Share

Chapter 3: CONFRONTATION

Binaba niya ang hawak niyang stick na tila toothpick ng maliit na cupcake at hinarap ang Ace Caleb Sansmith na ito na talagang iba ang titig sa kaniya.

Dalawang taon na ang lumipas pero ang paraan ng pagtingin talaga nito sa kaniya tila hindi nagbago. Dark eyes na punong-puno ng pagnanasa sa kaniyang ganda't alindog lalo na ngayon na makikita ang upper part ng dibdib niya at talagang naroon ang mga mata nito nakatutok.

Binaliwala niya ang mukha nitong tila ginuhit, gwapo, makapal ang kilay na may maayos na hibla pero sa hugis nito, naging masungit ang dating ng mukha nito pero mas nakikita niya ang yabang.

Tumaas pa ang sulok ng manly red lips nito at ang totoo niyan, iyon din ang isa sa hinahangaan niya rito; labi, mata at ilong.

Ngunit anong magagawa ng gwapong mukha nito kung bástós ang ugali?

"Kung balak mo akong bastusin na naman, huwag mo nang ituloy, baka biglang malaman ng lahat kung bakit ba talaga ako umalis at tinalikuran ko ang scholarship ko kay Auntie Belle," hamon niya.

Kumurbang letrang O ang mga labi nito na kunwari bumilib sa tapang niya. "I'm scared huh." Ace cocked his head to the side. "Just try, tingnan natin kung maniniwala sila."

Pinitik nito ang sariling baba patunay na masyado itong gwapo sa mata ng iba upang habulin siya.

Ibig sabihin, 90% walang may maniniwala sa kaniya, dahil maliban sa gwapo ito, mayaman pa at talagang tagapagmana ng ari-arian ng mga Sansmith. Sino ba siya para habulin, right?

Kumulo na naman ang dugo niya at umiwas na lang ng tingin tanda nang pagsuko.

Nagpasya na lang siyang tumalikod upang umalis pero hinawakan siya ng lalaki sa braso upang pigilan at mahigpit iyon. "At saan ka pupunta? Hindi mo ako pwedeng takasan ulit. Stay...and behave."

Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya at magkakasalubong ang mga kilay na tiningnan niya ito sa mga mata. Maya-maya pagak siyang napa-wow at sinabing, "So nanakot ka?"

Tumaas ulit ang sulok ng labi nito. Humakbang palapit sa kaniya at talagang tumayo, na halos dikit na sa mukha niya ang dibdib nito. Wala siyang choice kundi tumingala na lang, matangkad kasi ang lalaking ito.

"Sa tingin mo ba nakakatakot iyong...hahalikan lang naman kita sa harap ng lahat kapag hindi mo ako kinausap ngayon? I'll tell them, you're my girlfriend."

Ngumisi ito, iyong pogi na ngisi pero nang-aasar.

Napatingin naman siya sa buong paligid—ramdam ang inis hindi lang para sa lalaki kundi para rin kay Celestia dahil ang tagal nitong bumalik. Nangangailangan siya ng tulong ngayon, lalo na't napaka-agresibo na naman nitong si Ace.

Iniisip na lang niya, kapag sinabi ng lalaking ito na siya ang girlfriend, mas mahihirapan siyang umiwas at baka mas tumindi pa ang galit ni Avery sa kaniya kahit na mag-ex na lang ang dalawang ito. Hindi niya pwedeng hayaan iyon.

She and Avery are sisters and Ace and that girl ay mag-ex. Hindi maganda tingnan kung siya at si Ace ay mag-commit for something sa mata ng iba, baka ipalabas pa ni Avery ang sitwasyon na isa siyang mang-aagaw.

Huminga siya nang malalim at talagang ipit na ipit sa sitwasyon. Nagtanong na lang siya, "Kung mag-uusap tayo, tungkol naman sa ano?"

May bahid na paghamon ang tanong niya, hinihiling na sana hindi nonsense at titingnan niya kung matino ba talaga ang topic na sisimulan nito.

Pero ang sagot ng binata, "Regarding on how we should form my firstborn, what position do you want?"

Napaawang ang mga labi niya, at halos maiiyak siya sa inis. Tumaas ang kamay niya upang sampalin sana ito pero mabilis nitong dinuro ang kamay niya at sinabing, "Try! Try! Just Try, Gwyneth." Ngumisi ito at inulit pa, "Try."

Alam niya ang gagawin nito sa oras na ituloy niya ang pagsampal. Kaya sa harap ng daliri nitong nakatutok sa kamay niya, napakuyom siya ng kamao, kinukuyumos ang hangin dulot sa inis niyang walang paglalagyan.

Nagtatagisan na lang ang mga ngipin niyang sinabi, "Wala ka talagang respeto. Hindi porke't mas marami ang pera mo kaysa sa akin."

Tumayo ito ng tuwid at pinasok sa bulsa ang kamay, "That's the power of money."

"Money is evil," she corrected.

Umismid ito at sinabi na lang, "Since money is evil, is there anything you can do if I want you to be the mother of my firstborn?"

She huffed, tumingin sa kung saan sandali at saka ito dinuro. "Maybe money is powerful to use, but don't underestimate my determination. You can't be the father of my firstborn!"

"Mark your word?" Ace cocked his head to the side animo'y nag-hahamon.

She confirmed, "Mark my word." Tumango-tango siya sa inis.

