Share

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1
Author: CHENEL

THE DANGEROUS WOMAN 1

Patingin-tingin ako kung may kalaban sa loob ng mataas na gusali at baka naroon din ang leader ng sidekatong matagal ko nang hinahanting walang iba kundi si Mr. Basillio.

Nakiramdam din ako sa buong paligid at baka nandiyan lang sa buong paligid ang mga target ko. Kailangan ko munang maghintay ng ilang minuto.

Marahas na lamang akong nagbuntonghininga, hanggang sa bigla na namang pumasok sa utak ko ang mga nangyari sa akin noon, lalo na ang pagkawala ng mga magulang ko.

Tandang-tada ko ang mga nangyari noon at labing limang taong gulang lamang ako nang maganap ang malagim na nangyari sa aking pamilya.

Masaya kaming naghahapunan noon nang makarinig kami nang malalakas ng putok ng baril sa labas ng bahay. At dahil sa takot ng aking paa ay mabilis niya akong itinago sa ilalim ng lamesa. Nang gabing iyon nga ay tuluyan na akong nawalan ng pamilya.

Ang masama pa’y hindi ko man lang nakilala kung sino ang mga tao na iyon na basta na lang pumasok sa loob ng bahay namin. Laking pagsasalamat ko rin kay tito Marcos na kapatid ng Papa ko, dahil ito ang tumulong at gumabay sa akin hanggang sa sumapit ako sa tamang edad ko.

Ngunit ang aking puso ay nalulungkot pa rin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang pumaslang sa mga magulang ko. Ngunit hindi ako mawawalan ng pag-asa. Pasasaan ba at mahahanap ko rin sila.

Kaya nga pinilit kong makapasok sa mundong ng NBI Agent dahil gusto kong ako mismo ang humanap sa ka kanila. Lahat ng klase na pakikipaglaban ay talagang pinag-aralan ko ng husto at hindi naman ako nabigo sa mga pangarap ko.

Malungkot na lamang akong napahinga. Hanggang sa muling tumingin sa gusaling nasa harapan ko.

Kailangan ko nang kumilos at baka dumating na ang mga target ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng building. Ngunit inayos ko rin ang suot kong salamin sa aking mata.

TULOY-TULOY akong lumapit sa harap ng elevator at pumasok sa loob. Nang huminto na ang elevator ay agad akong lumabas. Napangisi naman ako nang makita ko ang aking target at sila ay nagtitipon-tipon sa isang malaking table.

Napangisi naman ako nang mamataan ko rin si Mr. Basillio. Ito ang kailangan kong mahuli ng buhay at hindi puwedeng makatakas.

Walang katakot-takot na lumapit ako sa harap ng table ng target ko. Mabilis din akong naupo sa bakanteng silya.

“Kamusta, Mr. Basillio?” Sabay angat ng aking kamay, tumama bigla ito nang ubod lakas na suntok sa mukha niya. Alam kong gula na gulat ang mga kamasa nito. Ngunit wala akong pakialam.

Hanggang sa mabilis akong yumuko dahil naramdaman kong may tatama sa aking likod. Ngunit umangat din ang aking siko upang sikuhin ang isang lalaki sa gilid ko.

Napatingin din ako sa basong nasa harapan ko, mabilis ko itong kinuha sabay hampas sa ulo ng isa pang kalaban ko.

Inangat ko rin ang aking kamay upang sakalin ang lalaking nasa kaliwa ko. AGAD din akong tumayo sa aking kinauupuan. At sinalubong ko ng sipa ang isa pang lalaki. Hanggang sa tumingin akong muli sa lalaking hanggang ngayon ay sakal- sakal ko.

Inangat ko ang aking kamay at ubod lakas kong sinuntok ang ulo nito. Mayamaya pa’y tuluyan na itong natumba.

Umikot mga mata ko sa buong paligid para hanapin si Mr. Basillio. Nakita ko itong papatakas. Maliksi akong tumalon papunta sa lalaki at lumapat ang mga paa ko sa harap nito.

Kinuha ko ang maliit na botelya sabay wisik sa ilong nito ng pampatulog. Unti-unti naman itong bumagsak.

