LAKAD at takbo ang ginawa ko para lang makalayo agad sa mga taong naroon at nakatingin sa akin. I was about to turn at the end of the hallway when someone suddenly grabbed my arm to stop me. Even though my eyes were blurry, I forced myself to look at the person who stopped me. Ngunit mas lalo lamang akong nasaktan at nagalit nang makita kong si Alex pala iyon.
“Portia, please let me explain first—”Kagaya sa ginawa ko kay Trish kanina, isang malakas na sampal ang ibinigay ko rito nang bawiin ko ang braso ko na hawak-hawak nito.“Explain? Explain again, Alex? Para ano? Para muli mo na naman mapaikot ang utak ko? Para muli mo akong papaniwalain na mali ang mga nalaman ko kanina? Hindi ako gano’n kabobo at katanga para muling paniwalaan ang mga paliwanag mong puno ng kasinungalingan!” puno ng galit at sakit na singhal ko rito. “You did it once, Alex. Ang sabi mo it was a misunderstanding and I believed you kasi wala akong hawak na ebidensya. But now... kitang-kita ng dalawang mata ko ang picture ninyo ni Trish. How can you explain about that?” mariing tanong ko. “Bakit mo pa ako niligawan at ginustong maging girlfriend mo kung nasa iba naman pala ang interest mo, Alex? Bakit hindi na lang si Trish ang niligawan mo una pa lang para hindi mo na ako nasaktan ng ganito? Para hindi n’yo na kailangan na magtago sa rooftop sa tuwing magkikita kayong dalawa!”Umiling-iling naman ito pagkatapos ng mga sinabi ko. “Portia, no please! I love you, babe!” sabi nito at sinubukan pang abutin ang kamay ko pero mabilis akong umatras.Napailing ako kasabay nang pagpunas ko sa aking mga luha na patuloy pa ring tumutulo sa aking pisngi. “You don’t love me, Alex. Dahil kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako sasaktan ng ganito. Hindi mo ’to gagawin sa ’kin,” sabi ko at muling tumalikod at ipinagpatuloy ang paghakbang ko palayo.Ang bigat at ang sakit-sakit ng dibdib ko! Pakiramdam ko may patalim doon na pilit ibinabaon upang mas lalong sumakit ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig din ang aking mga tuhod. Kahit nanlalabo ang aking mga mata dahil sa mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos, pinilit kong maglakad. Pagkalabas ko sa building, ang malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa akin. Tila nakikiramay ata ang panahon sa sakit na iniinda ngayon ng puso ko. Mas malakas kasi ang ulan ngayon kumpara kanina.Saglit akong tumingala sa kalangitan bago walang pakialam na tumakbo sa kalsada, sa ilalim nang malakas na buhos ng ulan. Naghalo na ang ulan at ang aking mga luha.Mayamaya, nang makalayo na ako sa APC, pagod na napaluhod ako sa semento nang makaramdam ako ng tuluyan na panghihina sa aking mga tuhod. Siguro dahil sa pinaghalong lamig ng hangin at ulan na tumatama sa impis kong katawan kaya hindi ko nakayanan.“Mga manloloko!” mahina ngunit mariing sambit ko pagkuwa’y tumingala ulit sa madilim na kalangitan. Napapikit ako nang mariin.PAPASOK pa lamang ako sa looby ng building ay agad na sumalubong sa akin ang mga tinginan ng aking mga katrabaho. Mga tingin na iba ang nais na ipahiwatig sa akin. Pero sa halip na pansinin ko ang mga ito ay binalewala ko na lamang iyon at nagtuloy sa aking paglalakad.“Totoo ba ’yon? Ang akala ko pa naman ang bait niya. Malandi rin naman pala!”“My, God! Huwag kang nagpapaniwala sa magandang hitsura, bes. Unang kita ko pa lang naman diyan sa Portia na ’yan ay malandi na talaga siya! Ang lakas pa ng loob niyang sampalin si Trish sa harap ng maraming tao e, siya naman pala itong mang-aagaw ng boyfriend.”