Share

CHAPTER 7

Nang makarating kami sa paupahang-bahay ni Beng, dumiretso ako sa kwartong katatapos lang niyang linisin saka inayos sa tamang lalagyan ang mga damit na binili namin.

Sakto lang ang espasyo ng lugar. 'Di kagaya niyong una kong kwarto, mas malinis at maayos na ngayon ang isang 'to. May sarili akong pang-isahang malambot na kama, maliit na lamesa, at isang maliit na cabinet.

Kaagad rin akong lumabas. Tahimik na pasilyo ang bumungad ulit sa akin.

Nadatnan kong nagpapahinga na sa kahoy niyang upuan ang matanda. Sa itsura niya, mula siyang pagod na pagod. Matanda na nga talaga siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya saka lumapit sa pinto palabas.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan." Tugon niya. Rinig ko ang lungkot sa tono niya.

"Tulad ng?"

Hindi ako madaldal na tao pero sa pagkakataong ito, gusto ko ng makakausap. Mukha kasing ang matandang 'to na lang ang nakakaintindi sa akin. At para rin naman 'wag maging tuluyang haunted house ang ambiance ng bahay na ito.

Bigla siyang humiga ng patagilid. Hindi siya makahiga ng maayos dahil na rin sa kuba niyang likod.

"Sa lumipas na mga taon, wala masyadong nangyari sa buhay ko. Wala man lang pagbabago. Ganoon pa rin ang estado ng buhay ko simula noong ako'y ipinanganak." Panimula. Taimtim akong nakikinig sa kanya. "Kagaya ng aking mga magulang, ipinanganak rin silang may bukol sa kanilang likuran kung kaya't hindi sila nakakatanggap ng maayos na pagtrato mula sa mga tao. Mababa ang tingin nila sa mga kagaya namin. Ang bahay na ito ay dating pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante kung saan nagsisilbi ang mga magulang ko. Noong namatay siya, sila ang nasisi kung kaya't pinagtulungan at pinatay rin sila ng mga tao. Limang taong gulang pa lang ako nang mangyari ang bagay na 'yon. Hinayaan nila akong mabuhay dahil napag-alaman nila na sa akin ipinamana ng negosyante ang bahay na ito dahil na rin sa wala siyang ibang kaanak. Kumalat ang balita na sakit sa bato ang ikinamatay niya at napagbintangan lang ang aking mga magulang. Pero hindi man lang naparusahan ang mga taong gumawa niyon. Parang wala lang ang nangyari. Pero matagal naman na iyon, matagal ko na silang napatawad." Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka naging tahimik sa loob ng ilang segundo bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napagtanto ko lang na walang pinatunguhan ang aking buhay simula nang ipanganak ako. Tumanda akong hindi naranasan ang maraming bagay na pangarap ko sanang gawin noong ako'y limang taong gulang pa lamang. Tumanda akong mag-isa at hindi ko man lang naranasan na maging masaya. Tumanda ako na ang tanging kasama lamang ay ang bahay na ito. Pareho lang ang mga ginagawa ko sa bawat araw na lumilipas. Malapit na akong mamatay at lahat-lahat, nasa ganitong sitwasyon pa rin ako."

My heart ached for her. But, I didn't show her that. Tumingin ako sa malayo.

"We live in an unfair society. Equality is only applicable for the people who have power. It is always up to us on how to make our life simple yet full of happiness. But, sometimes, we don't even know who we really are and what are the things that make us happy. All we know is we need to survive from the competition that society has built for us until our last breath comes." I said with such empathy. "It's not too late, though. You may not have enough time, but you still have time to try new things and go out of the place where you grow old. The heck you care with what other people will say. We are all gonna die anyway."

"Napakadaling sabihin pero mahirap gawin. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko pero kapag nasa labas na ako, pinipili ko pa ring bumalik sa loob." Tugon niya.

"Ano ba ang bagay na gusto mong gawin?" I asked.

