Mga ilang araw rin na nasa loob lang ako unit ko dahil nagpagaling ako sa bugbog na natamo ko. Medyo tuyo na rin ang mga sugat ko at malapit na ring bumalik ang lakas ng katawan ko.Lumabas ako ng pinto ng unit ko sumilip sa labas tapos nagpahingin na rin. Napansin ko agad ang mga taong naglalakaran at mga ingay ng mga sasakyan na dumadaan. Ngunit bigla kong naalala si Boss Niel. Kailangan ko nga pala itong tawagan, lalo at wala akong update tungkol dito sa mission ko dahil narito lang ako sa bahay nagpapagaling.Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan ito. Nagring naman sa kabilang linya at ka agad sinagot ng boss ko.“Nathalie, bakit ngayon ka lang tuwag, ah? Ilang araw rin na hindi ka magparamdam. Are you okay?” tanong nito. “Pasensya na, boss Niel. Nagkasakit kasi ako kaya ngayon lang ulit nakatawag. Sa ngayon ay hindi pa rin ako makakabalik sa lumang gusali. Siguro ay bukas na lang. Kapag malakas na Ang katawan ko,” anas ko. “ Ano bang ano ba ang nangyari sa ‘yo, Nath
Sabay-sabay namang pumasok sa loob ang mga pulis at lumapit sa deriksyon ng lalakiWala naman magawa ang lalaking bomber kundi sumuko. Ngunit sa nalaman kong dahilan mula sa lalaki kaya nakagawa ito ng kasamaan ay kinausap ko ang mga pulis na huwag na siyang pusasan at hayaan na lang makalaya. Kung may dapat bayaran ay ako na ang magbabayad. Kawawa ang anak nito kapag nakulong ang lalaki.Nakinig naman ang mga pulis sa aking paliwanag. Labis naman ang tuwa ng lalaki sa nagawa kong kabaitan sa kanya at nagsisi ito sa nagawa niya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ng lalaki. Ngunit bago umalis ay binigyan ko ito ng contact number ko dahil marami pa akong gusto malaman sa pagtao niya. At alam kong malaki ang maitutulong nito sa mission ko. “Sa ngayon ay umuwi ka na sa inyo dahil naghihintay sayo ang anak mo. Tawagan mo ako mamaya at may sasabihin ako sa ‘yo.”“Sige po ma'am marami salamat dahil kung ‘di dahil sa inyo, baka nagawa ko na ang plano ko kanina. At hindi ko na ma
Kinabukasan maaga naman akong magising kahit late na ako nakatulog kagabi, marahan ko namang inilabas ang ulo ko sa pagkakataklob ng kumot unti-unti ko rin minulat ang mga mata ko at tumingin ako sa gilid na bahagi ko, at baka sakaling totohanin ng taong nam-bwe-bwesit sa akin kagabi ang sinabi niyang tatabi raw sa pagtulog ko.Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na wala naman siya sa tabi ko. Ngunit napaisip ako na magtungo sa labas ng pinto at baka may mensahe na naman ito sa akin.Dali-dali na akong bumangon sa pagkakahiga ko at pakusot-kusot pa ako ng isa kong mata. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at naglakad ako palabas nang makarating ako sa pinto sa may labas kaagad ko pinihit ang doorknob at marahan ko lang binuksan ang pinto.Tumingin mo na ako sa buong hallway. Sa kanan at kaliwang bahagi ng apartment ngunit wala naman akong kakaibang napansin. Subalit sa pagtingin ko sa sahig na semento ay nakita ko muli ang sobre.Mabilis ko itong pinulot at ka agad na akong p
Ilang saglit pa’y nakarating na ako sa abandonadong gusali sinalubong agad ako ng mga bantay nito. Nagtanong at nagtaka naman ang mga ito nang makita ang tali kong nasa braso. “Maligayang pagbabalik, Ma'am sambit ng lalaking sumalubong sa akin. Bkit may tali ang kabilang braso mo? At may dugo, ano ang nangyari sa inyo?” tanong nila sa akin. Ka agad ko naman sinagot ang tanong niya. “Wala ito, kunting galos lang dahil sa mga lalaking nakalaban ko habang patungo ako sa gusaling ito. Ayaw kasi nila akong paraanin at kailangan ko pa silang kalabanin para makaraan ako. Pero pinatay ko na sila at ‘di ko na pinatagal pa ang lalaban lalo’t nagmamadali ako patungo rito---” “Mabuti naman at ‘yan lang ang natamo mong sugat,” simbit ng lalaki. “Yeah! Teka, na saan pala ang boss mo?” tanong ko sa lalaki. “Wala siya rito pero mamaya lang ay darating na rin siya pumasok ka mo na at sa loob ka na maghintay.” Mabilis naman akong pumasok sa loob ng lumang gusali kasama ang lalaki su