“Talaga? So, totoo pala ang kumakalat na tsismis sa buong building? Si Trish pala talaga ang totoong girlfriend ni Alex at hindi si Portia?”“Korek, bes! At isa pa, malapit na rin silang ikasal ni Alex. Kahapon sinabi rin ni Trish na two months na siyang preggy.”Kahit ano ang pilit ko sa sarili ko na pigilang huwag pumatak ang aking mga luha, sa huli ay hindi ko rin iyon nagawa at bigla iyong tumulo dahil sa mga narinig ko. Oh, God! Ano ba itong problemang kinaharap ko ngayon? Ako na nga itong inagawan ng boyfriend, ako pa ang lumalabas na masama sa mata ng mga tao rito sa building. At ano itong narinig ko? Ikakasal na raw sina Alex at Trish? Na dalawang buwan ng buntis si Trish at ang ama ay ang lalaking minahal ko? Mas lalo akong nakadama ng kirot sa aking puso.“Portia!”Nang marinig ko ang boses ni Jass, mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at humugot nang malalim na paghinga at sinupil ang aking sarili.“You! You and you! Gusto n’yong matanggal sa trabaho?” pagalit na tinuro ni Jass ang tatlong babae na nag-uusap sa gilid ng lobby.“Sorry po, Miss Jass!”Kaagad na umalis ang tatlong babae kaya nilapitan ako ni Jass.“Portia,” sabi nito at hinawakan ako sa braso ko. “Hindi mo na dapat pinapakinggan ang mga gano’ng usapan.” Ani nito.“So... totoo nga? Kumakalat dito sa building na ako ang masama at siya ang santa santita?” tanong ko.Pagkatapos kasi ng nangyari no’ng isang araw, hindi ako pumasok kahapon kaya hindi ko alam kung ano ang mga nangyari dito sa APC pagkatapos ng eskandalong nangyari.“Portia, we know the truth. You know the truth. Dapat hindi ka magpaapekto sa mga sinabi nila.” Anang Jass. “Come here. Sa office tayo mag-usap.” At kaagad ako nitong iginiya papunta sa elevator hanggang sa makarating kami sa opisina nito.“Can I take a break?” saad ko habang nakaupo na sa sofa.Lumapit naman sa akin si Jass at ibinigay nito sa akin ang isang baso ng tubig na kaagad ko namang tinanggap at ininom.“Yes you can, Portia. Iyon din ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ngayon,” sabi nito at umupo sa tabi ko. “Ilang taon ka na ring nagtatrabaho rito sa ’kin. And even once, hindi ko pa nakita na nag-unwind ka man lang.” Ani nito.Tipid akong ngumiti. “Thank you, Jass!”“Portia,” wika nito pagkuwa’y kinuha ang isang palad ko. Ginagap nito iyon. “Hindi ako magsasawang sabihin sa ’yo ito... you don’t deserve him, okay? Makakalimutan mo rin siya.” Seryosong saad nito sa akin. “And if you want, sa Tagaytay ka na muna. Walang tao sa rest house ko. Puwedeng doon ka na muna magpahinga.”“Thank you so much, Jass.”“Anything for you, Portia. Just give me a call if you need me, okay? Pasasamahan na rin kita kay—”“No need,” sabi ko upang putulin ang pagsasalita nito. “G-gusto ko munang umuwi sa bahay. Siguro... doon na lang muna ako pagpapahinga.”Banayad na bumuntong-hininga naman ito at tumango. “Okay. If that’s what you want.”Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jass, nagpaalam na rin ako na aalis na ako. Ayoko ng magtagal dito dahil baka makita ko pa ulit si Trish or si Alex.“Portia!”Agad akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Alex habang naglalakad na ako sa pasilyo. Nang lingunin ko ito, nagmamadali itong lumapit sa akin.“Please, we need to talk.” Ani nito.“Alex—”“I love you, babe! Please, I’m sorry! Hindi ko sinasadyang saktan ka! Hindi si Trish ang mahal ko. She’s just a fling. Ikaw, babe. Ikaw ang mahal ko. Please, huwag mo naman ako iwasan, o! Huwag ka ng magalit sa akin.” Pagsusumamo nito pagkuwa’y mabilis na hinuli ang kamay ko.“Let me go, Alex!” galit na saad ko rito at itinulak ito sa dibdib.