sa buhok nito. Puno ng bigote at balbas ang kalahati ng mukha nito. Malalim ang asul na mata nitong puno ng pagnanasa nang saglit na mapunta sa akin ang tingin nito.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ng babaeng nasa tabi ko. Daig ko pang ikinulong sa loob ng cooler nang magsimulang gumalaw ang aking tuhod at kamay. Hanggang sa manginig na ang buong katawan ko ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Hello, Mr. VIP!" Malawak ang ngiting bati ni Mama Melly. Ngumiti naman ang lalaki.

"This is the lady I'm telling you. Look, how cute she is. She knows how to behave as well. Wala kang magiging problema sa kanya."

Napunta sa akin ang atensyon ng matandang foreigner. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y hinuhubaran niya ako sa isip.

"I like her. Can I have her for tonight?"

Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang sinabi ng matanda dagdag pa na may kakaiba sa ngisi at tingin nito sa akin. Parang oras na sumama ako rito ay hindi na niya ako pakakawalan.

Na-iimagine ko pa lang na may mangyayari sa amin ng matanda kapalit ng pera, nagsisitaasan na ang mga balahibo ko sa katawan. Waring hinahalukay ang aking sikmura at anumang oras ay maduduwal ako.

Nanlalambot ang aking mga hita ngunit wala na akong nagawa nang itulak ako ni Mama Melly palapit sa dayuhan. Aksidente akong napahawak sa matabang dibdib ng matanda, pero agad ko ring inalis ang kamay ko roon.

"I'll leave you two now. Remember, Lav, behave." Kumaway si Mama Melly sa amin bago ito tumalikod.

"Enjoy!" pahabol pa nitong sigaw.

Tumayo ang lalaki. Matangkad nga ito at malaki ang katawan hindi dahil sa muscles kundi dahil sa nagsisiksikan nitong taba.

Gumapang ang kamay ng matanda sa aking balikat pababa sa aking bewang bago niya ako hapitin palapit. Pilit man akong kumawala ay hindi ko magawa dahil para lang akong maliit na bagay sa tabi niya. Akmang ilalapit na ng matanda ang mukha niya sa akin para halikan ngunit mabilis akong umiwas at pasimpleng tumingin sa paligid.

"My baby is shy." Hinawakan ng matanda ang aking pisngi.

Umiling lang ako. Hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil hindi ko gusto ang nangyayari. Panay ang tingin ko sa paligid para humingi ng tulong. Gusto ko nang mag back out. Mali ito. Hindi kakayanin ng konsensya, ego, pride, dignidad, at buong pagkatao ko kapag nangyari ang hindi dapat mangyari. Naisip ko lang namang gawin ito dahil kapos na kapos ako at pakiramdam ko wala na akong ibang choice at wala na akong chance sa buhay.

Lagi kong naririnig sa ibang tao na puwede akong yumaman dahil sa aking ganda kung gagamitin ko ito sa tama. Hindi man sila napamanahan ng generational wealth dahil wala sila noon, napamanahan naman ako ng magandang genes ng aking mga magulang. Pero dahil iniwan na nila ako at ngayon ay hindi ko na alam kung anong gagawin upang maka survive sa hirap na dinaranas namin ngayon.

Hindi ko na alam kung kanino pa ba kakapit, kung kanino pa lalapit. Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ba ang sumanib sa akin at nagawa kong maisip ang ganitong paraan ng trabaho ang magbenta ng katawan gamit ang aking kagandahan at kaseksihan. Iyong dapat na priceless na value ng aking katawan ay naging on sale dahil sa kahirapan. Ni hindi ko rin lubos maisip kung bakit tila ba pinarurusahan kami ng langit sa kasalanang hindi ko alam.

Patuloy akong tumingin sa paligid umaasang may makakapansin na humihingi ako ng tulong, pero walang nakapansin dahil abala ang lahat sa kani kanilang mga ginagawa.

"I'm sure you'll enjoy this whole night. Let's have some fun, baby. Make daddy happy tonight." bulong ng matanda sa akin.

