Home / Romance / THE SEX CONTRACT / LOVE AND CAPRICES

Share

LOVE AND CAPRICES

Author: Jade Tattoo
last update Last Updated: 2024-09-13 15:27:39

FREY (flashback)

"FREY, huwag mo akong takasan..."

Walang sinoman ang may kakayahang mag utos sa katawan ko gaya ni Dark. At insulto 'yon dahil katanghaliang tapat at unang araw ko pa lang siyang nakaharap nang personal.

Nang ganito kalapit.

Humigpit ang mga kamay niya sa siko ko nang magmatigas akong humarap kaagad. At walang kahirap-hirap niya akong naakit na tumingala sa kanya sa sumunod na segundo.

Sigurado ako na ayoko sa kanya. Mayabang, brusko, womanizer, at pangit ang lahat ng naaalala ko tungkol sa kanya pero bakit ganito ang katawan ko?

Sa loob ng organisasyon ng Black Beretta na nagtatago sa tarheta ng Rainbow City, tinuruan din ako ng self defense. Na walang inaasahang kahit anong gadget o gamit maliban sa sariling parte ng katawan mo.

Kabisado ko ang pressure points ng tao para gawing imbalido o higit pa.

Ang survival ay kakambal ng body instincts at matalas na reflexes na hinasa sa matitinding mga trainings. Mga trainings na hindi ipinagkakait sa lahat depende sa kaya ng tolerance level mo.

Hindi ko kailangan ng baril para pumatay ng tao o balian siya ng buto.

Kaya ko siyang i-headbat, kagatin ang ugat sa leeg, basagin ang kanyang paglalaki o higit pa kahit hawak niya ang mga kamay ko pero hindi ko magawa.

Napakabango niya, malakas at nakakamangha ang presensiya. Sobra akong nai-eskandalo. Umaagos sa hangin ang matinding kapangyarihan na hindi nakikita pero kaya akong gawing walang silbi.

Posible ba ito?

Posible ba na habang inaatake ka nang ganito ay umaasa ang katawan mo nang higit pa? Na mas gusto ng katawan ko na lumapit pa siya sa akin?

Nagmura ako sa isip ko. Isa itong malaking kalokohan.

"Kung alam mo ang tungkol sa Rainbow City, alam mo rin na parang suicide kung kukunin mo akong secretary, hindi ba?" Iniwas ko ang mukha ko sa kanya.

Nagpapanggap na ordinaryong community ang bayan ng San Lucas. Isang maliit na lugar sa dulong silangan sa baybaying dagat ng siyudad ng Villasin.

Pero kung hindi ka pamilyar sa ilegal na serbisyong meron sa loob nito, hindi mo malalaman ang pangalan nila kasama ng bawat kontrata.

Mga kontrata na nagtatago at nagaganap sa loob mismo ng mga eskwelahan kung saan may mga inosenteng mga bata ang madadamay.

Nakakalat ang mga galamay at tauhan sa malalaki at maliliit na negosyo hanggang sa mga depressed area ng lungsod.

Mahusay na facade ng samahan ang pink na logo ng rainbow sa kapirasong papel gaya ng isang tusong pandaraya.

Ang Black Beretta ay dating Arms and ammunition Industry na dating pinatatakbo ng isang Mafia Lord. Na nang mamatay ang pinuno ay nagkanya-kanya ng samahan ng mga tiwaling miembro nito.

Sila-sila mismo ang nagpatayan para sa kapangyarihan.

Ang isang sangay, kalaunan ay naging kanlungan ng mga bounty hunters at hired killers na walang tiyak na bilang sa ngayon.

Ang pinuno nila, si Anna Medrano ay nag iisang anak ng dating Mafia Boss na nagligtas noon sa buhay ko. At oo, nahaharap ito sa malaking delubyo sa ngayon.

Ang kaibahan, hindi ako isa sa kanila. Ginusto ko rin pero sinukuan ko na dahil sabi ni Anna, wala sa DNA ko ang gumanti sa kapwa at kakayahang pumatay.

Oportunidad na nakuha ng ibang miembro sa loob ng maiksing panahon.

Kaya nga nainsulto ako at pumatol sa alok ni James mag trabaho sa kumpanya ni Dark.

Dahil wala akong pagpipilian.

Kung totoo na share holder ng kumpanya ni Dark si Ray, 'yon na ang pinakamabilis na paraang naisip ko para patunayang mali rin si Anna.

Sa kasamaang palad, narito ako ngayon sa harap ni Dark at kailangan ko pang lumusong sa hukay makuha lang ang kailangan ko.

"Tanggapin mo ang trabaho at sisiguraduhin ko na pareho tayong makikinabang." Tumama sa balat ko ang mainit niyang hininga kaya napilitan akong harapin siya. Ang baritonong tinig ay parang maligamgam na agos ng tubig.

Gusto kong manliit dahil bihag niya ako at wala akong magawa.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi mo rin ako kilala."

"Ang mama mo ang pinakamahalagang tao sa buhay mo. At sa nakalipas na mga taon, ginagawa mo ang lahat para makapasok sa organisasyon ni Anna. Hindi mo kayang mabuhay na malayo sa isla nila at wala kang direksyon sa buhay dahil gusto mo sigurong maghiganti sa step dad mo."

"Tumahimik ka!"

Ang tungkol kay Ray at sa atraso niya sa amin ng mama ko ang nag iisang bagay na nasa loob ng isip ko na walang ibang nakakaalam.

Nagawa kong kumawala kay Dark at sinampal ko siya nang malakas.

Ang pakiramdam na kilala niya ako ay mas malala sa pakiramdam na hubad ako at nakikipagtalik sa kanya sa isang libo at isang paraan.

Gusto kong sumabog sa matinding galit.

"S-Sino ka ba sa tingin mo? Sino ka para paglaruan ang damdamin ko?"

Papatay ako kung mali ang kanyang sagot. Patawarin ako ng Dios.

Nagbuntong-hininga si Dark. "Its Warren Samaniego. And my life is a living hell being the favorite son of my narcissist mother. I'm nothing but her puppet. Wala na ring saysay ang buhay ko kung hindi ka magiging akin."

"Baliw ka ..." umaatras ako pabalik sa loob ng office niya. "Wala pa akong nakilalang kasing baliw mo." Nasa gitna pa rin ako ng isang delusyon at hindi ko alam kung paano ako makakatakas.

Ipinako niya ang sarili kung saan ko siya iniwan.

"Kung tatanggapin mo ako, hindi ako gagawa ng bagay na labag sa loob mo. Makukuha mo ang level ng respeto na inaasahan mo. Titigil ako kapag sinabi mong tumigil. Tatalon ako sa bangin kapag sinabi mong gawin natin 'yong dalawa. Sasambahin kita, Frey, hanggang sa huling hininga ko. Pero wala sa pagpipilian ang iwan mo ako nang walang sapat na dahilan."

Nalasing ako sa mga salita niya. At sa katotohanang parang nagsasabi siya nang totoo at walang ibang pagpipilian kundi maniwala.

Posible ba na may lalaking ganito sa mundo?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
Iwan Wala Ako maintindihan sa kwento mo buset......... parang Tanga hahhah
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE SEX CONTRACT   THEIR ENDLESS CONTRACT

    FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali

  • THE SEX CONTRACT   OUR FOREVER

    FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.

  • THE SEX CONTRACT   THINGS WE DO FOR LOVE

    FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s

  • THE SEX CONTRACT   SILENT WAVES

    FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u

  • THE SEX CONTRACT   ONE ENEMY DOWN

    FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan

  • THE SEX CONTRACT   IN THE HANDS OF DEATH 2

    FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status