Pumasok na nga ako sa pinto ng unit ko lalo at medyo inaantok na ako, agad akong nagtungo sa kwarto, magpapahinga na ako, kailangan kong maghanda dahil kunting araw na lang ay susugod na ang ng buo kong team sa lugar ng mga kalaban. Ay oo nga pala, kailangan kong makakusap ang bomber dahil malaki ang maitutulong nito sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ang lalaki.Nagring naman cellphone nito. “Manong, si Naty po ito, puwede po ba tayong magkita ngayon?” tanong ko sa lalaki. Napangiti na lang ako na Naty ang ibinigay kong pangalan. Hindi kasi puwede ang Nathalie. Medyo confidential iyoon.“Ikaw pala Ma’am. Ay wala pong problema. Heto po ang aking address, Ma’am Naty--- Barangay Matahimik Porok 2. Puntahan ninyo na lang po ako,” sambit ng lalaki.“Sige po Manong ngayon din ay pupunta ako riyan. Teka muna po. Paano kita mahahanap sa lugar na iyan?” tanong ko.“Ipagtanong mo lang ako Ma'am kilala ako sa pangalan ko na --- Boyong,” anas nito.“Okay po Mang Boyo
Narinig kung sumisigaw ang mga tao parang may kung anong nangyayari sa lugar na ito. Bigla naman akong napatingin sa ‘di kalayuan napansin ko ang makapal na apoy na nagmumula sa squatter area. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagdating ng mga bombero. At umingay ang buong paligid dali-dali naman akong nagtungo sa lugar na nasusunog. Nakita ko ang mga magulang na nag-iiyakan dahil may mga bata ang nasa loob pa ng mga bahay. Medyo maliit pa naman ang sunog kaya pwede pang pasukin kaya naman nag-vulonter na ako sa mga bombero na hayaan akong makapasok sa loob.“Sir, gusto kong tumulong sa pagsagip ng mga buhay---” Ngunit tumanggi naman ito dahil wala ako suporta sa sa katawan. Kaya naman naisip ko na hiramin ang suot ng isang bombero na nakahawak lang sa mahabang hose na ginagamit pang patay ng apoy.“Kuya, tutal na rito ka lang naman pahiram mo na ako ng suot mo bilang suporta dahil papasok ako sa mga bahay na iyan para iligtas ang mga batang na trap sa loob ayaw akong papasukin ng
Sa sobrang inis ko ay nagdesisyon na lang akong bumalik sa loob para makapagpahinga at itutulog na lang ang lahat ng masasamang nangyari ngayon araw.Kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko, pagpasok ko ay mabilis naman bumagsak ang likod ko sa kama at tuluyan na rin akong nakaramdam ng antok lalo at nanghihina na ang katawan ko.Tutulog na sana ako, subalit nabulabog ako at tumaas ang kilay ko nang bigla kong marinig ang cellphone ko. Putcha! Storbo sino na naman kaya ito?Pagbangon ko ay nakita kong si Boss Niel ang tumatawag kaya naman mabilis ko itong sinagot.“Hello boss Niel, bakit napatawag ka?” bungad ng tanong ko.“Nathalie, tumawag ako para sabihin sa ‘yo ang masamang balita,” sambit nito.“Ano po iyon boss Niel?” tanong ko.“Gusto ko lang malaman mo na nakalusot ang grupo ng mga sindikato na may mga dala-dalang drugs, ngunit sa tingin ko ay ‘di ‘yon makakadaan sa mga check point na pinalagay ko sa bawat daraanan nila. Sa ngayon ay sinusubaybayan ng mga tauhan ko ang truck n
Habang pinagmasdan ko ang tuluyan paglaho ng lalaking nakasuot ng itim ay bigla ko naman narinig ang mga wang-wang ng mga sasakyan ng mga kasamahan kong dumating.Mabilis silang nagpark at may mga kasama na rin itong ambulance at ka agad naman sinakay ang mga kasamahan kong napatay at sugatan sa pakikipaglaban kanina, labis naman ang hinagpis ng iba kong kasamahan na natira dahil ‘di nila matangap ang pagkamatay ng iba naming kasama lalo’t matagal na rin silang nagkakasama.Mabilis naman nagsi-alis ang mga ambulance dahil nagmamadali sila patungo sa malapit na hospital dito sa lugar.Nagulat naman ako nang may lumapat na palad sa balikat ko nakita ko ang mukha ni Lieutenant Morales na malungkot din, ngunit nagpasalamat ito sa pagtulong ko sa kanila. Sinabi ko rin naman dito na tungkulin ko ang tumulong sa kanila lalo at maraming buhay ng tao ang mapapahamak dahil sa drugs. “Lieutenant Morales, sa totoo lang ay labis akong na lulungkot dahil sa pagkamatay ng mga kasamahan natin