Share

The Dangerous Woman 3

Agad kong hininto ang motor ko nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kabahayan at agad na pumunta sa loob ng aking kwarto.

Mabilis akong nagpalit ng damit, hanggang sa tuloy-tuloy akong bumagsak sa kama para matulog. Kailangan ko munang magpahinga lalo at pagod na pagod ang aking katawan dahil sa ilang raw rin akong walang tulog.

Paglapat pa lang ng aking likod sa kama ay agad na akong nilamon ng kadiliman.

Matuling lumipas ang isang linggo. Kasalukuyan akong nanonood ng tv nang mag-ingay ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha at nakita kong si Boss Neil ang tumatawag sa amin.

“Boss,” bungad ko agad.

“Kailangan mong pumunta rito sa Black stone NBI upang pag-uusapan ang magiging misyon mo. Nandito na rin ang magiging naging boss ng Black Stone NBI,” pagbibigay alam sa akin ni boss Neil.

“Okay po boss Niel, papunta na ako riyan,” magalang na sagot ko sa lalaki.

Hindi naman matagal ang pag-uusap namin. Mabilis akong nagpalit ng damit. At nang alam kong ayos na ang aming sarili ay nagmamadali kong kinuha ang susi ng aking ducati.

Paglabas ng bahay ay maliksi akong sumakay ng motor ko at agad ko itong pinatakbo papunta sa Black stone. Hindi naglaon ay nakarating din ako sa tapat ng building ng Black Stone NBI.

Malalaki ang hakbang ko papasok sa loob ng gusali, mabilis akong sumakay ng elevator upang mabilis akong makarating sa opisina ni boss Neil.

Marahan akong kumatok sa pinto ng opisina nito mayamaya pa'y narinig ko ang boses ni boss Neil na pinapapasok na ako sa loob ng opisina.

Medyo nagulat pa nga ako dahil hindi lang si Boss Niel ang nandito sa loob ng opisina niya. Hindi maman tumingin sa akin ang lalaking kasama nito lalo at busy ang mga mata nito sa laptop na hawak.

“Boss Niel,” anas ko agad sa lalaki.

“Maupo ka na, Natalie,” anas ng boss ko sa akin.

“Bago tayo magsimula ay nais ko munang ipakilala sa ‘yo si Director Frank Smith. At simula sa lunes ay siya na ang magiging boss ng Black Stone. Nakilala na siya ng mga kasamahan mo, ikaw na lang ang hindi. Kaya hindi kita inabala noon mga nakaraang araw ay upang makapagpahinga ka ng maayos, Miss Nathalie, lalo at sasabak ka sa bagong misyon mo,” tuloy-tuloy na litanya ni boss Neil sa akin.

Tumingin naman ako kay director Frank Smith. Tumango lang ito sa akin. Pagkatapos ay muling ibinalik ang mga mata sa harap ng laptop nito. Nagkibit balikat na lamang ako.

“Heto ang misyon mo, Natalie. Kailangan mong pumunta sa Probinsya ng Sta. Maria. Upang sugpuin ang mga taong kumukuha ng mga bata na hindi malamang dahilan,” tuloy-tuloy na litanya ni Boss Neil sa akin.

Agad ko namang kinuha ang folder mula sa aking boss. Walang makakapagturo kung sino ang tunay na salarin sa mga batang nawawala. Wala ring palatandaan kung saan sila dinadala. Kuyom tuloy ang mga kamao ko.

Kaya naman walang pagdadalawang isip na tinangap ko ang kaso para na rin sa mga batang paslit. Marahas tuloy akong nagbuntonghininga. Mga walang puso sila.

“Boss, tatanggapin ko ang kasong ito. Kailan ko pala sisimulan ang misyon ko?”

“Sa lalong lalong madaling panahon, Natalie, hindi puwedeng patagalan lalo na at buhay ng mga bata ang nakasalalay.”

“Sige po, boss Neil. At bukas na bukas din ang maghahanda ano para sa pagpunta sa Sta. Maria.”

“Mabuti kung ganoon, Natalie, ikaw na bahala sa kanila dahil malaki ang tiwala ko sa ‘yo,” nakangiting sabi pa ng boss ko.