“Please! Mahal na mahal kita, alam mo ’yon, Portia.”Natawa ako ng pagak at umiling. “No, Alex,” sabi ko. “Hindi mo ako mahal! Dahil kung totoo man ’yang pagmamahal na sinasabi mo sa akin, sana hindi mo ’to ginawa sa akin. Sana hindi mo ako sinaktan.”“I made a huge mistake, babe. Inaamin ko ’yon. Pero mahal talaga kita. So please, forgive me! I promise... hindi na mauulit ito!”“Enough, Alex! Huwag mo na ako pahirapan pa! Nakikita mo naman na sobra akong nasasaktan dahil sa ginawa ninyo ni Trish, hindi ba? So please, ako rin ang nagsusumamo sa ’yo!” saad ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko na hindi na maiyak ngayon. “Siguro nga hindi tayo ang para sa isa’t isa kaya nangyari ang lahat ng ito! Kahit masakit, tatanggapin ko na hindi na kita matatawag na pag-aari ko. Trish is pregnant, huwag mong hayaan na lumaki ang anak ninyo na hindi buo ang pamilyang kakagisnan niya.” Sa pangalawang pagkakataon... ayoko mang lumuha ulit, pero hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko nang sambitin ko ang mga katagang iyon. God, ang sakit!Mabilis akong tumalikod at muling naglakad.“Babe!”Ngunit hindi ko na ito pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad ko hanggang sa makalabas ako ng building.“CRANDALL!” Bigla akong nagising at napabangon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. I was full of anger, especially when I saw my husband rushing into our room. “W-Wife? Why? Is... Is there a problem?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala habang nagmamadali siyang lumapit sa akin.Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. At nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ko, kaagad ko siyang pinagpapalo sa braso at dibdib niya. “I hate you! I hate you! I hate you, Crandall!”“W-What? Why?” nalilitong tanong niya habang sinasalag niya ang kamay ko na patuloy pa ring namamalo sa kaniya. “What did I do, wife?”“Where did you go, Crandall? Nasaan ang babae mo?”“Huh?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. Litong-lito ang hitsura niya sa mga sandaling ito. “Portia, what are you talking? Wala akong babae.”“Liar!” singhal ko sa kaniya. “I saw you. May kahalikan kang babae, Crandall.” Bigla na lamang akong naiyak nang maalala ko na masaya sila nang babaen
A wide smile spread across my lips as I looked at myself in the full-sized mirror. I want to cry because of the happiness my heart feels at this moment, but I hold myself back because I might ruin my make-up. I was wearing my simple yet elegant off-shoulder wedding gown.A week after, Crandall proposed to me, here we are finally getting married today. Oh, God! I still can’t believe it. My heart is still full of happiness because in a few moments, I will be Mrs. Crandall El Greco. Even though I knew that a week was a very short time for preparing for our wedding, I didn’t object when he suggested getting married right away and thought we could finish everything in a few days. And we made it with the help of important people in our lives, that are also excited for us to get married. Maraming connection si Crandall, maging si Mama Sugar at Papa Damian. Kaya naging madali na lamang ang lahat para sa amin. And there was no problem with the venue of our wedding, because both Crandall a
