“Daddy, mommy, thanks for everything po!” Mahigpit na yumakap si Catherina sa mommy at daddy niya ng makalapit rito, at siyempre ay hindi pwedeng hindi niya yakapin ang nag iisa niyang kapatid na si Athena. “Sinabi ko naman sa inyo, hindi ko po kailangan ng ganito kabongga na birthday party. Kahit simple lang po basta kasama kayo ay masaya na ako.” Nag init ang sulok ng mata ng mommy niya. “Mahalaga ang 18th birthday para sa mga babae, anak, kaya we must celebrate it like this. Dapat lang na mas maganda ka sa lahat ng mga bulaklak, anak.” “Tama ang mommy mo, anak.” Sabi naman ng kanyang ama. “Hindi naman kami papayag na sumubsob ka lang sa pag aaral ngayong birthday mo. Prinsesa ka namin, dapat lang na maging masaya ka sa araw ng kaarawan mo. Nagustuhan mo ba ang supresa namin sayo?” Tumango siya rito. “Oo nga, ate.” Sabat ni Athena na kumikislap sa paghanga ang mga mata na nakatingin sa kanya. “Alam mo ba na nahirapan pa kaming pumili nila mommy at daddy ng susuotin mo? Gust
Huling Na-update : 2025-07-28 Magbasa pa