Chapter 302Isabel POV (Ina ni Miguel) Kailangan kong magkunwaring tumaas ang BP ko para mapanatag ko ang gusto ko—ang mapalapit si Jhanna sa anak ko. Nakita ko kung paanong nataranta si Miguel kanina. Alam kong kahit anong tanggi niya, may nararamdaman na rin 'yon kay Jhanna.Huminga ako nang malalim habang nakaalalay pa rin siya sa akin. Medyo pinisil ko pa ang dibdib ko para mas convincing."Anak... parang sumisikip... ang dibdib ko..." dramatiko kong wika, habang bahagyang umuungol."Mom, huwag kang magsalita muna. Dadalhin kita agad sa hospital. Jhanna, samahan mo kami, please," ani Miguel, litong-lito at halatang natataranta.Ngiting-ngiti ako sa loob-loob ko. Jackpot na talaga ako sa batang ito.Paglingon ko kay Jhanna, halatang nag-aalala rin ito. "Sige po, sasama ako," aniya.Perfect. Habang nasa biyahe kami, pasimpleng tumingin ako sa rearview mirror at nakita ko ang mukha ni Miguel—seryoso, tensyonado, pero sa gilid ng mata niya, pansin kong panay sulyap kay Jhanna.Miguel
Chapter 301Napakamot si Miguel sa ulo, malinaw ang pagkabigla at kaunting pagkabahala sa mukha. Halatang hindi sanay sa ganitong klaseng tanong mula sa kanyang ina, at lalo na’t ang buong opisina ay parang isang entablado ng isang pelikula. Habang nagsasalita ang kanyang ina, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon, parang ako na lang ang naiwan sa pagitan ng mag-ina na ito."Mom, hindi ko pa kailangan ng pamilya!" sagot ni Miguel, medyo nangingiti na parang pilit na pinapalakas ang loob. "Hindi ba’t nagsimula lang ako bilang acting-CEO?"Sumimangot ang ina ni Miguel, ang mga mata nito ay nag-aalangan at puno ng panghihinayang."Oo nga, acting lang ang title mo, pero hindi mo ba naiisip na baka mamaya mag-acting-acting ka na lang hanggang pagtanda mo? You’re almost 30 na, anak. Kung ako sa’yo, maghanap na ng girlfriend, at baka dito pa sa secretary mo!" sabay turo sa akin na ngayo'y hindi ko na alam kung paano mag-react.Pilit kong iniiwasan ang mga mata nilang pareho, pero sa loob ko,
Chapter 300"Okay, sinabi mo 'eh."Bigkas ko saka ako tumayo at lumabas ng opisina para bumalik sa sarili kong table.Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles at pagreply sa ilang email para sa mga kliyente ni Mr. Sanchez, biglang bumukas ang pintuan ng opisina.Isang ginang ang pumasok—elegante ang dating, simple pero classy ang suot. Saglit akong napatigil sa pagta-type. Hindi ko siya kilala, pero may kung anong pamilyar sa kanyang mukha. Parang... kahawig ni Mr. Sanchez?Agad akong tumayo at nilapitan siya, pinanatili ang pagiging propesyonal."Good morning, Madam. May I help you?"Sambit ko sa pinakamaayos kong boses at ngiti.Tumango ang ginang. "Yes, I'm looking for Miguel Sanchez. Is he available?""Yes, Madam. But may I know your name, please?"Paghingi ko ng impormasyon habang nakangiti pa rin, kahit may konting kaba sa dibdib ko. Hindi ko talaga alam kung sino siya pero parang hindi siya basta-bastang bisita.Ngumiti ang ginang at mahinahong sumagot,"I'm Isabelle Sanche
Chapter 209Pagkatapos ng kanyang paliwanag ay narinig ko ang mahihinang bulungan ng paghanga mula sa mga board members at investors na naroon."Impressive.""Ang talino ng acting CEO nila ngayon.""Napaka-organized ng proposal."Iyan ang mga salitang umalingawngaw sa buong silid matapos siyang magsalita.Nakita kong bahagyang ngumiti si Mr. Sanchez—hindi arogante, kundi simpleng ngiti na para bang nagsasabing, “Ginawa ko lang ang trabaho ko.”Lumapit siya sa akin matapos bumaba mula sa stage."Okay ba ako?" pabulong niyang tanong, bahagyang nakayuko sa akin."Sa totoo lang, nalampasan mo pa ang inaasahan ko," sagot ko habang sinusubukang itago ang ngiti sa aking labi.Tumawa siya nang mahina at sinabing,"Good. At least hindi mo na ako matawag na Mr. Tipaklong ngayon."Napailing na lang ako. Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin aakalain na magugustuhan ko ang pagiging boss niya."Any questions?" sambit ni Mr. Sanchez sa lahat habang tinititigan ng diretso ang mga board members na tila
Chapter 208 Jhanna POV Napailing na lamang ako sa aking sinabi habang nililigpit ang aming kinainan. Gusto ko mang magpahinga muna saglit, pero hindi puwedeng tamarin dahil kasama sa pagiging sekretarya ko ang pag-asikaso sa Acting CEO na mayabang pero nakakatawa rin naman minsan. Tumayo na rin si Miguel, dala pa ang ngiting parang wala siyang utang na limang taon nang hindi binabayaran. Tinuro ko sa kanya ang folder na kailangan niyang pirmahan habang siya'y naglalakad paakyat sa mesa niya. "Mr. Sanchez, may meeting ka pala mamaya, 2:00 PM. Wag kang magpanggap na nakalimutan mo ha, kasi kahapon ko pa 'yan pinaalala." Napalingon siya sa akin, kunot-noo pa. "Oo na, Oo na. Sa sobrang dami mong paalala, baka pati birthday mo kabisado ko na." Napairap ako. "Good, kasi wala kang regalo last year." Tumawa siya habang umupo sa swivel chair niya, pero sinimulan na rin ang paglagda sa mga dokumento. Pagkatapos kong iligpit ang mga kalat ay agad akong nagtungo sa aking table. H
