Share

Chapter 2: FLASHBACK

Ace Caleb Sansmith, pinsan ni Natalie and Noah at nag-iisang tagapagmana ng Sansmith. Isang malaking Innovation company ito, at bukod doon, mayroon itong Sansmith HealthLab at Sansmith RoboGenix large businesses.

Nakilala niya ito noong nasa SLV International Education Hub pa lamang siya—eskwelahang pag-aari naman ng mga Soulvero.

Ngayon na nasa harapan niyang muli ang lalaking ito, bumalik ang lahat sa ala-ala niya ang mga nangyari noon, mula sa simula.

Nakapasa siya noon sa exam para maging Scholar Student ng SLV. Ang totoo niyan, inalok rin siya ng kaniyang tiyahin na si Nyx, ina ni Celestia upang paaralin sa mismong eskwelahan ngunit dahil matalino siya at para hindi na rin hassle sa pamilya ni Celestia, kumuha siya ng exam para sa scholarship.

Sa unang araw niya sa SLV noon, talagang nahihirapan siyang mag-adjust lalo na't doon rin kasi pumapasok ang kapatid niyang si Avery Blaire Abernathy na isang daang porsyentong may ayaw sa kaniya. Halos hindi lang din nagkakalayo ang edad nila.

Mas matanda lang kasi siya ng dalawang buwan—posible naman dahil magkapatid lang naman sila sa ama.

Bukod doon kasama rin niya ito sa iisang department. Mabuti na lang at kasama rin niya doon si Celestia since iisa lang sila ng kurso, kaya kahit papaano, kung nahihirapan man siya atleast mayroon siyang makakausap—expected na rin kasi na si Celestia pa lang din ang kilala niya.

Malinaw rin sa pang-uunawa niya na mataas ang standard ng SLV lalo na in terms of medical, dahil integrated ang university sa general hospital nito.

Kaya pataasan ng IQ ang mga nursing student roon at hindi maiiwasan na may mga mapagmataas rin.

Unang pagkakataong nakasagupa niya itong si Ace Caleb Sansmith dahil sa boyfriend ito ng kapatid niyang si Avery. Dumadalo ito sa department nila, at kilala rin ito ni Celestia kaya hindi naiwasan ang pansinan.

Tandang-tanda pa niya kung paano siya nito pinakilala sa lalaki sa harap pa ni Avery, "Hello Ace, pinsan ko nga pala, Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy, naaalala mo? Pero mga bata pa kasi tayo noon eh, and yeah half sister siya ni Avery."

Dahil sa sinambit ng pinsan niya ang buong pangalan niya naningkit ang mga mata nito. "Ikaw ang batang nanuntok sa akin dati, right?"

Wala siyang naalala sa sinabi nito kaya kunot-noo siyang tumingin kay Celestia. Ngunit tila wala rin itong may naalala.

"You met her before?" tanong pa ni Avery animo'y diring-diri sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng labi ni Ace at sinabi pa nitong, "Yes, naalala ko pa, I mean, I saw it on the video how many times. She's the girl who punched me in the face back then kaya ang sabi ko noon, aasawahin ko siya paglaki namin."

"What?!" bulalas agad ni Avery at tumaas rin agad ang selos.

Pero walang pakialaman ang boyfriend nito at sinabi pa sa kaniya, "Good to see you again, my future wife."

Iyon ang kauna-unahang gulo na nilikha nito sa kaniya. Dahil doon, araw-araw siyang inaaway ng kapatid niya. Humaharang lang si Celestia. Bástós kasi ang ugali ni Ace noon, kahit na may girlfriend na, dinidiskartihan pa siya.

Kaya minsan hindi maiiwasang malalagyan ng mantsa ang puting uniporme niya araw-araw dahil sa kagagawan ni Avery.

"Ano na naman ang nangyari sa'yo?" madalas na tanong noon ni Celestia sa kaniya.

Hinga lang nang malalim ang tugon niya at sagot na, "Ano pa nga ba? Edi nabiktima na naman ng selos!"

Napairap lang itong si Celestia at saka siya sermunan, "Hindi ka kasi lumalaban, may rights ka naman eh. Binuhusan ka ng spaghetti sauce, tapos okay lang sa'yo, tama ba iyan?"