"Let's see whose marked word is stronger. You will be the mother of my first born and you don't know what I will do, Gwyneth." Ace eyes flickered sa ilalim niya at sinabi pang, "That pússy is all mine. I'll claim that soon."

Tumaas ang balahibo niya sa sinabi nito at ang mas nakakagulat pa dahil nang tumalikod ito, may sumalubong ritong babae at nakasunggaban ng labi. Sinabi pa ng babae, "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

Napanganga na lamang siya nang makilala kung sino iyon. Walang iba kundi si Avery Blaire Abernathy, her half sister.

Sa inis niya nanginit na lang ang pisngi niya at hindi maiwasang mangilid ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Imagine, ipakilala siyang girlfriend sa lahat kung hindi niya ito kinausap tapos nagkabalikan pala ito at ang kapatid niya?

How ásshóle!

Lalo na't narinig pa niya ang sabi ni Ace rito, "Yeah, I'm talking to your sister, reminding her that I want her to be the mother of my firstborn."

Isang luha ang pumatak mula sa mga mata niya—napapabilib na lang sa napakanatural na linya ng lalaki at katulad ng inaasahan niya, hindi agad nakasagot si Avery.

Then maya-maya nangibabaw ang boses nito, "Oh com'on Ace not again."

Maririnig sa boses ng babae ang lumung-lumo.

"Not again what?" feeling innocent namang tanong ni Ace. Kunwari hindi gets.

Napakuyom siya ng kamao, sobrang nanggigigil siya sa ugali ng lalaking iyon. Sobrang natural lang para rito ang sitwasyon.

Bakit ba hindi nito kayang tingnan na magkapatid sila ni Avery?

Ang hilig talaga nitong gumawa ng gulo sa pagitan nila.

Upang makaiwas humakbang siya palayo sana pero tumili na si Avery, "Running away again, Gwyneth?!"

Huminto siya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya—nag-iisip kung paano iwasan ang sitwasyon. Katulad nang inaasahan niya naglalakad palapit si Avery palapit sa kaniya na galit na nagtatanong, "Are you flirting with my boyfriend again? Are you going to take him from me again? Huh bítch?"

Wala siyang choice kundi humarap rito lalo na't tila nakuha na ni Avery ang attention ng lahat. And worse, dahil birthday party ito ni Noah and Natalie.

Saktong pag-harap niya, nakalapit na si Avery sa kaniya at awtomatikong hinila nito ang buhok niya upang patingalain siya. "Not. Again!" sigaw nito sa mukha niya.

She gasped at nagsimula nang umiyak na naman. Nagrason siya, "Pagsabihan mo ang boyfriend mo—"

Avery cut her off sa pamamagitan nang pagpiga ng pisngi niya. Ramdam niya ang puwersa nitong naka-diin sa panga niya.

"So kasalanan niya? Ace is a dude!" Avery barked, "kumakagat talaga iyan kapag nilalandé! Kaya Ikaw!" Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kaniya kahit na ang nang-gigil na hininga nito tumatama sa mukha niya. "Ikaw ang lumayo! Huwag kang mang-agaw ng boyfriend ng iba! Maghanap ka ng sa'yo!"

Tinulak siya nito at humahagulhol na lang siyang napapunas ng mukha. Natalsikan pa siya ng laway ng babae at si Ace, nakatayo lang talaga sa likuran ng girlfriend. Walang pakialaman sa sitwasyon.

Wala siyang choice kundi harapin si Avery at sumagot, "Lumalayo ako, Avery! Ayoko nga diyan sa lalaking iyan eh! Bakit ka ba sa akin nagagalit?"

Avery cackled and barked, "So kanino ba ako magagalit? Sa kanila?" Tinuro nito ang mga bisita ni Natalie. "Sila ba ang nang-aagaw ng boyfriend ko? Hindi ba ikaw?"

"Hoy anong siya?" nangibabaw ang boses ni Celestia. Naglalakad ito palapit sa kanila. Imbis na magpasalamat dahil dumating na ito sa wakas, nanlumo pa siya dahil kilala niya si Celestia. Lalaban talaga ito at hindi umuurong, pumapangalawa kasi ito kay Natalie sa tapang. "Sino ang inaagaw? At sino ang nang-aagaw? At anong ginagawa mo sa pinsan ko?"

Mabilis nitong hinawakan ang balikat niya. Dinuro siya ni Avery, "Pinsan mo! Iyan! Pinsan mong malándí, hinaharot na naman ang boyfriend ko! Pagsabihan mo iyan ah, ilayo mo kay Ace kung ayaw mong masaktan iyan!"

Sa init ng ulo ni Celestia, hinila siya nito papunta sa likuran at hinarap si Avery. "Tángá ka rin ano?" Isang maanghang na salita mula kay Celestia. Alam niyang may karugtong iyon kaya hinawakan niya ito sa braso para sawayin. Ngunit may pakialam ba ang pinsan niya? 100% wala at mas gusto nitong lumaban. "Kung sapat ka para kay Ace, hindi mag-hahanap ng iba iyan! Baka kulang ka kaya ganoon? O baka nauumay na sa'yo?"

Dahil sa mga salita ni Celestia, napanganga na lang ang kapatid niya. Halatang hindi matanggap ang narinig.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
hahahaha...pampalipas oras lang celes...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status