Share

The Dangerous Woman 4

Tumingin ako sa mukha ng lalaki at kitang-kita ko ang inis mula roon. Ngunit wala akong pakialam. Kahit may baril sila ay hinihintay ako matatakot sa kanila. Hanggang sa muling nagsalita ang lalaki.

“Huwag mo akong mayabanga, babae! Baka ibaon kitan ng buhay!” malakas na sigaw ng lalaking kaharap ko. Ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay.

Heto pa naman ang ayaw ko sa mga tao ang masyado akong niyayabangan. Hanggang sa mabilis akong tumayo at walang tanong-tanong. Agad na umangat ang aking kamay at ubod lakas kong pinatama sa ilong nito.

Isang malakas na suntok muli ang pinagkaloob ko sa sikmura nito. Halos hindi naman ito makamayaw dahil sa sasakit. Mabilis naman akong umalis sa aking kinauupuan. Muli kong pinatikim ng suntok sa tagiliran ang lalaki. Hanggang sa mapatingin ako apat na lalaking papalapit sa akin.

Agad ko namang hinawakan ang katawan ng lalaking binugbog ko ay ito ang ipinambato ko sa kanila. Kasunod noon ang bigla akong humawak sa bagal dito sa itaas ng bus at agad na lumambitin. Inagat ko rin ang aking paa walang habas na pinagsisipa ang mga lalaking papalapit sa akin.

Isa-isa tuloy silang natumba lalo at sa leeg ko sila pinatatamaan ng aking sipa. Napatingin din ako sa isa pang lalaki na biglang tumayo at may lakas pa ito. Kaya namah mabilis kong inangat ang aking paa at ubod lakas kong sinipa ang itlog nito na halos kinasigaw nito sa tuwa.

“Kayo na po ang bahala sa mga salot na iyan,” biglang sabi ko at muli akong naupo sa aking kinauupuan. Nakita kong galit na galit ang mga pasahero sa limang lalaki kaya ayon pinagtulungan nilang bugbugin.

Narinig ko namang inawat sila ng driver ng bus. Ang mga pulis na lang daw ang bahala sa limang armadong lalaki. Mabuti naman at naniwala ka agad ang mga pasaherong galit na galit. Sinabi rin ng driver ng bus na dadaan muna kami sa prisento para dalahin doon ang mga holdaper.

Nagbuntonghininga na lamang ako hanggang sa muli akong sumandal sa upuan ng bus para muling ipikit ko ang mga mata ko. Hindi nagtagal ay tuluyan kaming nakarating sa prisento. Hindi na ako nag-abala pa na bumaba ng bus. Bahala na sila roon.

Hindi naman nagtagal ay muli ring bumalik ang mga taong nagreklamo sa limang armadong lalaki. Hanggang sa tuluyan na ring umalis ang bus para makarating ka agad sa Sta. Maria.

Lumipas muli ang mahabang oras sa wakas nakarating na rin kami sa lugar ng Sta. Maria. Ka agad namin akong bumaba ng bus sa bayan ng Sta. Maria.

Mabilis din akong naghanap ng bahay na mauupahan ko. Madali lang naman akong nakakita ng paupahang bahay kahit maliit ay ayos na sa akin.

Bago simulan ang aking misyon ay nagpahinga muna ako lalo at nakakapagod din ang magbiyahe. Siguro’y bukas na lang ako maglilibot sa buong Sta. Maria upang mag manman sa buong paligid.

Kaya naman paglapat ng aking likod sa papag na ang tanging sapin lang ay karton ay ka agad akong nakatulog.

Kinabukasan ay nakarinig ako ng mga nag-iingay na mga tao sa labas ng inuupahan kong bahay. Kahit antok na antok pa’y agad akong bumangon para alam kung ano ang nangyari.

Paglabas ng bahay ay nagtanong ako sa isang babae.

“Manang, ano po ba ang mayroon? Bakit tuwang-tuwa ang mga tao?”

“May mga groceries at mga bigas na ipapamigay si Governor Frank Smith sa mga tao, Ineng. Imbes kasi na maghanda si Governor Frank ay mga groceries na lang ibibigay niya,” pagbibigay alam sa akin ni Manang.

Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Governor Frank Smith. Hindi kaya siya rin si Director Frank Smith?

“Nandiyan po ba si Governor Frank?” tanong ko sa babae.

