Share

THE DANGEROUS WOMAN 2

Author: CHENEL
last update Last Updated: 2023-06-27 09:32:49

   Kinabukasan ay nagising ako sa ingay sa labas ng bahay ko. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha. Gosh! Ang sarap nilang lagyan ng packing tape sa bibig. Magkakasunod ko ring hinilamos ang aking mukha gamit ang palad ko.

 

    Nasusurang tumayo na lang ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Hindi na ako nakapunta sa aking kwarto. Dahil na rin sa pagod at sakit ng sugat ko dahil sa tama ng bala. Kaya mabilis akong nakatulog.

 

  LUMAPIT na lang ako sa bintana ng bahay ko upang tingnan kung ano ang mga nangyayari sa labas ng bahay. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ang mag-asawa kapitbahay ko na naman ang nag-aaway.

 

   Iiling-iling na lamang ako na umalis sa harap ng bintana. Mahirap mangialam sa mag-asawang iyon.

 

  Nagdesisyon na lamag akong pumunta sa kusina. Naamoy ko kasing nagluluto ng nang umagahan ang si Manang Erlyn. Ito lang ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko maliban kay tito Marcos.

 

   “Hija, kumain ka na. Siya nga pala. Baka naman gusto mong mag-ingat. May tama ka na naman ng bala ng baril!” sermon sa akin ni Manang Erlyn.

 

   “Manang, huwag ninyo akong alalahanin. Hindi pa ako matitigok--- Aray!” sigaw ko. Dahil pinalo lang naman ni Manang Erlyn ang aking puwit.

 

  “Pasaway kang bata ka. Sige na kumain ka na,” umiiling na sabi nito sa akin. Tatawa-tawa na lamang ako. Hanggang sa maupo sa bakanteng silya.

 

    Sa totoo lang ay parang isang Ina na rin ang turing ko kay Manang Erlyn. Ito ang palaging nagpapaalala sa akin na mag-iingat ako.

 

   May ngiti sa aking mga labi nang simulan ko na ang kumain lalo at nagugutom na rin ako. Pagkatapos kung mag-umagahan ay umalis na ako sa hapagkainan. At sa bungad ng pinto ng bahay ko ay makita ko si Tito Marcos.

 

  Tuwang-tuwa naman akong lumapit sa lalaki.

 

   “Tito Marcos,” anas ko agad.

 

    “Mabuti at naabutan kita rito, Natalie. Mayroon lang ako papapirmahan sa ‘yo para sa bagong investment natin,” anas ng lalaki.

 

   May ngiti sa aking labi na kinuha ko ang papel at walang tanong-tanong na pinirmahan ko. Hindi ko na rin ito binasa dahil may tiwala ako sa aking tito Marcos. Simula ng mamatay ang mga magulang ko ay ito na ang nag-asikaso ng mga company namin. Lalo at kamag-anak ko naman ito. Ngunit sa ako pa rin ang nagmamay-ari lalo at nag-iisang anak ako ni Papa at Mama.

 

    Bigla naman akong napatingin kay tito Marcos nang magsalita ito na aalis na rin. Nagpunta lang ito dahil kailangan ko raw ng pirma ko. Kumaway pa nga ako sa aking tito habang papalabas ito ng bahay ko.

 

   Ako naman ay nagdesisyon na ring pumapasok sa aking kwarto para muling magpahinga. Ngunit pahiga pa lang ako nang marinig kong nag-iingay nag cellphone ko.

 

 

   Agad ko naman itong kinuha at nakita kong si boss Neil ang tumatawag sa akin. Mabilis ko namang sinagot ang call nito.

 

  “Boss, napatawag ka? May misyon na naman ba?” tanong ko agad dito.

 

 

   “Oo Agent Nathalie, kailangan mong pumunta sa opisina ko ngayon din dahil may mahalaga kang misyon. May sasabihin din ako sa ‘yo, tungkol sa bagong boss ng Black Stone NBI Agent.”

 

 

    “May bagong boss ang Black stone NBI Agent? Aalis ka na ba boss?!”

 

   Nagbuntonghininga muna sa kabilang linya si Boss Niel.

 

   “Malalaman mo mamaya, Miss Nathalie,” tanging nasabi mg boss ko sa akin. Hanggang sa nagpaalam na rin ito. At hihintayin na lang daw niya ako.

 

    Kahit nalulungkot ay nagmamadali na rin akong kumilos para makaalis ng bahay. Hindi naman ako nagtagal sa pag-aayos ng aking sarili. At bago umalis ay kinuha ko muna ang susi ng aking ducati.

 

   Pagdating sa labas ng bahay ay agad akong sumakay sa aking motor at matulin ko itong pinatakbo papalayo. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa Black stone NBI Agent. Napatingin ako sa itaas ng building na kung saan ako kasapi ng Black Stone.

 

   Napahinga na lamang ako. Hanggang sa magdesisyon na akong pumasok sa loob ng gusali. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng elevator.

 

 Nang huminto ang elevator ay agad akong lumabas at muling humakbang papunta sa conference room. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko agad ang mga kapwa ko NBI. Mukhang nandito na silang lahat.

 

  Mayamaya pa’y nagsimula na nga ang meeting. Lahat ay na-shock dahil nagpaalam na talaga sa amin si Boss Niel.  Ngunit huwag daw kaming mag-alala dahil may papalapit daw agad na magiging boss namin. Ngunit wala pa naman itong binanggit kung sino ang papalit.

