Chapter 429Parang biglang tumigil ang oras. Nanlamig ang kamay ko, at hindi ko alam kung paano sasagot. Unti-unti akong lumingon pabalik, at doon ko siya nakita—nakatingin sa akin si Jacob, hindi na galit, hindi na rin lubos na sigurado… kundi puno ng paghahanap at pangungulila.“Maari ba?” halos pabulong kong tanong, nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung ito ba’y paghingi ng permiso o pag-amin na wala na akong ibang kayang gawin kundi makita sila—ang mga anak kong limang taon kong tinitiis na hindi mahawakan.Sandaling natahimik si Jacob, pero dahan-dahan siyang tumango. “Halika…” mahina niyang sambit.Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng mansyon, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Para bang bawat hakbang ay may nakabuntot na kaba at takot—takot na baka hindi nila ako tanggapin, takot na baka galit ang ipalit nila sa matinding pananabik na nadarama ko.Pagbukas ng pinto, agad kong narinig ang mga halakhak at tawanan mula sa sala. Mga tinig na ilang taon kong hinanap, mga
Chapter 428Jasmine POVAPAT na buwan ang lumipas… pero pakiramdam ko ay parang limang taon ulit ang idinagdag sa dibdib ko habang nakatayo ako ngayon sa harapan ng malaking mansyon.Nakatitig ako sa mataas na gate na parang gusto akong lamunin. Pinindot ko ang doorbell, at halos manginig ang daliri ko sa bawat tunog na kumakalat sa paligid.Diyos ko… kaya ko ba ‘to?Para akong sinasakal ng kaba. Ramdam ko ang pawis na bumabakat sa palad ko kahit malamig ang simoy ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila… tatanggapin ba nila ako, o tatalikuran na naman?"Kaya mo ‘to, Jasmine…" mahinang bulong ko sa sarili habang nakatitig sa bakal na pader na humahadlang sa pagitan namin. "Para makapiling mo na sila. Tama na ang limang taong hindi mo sila kasama…"Bawat segundo bago bumukas ang gate ay parang isang napakahabang oras ng paghihintay sa hatol.At nang unti-unti nang gumalaw ang gate, mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Para akong hinihintay ng isang bagon
Chapter 427Cherie POVMabilis akong yumuko nang bumulaga sa amin ang sunod-sunod na putok. Para akong kinukuryente sa dibdib habang pinapakinggan ang hagupit ng bala sa mga pader at sahig.“Bwisit! Hindi na sila titigil hangga’t hindi nila tayo tinatapos,” bulong ko sa sarili ko, sabay silip sa maliit na siwang ng pinagtataguan namin. Kita ko ang kalaban—nakakalat, pero matalim ang galawan. Mga tipong sanay na sa madugong trabaho.Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang kaba. Kung dati, biro at kalokohan lang ang dala ko sa bawat laban, ngayon iba. Hindi ito oras para magpatawa. Isang maling hakbang, tapos kami.Hinawakan ko mahigpit ang baril. Ramdam ko ang lamig ng bakal sa palad ko, para bang nagpapaalala sa akin kung sino ba talaga ako. Hindi lang ako si Cherie na ubod ng kulit. Ako rin ang Cherie na walang takot pumatay kung kinakailangan.“Jas,” bulong ko habang nakapikit sandali para huminga ng malalim. “Walang atrasan. Simulan na natin ang bangungot ng mga hayop na ‘to.”
Chapter 426 "Aba! Ang kapal ng mukha mo, Cherie! Gusto mo bang ipampalo ko sayo ‘tong baril ko para magising yang utak mong naluto na sa kakaisip ng lalaki?" sabay kindat ko sa kanya. Nagtawanan ang mga kalaban namin, hindi alam kung sila ba’y dapat matakot o matawa sa kabaliwan naming dalawa. “Hoy Jas, baka mamaya ikaw pa ang maunang mapasabog d’yan, ha,” tukso ni Cherie habang nagtatago sa haligi. “Ay, wag ka mag-alala. Kung sasabog man ako, at least masarap ang dahilan! Gusto mo ba kitang isama? Para sabay tayong maluto parang barbecue?” sagot ko sabay hagis ng granada sa tabi ng kalaban. Boom! Sabog ang pader. “Putek, Jas! Crazy ka talaga! Tawa ka pa habang sumasabog lahat!” sigaw ni Cherie. “Eh ano? Mas masaya ‘to kaysa maghintay ng limang taon ulit na tuyot ang buhay ko! Kaya tara na, stugiin na natin sila!” Sabay kaming lumundag palabas, baril sa isang kamay at katatawanan sa isa pa—para bang mga baliw na nagsho-shopping sa gitna ng digmaan. Habang si Cherie ay pinatam
Chapter 425Bigla kong tinaas ang dalawang kamay ko sabay sigaw,“Hoy! Sino gustong magpa-autograph habang mainit pa ako? Limited edition lang ‘to, mga beshie!”Napatigil ang ilan, nagtaka, pero si Cherie? Aba, tumawa pa nang malakas sabay hagis ng granada na parang nagbabato lang ng bola sa fiesta.“Boom! Ayan, may fireworks na!” sigaw niya.Pero hindi pa ako tapos. Lumapit ako sa pinaka-matapang sa kanila, nakatutok ang baril sa ulo ko. Ang ginawa ko? Tinapik ko ang balikat niya at bulong:“Alam mo, idol kita… kasi kahit nanginginig ka na, umaarte ka pa ring macho.”Napakagat-labi siya—hindi dahil sa emosyon, kundi dahil muntik na siyang mabulunan nang biglang sipain siya ni Cherie pabagsak.At sabay naming sigaw, sabay ng mga putok ng baril:“GAME NA ‘TOOOO!”At doon nagsimula ang pinaka-wild na eksena na parang pinaghalo ang comedy bar, warzone, at roller coaster ride.Agad akong napahagalpak ng tawa kahit delikado ang sitwasyon.“Cherie, seryoso ka ba sa suot mong ‘yan? Para kang
Chapter 424Pagdating namin sa safehouse, nadatnan namin sina Demon at Papa Elias. Ginagamot pa rin ang balikat ni Papa, kita sa mukha niya ang hapdi pero parang wala lang sa kanya—parang sanay na sanay na sa tama ng bala.Kami naman ni Cherie, walang pahinga. Agad naming inutusan ang mga tauhan na nandiyan na sirain at sunugin ang dalawang motor at kotse na ginamit namin. "Walang matitirang piraso, pati turnilyo, gusto ko abo," malamig kong bilin habang nakatitig sa kanila."Grabe ka, Jas," natatawang sabi ni Cherie. "Pati turnilyo, abo talaga?""Oo, baka mamaya ma-trace tayo dahil lang sa isang kalawang na bolt," sagot ko sabay irap. "Gusto mo bang magising na may granada sa ilalim ng kama mo?"Tumahimik siya, sabay tawa na parang baliw.Sa gitna ng lahat, kahit seryoso ang sitwasyon, pareho naming alam—wala nang atrasan. Kapag may sumunod sa amin, siguradong hindi na sila makakabalik para mag-ulat.Habang abala ang mga tauhan sa pag-dispose ng mga sasakyan, kinuha ko ang mapa ng lu