Sobrang lapit niya sa akin na halos dumidikit na sa aking pisngi ang mabalbas niyang mukha. It tickles me in a freakish way. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango na hinaluan ng nakakasukang amoy ng alak. Nagsimula siyang lumakad palayo sa harap ng counter habang hawak ako sa balikat kaya wala na akong nagawa kundi ang mapasunod.

Habang paakyat kami sa second floor ng club, ginamit ko ang flashlight ng aking cellphone para humingi ng tulong sa pamamagitan ng Morse code SOS. Tahimik akong nagdasal na sana may makapansin at iligtas ako sa sitwasyong ako rin ang may kagagawan.

"Satisfy me using that sweet tongue of yours and I'll give you any amount of money."

Sa sandaling iyon, waring lumipat sa matanda ang demonyong sumanib sa akin. Itinulak niya ako sa kama at napaupo ako roon habang pilit kong binabalanse ang katawan ko upang hindi tuluyang mapahiga. Isa isa niyang hinubad ang kanyang damit hanggang sa wala na itong matira, dahilan upang pumikit ako ng mariin.

"Don't be nervous, baby. It will only take a few minutes." malambing niyang saad nang mapansin ang panginginig ng aking kamay.

"I like the way your face are turning red right now." Hinawakan niya ang aking pisngi saka ako dahan dahang inilapit sa harap ng pag aari niya.

"Now, suck it and be a good girl."

Sa puntong iyon, natawag ko na halos lahat ng santong alam ko. I begged the heaven to hear my prayer and help me get out of the situation I made myself. Nangangati ang gilid ng aking mga mata at masakit ang aking lalamunan habang nagsisimulang mamuo ang luha. Tahimik na pumatak ang malinaw kong luha sa maputla kong mukha nang biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan namin na lumikha ng malakas na tunog na ikinagulat naming dalawa.

"Found you, asshole!" casual na saad ng lalaki.

His tower height made the room look small. He wasn't smiling nor smirking. He looks hella serious while his right hand were resting inside his pants pocket.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at itinulak ang matanda gamit ang natitira kong lakas dahilan upang bumagsak siya sa sahig.

"What the fuck?! Who the fuck are you?!" galit na sigaw ng matanda sa intruder.

"Me? You don't have to know me. I bet you wouldn't want to know who I am." Nanatili lang ang lalaki sa kinatatayuan niya habang pinapanood ang matanda na hindi na makabangon. "You're too old for this, sir," puno ng sarkasmo ang boses niya. "Just give her to me and I'll let you walk out of here alive and with complete body parts."

Parang cartoon character ang matanda sa sobrang galit.

"Whoever you are, you'll regret this. I will kill you."

Naputol ang banta nito nang mabilis na inilabas ng lalaki ang baril at itinutok sa ulo mismo ng matanda.

"Why don't you try? Let's see who's gonna be dead in a second once you make another move."

Nag-click ang baril at halos mangliit ang matanda sa sahig. Ramdam ang kaba sa buong silid.

"Let... Let me live, please!" halos umiiyak na pagmamakaawa niya. "I'm easy to negotiate with." Iyon lang ang sinabi ng lalaki bago ako hilahin palabas ng kwarto hanggang makababa kami muli sa club.

Nang nasa huling hakbang na kami ng hagdan, huminto ako. Umiiyak na ako at sobrang emosyonal, punong puno ng pasasalamat na dininig ng langit ang dasal ko. Sa sobrang emosyon, niyakap ko ang lalaki.

"M-Maraming... salamat po. Maraming salamat po talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating," parang bata akong umiiyak. "Wala po akong maibabayad sa inyo kapalit ng tulong ninyo, pero gagawin ko kahit ano bilang pasasalamat."

"You don't have to do anything," mahinahon niyang sinabi habang bahagya niya akong itinulak palayo.

"But if you insist, then who am I to refuse? You're not a minor, are you?"

"Legal age na aka, sir..." nasabi ko nang hindi nag iisip.

"Drink with me. I'll pay for everything."

Nauna siyang maglakad papunta sa counter at sumunod naman ako. Naupo ako sa tabi niya at pinanood ang bartender na naghahalo ng inumin.

Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko pero sinabi kong siya na ang bahala dahil beer lang ang alam kong alak. Wala naman akong balak malasing kaya hindi ko na inalam pa ang iba.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
3 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status