Hanggang sa mapatingin ako sa elevator nang bumukas iyon. Mabilis akong dumapa at nagpagulong-gulong dahil pinauulanan nila ako ng bala ng baril. Ngunit agad ko ring kinuha ang aking baril at nakipagsabayan sa mga ito.

Ngunit bigla naman namanhid ang aking kaliwang braso. Shit! Dahil tinamaan ako ng bala ng baril. Ngunit hindi ko ininda ang sakit, dahil nakipagsabayan pa rin akon sa kanila.

Hanggang sa inilabas ko na ang armalite ko na dala-dala at pinaulanan ulit sila ng bala.

“Hoy! Babae mali ka nang Lugar na pinasok, sinasabi ko sa ‘yo mamatay ka rito!” sigaw ng isang tauhan ni Mr. Basillio.

Isang malakas namang halak-halak ang pinakawalan ko. Hanggang sa mapatingin ako sa aking kasama na unti-unting gumagapan papalapit sa akin.

“Nasaan na ang mga kalaban?” tanong nito sa akin.

“Bakit ngayon ka lang, Palpak?” naiinis na tanong ko sa kasamahan ko.

Kakamot-kamot naman ito sa ulo. Magsasalita pa sana ito nang agad kong inumang ang aking kamay na may hawak ng baril malapit sa kaniyang likod. Kitang-kita ko namang namutla ito.

“Teka lang muna, bakit pati ako?”

Hindi ko ito pinansin, ngunit agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko. Upang barilin ang lalaking nagsasalita kanina. Ito na lang pala ang natitira sa mga kalaban ko.

Mabilis naman akong tumayo mula sa aking pagkakadapa at agad na nilapitan si Mr. Basillio na wala pa ring malay tao.

May mga dumating na ring mga kasamahan ko at agad na hinuli ang mga tauhan ni Mr. Basillio at kasama na rin ito.

Muli naman akong bumaling kay Palpak. Iiling-iling naman ako rito. Dahil kahit kailan ay palpak talaga ito. Hindi ko alam kung bakit naging NBI Agent ito.

“Pasensya ka na Nathalie, kung nahuli ako ng dating,” nahihiyang sabi ni Palpak sa akin.

“Don’t worry, dahil sanay na ako sa ‘yo,” sagot ko na lamang kay Palpak.

Ilang sandali pa nga ay lumapit sa akin ang boss Neil.

“Miss Collins, binabati kita dahil nalutas mo ang misyon mo,” natutuwang sabi sa akin ng ni Boss Niel.

“Boss, baka nama puwede mo akong bigyan ng bakasyon,” nakangiwing sabi ko sa boss ko.

“Sure why not! Tatawagan na lang kita kapag may bagong kaso ka na hahawakan. And again, congratulations,” pagkatapos sabihin iyon ay agad na itong umalis sa aking harapan.

“Miss Collins, uumuwi ka na ba?” tanong sa akin ni Palpak.

“Yeah, dahil kailangan kong gamotin ang sugat ko,” tuloy-tuloy na litanya ko kay Palpak.

Wala naman akong narinig na salita mula kay Palpak. Kaya nagtuloy-tuloy na akong umuwi. Agad akong sumakay sa aking ducati at matulong ko itong pinatakbo pauwi sa aking bahay.

Pagdating sa bahay ay una kung ginamot ang aking sugat. Tiniis ko ang sakit ng psg-alis ng bala sa loob ng katawan ko. Tagaktak ang pawis ko nang tuluyan kong matanggal ang bala.

Hanggang sa simulan ko nang tahiin ang sugat ko. Ramdam ko ang pagtusok ng karayom sa aking balat ngunit tiniis kong lahat iyon.

Hindi nagtagal ay natapos na rin. Mayamaya pa’y binalot na rin ako ng antok at hindi na ako nakapanhik sa akin silid at dito na ako naidlip sa sofa.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms Chenel, natatawa Ako sa pangalan ng Isang agent Palpak bagay sa kanya
goodnovel comment avatar
SRRedilla
High recommended
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status