“Sa aking pagkakaalam ay wala, nagpunta sa Maynila. Ngunit nandiyan naman ang mga tauhan niya para mag-asikaso ng mga groceries at bigas na ipapamigay sa mga tao rito sa Sta. Maria,” muling sagot sa akin ng babae.

Marahan na lamang akong tumango sa babae. Hanggang sa nagpaalam na rin ako para pumasok sa aking bahay. Tinanong pa nga ako ng babae kung kukuha ako ng groceries at bigas na ipapamigay ni Governor Frank. Magalang ko na lang sinabi na may pupuntahan ako ngayon araw.

Pagpasok sa loob ng bahay ko ay dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang tawag si boss Niel. Hindi nito sinabi sa akin na Governor pala sa Buong Sta. Maria si Mr. Frank Smith.

Hindi nagtagal ay agad na sinagot ng bosa ko ang cellphone nito.

“Nathalie, may problema ba at napatawag ka?” tanong ng boss ko sa akin.

“Boss Niel, hindi mo man lang sinabi sa akin na Governor pa ng Sta. Maria si Mr. Frank Smith?” tuloy-tuloy na tanong ko sa lalaki.

Malakas namang tumawa ang lalaki. Pagkatapos ay muli kong narinig ang salita nito.

“Yes, Governor nga siya sa lugar na iyan. Ngunit malapit nang matapos ang termino niya pero ang gusto niya bago siya umalis sa pagkakaupo bilang Governor ng lugar na iyan ay sugpuin muna niya mga salot ng Sta. Maria. Kaya naman lumapit siya sa akin upang malaman kung sino-sino ang mga hudas sa mga nakupo. . . Saka, ang pagiging director naman niya ang aasikasuhin niya. Dahil siya talaga ang tunay na may-ari at boss ng Black Stone. Sa akin lang niya pina-asikaso ng mahabang panahon. Kaya oras na para siya na ang humawak ng Black Stone. Ngunit ayaw niya akong paalisin at ang gusto niya ay rito pa rin ako sa Black stone.

Hindi ko naman matanggihan si Governor dahil hindi na siya iba sa akin. Dahil sa kanya kaya nakarating ako sa aking kinalalagyan ngayon , Natalie,” tuloy-tuloy na litanya ng boss ko sa akin.

Napangiti na lamang ako nang marinig ko ang kwento ng boss ko. So, may bait din pala ang tunay na may-ari ng Black Stone. Ngunit pakiwari ko’y masungit ito. Magkakasunod ko na lang pinilig ang aking ulo.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni boss Neil lalo at parihas kaming may gagawin. Dali-dali naman akong nagpunta sa banyo para maligo.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ako. Kailangan kong magmadali sa mga kilos ko lalo at buhay ng mga bata ang nakasalalay rito. At bago lumabas ng bahay na inuupahan ko’y kinuha ko muna ang baril at inilagay sa aking likuran.

Hanggang sa tuloy-tuloy na akong humakbang papalabas. Hindi na ako nagsakay ng tricycle, dahil gusto kong maglibot-libot sa buong paligid ng Sta. Maria. At baka may kakaiba akong malaman sa lugar na ito.

Sa patuloy kong paglalakad ay nakita nakita ko ang isang batang lalaki na u-iiyak. Habang may tatlong lalaki ang nasa harapan nito. Kumunot tuloy ang noo ko. Ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad.

“Huwag ka nang mag-inarte pa bata, ibigay mo na sa amin ang perang pinagpalimusan mo!” sigaw ng isang lalaking kalbo.

“Huwag po, pambili ko ito ng gamot ng lola ko dahil may sakit po!” nakikiusap na sabi ng kawawang paslit.

Malakas namang nagtawanan ang tatlong lalaki. Habang sa biglang hampasin ng lalaki ang ulo ng bata na lalong kina-iyak ng paslit. Hindi na ako nakatiis pa. Kaya naman dali-dali na akong lumapit sa kanila. Mabilis kong itinaas ang kanan kong paa at ubod lakas kong sinipa ang likod ng lalaki, dahilan para ito’y bumagsak sa lupa.

“Sinong ba ang sumipa sa akin, ha?!” malakas na sigaw ni lalaking sinipa. Sabay lingon sa akin nito. Nanlilisik ang mga mata nito at kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Ngunit ngumisi lamang ako sa lalaki.

“Ang tapang mo, lalaban ka ba sa akin, babae?!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang astig talaga ni Natalie walang takot sa mga kalaban
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status