Chapter 207Ilang minuto pa lang ang lumipas ay bumungad na siya sa pintuan, may hawak na paper bag na obvious na may laman na pagkain."Mr. Tipaklong! Kakain muna tayo bago mo umpisahan 'yang utot mong trabaho!" sigaw niya sabay laglag ng bag sa harap ko na parang nagde-deliver lang ng fast food sa barangay.Napatingin ako sa kanya, nakakunot ang noo. "Utot agad? Wala pa ngang simoy, iniinsulto mo na agad 'yung utak ko.""Eh kasi naman, baka mamaya habang nagtatrabaho ka e bigla ka nalang mag-collapse dahil gutom, kasalanan ko pa! Hindi pwede 'yon, ayoko makasuhan ng pagpapabaya sa acting CEO na may utot.""Hindi ako may utot! May strategy ako!""Strategy nga ng bituka mo 'yan!"Napailing na lang ako habang tinatanggap ang pagkain. Kahit nakakainis siya, hindi ko rin maitangging masarap siyang kakwentuhan. May topak nga lang. Habang inaayos ni Jhanna ang pagkain sa maliit na mesa sa loob ng opisina, bigla namang tumunog ang telepono. Mula sa masayang bungisngis, agad siyang sumeryos
Chapter 206"Ang dami mo namang pinangalanan sa akin. Kanina Mr. Tipaklong, ngayon naman Mr. Acting CEO," reklamo ko habang nakataas ang kilay. "Isusumbong na talaga kita kay Chris."Napatingin siya sa akin, sabay irap."Sige, sabihin mo na rin kay Chris na utang mo sa akin ‘yung 10K. Tapos ‘yung emotional damage na tinamo ko mula sa daily banat mo. Dagdagan mo na ng service charge."Napailing ako. "Wow, may emotional damage pa talaga?""Oo. Minsan pag pinipikit ko mata ko, mukha mo pa rin ang nakikita ko. Gabi-gabi. Trauma na ‘to.""Ang ganda ko siguro sa panaginip mo.""Bangungot, Miguel. Bangungot ang tawag doon."Napatawa ako kahit gusto ko nang mag-walk out. Pero sa totoo lang, gusto ko lang siyang asarin. Kasi kahit binabara niya ako sa bawat hinga ko, iba pa rin talaga ‘yung presensya niya.“Okay,” sabi ko, huminga ako ng malalim. “Pero kapag napikon ako, babawasan ko sahod mo ng limang piso kada insulto.”“Go. Pero kada irap ko, dagdagan mo ng sampu. Balak ko kasing umaman nga
Chapter 205 Tumayo ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pigilan o hayaan. Pero may kung anong humihila sa akin para huwag siyang paalisin. “Pwede ba tayong mag-usap muna nang maayos?” tanong ko, mas malumanay na ngayon ang tono ko. Huminto siya sa may pintuan, pero hindi siya lumingon. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Miguel, hindi mo kailangang intindihin ang nararamdaman ko. Hindi mo naman ako kailanman pinilit na magsabi, 'di ba?" Bigla akong natahimik. Tama siya. Pero hindi ibig sabihin noon ay ayokong marinig. "Then tell me now," bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya. Pero ang sigurado ako—ngayon ko lang naramdaman na mas mahirap palang intindihin ang puso ng isang babaeng akala mo matapang, pero sa loob-loob pala ay pagod na. “Gusto mo talagang malaman kung bakit inis na inis ako sa’yo?” ani niya, nakatitig sa akin ng direkta, parang handang ibuhos lahat ng kinikimkim niya. “Oo,” sagot ko agad. Maikli, pero seryoso. Gusto ko talagang malaman. Tahimik siyang
Chapter 204Miguel POVEwan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nagpakita pa ako ng ngiti habang sinisigawan ako ni Jhanna. Parang may parte sa akin na natutuwa sa mga pasimpleng asar niya, kahit pa halata naman na ubos na ang pasensya niya sa akin.Pero ngayong nakita ko kung paano siya nagalit—yung tunay na inis, hindi na biro—parang may tumama sa akin. Bigla akong natahimik. Ang ingay sa utak ko, natahimik. Sa sobrang dami ng ginagawa ko, sa sobrang dami ng iniisip ko bilang Acting CEO, siya lang ang nakakagulo sa routine ko.At sa totoo lang, hindi ako sanay na may kagaya niya sa paligid.Hindi ko maintindihan si Jhanna. Minsan masungit, minsan maamo. Parang weather. Pero sa kabila ng lahat, gusto ko siyang pagmasdan. Gusto kong hulaan kung anong iniisip niya. Gusto kong unawain kung bakit ako ang inaasar niya sa lahat ng tao sa opisina.Pero hindi ko rin alam kung bakit may mga salitang hindi ko masabi. Kanina lang, muntik ko nang mabanggit na... importante siya. Pero tinikom