Reborn: Marrying My Husband for Revenge

Reborn: Marrying My Husband for Revenge

last updateDernière mise à jour : 2026-11-12
Par:  Spinel JewelMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
9Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Ang tanging kasalanan ni Diana ay ang mahalin nang labis ang asawa niya, sukdulang magtiis siya at magsakripisyo para rito. Ngunit hindi sapat ang limang taon para mahalin din siya ni Cedrick, dahil sa mismong kaarawan ng lalaki, pinagbintangan siyang ‘cheater.’ Inalipusta, pinahiya sa maraming tao, at pinalayas sa sarili niyang tahanan. At ang mas matindi, pinagtangkaan pa ang buhay niya. But death wasn't the end of her story. Nagising si Diana sa nakaraan, tatlong araw bago ang kasal nila ni Cedric. She realized she was given a second chance at life, at hindi niya ito sasayangin. Papakasalan niyang muli ang lalaking minsang sumira sa buhay niya, pero hindi na tulad ng dati, dahil ngayon siya na ang may hawak ng baraha. This time, she will no longer be the woman they can easily humiliate and discard like trash. She has been reborn to rewrite the past.

Voir plus

Chapitre 1

KABANATA 1

DIANA

Thud!

Sunod-sunod na bumagsak sa harapan ko ang ilang litrato na mariing inihagis ni Cedric.

"Care to explain this, Diana?"

Napatingin ako sa mga larawang nagkalat sa sahig. Nang makita ko ang mga ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ako iyon.

Walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama, kasama ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung bakit merong gano’ng larawan. Wala akong matandaan. Walang lalaking gumalaw sa akin. Ni wala pang nangyari sa amin ni Cedric mula nang ikasal kami.

"H-Hon..." nanginginig kong sambit.

Hindi ko namalayang biglang natahimik ang buong sala. Ang masayang k’wentuhan at tawanan kanina ay napalitan ng bulungan. May ilang bisitang napahawak sa bibig habang ang iba naman ay napailing nang makita ang mga litrato sa sahig.

"Manloloko ka Diana!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Kaya pala gayon na lamang ang paghahandang ginawa mo sa birthday ko. Akala mo yata kayang takpan nito ang kataksilan mo!”

Napatingin ako sa kanya. Galit na galit ang mga mata niya habang nakatayo sa harapan ko.

"Cedric, hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga litratong iyan. Maniwala ka, wala akong ginawang masama!" Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

"Then explain this!" mariin niyang sigaw.

"Hindi ko alam, Cedric.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Muli kong tiningnan ang picture at napansin ko ang damit na nakakalat sa sahig. Hindi ako maaring magkamali. ‘Yon ang damit na suot ko noong birthday ng matalik kong kaibigan. Oo, tama si Chloe. Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin siya. Umaasa akong lalapit siya at ipagtatanggol ako kasi siya ang kasama ko noong birthday niya.

“Chloe...please sabihin mo kay Cedric na magkasama tayo noong gabing ‘yon.”

Ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ng mga bisita.

“Chloe?” muli kong tawag.

Bahagya siyang napatingin sa akin bago ibinaling ang mga mata kay Cedric. “I'm sorry, Diana, pero hindi ko alam kung ano ang gusto mong ipaliwanag ko.”

Nabigla ako sa aking narinig. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n ang sagot niya.

“Chloe, ikaw ang kasama ko noong gabing iyon! Ikaw ang naghatid sa akin sa k’warto dahil nahilo ako. Hindi mo ba naalala?”

Saglit siyang natahimik. “Of course, naalala ko. Pero hindi naman kita sinamahan buong gabi, di ba?”

Parang may kung anong malamig na tubig ang dumaloy sa aking katawan. “Pero...”

“Diana, huwag mo akong idamay sa gulo ninyo ng asawa mo.”

Hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitiwan niya. “Chloe, please. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kung pati ikaw, hindi magsasabi ng totoo. Magkaibigan tayo, Chloe. Parang kapatid na ang turing ko sa ‘yo kaya kilala mo ako. Alam mong hindi ko kayang lokohin ang asawa ko.”

“Enough!” singhal ni Cedric. Muli akong napalingon sa kanya.

“H’wag mo ng idamay pa ang ibang tao sa kasalanan mo, Diana, Itong mga pictures ang ebidensya ng pagtataksil mo! Kaya umalis ka na. Ayaw na kitang makita pa! I’ll be filing an annulment. But while pino-proseso pa ‘yon ng korte, umalis ka sa pamamahay na ito!”

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa aking narinig. Napailing ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "Hindi! H’wag mong gawin sa akin ‘to Cedric!” Nanginginig ang mga kamay ko sa matinding emosyon habang napakapit ako sa damit niya. Parang awa mo na, paniwalaan mo ako, Cedric! Limang taon tayong nagsasama. Kilala mo ako.”

