Magalang na tumahimik lamang ito.
“ Thessa, nakita kung si Bella ay mahimbing pa ang tulog, at saka malapit lamang ang ang aking bahay kaya makakabalik lamang ako agad, upang kunin lamang ang aking mga sinampay na damit, kaya ako napabalik ng biglaan. Pagpapaliwanag ni Manang Aurora sa amo nito na si Thessa.
“Si Bella ay okay na ngayon. Kapag abala sa bukid sa nayon sa pagtatrabaho, ang mga Bata ay na nanatili lamang sa bahay nang mag-isa, at walang halos nangyari buong taon, papano na ang isang batang sanggol na Babae ay naging maselan? Hindi sya Lalake.” usal ni Thessa
At sa puntong iyon, si Manang Aurora muling inituwid ang kanyang likod.
“Ang tatay ni Bella ay gumagawa lamang nang gulo, wala kang alam, sinisisi niya lamang ako, ilang buwan na akong nagtatrabaho sa bahay niyo at kailanman hindi pa ako napagkamalan ng ganito. Thessa, meron ka para bigyan ako ng kompensasyon.” Pagtatampong boses nang Tiyahin mula kay Thessa.
Si Thessa ay tumingin sa Tiyahin at nanh lamig ang kanyang mga mata, “Una sa lahat, hindi siya ang Ama ni Bella, at pangalawa, nagtatrabaho ka kaya ka nandito sa akin, walang nangyari sa ngayon pero paano naman kung may nangyari talaga?”
Gayon pa man ay nakita naman iyon ng Tiyahin niya ang pagkakamaling nagawa, nawalan lang ito nang mood at dahilan rin nang ito'y medyo kinakabahan.
Hindi lang dahil sa binibigyan siya ni Thessa ng pera, kundi kadalasan kasi ay hinihiling pa nito sa kanya na mag-uwi ng karne at gulay.
Regular na inihahatid ang mga sangkap para sa pamilya ni Thessa, mga pagkaing dagat na kailanma'y di pa nila natitikman.
“Thessa, ipinapangako kung hindi ko na ito ulit gagawin sa hinaharap, bigyan mo pa si Tiyahin nang isa pang pagkakataon.”
Alam niyang si Thessa ay masyadong mapagmahal ng sobra sa anak na Babae, gusto niya nang kunin ito sa mga kamay ni Carlo, “ Bella, mahal, halika lumapit ka kay Lola, yakapin mo ako.” mahinahong pagtawag nang Tiyahing si Aurora.
Ngunit yumuko ang lalaki, at hindi man lang ito pinagbigyang mahawakan ang bata.
Nang makitang si Tiyahin Aurora ay may dumi sa kanyang mga kamay, at naisip kung makita itong nakayakap sa bata ng ganito, ay muli nanlamig ang mga mata ni Thessa at agad na kinuha ang ang sahod nito mula sa kanyang pitaka.
“Tiya, Auntie, ikaw ay tinatanggal ko na mula ngayon, at hindi mo na ho kailangang bumalik pa muli sa hinaharap.” deretsahang usag nito ni Thessa sa kanyang Tiyahin at tila galit na galit.
Biglang natigilan si Manang Aurora sa narinig…
“At talaga Thessa? Isa kang babaeng walang awa, walang puso, paalisin mo ako dahil sa ganitong dahilan? Kaya naman pala hindi maipagkakaila na hindi ka gusto ng lalaki mo!” Galit na galit na boses ang nailabas ng Tiyahin niya dahil sa inaakala nito’y mabigyan pa ng pangalawang chansa.
Direktang itinaboy ni Thessa ang Tiyahin at sinabing:
“ Lumabas kana! At huwag na huwag ko nang makita ka pa dito muli!”
Sya ay naninirahan kasama ang kanyang Pamilya sa Baranggay Payapa, sa loob ng isang panahon noong siya ay bata pa lamang, at umalis didto nong nakapasok na sa paaralan.
Pagkatapos ng diborsyo, wala itong kaalam-alam kung san papunta, kaya naman pumunta ito sa Branggay Payapa kasama ang kanyang anak na Babae, Sa mga oras na iyon ang kanyang tiyan ay hindi pa lumalaki, at kalaunan ay sa tagal ng paninirahan pa unti-unti na itong lumaki, at doon na nagsimula ang usap-usapan na pumunta lamang siya sa lugar na iyon dahil nga inabandona ito nang kanyang Lalaki.