“OH, PORTIA! Napakasaya ko ngayon na muli tayong nagkita.” Yakap-yakap ako nang mahigpit ng Mama ni Crandall. At nang pakawalan ako nito, ikinulong nito sa mga palad ang mukha ko at ilang beses na hinalikan ang magkabilang pisngi ko. “I missed you so much, hija.”“And I’m happy too na nagkita po ulit tayo, Tita Sugar.”“Oh, come on! You are already part of the family, Portia. Anak na rin kita kaya Mama na rin ang itawag mo sa akin.”Ngumiti ako nang malapad. “Thank you po, Ma.” “At kagaya sa Mama mo, masaya rin ako na nakita ulit kita, Portia.” Anang Papa ni Crandall. Niyakap din ako nito at hinalikan sa pisngi.“Thank you po, Papa Damian.”“Congratulations again to the both of you.”“Thank you, Pa,” sabi ni Crandall sa papa niya. “Hi, Ate Portia!”“Elle!”Kaagad din itong yumakap sa akin nang mahigpit. “I thought I would never see you again.”“It’s been a long a time,” sabi ko.“Congrats again sa inyo ni Kuya Crandall. And... I’m happy. I mean, we are happy to know na may apo na
“I THOUGHT magla-lunch date tayo, babe?” nagtatakang tanong ko kay Crandall habang nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. I’m just confused kung bakit nandito kami sa bundok. I mean, maganda ang buong paligid. Puro bundok, mga damo at punong kahoy ang nakikita ko. At parang may malalim na bangin pa sa ’di kalayuan. “Babe!” Nilingon ko siya habang magkasalubong ang mga kilay ko.He gave me a wide smile. And before he answered my question, he stopped his car.“We’ll have a lunch date here, Love.”Mas lalong nangunot ang noo ko at saglit siyang tinitigan nang seryoso. Pagkatapos ay muli akong napatingin sa labas ng bintana. “Are you serious, Crandall?”Narinig ko siyang tumawa nang pagak. “Trust me, Love. You’ll gonna love this day.” Pagkuwa’y narinig ko ang pagbukas niya sa pinto sa tabi niya at umibis siya. Umikot siya sa may puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan ako. “Careful, Love.”Medyo mahangin ang paligid kaya kaagad na
WHEN I opened my eyes, suddenly, a sweet smile appeared on my lips as I looked at the portrait of me and Crandall hanging on the bedroom wall. I’m sure it was taken the day he proposed to me five years ago. And then I glanced at the window. Maliwanag pa rin sa labas, but I’m not sure what time it is. When I looked next to me, I didn’t see Crandall. Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga pagkuwa’y kumilos ako habang hawak-hawak ko ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nasaan na kaya ang lalaking ’yon?Nang makababa ako sa kama, naglakad ako palapit sa bintana habang hila-hila ko ang makapal na kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. A wide smile appeared on my lips again when I saw the beautiful view outside the house. Oh! I really missed this. After five years, makakadungaw pa pala ako sa bintanang ito para tingnan ang buong paligid ng bahay namin ni Crandall. Saglit kong pinagsawa ang paningin ko sa labas bago ako nagdesisyong bumalik sa kama. I let the thick blanket fall to
NARINIG kong inihinto ni Crandall ang kaniyang kotse. I have no idea where we are now because he blindfolded me earlier when we got back in his car. “Babe, where are we now?” tanong ko sa kaniya.“Um, I can’t tell you yet, Love,” sagot niya. “But it’s a surprise for you.”“Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kanina na may surprise ka sa akin ngayon. Hindi ko tuloy napaghandaan.”Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko.“I will remove your seatbelt, Love.” “Thank you, babe.” “You’re welcome, darling,” aniya. “Just wait a minute. I’ll open the door for you.” Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto sa driver’s seat at ilang segundo lang, bumukas din ang pinto sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko para alalayan ako. “Just be careful.”Hinawakan niya rin ang ulo ko para hindi ako mauntog. “Kinakabahan na naman ako,” sabi ko sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil natat