"Gusto kong masubukang kainin ang mga matatamis na pagkaing galing sa labas. Madalas kong marinig na masasarap raw ang mga iyon kagaya na lamang ng mga cake na gawa sa mga matatamis na prutas. Hanggang hot chocolate na lang na rasyon pa ng gobyerno ang kaya kong matikman. Hindi ko nga maalala kung ano ang lasa ng mansanas at ng iba pang mga prutas dahil maraming dekada na ang lumipas nang huli akong makakain ng mga iyon. Hindi ako pinagbebentahan ng mga tindera sa palengke ng mga iyon dahil takot sila sa akin. Medyo ayos lang rin sa akin dahil nga sobrang mamahal ng mga presyo nila." Kumurba ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Maliban doon, gusto ko ring maranasan na makapagsuot ng mga damit na makukulay. Puro na lang kasi itim ang kulay ng mga damit na sinusuot ko na minana ko pa sa aking ina. Pinangarap kong maging prinsesa noong bata ako." Nagpakawala siya ng mahinang pagtawa. "Napakaambisyosa ko kasi noong bata ako dahil na rin nakakatanggap ako ng malaking suporta mula sa aking mga magulang."

Napabaling ako sa kanya. "How about this house? May plano ka bang gawing makulay man lang ang lugar na ito?"

"Kahit pa maging makulay ang bahay na ito, wala ng magbabago. Baka nga sa mga susunod na mga taon ay tuluyan na itong gumuho dahil sa dami na ng sira. Kapag nawala ako, mawawala na rin ang bahay na ito. Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na dapat kong subukan bago ako mawala."

I stood straight saka kinuha ang walis tambo na nasa gilid lang ng pinto.

"Bago 'yan, simulan natin sa paglilinis nitong bahay mo. Kapag maayos na itong tingnan kahit na marami na ang sira, ang iyong sarili naman ang iisipin mo." Usal ko.

Inimulat niya ang kanyang mukha at nagtataka akong tiningnan.

"Ako na ang bahala sa itaas. Ikaw naman dito sa baba." Tipid akong ngumiti sa kanya bago naglakad patungo sa itaas.

Hindi ko alam ang ginagawa ko, basta ang alam ko lang, gusto ko siyang tulungan makamit ang isang bagay na hinihiling niya na kung saan walang ibang makapagbibigay kundi siya mismo. Kailangan lang niya ng kaonting tulong at handa naman akong gawin iyon kahit na walang kapalit.

***

Makalipas ang dalawang oras, natapos ko ng linisan ang dalawang palapag sa itaas. Maraming hindi gamit na kwarto roon at halos lahat sila ay pinamamahayan ng daan-daang gagamba at iba pang klase ng insekto. Sa katandaan ni Beng, hindi na nga niya talaga magagawa pang linisan ang mga iyon.

Nang makababa ako, nadatnan kong pinupunasan niya ang kanyang maliit na lamesita na gawa sa kahoy.

Bumaling siya sa akin nang mapansin ang aking presensya. Tumigil siya sa ginagawa saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo naman kailangan linisan lahat ng kwarto roon dahil hindi naman na ginagamit ang mga iyon. Pinagpawisan ka pa tuloy." Kastigo niya sa akin.

"Malay natin, baka may biglang makaisip na magrenta sa isa sa mga kwarto mo, at least malinis na." Tugon ko saka inilapag sa isang sulok ang dala kong walis.

Napatawa siya sa sinabi ko. "Sino naman ang makakaisip na magrenta sa bahay na ito?! Mas gusto na ng mga tao ngayon ang mga magagandang apartment o 'di kaya ay motel. Mas gusto nila ang mas malinis at matibay na titirahan."

"Malay natin. Hindi naman natin nakikita ang hinaharap." Pilit ko pa.

Napailing-iling lang siya sa akin.

"Siya nga pala, may alam ka bang lugar na pwede kong pagtrabahuhan pansamantala?" Tanong ko sa kanya.

Napaisip siya saglit. "Meron, pero mahirap. May kakilala akong naghahanap ng bagong trabahante para sa mga alaga niya."

"Anong klaseng trabaho?"

"Taga linis ng dumi ng mga kabayo."

Kaagad na nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"At magkano naman ang sweldo?"

"Dalawang daan sa isang araw. Pero kung gusto mo, pwedeng pati sa pag-aalaga ng kabayo ay pwede mo rin gawin. Magiging apat na raan na ang magiging sweldo mo." Sagot niya.

Napaisip ako saglit. Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil mukhang magtatagal ako rito. Medyo hindi rin kasi maganda ang unang pagkikita namin ng lalakeng 'yon kaya mukhang mahihirapan akong makuha ang kailangan ko mula sa kanya.

"Saan ko siya pwedeng makita?"

