Share

124.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-09-16 22:36:27

Magkakasunod na sasakyan ang dumating, mga pawang mamahalin at hindi biro ang halaga. Mayaman ang pamilya nila, ngunit mas higit na mayaman at kilala ang pamilya nila Noah. Kaya ginagalang at pinangingilagan ito ng lahat.

Bumagal ang tibok ng puso niya ng makita ang pagbaba ng mga sakay. Apat tao ang unang bumaba. Parang dinurog ang puso niya ng ibaba roon si Noah na sakay ng wheelchair, nakatungo ang ulo at parang lantang gulay.

“N-noah…” mahinang usal niya. “A-anong nangyari sayo?”

“Magandang gabi at maligayang pagbalik, Ma’am Catherina, Sir Nick,” bati ni Aling Manda sa mag asawa. “Naku hindi parin kayo nagbabago Sir Nigel, gwapo parin kayo. Kayo din Ma’am Sunny!”

‘L-Lumingon ka… please…’

Tatakbuhin na sana niya ito at handang yakapin ng magsalita ang babaeng kasama ng mga ito, na tinawag na Sunny ni Aling Manda.

“Thanks, Aling Manda! Pipili ba naman si Noah ng mapapangasawang hindi maganda?!” Birong sagot nito.

Nanigas siya sa kinatatayuan.

“Sunny, dalhin mo na sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nako kilala ka ni noa aiah sana pag tyagaan.mo cia ind ka manilawa ky sunny patay na patay.ksi yan kay noah sana alagaan mo cia
goodnovel comment avatar
Dizza Camille Añon
kawawa naman si noah.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   129.

    Hindi tumigil si Noah, walang magawa ang mga naroon para tulungan itong huminto sa malakas na pag ungot. Kaya tinawag na siya ni ma’am Catherina para magpatulong na mapatigil ito. “Aiah, kung hindi mo kaya ay magpahinga ka nalang muna, kami na ang bahala. Maiintindihan naman ni ma’am ‘yon.” Pinahid niya ang luha. “Ayos lang ako, Aling Manda. M-may naalala lang ako kaya naiyak ako. Saka maliit na sugat lang naman ito. Kasalanan ko naman ‘to hindi kasi ako nag iingat.” “Ikaw talaga… o sige bahala ka. Basta kapag napapagod ka ay magsabi ka lang. buntis ka kaya mauunawaan ka ng lahat.” “Salamat po, Aling Manda.” Pagdating sa kwarto ay naabutan niya si Sunny at nurse Allan na tinuturukan ng gamot si Noah para mapakalma. Pero hindi parin ito humihinto. Nang makita siya nito ay saka lamang ito huminto at kumalma. “Aiah, bababa na ako, ikaw na muna ang bahala sa fiancee ko.” Pagdidiin nito sa salitang fiancee bago umalis kasunod ang nurse. Kagat ang labi na yumuko siya. Dama n

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   128.

    “Aiah, sigurado ka ba na kaya mong alagaan si Sir Noah? Hindi ka ba mahihirapan sa kanya?” Nag aalalang tanong ni Aling Manda. Naabutan kasi siya nito na nahihirapan kahit katulong niya sa pagbubuhat ang kadarating lang na nurse nitong si Allan. Kailangan parin kasi ito pagdating sa mga gamot kaya may nurse parin ito. Saka hindi niya kayang mag isa na isakay o dalhin sa banyo si Noah. Masyado itong malaki. “Wag kayong mag alala, Aling Manda. May katulong naman ako sa pag aalaga sa kanya. Saka masaya akong kasama siya—ibig ko pong sabihin ay masaya akong alagaan siya, bukod sa malaki ang pa-sweldo ni ma’am Catherina ay hindi ako nalulungkot.” May pagdududa itong tumingin sa kanya kaya napalunok siya. Mamaya ay may nasabi siya mali. “Sabagay, sisipagin ka talaga kapag malaki ang pasahod. Oh siya umakyat ka na sa taas, baka hinahanap ka na ng alaga mo.” Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay nagduda na ito. Pero ano naman? Wala namang masama kahit malaman pa ng mga ito ang to

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   127.

