LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.
Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.
Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.
Tumayo si Blaze nang makita ako. Hinila niya ang braso ko at ikinulong ako sa mga bisig niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko.He didn't change. He's still clingy as hell, one thing that I hate about him."I'm sorry, I get so excited everytime we meet," he expressed as we parted.Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Ngumiti ako nang pilit. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa gilid ko. Riaz is standing near me while his arms crossed.Riaz cleared his throat. Tila may ibig sabihin ito na nakuha ko naman kaagad. Magsasalita pa lang ako nang unahan ako ni Blaze. The beaming smile on his lips quickly faded."Who's he?
“KAMUSTA naman ang nanay mo? Okay na ba siya?” tanong ko kay Pauline kararating lang mula pa sa mahabang biyahe galing probinsya. Pumayat ito nang bahagya at mas lumusog ang mga eye bags. Katulad ng inaasahan ay matamis na ngiti ang namutawi sa mga labi niya. Nasa kusina kami ng club dahil kumakain ako ng almusal bago pumasok sa trabaho. Si Maggy ay tulog pa, kanina ko pa ginigising pero ayaw bumangon. “Ayos naman siya. Ako ang hindi ayos dahil butas na ang bulsa ko sa laki at dami ng gastusin namin. Kaya nga nagpasya ako na bumalik na para magtrabaho. Baon na baon na kami sa utang,” kwento niya. Sa kabila ng pilya niyang personalidad ay may mabigat itong responsibilidad na nagpapabigat sa kaniya. Hindi man niya ipahalata, alam kong nahihirapan na siya. Ina
"FERRIS WHEEL! Yehey!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maggy habang nagtatatalon at nakatingala sa dambuhalang ferris wheel sa harap namin, mukhang hindi na makapaghintay na makasakay doon. Kasalukuyan kaming nakapila para sumakay sa ferris wheel.Dinala ko si Margarette sa Enchanted Kingdom para makapag liwaliw naman siya. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang palagi lang sa opisina ni Riaz ang libangan niya. Hindi naman siya naging problema doon dahil buong buwan na abala si Riaz sa meetings kaya naging abala din ako.Kahapon ang araw ng sweldo at hindi ko inaasahan na tumatagingting na isang daang libo ang sweldo ko. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ti-triplehin niya ang sahod ko. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagastusin ko ito nang maayos at tama. Unang-una na sa plano ko si Maggy at kahapon nga ay nagpa-schedule ako sa
NATANAW ko na ang exit kaya naman mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabigat sa loob ko ang umalis na lang nang basta-basta lalo na trabaho ko ang maging sekretarya niya at ang senaryo na nakita ko ay umpisa pa lang dahil sa malamang ay ganoon lagi ang aabutan ko. Ano ba ang dapat kong asahan?Parang may hapdi sa puso ko ang makita silang masaya habang ang anak ko ay napilitan akong itago na lang sa dilim. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang din naalala kung sino siya, kung sino ang ama ng anak ko. Sana ganoon na lang din kadali itago ang katotohanan. Sana ganoon na lang kadali magkunwari na wala akong alam at itago ang totoo kong nararamdaman.Sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Maggy. Lumingon-lingon ako dahil baka nasa gilid lang pero wal
LUMABAS ako ng office ni Riaz at nagtungo sa isa pang room na hindi kalayuan sa office niya. Pumasok ako sa Pantry Area. Pumasok ako doon at hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng stock at kung gaano kaganda ang design na halatang pinaggugulan ng oras ang bawat detalye. Pagpasok pa lang ay aroma na agad ng matapang na kape ang manunuot sa ilong na talagang magigising ang diwa mo.Mas malaki ang pantry area ng kumpanya na ito kumpara sa kumpanya namin noon, este kumpanya ng tatay-tatayan ko.Nagtimpla ako ng kape gamit ang coffee maker na nandito. Matapos ay agad na nagtungo ako palabas ng pantry area bitbit ang isang tasa ng kape. Ngunit hindi ko inaasahan na may sasalubong sa akin dahilan para matapunan ko siya ng sobrang init na kape. Tila ako man ay binuhusan naman ng malamig na tubig nang makilala kung sino ang
LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nang unang gambalain ni Riaz ang nananahimik naming buhay. Walang gabi na hindi siya bumisita para kay Megumi.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang tanging alam ko lang ay ginugulo niya kami. Nagugulo ang buhay ko dahil sa ginagawa niya.Inis na tinampal ko ang noo ko at saka umiling. Hindi ko muna dapat iniisip 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay makahanap ako ng trabaho at makaalis na sa club nang sa gano'n ay makakalayo na kami kay Riaz nang tuluyan.Napapaisip pa rin ako kung anong pangako ang tinutukoy niya. Tinatanong ko si Maggy pero secret daw nila 'yon. Hindi magandang ideya na napapalapit masyado ang anak ko sa kaniya gayong may pamilya na naghihintay sa kaniya.