"Sigurado ka ba na gusto mo ang ganoong trabaho? Hindi ba naman bagay sa kagaya mo ang ganoong trabaho."

"Sigurado ako. Kaya kong gawin kahit ano. Pansamantala lang rin naman ito." Tugon ko.

"O siya sige. Mamayang alas kuatro ng hapon, doon sa karinderya na nadaanan natin kanina, tatambay roon si Silas, ang may-ari ng mga kabayo. Sabihin mo sa lang sa kanya na ako ang nagpadala sa 'yo. Madalas siyang nakasuot ng pulang sumbrero at asul na buta. Mabilis mo siyang makikilala dahil kilala siya ng mga tao." Anya.

"Sige. Pupuntahan ko siya mamaya."

"Sa ngayon, magpahinga ka muna. Magpalit ka rin ng damit. Bumaba ka na lang kapag aalis ka na. Ako na ang bahala dito." Utos niya.

Tahimik naman akong tumango at sumunod sa kanya.

Umakyat ako sa taas saka dumiritso sa aking kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at makalipas lang ang ilang minuto ay kaagad na dinalaw ako ng antok.

Medyo napagod ang katawan ko sa paglilinis. Mabilis ng napapagod ang katawan ko ngayon. Tama nga si Buenco na hindi na ako lumalakas sa bawat araw na lumilipas.

***

Nang pumatak nga ang alas kuatro, kaagad akong nagtungo sa karenderya na sinasabi ni Beng. Pero inabot na akong ng gabi, hindi ko pa rin siya nakikita.

Tumingin ako sa orasan na nasa isang sulok ng karenderya. Malapit ng mag-alas siete.

Naisipan ko na lang tumayo at lumabas. Susubukan ko na lang ulit bukas.

Pero bago ako tuluyang lumbas, naisipan kong bilhin ang nag-iisang kulay kayumangging cake. May natitira pa naman akong pera.

Nang makapagbayad na ako, tatalikod na sana ako pero bigla na lang akong napahinto nang may isang malaking pangangatawan ng isang lalake ang nasa harapan ko.

Kaagad ko siyang namukhaan at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo. Napansin ko ang biglang pananahimik ng mga tao sa paligid at alam ko na kung bakit.

I immediately acted cool as if my heart is not about to burst out of my chest any seconds now.

"Baka iba isipin mo, binayaran ko 'to." Pinakita ko pa sa kanya ang cellophane kung saan nakabalot ang cake. "Kahit tanungin mo pa si ali." Tukoy ko sa tinderang binayaran ko.

"Nobody said you stole them." He responded in a cold tone.

Parang bigla namang unti-unti na lang na natunaw ang inhebisyon ko sa katawan dahil lang sa boses niya.

I rolled my eyes. "Whatever." I said bago siya nilagpasan.

Pero hindi pa man ako nakakalayo simula ng makalabas ako, muli na namang akong napahinto sa paglalakad.

"Where do you think you're going?" He asked in an authoritative tone.

Humarap ako sa kanya. "It's none of your business to ask, but, I'm going to my place." I sarcastically replied.

Tinitigan niya ako. I could see the reflection of the moon in his beautiful and tantalizing eyes.

"You do not talk to me like that." He said.

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "And why is that? Paano ba dapat kita kausapin? Should I be bowing my head in front of you or maybe I should be kneeling?! Sorry to offend you, but I don't do that. Instead, people do those for me." I replied with such confidence.

Bigla siyang ngumisi dahilan para halos bumigay na lang ang mga tuhod ko.

"You want me to do that for you? You want me to kneel in front of you?" He asked in a seductive tone.

In different chances or scenarios, I would say yes. But, this shit must not get into my nerves.

I smirked back.

"Someone is already doing that for me." I responded and it was a lie. I am not that heatless.

I didn't know if I was just imagining things but he was caught off guard with my words. Bigla na lang siyang natameme and I saw how his fists clench.

Is he mad?! For what I said?!

I saw him let out a deep breath and then turned his back at me and left without another word.

What the heck is wrong with him?

Bakit ba bigla-bigla na lang siyang susulpot galing sa kung saan tapos bigla na lang aalis kapag may nasasabi akong hindi niya nagugustuhan?

Tinitigan ko lang ang likod niya hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

I shook my head and decided to get him out of my system and started walking.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status