“Oh wait lang Natalie, ikaw na ang bahala kung sino ang gusto mong isama sa misyon mo,” bilin sa akin ni boss Neil, bago ako umalis ng opisina nito.

Pa-simple pa nga akong lumingon kay director Frank Smith, seryoso lamang itong nakatingin sa harap ng laptop nito. Mukhang suplado ang bagong boss ng Black Stone.

Magalang na lamang akong naglakad papalabas ng opisina ni boss Neil at iniwan ko na lang ang dalawang lalaki. Pagkarating ko sa labas ng building ay sumakay na ako ng motor ko at mabilis ko itong pinatakbo para makauwi na sa bahay ko.

Mabilis lang naman akong nakarating sa bahay at tumuloy na ako sa kwarto ko. Agad kong hinanda ang mga gagamitin ko papunta sa Sta. Maria. Saka ko na lang tatawagan si Palpak oras na kailangan ko ng tulungan.

Matapos kong maihanda ang mga gagamitin ko’y nahiga muna ako sa kama para magpahinga. Kailangan ko munang magulog dahil pagod-pagod na naman ang aking katawan kapag sumabak na ako sa laban.

Mayamaya pa’y tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

KINABUKASAN maaga akong nagising upang maghanda para sa pagpunta ko sa Sta. Maria. Hindi naman nagtagal ay pababa na rin ako ng hagdan.

Magalang naman akong nagpaalam kay Manang Erlyn para umalis. Nagbilin din ako sa matanda na siya muna ang bahala sa mga bata kapag dinala na rito ng tauhan ko. Nakangako naman ang matanda na siya na ang bahala sa dalawang bata.

NAGMAMADALI naman akong lumabas ng kabahayan, hindi ako nagdala ng sasakyan. Pagpunta ko sa labas ng gate ay may dumaan na namang taxi sa harapan ko, agad akong sumakay at nagpahatid na ako sa terminal ng buss papunta sa Sta Maria.

Pagdating sa terminal ng bus ay kumuha lang ako ng ticket. Hanggang sa nagmamadali na akong sumakay sa loob ng bus. Sa medyo hulihan ako naupo at malapit sa may bintana. Kinuha ko ang aking salamin para kahit papaano ay makaidlip ako. Lalo at may apat na oras pa ang biyahe.

Tatawagan ko na lang si Palpak kapag nandoon na ako sa Sta. Maria. Malalim na na lang akong nagbuntonghininga. Hanggang sa sumandal ako at tuluyang ipinikit ang mga mata. Mayamaya pa’y narinig kong umalis na ang bus na sinasakyan ko.

Halos mga dalawang oras na ang nakakalipas nang marinig kong huminto ang bus. Ngunit narinig kong naghiyawan ang mga pasahero. Mabilis tuloy akong nagmulat ng mga mata. Umangat din ako ng bahagya upang tingnan kung sino ang mga pumasok dito sa loob ng bus.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mga limang armadong mga lalaki habang may mga dala-dala silang baril.

Huwag kayong kikilos ng masama kung ayaw ninyong sunduin ni Kamatayan! At lahat mga pera, alahas at cellphone ninyo ay inilagay ninyong lahat dito sa sako!” narinig kong sigaw ng isang lalaki.

Nahilot ko na lamang ang aking ulo. Pagkatapos ay muli akong sumandal sa upuan at mariin kong ipinikit ang mga mata. Ngunit dining na dinig ko ang hiyawan ng mga tao.

“Huwag po! Maawa na po kayo, dahil iyan lang ang tanging pera na mayroon ako,” anas ng isang babaeng umiiyak.

“Hoy ikaw! Hindi ka ba natatakot sa amin?!” narinig kong sigaw ng isang lalaki na malapit sa aking tabi. Ako yata ang sinisigawan nito, ah?

Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko inalis ko rin ang aking salamin at tumingin sa lalaki.

“May kailangan ka ba sa akin?” nakataas ang kilay na tanong ko at wala man lang nakapaloob na takot sa aking dibdib.

“Aba’t mayabang ka, ah?!” sigaw ng lalaki sa akin, na aking kinainis ng labis. Tumaas naman ang kilay ko sa lalaki. Mukhang galit na Galit ito sa akin dahil pumapalag ako sa kanya. At hindi natatakot.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang astig ni Nathalie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status