Kaya naman dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon na nakasalba ito ng isang buhay na taga roon, ang saloobin ng lahat sa kanya ay biglang nagbago.
Kaya naman para sa kanilang maliit na village, ito ay tanging pinagkukunan ng medikal at tanging pinakamahalagang bagay.
Ngunit bago paman sya dumating, ang mga tao ay pinupuntahan siya sa anumang maliit na problema.
Gayon pa man, hindi pa natatapos ang alitan ng dalawa, biglaan na lamang ang pag bulabog nitong si Manang Aurora tungkol sa totoo nitong si Thessa.
Hinawakan niya ang gate ng bahay ni Thessa, tumanggi pa nga itong umalis at nagbanta.
“Thessa, sinabing mong ang lalaking iyan ay hindi ama ng iyong anak na Babae, pero siya ang iyong manliligaw tama?”
“ Nakikita kung ayaw sayo ng dalawa niyang anak, hindi kaya dahil nagnakaw ka ng asawa ng iba? Sinabi ko na ang isang magandang Babae na tulad mong mag isang nagpapalaki ng kanyang anak at walang katuwang na lalaki sa tabi ay hindi isang magandang bagay.
“Marami na akong nakikitang Babaeng tulad mo, mga asungot lamang sila at nagpapanggap pa na mabait, kaya naman hindi maitatanggi na ang Anak mong Babae ay magiging katulad mo rin paglaki!” Ang di inaasahang bastos na mga salita mula sa Tiyahing si Aurora.
Kaya naman si Thessa ay di mapigilan na sampalin ang Tiyahin sa ikatlong beses!
“Umayos ka ng pananalita!” At agad na hinawakan ni Thessa ang Tiyahin upang ng sagayon ay maka alis na ito.
Ang Tiyahing si Aurora ay biglang natigilan sa pambubugbog, matapos nga ang reaksyon nito ay agad na napa upo sa lupa at nag-tantrum.
“Walang hiya! May nambunogbog Ang mangangalunya at ang patutot ay binu-bully ang matanda!”
"Thessa… gusto kong marinig mula mismo sa ‘yo." panimula ni Carlo.Pigil ang damdaming bumabagabag sa kanyang dibdib. Ang tinig niya’y halos bulong na lamang, mababa, puno ng pangamba at pag-aalinlangan."Si Bella… anak ko ba siya?" anito.Tila may kung anong pagtataka sa mga mata ni Thessa habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Naguguluhan siyang tinatanong ang sarili: hindi pa ba lumalabas ang resulta ng pagpapasuri niya bilang isang ama?Sa tanong ni Carlo, umikot-ikot muna sa loob ng kanyang isipan ang mga sagot, tila ba naghahanap ng tamang salita sa pagitan ng damdaming pilit niyang ikinukubli. Ngunit sa huli, isa lamang malamig at walang-buhay na salita ang pinakawala niya.Thessa: "Hindi." kalmado niyang tugon.Mabilis na tumalikod si Thessa at lumakad palayo nang walang pag-aalinlangan, walang baling ng ulo. Hindi siya lumingon kahit isang beses. Tila ba bawat hakbang ay pagputol sa tanikala ng nakaraan.Hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay-laruan, a
Lumapit si Bella habang yakap-yakap ang kulay-rosas niyang munting fox plushie, at pinapahid ang antok sa kanyang mga mata.Ang munting bata ay nakasuot pa rin ng kanyang isang pirasong pajama, at ang buhok niya'y magulo pa mula sa pagtulog. Ngunit sa halip na makabawas sa kanyang itsura, mas lalo pa siyang naging kaibig-ibig at malambing sa paningin, parang isang malambot na ulap na gusto mong yakapin buong maghapon.Diretsong lumapit si Bella kay Carlo na nakaupo sa sofa. Walang alinlangan, umakyat siya sa kandungan nito gamit ang kanyang maliliit na kamay at paa, na para bang likas na sa kanya ang pagiging malapit dito.Parang isang kuting na naghahanap ng init, dumapa siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim, tila ba doon siya pinakapanatag.Ipinaliwanag naman ng yaya na nagdala kay Bella, "Ginoong Carlo, tumanggap po ang ating munting ng tawag na emergency kagabi, kaya lumabas siya. Nang magising siya kanina, hindi niya nakita ang kanyang ina kaya siya lumapit sa inyo." anito
Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k