 

   Maraming mga kasamahan ko ang malungkot sa pag-alis ni boss Neil. Lalo at taon na din kaming magkakasama. Ngunit wala kaming magagawa kung talagang aalis na ito.

 

  Tapos ang meeting na tila sobrang lungkot ng mga kasamahan ko pati ako’y nalulungkot na rin.

 

  “Natalie!” mabilis akong lumingon kay boss Neil, dahil tinawag ako nito.

 

  “Tatawagan na lang pala kita kapag ibibigay na sa ‘yo ang misyon mo. Ang bagong boss mo na lang ang bahala,” anas ni boss Neil sa amin.

 

    “Maraming salamat po sa lahat boss. Sana’y palagi kang mag-iingat sa iyong pupuntaha.”

 

  “Salamat, Natalie. Palagi rin kayong mag-ingat sa mga misyon ninyo,” bilin sa akin ni boss Neil, bago ito umalis sa aking harapan.

 

   Ako naman ay nagdesisyon nang umalis sa gusaling ito. Paglabas ng building ay agad akong sumakay ng ducati at matulin ko itong pinatakbo papunta sa simbahan. Balak ko munang dumaan sa tahanan ng Diyos para magpasalamat sa mga biyayang pinagkaloob sa akin.

 

   Pagdating sa harap ng simbahan ay agad akong pumasok sa loob. Taimtim akong nagdasal. Ang tanging panalangin ko rin ay makita o mahanap ko na ang pumaslang sa mga magulang ko.

 

  Ilang minuto ang lumipas nang matapos akong magdasal. Kaya naman nagdesisyon na akong umalis dito.

 

    Paglabas ko ng simbahan ng makita ko ang isang bata na umiiyak, palagi ko itong nakikita rito sa harap ng simbahan. Hanggang sa lumapit sa akin ang bata.

 

  “Palimos po, kahit kaunting barya para po may pambili ako ng pagkain at gamot ng kuya kong may sakit---” umiiyak na sabi ng bata sa akin.

 

   Labis naman akong nahabag sa lagay ng bata.

 

  “Ineng, na saan ba ang mga magulang mo?” tanong ko sa kawawang bata.

 

   Muli na namang napaiyak ang babae.

 

   “Matagal na pong lumisan sa mundong ito ang mga magulang ko, kasama na rin po ang aking kambal na kapatid, pinatay po sila noong anim na taong gulang po ako. Tapos ang Nanay ko po ay ginahasa, habang ang tatay ko ay pinugutan ng ulo---" umiiyak na sumbong ng bata sa akin.

 

   Sobra naman akong nahabag sa batang kausap ko. Ang bata-bata pa nila para maranasan ka agad ang hagupit ng mga taong masasama. Hanggang sa muling magsalita ang bata.

 

   “Ate, kahit kaunting barya pang po---"

 

   Malungkot akong nagbuntonghininga hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid at nakita ko ang nagtitinda  ng siopao. Agad kong niyaya ang bata papalapit doon upang ibili ng makakain.

 

   Agad naman kaming pinagbilhan ng lalaking nagtitindan ng siopao. Tuwang-tuwa naman ang bata nang ibigay ko rito ang pagkain niya. Binilhan ko rin ang kapatid nito.

 

   Habang kumakain ang bata ay tinanong ko ito kung saan sila nakatira at agad naman nitong sinabi sa akin. Sinabi ko sa bata na gusto kong makita ang kapatid nitong may sakit upang matulungan ko. Mabilis naman akong niyaya ng bata papunta sa kapatid nito.

 

    Hindi nagtagal ay nakarating kami sa ilalim ng tulay. At doon ko nakita ang isang batang lalaki na nakahiga lamang sa lumang karton at may sapin na ginupit na sako. Lalo naman anong nahabag sa lagay ng magkapatid.

 

   Agad kong kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang isa sa mga tauhan ko upang papuntahin dito. Ilang minuto ko pa lang nakakausap ang tauhan ko ay agad na silang dumating.

 

   “Miss Nathalie,” anas sa ka agad sa akin si Roy. Isa ito sa mga tauhan kong pinagkakatiwalaan noon hanggang ngayon.

 

   “Tiyakin ninyo ang kaligtasan ng mga bata. Dalhin muna nito sa hospital at kapag magaling ay ihatid ninyo sa aking bahay,” tuloy-tuloy na litanya ko sa aking tauhan.

 

  “Sige po, Miss Nathalie,” magalang na sagot ng tauhan ko. Marahan akong tumango sa lalaki. Pagkatapos ay tumingin sa dalawang bata.

 

  “Sila na ang bahala sa inyo. Kailangan muna ninyo madala sa hospital. Magkita na lang tayo sa bahay. Huwag kayong mag-alala. Dahil simula ngayon ay ako na ang magiging Ate ninyo.”

 

    Kitang-kita kong umiyak ang dalawang bata. At tudo pasalamat sila sa akin. May ngiti sa aking labi na tumingin sa kanila. Walang pandidiri sa katawan ko na niyakap ko sila. Hanggang sa magpaalam na ako sa kanila at ang mga tauhan ko ang bahala sa kanila.

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
ang ganda nito. Salamat po Author
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang bait ni Nathalie
goodnovel comment avatar
Rocelyn Limbawa Lahi
bait naman ni Nathalie ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 108

    Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 107

    Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 106

    Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 105

    Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 104

    Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 103

    Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 102

    Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 101

    Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a

  • THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1   THE DANGEROUS WOMAN 100

    Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status