Share

Chapter 4: POWERFUL BESTFRIEND

Kapansin-pansin ang pagsabog ng galit sa katawan ni Avery na nagdulot ng paghakbang nito habang sinasabi, "How dare you?!" Kasunod noon ang paghila nito sa buhok ni Celestia.

Nag-panic siya at mabilis na hinawakan ang kamay ng kaniyang half sister, "Avery! Bitawan mo ang pinsan ko!"

Gumanti si Celestia sa pagsabunot kay Avery hanggang sa nababangga na ng mga ito sa nakapatong-patong na cupcakes and Cookies.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan! Sino ka ba, ha?!" halos sagad sa lalamunan na sigaw ni Avery.

Marami nang nag-panic at umawat, kabilang na rin doon si Ace na hinihila ang girlfriend palayo kay Celestia.

"Stop! You're hurting Celestia!" sigaw ng lalaki sa girlfriend.

Nakakuha naman si Celestia ng buwelo at pagkakataon. Natanggal nito ang kamay ni Avery sa buhok at nagawaran ng sampal ang babae, dinuro pa ito ni Celestia, "Hindi mo kayang indahin ang sinabi ko kaya mananakit ka?"

Pero binalingan ni Avery si Ace dahil sa nakikita ng lahat na mas kinakampihan ni Ace si Celestia. Of course, sabay lumaki ang dalawang ito, at magkaibigan rin.

Hawak-hawak ni Ace si Avery sa balikat habang siya naman ay hawak si Celestia sa magkabilaang braso. Humirit pa ulit si Celestia, "Totoo naman iyon, diba? Baka kasi kulang ka kaya ganoon!"

Mas lalong nagpataas ng galit ni Avery ang sinabi nito, susugod sana ito with the words, "Hayóp ka!"

But Ace pulled her back. "I said stop!" sigaw nito sa mukha ng babae.

Hinila niya si Celestia at takot na sinabing, "Cele tama na, umalis na lang tayo."

"Mabuti pa, umalis kayo!" singhal ni Avery.

Napanganga si Celestia at natawa. "Talaga?" Dinuro ni Celestia ang sarili. "Kami talaga ang aalis? Sino ka ba ha?" Napanganga si Avery sa realization. "Dito sa birthday ng bestfriend ko, pinapaalis mo kami?"

Hinila niya si Celestia. "Tama na, parang awa mo na please."

Mangiyak-ngiyak siya sa hiya lalo na't dumating si Natalie at awtomatikong nagsalita, "There is a show..."

Napaka-intimidating talaga ng boses nito. Smooth, pero mala-vixen.

Tumama ang mga mata nito sa mga naka-display na cupcakes and cookies na nasira. Pero imbis na mag-react sa nasirang mga handa mas tumingin ito kay Avery, "Did I hear right? Pinapaalis mo ang mga kaibigan ko?" Tinuro sila nito, lalo na si Celestia.

Yumakap ang kapatid niya kay Ace animo'y nanghihingi ng tulong dahil si Natalie ang kaharap nito.

Celestia huffed. Tiningnan ito ni Natalie at nag tanong, "Anong nangyari ba?"

Galit na napa-ayos ng buhok si Celestia at sumagot, "Katulad ng dati. Pinagseselosan na naman ng babaeng iyan si Gwyneth."

Nag-cross ng mga braso si Natalie at tiningnan si Avery, "May nakita ka bang bagay, actions or behavior na kaselos-selos kay Gwy?"

Ang totoo niyan malaki ang rason ni Avery kaya masasabi niyang kawawa rin ito. Galit itong nagpunas ng luha dahil siguro pakiramdam nito, pinagkakaisahan nila. Natalie's head cocks towards Ace. "Ikaw ang sumagot. Anong ginawa mo?"

Kumibit-balikat si Ace na tila umaaktong walang paki sa nangyayari, sumagot lang ng, "I just talked to Gwy. Of course, after two years, we met again."

Tiningnan ni Natalie si Avery at sinabihan, "Dahil lang doon nagalit ka?"

Napasinghap si Avery, tila takot umamin kung ano ang totoo kaya kahit sinaktan siya nito nagsalita na lang siya at si Ace ang kausap niya, "Alam mo kung ano talaga ang dahilan niya, hindi mo ako basta kinausap lang."

Ace just rolled her eyes, sinulyapan naman siya ni Natalie at si Ace rin ang kinumpronta. "Anong sinabi mo kay Gwy, Ace?"

Nagsalita siya para sagutin ang tanong ni Natalie, "As usual iyong sinabi niya sa akin dati. Pero may sinabi kasi siya kay Avery."

Hikbi siya nang hikbi. Imbis na siya ang tanungin ni Natalie para magpatuloy, si Ace pa rin ang tinanong nito, "At anong sinabi mo sa girlfriend mo?"

