Share

THE DANGEROUS WOMAN 5

Nagigigil na hiyaw ng lalaki sa akin! At kitang-kita ko rin sa mukha nito na kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Hanggang sa muling nagsalita ito.

“Ang lakas naman ng loob mo babae para sipain mo ako? Hindi mo ba ako kilala, galit na tanong ng lalaki sa akin.

Hindi ako nagsalita, ngunit ngumisi lamang ako rito. Pagkatapos ay ikiniling ko rin ang aking leeg.

“Bakit sino ka ba?” tanong kong makataas ang kilay. Hinila ko rin ang bata para ilapit sa aking tabi upang hindi nito

“Masyado ka talagang mayabang, babae. Pwest! Magpapakilala ako sa ‘yo, babae! Para malaman mo kung sino ang binabangga mo! Mukhang hindi ka natatakot sa akin, ha?” Sabay halakhak nito na tila nababaliw na.

Hindi ako nagsalita. Saka, nakatingin lamang ako riton. Kahit kanino ay hinding-hindi ako basta magpapasindak. Bagkus ay naghanda ako sa possible nitong gawin kung sakaling lalapit siya sa akin pero ‘di ko hahayaan na mangyari iyon. Dahil wala akong inuurungan na laban.

Nakatayo lang ako sa harapan ng lalaki habang nakatingin ako sa pagmumukha. Ngunit sa totoo lang ay gusto ko na siyang upakan dahil sa pangbu-bully niya sa kakawang paslit. Kaya naman hinihintay ko itong sumugod.

Gusto ko ring matawa dahil hindi naman ito nagpakilala sa akin.

“Alam mo bang ako ang pinakang siga sa lugar na ito! Baka gusto mong ilibing na lang kita ng buhay, babae!” sigaw nito sa akin.

Pagkatapos ay mabilis na silang lumapit sa akin at akma akong susuntokin ng mayabang na lalaki ay mabilis ko namang nahawakan ang kaliwa nitong braso, pinilipit ko ito ng sobra. Inangat ko rin ang paa ko. At ubod lakas kong pinagsisipa ito sa tiyan, halos sumuka ito ng dugo sa lakas ng pagsipa ko.

Tumingin din ako sa dalawang lalaki at magkakasunod kong sinuntok sa sikmura nila. Agad din akong tumambling papunta sa isa pang lalaki at walang habas kong tinandyakan sa tagiliran nito.

Wala naman itong magawa kundi magsisigaw sa sakit, habang ang iba naman kasama nito ay lugmok na rin sa lupa. Hirap na hirap silang bumangon. Iiling-iling na lamang ako. Mga walang silbi.

Hanggang sa makita kong tumayo ang mayabang na lalaki at balak pa yatang lumaban sa akin. Hanggang sa muli na naman itong sumugod.

“Hinding-hindi ako magpapatalo sa isang katulad mong babae lamang!” sigaw nito sa akin.

Pagkatapos maliksi ulit na lumapit sa akin lalaki, mukhang balak akong sipain sa aking leeg. Ngunit mabilis akong umilag. Pero agad ko ring inangat ang aking paa upang sipain ang dibdib nito.

Napatingin din ako sa dalawang lalaki at nakatayo na sila. Naglabas pa nga ng kutsilyo ang isang lalaki at balak akong saksakin. Maliksing umangat ang isang paa ko, sabay ikot sa ere at ubod lakas kong sinapa ang kamay nitong may kutsilyo.

Nagtambling rin ako papunta sa isang pang lalaki at binigyan ko ito ng doble kick at triple kick. Bawat sipa ko sa kanila ay sa mukha lahat ang tama, halos madurog ang mukha ng isang lalaki at ang isa naman ay may balak pa akong saksakin sa balikat, buti na lang at nag-aral ako ng self difense kaya mabilis ko itong nailagan at naagaw ko ang hawak nitong patalim at sinakal ko ito nang mahigpit sa leeg wala naman magawa ito kundi ang magpipiglas, nakita ko naman ang ginawa nila sa paslit na bata, nahalos mawalan ito ng malay, sa pagkaka-p****k nila ng bote sa ulo nito. Kaya naman, nagdilim ang paningin ko sa lalaking hawak ko naisip ko na dapat ang mga ganito tao ay ‘di na dapat mabuhay pa.

Kaya walang awa kong binaon ang kutsilyo kong hawak sa leeg ng lalaki at binagsak ko ito sa lupa at nagkikisay-kisay pa ito, habang pinagmamasdan ko ang pagamatay niya, nakita naman ng dalawa lalaki ang ginawa ko sa kanilang kasama na lalaki at dahil sa sobra takot ay tumakbo na lang ang mga ito, dahil alam nilang hindi nila ako kaya at mamatay din sila.

Puno ng mantsha ng dugo ang damit ko at may kunti akong mga galos ngunit hindi ko ininda.

Nilapitan ko naman ang batang umiiyak at namumutla na sa kanyang sugat na natamo dahil sa pagkaka-pok-pok ng bote sa kaniyang ulo.

Kaya ka agad naman akong tumawag ng ambulance para madala ang bata sa hospital, binigay ko lang ang location at mabilis na nagtago upang hindi makita ng mga pulis.

Mayamaya pa nga ay dumating na ang rescue tinawagan ko, mabilis naman nilang pinahiga ang bata sa tretch chair, at sinakay sa loob ng ambulance.

May mga dumating pa ngang pulis sa sa lugar kung saan naroon pa rin naka handusay ang lalaking pinatay ko.

Nakita ko rin na bawat sulok ng lugar ay na pinaliligiran ito ng mga pulis at hinahanap kung sino ang may sala sa pagkamatay ng lalaki.

Nagdesyon na akong umalis sa lugar ng masigurado kong ligtas na ang bata. Hindi pa nga ako tuluyan nakakaalis ng sa pinagtataguan ko, nang biglang tumawag sa akin si ang boss Neil.

“Hello, Agent Nathalie, nasaan ka ngayon?” bungad na tanong nito.

“Bakit mupo ako tinatanong boss may kailangan kaba?” tanong ko.

“Gusto kulang malaman Agent Nathalie kung may kinalaman ka sa pagkamatay ng isang lalaki, kaya nagpadala ako ng mga NBI para imbistigahan yon. Pero wala silang naabutan pero ang sabi ng rescue, may isa babae raw ang tumatawag sa opisina nila at nagreport na ang bata ay kritikal ang lagay. Kaya wala akong ibang pinaghihinalaan gagawa na noon ay kundi ikaw Agent Nathalie. Kaya naman aminin muna.”

Dahil sa pamimilit ng boss ko ay nasabi ko nga sa kanya na ako ang pumatay sa lalaki.

“Oo boss Niel ako nga, dahil sa walang awa nilang paghampas ng bote sa ulo ng bata kaya ko nagawang ko iyon. Gusto ko lang iligtas ang bata sa masasamang lalaki na mga iyon,” paliwanag ko.

“Mabuti kung ganoon, Agent Nathalie at umalis ka agad sa lugar na iyon. Dahil kong naabutan ka nila tiyak ay huhulihin ka pero kilala Kita Agent Natalie, alam wala kang kinakatakutan na laban.”

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni boss Neil. Mabilis akong umalis sa lugar at nagmamadaling bumalik sa bahay na inuupahan ko. Bukas ko na lang sisimulan ang aking misyon dito sa Sta. Maria.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update Chenel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status