Share

CHAPTER SIX

Penulis: Rhymezaena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-11 03:20:19

Pagkatapos magbihis ni Luke, bumaba siya patungo sa dining hall kung saan naghihintay ang kanyang ina, si Donya Olivia San Agustin. Simple ngunit eleganteng nakaupo ito sa dulo ng mahahabang hapag, nakatingin sa kanya na para bang may gustong sabihin.

Pagkaupo niya, nagsimula na siyang kumain nang walang imik, pero ramdam niya ang pagtitig ng kanyang ina. Ilang minuto pa, napabuntong-hininga ito bago nagsalita.

“Luke, may gusto akong pag-usapan natin.”

Hindi siya tumigil sa pagkain, pero bahagyang nag-angat ng tingin. “Hmm? Ano ‘yon, Mom?”

Nag-aalangan si Donya Olivia, pero sa huli, diretsong sinabi, “It’s about your marriage.”

Agad siyang napahinto, hinigpitan ang hawak sa kutsara’t tinidor. Dahan-dahan niyang itinabi ang kanyang kubyertos at tiningnan ang ina. "Marriage? Anong pinagsasabi mo?"

"Ikaw at si Mitch Alcantara," sagot nito nang diretso. "Napagkasunduan na ng pamilya natin na kayo ang magpapakasal."

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago napatawa si Luke—isang mapait at walang humor na tawa. "pati ba naman ikaw Mom? Ipipilit mo rin sa akin to? You're joking right?"

Napailing ang kanyang ina. "Hindi ito biro, Luke. Matagal nang pinag-usapan ito ng mga pamilya natin. This marriage will strengthen both of our businesses. This is for our future."

Biglang sumama ang timpla ni Luke. Tumayo siya at itinulak ang upuan pabalik, halatang iritado. "So, ganun na lang ‘yon? Papakasalan ko ang isang babae na ni hindi ko pa nakikita nang personal dahil lang sa negosyo?"

His mother remained calm, pero ramdam niya ang bigat ng boses nito. "Alam kong hindi mo gusto ang ideyang ito, anak, pero hindi ba’t ito rin naman ang nakatakdang landas para sa’yo? Ikaw ang tagapagmana ng kumpanya natin. This is your responsibility."

Naglakad si Luke papunta sa malalaking bintana ng dining hall, tinititigan ang madilim na hardin sa labas. "Responsibilidad? O kasunduan lang para mas lumaki ang negosyo ni Dad?"

Olivia sighed, standing up and walking towards him. "I understand how you feel, Luke. But this is how things work in families like ours. Hindi ito tungkol lang sa negosyo, kundi sa pagpapalakas ng legacy natin."

Huminga nang malalim si Luke, pilit pinipigilan ang kanyang inis. "So wala akong choice? Pipilitin ako?"

"Hindi kita pipilitin, anak," sagot ng ina niya nang may lambing. "Pero sana, pag-isipan mo. Hindi mo pa naman kilala si Mitch, baka magustuhan mo rin siya balang araw."

Napailing si Luke, hindi makapaniwala sa pinapakinggan. "I don't believe in forced relationships, Mom. Hindi ako papakasal sa isang babaeng hindi ko mahal."

Lumapit si Donya Olivia at hinawakan ang braso niya, pinilit siyang tignan sa mata. "Then get to know her first. Hindi naman agad ang kasal. Just… meet her. Try to understand the situation. Please, anak."

Tumahimik si Luke. He hated this. He hated being controlled. Pero alam niyang kahit anong pagtanggi niya, hindi ito ganun kadaling takasan.

Matapos ang ilang segundo, tumingin siya sa ina. "I will meet her. But I won't promise anything."

Nagpahilata siya sa upuan, iritable pa rin pero wala nang ibang pagpipilian.

Napangiti nang bahagya si Donya Olivia, alam niyang kahit paano, nagbukas na si Luke sa ideya. "That's all I ask."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENTY-SIX

    A cozy café where Mitch, Luke, their mothers, and Freya are discussing the wedding plans over coffee. Luke, as usual, is impatient, while Mitch tries to keep her cool.Si Mitch, ay nakikipag tulungan sa pagpa-plano. Si Luke naman, obvious na hindi interested at naka-cross arms habang nakasandal sa upuan.“We have exactly one month to prepare. We need to finalize the venue first—“ ngunit pinutol ni Luke ang sasabihin niya.“Kailangan ba talagang pag-usapan lahat ‘to ngayon? Bakit hindi na lang tayo kumuha ng wedding planner?´sabi niya habang nakakunot ang noo.Sumingit sa usapan si Donya Isabella habang nakataas ang mga kilay. “Luke, ang kasal hindi basta-basta lang. Kailangan ‘to ng maayos na plano.”“Yeah, yeah. But do we have to sit here for hours just to pick flowers and tablecloths?” pahayag niya habang minamasahe ang kanyang noo.“Luke, this is our wedding. Could you at least try to be involved?” na pabuntong-hininga na lang si Mitch.“Hinay-hinay lang Mitch. He might flip the ta