    Alam niyang nagtataka ang mga ito dahil sa tuwing lumalapit siya kay Noah ay tumitigil ito. Kahit sila Aling Manda ay nagulat at hindi makapaniwala. Kung alam lang nila na si Noah ang nobyong tinutukoy niya. “Aiah, paano mo nagawa ‘yon? May super power ka ba? Parang mas gusto ka pa ni Sir Noah kaysa sa mommy niya at mapapangasawa niya.” Sinupil niya ang ngiti. “Talaga? Kayo talaga, kung ano-ano lang naiisip niyo. Nagkataon lang siguro na huminto siya. Kayo na nga ang nagsabi na masungit ‘yon di’ba? Paano naman ako magugustuhan noon.” Aniya kahit ang totoo ay kilig na kilig siya. “Kawawa si Sir noh? Pinagamot na siya sa ibang bansa pero hindi parin siya gumagaling. Paano kung hindi na siya gumaling? Kawawa naman si ma’am Sunny makakapag asawa ng imbalido. Kung ako sa kanya ay hahanap nalang ako ng iba, babalik nalang ako doon sa dating fiancee niya—“ Nagulat ang mga naroon ng malakas niyang ilapag ang baso sa mesa. “Kung talagang mahal mo ang tao, hindi mo siya iiwan o magha

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   126.

    Muntik na siyang makatulog sa ilalim ng kama. Matagal kasing umalis ang mag asawa dahil ayaw iwan ni ma’am Catherina si Noah. Kinaumagahan ay maaga siyang bumangon at pumuslit sa kwarto nito para batiin ito at halikan sa noo. Nag desisyon na siya. Hindi niya iiwan si Noah. Hindi siya naniniwala na niloko siya nito at nakabuntis ito ng iba. Hangga’t hindi nanggagaling sa labi nito ang totoo ay hindi siya aalis at magpapaubaya. Aalagaan niya ito hanggang sa manumbalik ang lakas nito. Hindi siya aalis at iiwan ito. Kung naging matapang ito noon para itakas siya sa magulang niya. Magiging matapang din siya para harapin ang anumang pagsubok kasama ito. “Aba ang ganda yata ng gising mo ngayong bata ka. Nakausap mo na ba si ma’am Catherina at tataasan ka ng sahod? O nakausap mo ba ang nobyo mo?” Usisa ni Aling Manda ng makita ang malapad na ngiti sa labi niya. Pakanta-kanta pa kasi siya habang nagkukusot. Tinapos niya agad ang gagawin niya para mapuntahan si Noah. “Opo nagkaus

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   125.

    “N-noah!” Humahagulhol na niyakap niya ito. Kanina gusto niyang iwan na ito at magpakalayo-layo dahil ikakasal na ito sa iba at magkakaanak na. Pero ngayong yakap niya ito hindi niya ito magawang pakawalan at bitawan. Mahal na mahal niya ito… isipin palang niya na mawawala ito sa kanya ay ikamamatay niya. Hindi niya kaya. Hindi siya handa ka bitawan ang alaala nilang dalawa na magkasama. Gusto niya itong makasama at mabuo ang pamilya nila. Bumitaw siya dito at sinapo ang gwapo nitong mukha. Ang mga tingin nito ay pamilyar. Kahit paralisado ang katawan nito ay humihiyaw ng pagmamahal ang mata nitong nakatingin sa kanya. Dama niya at ramdam niya ang mainit na pagmamahal mula rito. “N-nakikilala mo ba ako?” Sumusinok na tanong niya. “P-pumikit ka ng dalawang beses kung oo.” Pumikit ito. Nag umahan sa pagtulo ang luha niya. Tama siya, hindi ito nakalimot, paralisado lang ang katawan nito. ‘Diyos ko salamat dahil binuhay mo si Noah! Salamat dahil binalik mo siya sa amin!’

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   124.

    Magkakasunod na sasakyan ang dumating, mga pawang mamahalin at hindi biro ang halaga. Mayaman ang pamilya nila, ngunit mas higit na mayaman at kilala ang pamilya nila Noah. Kaya ginagalang at pinangingilagan ito ng lahat. Bumagal ang tibok ng puso niya ng makita ang pagbaba ng mga sakay. Apat tao ang unang bumaba. Parang dinurog ang puso niya ng ibaba roon si Noah na sakay ng wheelchair, nakatungo ang ulo at parang lantang gulay. “N-noah…” mahinang usal niya. “A-anong nangyari sayo?” “Magandang gabi at maligayang pagbalik, Ma’am Catherina, Sir Nick,” bati ni Aling Manda sa mag asawa. “Naku hindi parin kayo nagbabago Sir Nigel, gwapo parin kayo. Kayo din Ma’am Sunny!” ‘L-Lumingon ka… please…’ Tatakbuhin na sana niya ito at handang yakapin ng magsalita ang babaeng kasama ng mga ito, na tinawag na Sunny ni Aling Manda. “Thanks, Aling Manda! Pipili ba naman si Noah ng mapapangasawang hindi maganda?!” Birong sagot nito. Nanigas siya sa kinatatayuan. “Sunny, dalhin mo na sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status