Agad na sumagot si Ace walang pag-aalinlangan, "That I talked to her sister reminding her that she's 24 now and it's time to be the mother of my first born."

"What?" Napatakip ng bibig si Celestia at dahan-dahang tumingin sa kaniya. Sa kaniyang pag-singhap isang luha ang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Luha dulot ng inis niyang walang napagbuntunan.

Tinuro ni Natalie si Avery at sinabing, "So kasalanan mo."

Nalito siya sa sinabi nito. Pati si Celestia ay napa-huh at nagkatinginan din ang mga dalaga't binata na nanunuod—siguro mga kababata lang din nila.

Napaawang naman ang mga labi ni Avery at nagpatuloy si Natalie, "Mali ka kasi ng sinaktan, bakit hindi mo sampalin iyang boyfriend mo? Malinaw naman na kasalanan niya, bakit si Gwy ang sinaktan mo? Biased?"

Ngayon naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Akala pa naman niya ipawalang sala nito si Ace dahil pinsan nito. Umiwas ng tingin si Avery patunay na tama si Natalie.

Nagpatuloy pa si Natalie, "Bóbó ka ba o tángá? Hindi ka ba marunong kumilala ng tama at mali? Si Gwy ang inaaway mo, kahit boyfriend mo ang may intension na guluhin ang sitwasyon? Kontrolin mo iyang boyfriend mo kung ayaw mong niloloko ka, kung hindi mo naman kaya since si Ace hindi talaga nagpapa-kontrol iyan, iwan mo! Pero wala kang right saktan ang kaibigan ko dahil wala siyang kasalanan. Hindi niya gusto si Ace at 100% iyon. Yes, I know because I saw. At bukod kay Gwy talagang pati si Celestia, sinaktan mo huh!"

Dinuro pa nito si Avery at sinabing, "Umalis ka." Napanganga siya, pati si Avery ay nagulat, Celestia smirked, nagpatuloy si Natalie, "Alis in my party."

"Avery?" May sumingit na babae at mabilis itong nilapitan ang kapatid niya. Shempre walang iba kundi si Tatiana Abernathy, ang ina ni Avery, legal wife ng daddy niya.

Tumingin pa ito sa kanilang lahat at nagtanong, "What's going on? Bakit...bakit pinagkakaisahan niyo ang anak ko?"

"Because your daughter is hurting my friends, kaya pinapalayas ko," prangka na wika rin ni Natalie. "May problema ka ba doon, Mrs. Abernathy?"

Lalong lumalala ang sitwasyon. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat, iyong madawit si Natalie sa gulo na kinakasangkutan niya dahil walang preno ang bibig nito at hindi ito marunong matakot kahit malalaking tao pa.

Imbis na pumatol, huminga nang malalim si Tatiana at piniling ngumiti, "Natalie, sweetie..." Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan niya. Hindi maalis-alis ang makapangyarihang tingin ni Natalie sa step mom niya at sinabing na lang nito, "Kung ano man ang ginawa ng anak ko, pasensya ka na ha."

Natalie rolled her eyes and says, "Don't say sorry to me." Natalie cocked her head towards her at dahil doon nakaramdam siya ng pagkasakal at sinabi ng kaibigan niya, "Kay Gwyneth ka mag-sorry for your daughter."

Tumama ang mga mata ni Tatiana sa kaniya. Nakita pa niya kung paano tumaas ang kilay nito, tila tutol sa sinabi ni Natalie pero alam niyang wala pa rin itong magagawa.

Pasimple na lang siyang nagtago sa likuran ni Celestia at humikbi. Huminga na lang nang malalim si Tatiana at kahit labag sa loob nito, binanggit nito ang salitang, "Whatever my daughter did to you, your sister actually, I'm sorry."

Ganoon ka-makapangyarihan si Natalie, kaya nitong pasunurin ang kahit sino sa mga gusto nito.

Mabuti na lang si Natalie, kahit prangka at matapang alam nito kung ano ang tama at mali.

Matapos banggitin, ni Tatiana ang mag salitang iyon sa kaniya, hinawakan nito ang kamay ng anak at binulongan. Hininila nito si Avery palayo, hindi sumama si Ace, at saktong pagdating ni Mrs. Soulvero, kasama ang ina ni Celestia na tiyahin niya rin, at nagtanong ng, "Natalie? Anong nangyayari?"

Tumingin ito sa kaniya at inatake na naman siya ng takot. May kasalanan kasi siya kay Mrs. Soulvero at tungkol iyon sa scholarship niyang iniwan niya noon.

Sumagot na lang si Natalie, "Nothing, mom. Naayos ko na rin." Hinarap muna nito si Ace at sinabing, "Stop being a boy, that doesn't look cool."

Hindi umimik si Ace pero naroon pa rin ang yabang. Sinamaan lang niya ito ng tingin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
langya ka talaga ace...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status