"Ayaw ko lang ng gulo Cele," katwiran naman niya.

Iyon ang dahilan kung bakit pinakilala siya ng pinsan niya kay Natalie, at dahil kay Natalie, nakilala niya rin si Noah na kambal nito. Maayos ang trato ng mga ito sa kaniya at sa tuwing ginagawan siya ng hindi maganda ni Avery, si Natalie ang humaharap.

"She's my friend—bestfriend actually, and you can't bully her in my watch, just try again, Avery, I'll kick you out of here in SLV. Remember, this is my school." Ito ang salita ni Natalie noon na nagpatigil kay Avery. Pero kapag nakatalikod naman ang Soulvero Heiress, doon naman siya dehado sa kapatid.

Gusto lang naman niyang mag-aral noon, pero mas lalo siyang nahihirapan dahil sa mga sinasabi ni Ace sa kaniya kapag nandiyan ang girlfriend at ang ginagawa ng girlfriend nito kapag nakatalikod si Natalie.

Habang patagal nang patagal siya sa SLV mas lalong lumalala ang sitwasyon—pinapalala lalo ni Ace. Umabot pa sa punto na sinasabi talaga nito sa harapan ng lahat, "Call me ásshóle and I'm sorry to my girlfriend but I'm turned on by the beauty of Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy."

Mas lalong umingay ang mahaba niyang pangalan sa skwelahan. Kahit inaaway ito ng girlfriend wala itong pakialam. Rumarason lang ito kay Avery na, "Well, it's your fault if she's more beautiful than you, fresher and unused."

Kung matinong lalaki itong si Ace Caleb Sansmith bakit nito sasabihin sa girlfriend ang maselang impormasyon na iyon sa harapan ng lahat? Inangat ang pangalan niya at inapakan ang reputasyon ng kapatid niya. Akalain mo nga namang nalaman ng lahat na hindi na vírgín ang kaniyang half sister?

Kaya mas lalong tumaas ang galit ni Avery sa kaniya na naging dahilan rin ng break-up nito at ni Ace. Bashed si Ace sa school noon, pero ginusto pa rin ng ibang babae dahil sa masyadong revealing nitong bad side. Para sa kanila, cool ito.

Rason kasi nito, "Kung ásshóle ako edi ásshóle, may magagawa ba kayo?" Mas lumala ang paglapit nito sa kaniya nang wala na itong girlfriend.

Madalas kinakain nito nang pabigla-bigla ang pagkain niya basta may kagat na niya. Iniinom ang inumin niya basta nainuman na niya.

Prangka pa nitong sinasabi sa kaniya na, "I like your beauty. I like your name, I like your complexion, I like your body figure, you have good bóóbs that fit in my hands, and you have a nice ass—perfect ass actually. Most of all, I love your voice, and I will love that even more if you moan my name."

Dahil sa sinabi nito, nasampal niya ang lalaki at tumayo. Nasa cafeteria pa naman sila kaya marami ang nakakita, at sinigawan pa niya ito, "Wala akong pakialam kung isa kang Sansmith. Basta kung nambábástós ka, you're not a man in my eyes!"

Napahimas ito sa mukha at talagang sa pagkakataong iyon. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Gigil na gigil siyang napakuyom ng kamao suot ang galit habang nakatitig sa gwapong mukha nito.

Gwapo nga naman ang isang Ace Caleb Sansmith, ang problema lang dito ay pangít ang ugali. Tumayo rin ito at hinarap siya at sinabi matapos himasin ang pisngi, "Sakit noon ah."

"Dapat lang sa'yo iyan, wala ka kasing respeto sa mga babae. Gínágó mo na nga ang kapatid ko tapos ngayon ako na naman?" She huffed. "Huwag ako, hoy! Hindi ako tumatanggap ng tarantado!"

Dahil sa gulo takang lumapit ang pinsan nitong lalaki na si Noah at nagtanong, "What's going on?"

Pero si Ace dinuro siya. "You." Mas lalo niya itong sinamaan ng tingin pero nagpatuloy ito, "When you turn twenty-four, you will carry my first born. Mark my word, Ms. Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
langya ka talaga ace....ano avery buking yaarrnnn...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status