Mapait siyang natawa. "Apparently, I don't know you at all, Diana.”

Parang may kung anong dumurog sa puso ko. Napahagulhol ako nang malakas at halos lumuhod ako sa harap niya para lang magmakaawa. “Cedric, alam mong hindi kita kayang lokohin. Mahal na mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sa ‘yo! Sinikap kong masuportahan ka sa pag-aaral mo. Tinulungan kita para maabot ang pangarap mong job promotion!”

“What?” Tumawa siya ng sarkastiko sabay iwinaksi ang kamay ko. “Ikaw ang tumulong sa akin para makuha ko ang promotion? Nagpapatawa ka ba? Anong magagawa ng isang janitress na katulad mo, na walang ibang alam kundi maglinis ng sahig? Ang sabihin mo si Chloe ang tumulong sa akin, no wonder marami siyang connection sa business industry!”

Mas lalong bumigat ang naramdaman ko sa aking dibdib. Tanging nais ko na lang sa mga sandaling ‘yon ay bumuka ang lupa at tuluyan akong lamunin.

“Umalis ka na Diana! H’wag mong tuluyang sirain ang mahalagang araw na ito sa buhay ko! I’ll be promoted to General Deputy Manager in two weeks at ayaw kong mabahiran ng kataksilan mo ang reputasyon ko!”

Matapos sabihin ‘yon, inutusan ni Cedric ang dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Cedric! Wala akong kasalanan!” Malakas kong sigaw. “Chloe! Pls. help me!” Ngunit tila wala silang narinig.

Patuloy akong nakiusap sa kanila sa gitna ng walang tigil kong pag-iyak. Paulit-ulit akong sumisigaw, umaasang kahit paano ay lumambot ang kanilang mga puso. Bago pa ako muling makapagsalita, marahas na akong kinaladkad palabas ng bahay at mariing itinulak. Nawalan ako ng balanse at tuluyang nadapa sa malamig na semento. Ilang sandali akong nanatiling gano’n. Halos hindi ko maramdaman ang sakit ng katawan ko dahil mas matindi ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib.

Sinikap kong bumangon kahit nanghihina ang aking mga tuhod. Limang taon. Limang taon kong inalagaan ang aming pagsasama dahil naniwala ako na mahalaga ako sa kanya, na dahil lang sa pressure sa trabaho kaya malamig ang trato niya sa akin. Pero nagkamali ako. Kahit kailan, hindi pala talaga niya ako minahal.

Dahan-dahan akong humakbang palayo sa bahay na minsan kong itinuring na tahanan. Ngunit nakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang nakakabinging ugong ng makina. Napalingon ako. Huli na nang mapansin ko ang isang humaharurot na sasakyan at bago pa ako makaiwas, isang malakas na impact ang sumalubong sa akin. Bumulagta ako sa semento. Kumirot ang bawat bahagi ng katawan ko habang unti-unting nanghihina ang aking paningin.

Ngunit bago tuluyang magdilim ang lahat, may narinig akong malakas na pagtawa mula sa isang babae. Sa natitira kong lakas, pinilit kong imulat ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwala nang makita ko si Chloe. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

“C-Chloe...” mahina kong sambit. “Please help me.”

Ngunit sa halip na tulungan ako, ngumisi lamang siya habang tinitingnan niya akong nag-aagaw-buhay.

“Pasensya ka na, Diana. Pero kailangan mong mawala sa landas namin.” Pagkatapos bumaling siya sa driver ng sasakyan. “Wait mo nalang ang kabuuang bayad mo.”

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Malinaw na sa akin. Si Chloe ang nag-utos para banggain ako.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon at inilagay sa loudspeaker. “It's done, babe. Wala ng hahadlang sa atin.”

“Well done, babe.”

Babe? Tuluyan na akong nanghina nang marinig ang pamilyar na boses ng kausap ni Chloe sa kabilang linya.

“Cedric…” bulong ko. “Kayo ang manloloko. Bakit nagawa n’yo sa akin, ‘to?”

Wala na akong lakas para gumalaw. Unti-unti nang nawawala ang pakiramdam sa buong katawan ko habang dumadaloy ang dugo mula sa aking mga sugat.

At habang unti-unting nilalamon ng kadiliman ang aking paningin, napansin ko ang isang imahe ng lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Sa natitirang lakas ko, sinikap kong kilalanin kung sino ‘yon.

Si Tristan.

Ang lalaking minsan kong tinanggihan. Ang lalaking dapat sana ay pinakasalan ko kung hindi lamang ako naging bulag sa pagmamahal ko kay Cedric.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status