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENY-FIVE

    Masaya at makulay ang engagement party, puno ng tawanan at halakhakan mula sa mga bisitang nagdiriwang kasama ang dalawang pamilyang Alcantara at San Agustin. Ang buong venue ay nababalot ng engrandeng dekorasyon—mga luntiang halaman, puting bulaklak na nakalinya sa bawat mesa, at mga gintong ilaw na nagbibigay ng romantikong ambiance. Sa gitna ng selebrasyon, ang mga magulang ng bride at groom-to-be ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga bisita, puno ng sigla at kasiyahan sa kanilang mga mata.Samantala, ang magkasintahan—na hindi tunay na nagmamahalan—ay tahimik na nakaupo sa isang mesa, kapwa nagpapanggap na masaya sa harap ng maraming mata. Magalang silang nagpapalitan ng mga salita, pero may namumuong tensyon sa pagitan nila na hindi halata sa iba.“Smile,”

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENTY-FOUR

    MATAPOS ang matinding pagbili ng engagement outfits, nagpasya sina Mitch at Luke na dumaan muna sa isang restaurant bago umuwi. Hindi ito romantic dinner—at least, hindi sa pananaw ni Mitch—kundi isang practical na desisyon para lang hindi sila parehong magutom matapos ang nakakapagod na araw.Pagkaupo nila sa isang pribadong booth, napatingin si Mitch sa menu at nagtanong, "Ano kayang masarap dito?""Steak," sagot ni Luke nang hindi man lang nag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Mitch. "Wow, hindi ka man lang nag-isip?""Kasi alam kong steak ang best seller nila," sagot nito, saka ibinalik ang atensyon sa menu."Eh paano kung gusto ko ng pasta?" tanong niya, sinusubukan siyang asarin.Hindi siya nilingon ni Luke, pero sumagot ito nang walang pag-aalinlangan, "Then, order pasta."Napasimangot si Mitch. Bakit parang hindi naaapektuhan si Luke ngayon?"Ikaw? A

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENTY-THREE

    HABANG nasa loob ng fitting room, napatingin si Mitch sa repleksyon niya sa salamin. Hawak niya ang red gown na napili niya—eleganteng pulang tela na dumadaloy nang perpekto, may high slit na tamang-tama lang para ipakita ang kanyang confidence."Perfect," bulong niya sa sarili, saka mabilis na isinuot ang gown.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, huminga siya nang malalim at lumabas ng fitting room.Sa kabilang side naman, nakatayo si Luke sa harap ng mirror, suot ang dark gray na suit na napili niya para sa engagement party. Matikas itong nakadisenyo, bumagay sa broad shoulders niya at mas nagpalalim sa kanyang intimidating presence. Kahit seryoso ang mukha niya, halatang kontento siya sa itsura niya.Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa fitting room ni Mitch, automatic siyang napatingin.At doon siya natulala.Dahan-dahang lumakad si Mitch palabas, ang bawat hakbang ay parang sa isang runway model. Ang red gown

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENTY-TWO

    Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik si Mitch. Hindi niya gusto ang idea na sumama kay Luke, pero wala rin siyang choice. Nang bumaba sila sa isang high-end na boutique, napataas ang kilay niya, agad na napansin niya ang mamahaling interior—mula sa chandeliers hanggang sa eleganteng display ng designer gowns at suits."Anong ginagawa natin dito?" tanong niya, nakahalukipkip."Mamimili nga tayo ng isusuot mo para sa engagement party," walang emosyon na sagot ni Luke.“Pwede namang sa ibang store na lang tayo bumili," reklamo ni Mitch habang sinusundan si Luke."Gusto mo ba ng pangit na damit?" sagot ni Luke nang hindi siya nililingon."Excuse me?" inis na sagot ni Mitch. "Wala ‘yon sa store, nasa pumipili!""Exactly. Kaya ako na ang pipili," ani Luke."Ang kapal mo rin, ano?" bulong ni Mitch, pero siniguradong maririnig ito ni Luke.Lumapit sa kanila ang is

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWENTY-ONE

    Sa malawak nilang garden—ang magkaibigan Mitch at Freya, nagkayayaan magpalipas ng oras doon.Hindi niya maiwasan ang nangyari kahapon, hindi mapakali si Mitch. Wala siyang narinig tungkol kay Luke. "So, ganun na lang? Parang walang nangyari?" inis niyang sabi habang iniikot ang straw sa kanyang juice."Nagi-expect ka ba na tatawag siya?" pang-aasar ni Freya habang nagbabasa ng magazine."H-hindi! Hindi naman siya big deal," mabilis na sagot ni Mitch, pero obvious na hindi siya kumbinsido sa sarili niyang sagot.Ngunit parang pinaglaruan siya ng tadhana.May lumapit na kasambahay sa kanila at magalang nitong sinabi “Senyorita, may bisita po kayo.”Nagtaka siya, wala naman siya maalala na may bisita siya darating.“Sino?”Bago pa makapag salita ang kasambahay nagsalita na ang bisita niya.“Ako” walang kalatoy-latoy na sabi nito.Mula sa entrance n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status